PAGBABALIK... Chapter 8
Sa pagpapatuloy ng ating kasaysayan...
PAGBABALIK Chapter 8
by anakngfaraon
“Dalian mo na! Iwan mo na iyang tuwalya diyan, wala namang kukuha niyan eh,” sabi ni Joanne. Inilatag ko ang mga tuwalya sa buhangin at hawak-kamay kaming tumakbo papunta sa dagat….
Tok tok tok. Pag mulat ko, wala ako sa dagat kundi nakahiga sa sofa. Nakatulugan ko na ‘yung pinapanood ko sa T.V.
Tok tok tok. Alas-onse na ng gabi, sino kaya ‘yung kumakatok? Tumayo ako ng sofa, nagsuot ng tsinelas, at naglakad papunta sa pintuan na pilit sinasariwa ang panaginip.
Pagbukas ko ng pintuan ay biglang pumasok ang taong kumatok nang hindi ko naman iniimbitahan. Si Robert pala. “Ruben, kailangang tulungan mo ako,” pakiusap ni Robert.
Balisa si Robert at medyo amoy anghit na siya. Malago na rin ang bigote at balbas niya. Biglang pumangit at tumanda ang hitsura niya sa maikling panahon.
Pinaupo ko si Robert at inalok ng maiiinom – tubig lang. Mahirap nang alukin ng alak. Matapos niyang lagukin ang tubig ay ipinikit niya ang kanyang mga mata sandali. P
inagmasdan ko lang muna siya. Medyo kinakabahan din ako. Kung siya nga ang pumatay kay Senyor Delfin, kaya rin niya siguro akong saktan.
Dahan-dahan kong kinuha sa kamay niya ang baso at inilapag sa lamesita. Ano kayang klaseng tulong ang kailangan niya? Gusto niya kayang itago ko siya? Eh kung ganun ang gusto niya, saan ko siya itatago? Hindi pwede dito sa bahay, at saka ayoko siyang itago. Ayokong madamay.
“Robert, hindi ko alam kung anong klaseng tulong ang inaasahan mong maiibibigay ko sa iyo, pero ...”
“Ruben, nakita ko kung sino ang pumatay kay Senyor Delfin,” sabi ni Robert.
“Eh d-di ba i-ikaw ang pumatay sa kanya?”
Umiling si Robert at napabuntong-hininga. “Ruben, hindi mo naiintindihan eh. Kaya nga kailangan ko ng tulong mo eh kasi napapabalita nang ako ang suspek.”
“Robert, kung akala mong tutulungan kitang magtago at umiwas sa pananagutan mo, nagkakamali ka.”
“Pero wala akong pananagutan dahil hindi ako ang pumatay kay Senyor Delfin!”
“Eh sino?”
“Si Ernesto!”
“Si Kuya Ernesto? Sigurado ka?”
“Ruben, hindi ako nagkakamali. Siya ang nakita ko,” sagot niya.
“Sana gumawa ka ng ingay, sana sumigaw ka para hindi natuloy iyon.”
“Robert, gusto ko mang pigilan siya at tulungan si Senyor Delfin eh naunahan ako ng kaba,” sagot ni Robert.
“Wala bang ibang tao sa paligid?” tanong ko.Umiling si Robert.
“Hindi masyadong tinatao ang lugar na iyon. Pero Ruben, nakuhanan ko ng litrato si Ernesto sa aktong pagpatay kay Senyor Delfin.”
“Alam kong manyakis iyang si Kuya Ernesto, pero hindi ko akalaing kaya niyang pumatay,” sagot ko.
Ako naman ang nangailangan ng maiinom kaya sandali akong pumunta sa kusina upang uminom ng isang baso ng tubig. Madali naman akong bumalik sa sala upang malaman ang istorya ni Robert.
“Robert, paano iyon nagsimula? Nakita mo ba silang nag-away? Nagsagutan?” tanong ko.
“Hindi ganun. Walang away. May isang oras na ako doon sa batuhan. Nag-aabang ako sa paglubog ng araw para makuhanan ko. Tapos narinig ko ang boses ni Ernesto, parang may gusto siyang ipakita kay Senyor Delfin. Siguro napapagod na si Senyor Delfin kaya tinatanong niya si Ernesto kung malayo pa ba kasi madilim na. Gusto ni Senyor Delfin na ipagpabukas na lang. Pero mapilit si Ernesto. Maya-maya may itinuro siya kay Senyor Delfin sa may bandang damuhan. Pagyuko ng matanda ay pumulot ng bato si Ernesto at ipinukpok nang malakas sa ulo nito. Umungol si Senyor Delfin kaya sinundan pa ni Ernesto ng dalawang bayo sa ulo. Matapos niyang gawin iyon, kumaripas na ako ng takbo,” kuwento ni Robert.
Yumuko si Robert at minasahe ang kanyang noo.
“Robert, sa dagat natagpuan ang katawan ni Senyor Delfin, hindi sa may batuhan,” sagot ko.
“Alam ko, nabalitaan ko rin iyan. Malamang hinila niya ’yung katawan ng matanda at inihulog sa dagat,” sagot ni Robert.
“Kung ganun, bakit ka nagtago? Bakit hindi ka agad nakipag-coordinate sa mga pulis? Kung nai-report mo agad yung mga nakita mo eh di sana hindi ka na napagbintangan at nahuli na agad si Kuya Ernesto?” tanong ko.
“Balak ko kasing ma-develop muna yung mga litrato. Dumiretso ako sa dark room na inuupahan ko doon sa bayan at sinimulan ang proseso. Habang hinihintay kong matapos, lumabas muna ako para bumili ng hapunan. Doon ko nalamang nawawala ang wallet ko. Paglabas ko ng tindahan, biglang hinarang ako ni Ernesto. Sabi niya sa akin, kung ano man daw ang nakita ko eh mag-iingat ako at tumahimik na lang dahil kung hindi, titiyakin niyang ganun din ang magiging kahihinatnan ko,” patuloy ni Robert.
“Pero kahit ano pa man ang sabihin niya, hindi ka dapat natakot kasi may ebidensya ka, di ba?”
“Yun pa nga yung isang problema. Dahil nawala ang wallet ko, hindi ko mailabas yung mga dinevelop kong litrato kasi hindi ko mabayaran yung balanse ko sa upa sa dark room. Kaya nga nandito ako para humingi ng tulong sa iyo para makuha ko yung mga litrato at nang maipakita ko na sa mga pulis.”
Matapos magpaliwanag si Robert ay parang nananaginip pa rin ako. Parang sa mga pelikula lang ang mga ganitong pangyayari.
“Yung dark room, bukas pa ba ngayon iyon?” tanong ko kay Robert.
“ Kung mababayaran ko ang balanse, mabubuksan natin iyon. Binawi na kasi sa akin yung susi pero sabi naman nung nagbabantay pwede ko siyang puntahan kahit anong oras para bayaran yung balanse at ibibigay ulit sa akin yung susi,” sabi ni Robert.
“Kung ganoon halika na’t kumilos na tayo nang matapos na ang gulong ito.”
end of chapter 8.
Kung nais ninyong basahin ang mga nakaraan...
waaahh!
ang basa ko nung una dun sa simula "DILAAN MO NA!"
http://pirmiskalang.multiply.com/
"Bago mo husgahan ang iyong kapwa, kumain muna tayo."
naman!
uy, konti na lang patapos na! pirmiski, ikaw ang epilogue di ba? kool... abanagan ko iyan...
*****
"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka."




na-corner yung storya!
na-corner yung storya! lagot!
http://pirmiskalang.multiply.com/
"Bago mo husgahan ang iyong kapwa, kumain muna tayo."