Ang Pagbabalik Chapter 9

| |

Mga katoto at kapatid sa pluma, ang  pagpapatuloy ng ating naantalang salaysay... 

Ang Pagbabalik Chapter 9 

ni sir gawain

“Isang libo’t limang daan lahat, Ruben.”

 Salitan ang tingin  ng kasera ni Robert sa aming dalawa. Palihim na mga sulyap na parang nagsasabing, “Alam kong darating ang pagkakataong ito, Hehehe..” at sa   unang tyempong makalingat kami ay tatawag siya ng pulis. Tila may pabuya ang makapagtuturo kung nasaan si Robert. Tantya ko ay binibilang na niya sa isip nya kung magkano ang makukuha nyang pera at nakatalaga na kung saan gagastusin ito. 

Wala namang problema doon, tutuloy nga din kami sa mga pulis. Kailangan lang madevelop ang mga larawan… 

“Salamat. Eto na ang susi.” Mabilis na kinuha ni Robert ang susi at binuksan ang studio/dark room. Ini-lock niya nang makapasok kami. 

“Dali, Ruben. Kailangang matapos ito bago dumating ang mga pulis…o kung sino pa man ang darating…” May takot sa boses ni Robert.  

Maayos pa rin ang dark room…Iningatan ng kasera ang kanyang “investment” hangga’t di dumarating si Robert. Mabilis nguni’t maingat siyang kumilos sa pagdedevelop ng larawang magsasalba sa kanya sa silya elektrika.

Mainit sa dark room at butil-butil na ang pawis namin. Gusto ko man tumulong ay wala naman akong alam sa pagdedevelop. Baka makasira pa… Sampung minuto ang lumipas... labing lima… dalawampu.  

“Tingnan mo, malapit nang lumitaw.” Tiningnan ko ang mga nakababad na piraso ng papel na saksi sa malagim na krimen. 

Iniangat niya ang unang larawan, inipit sa maliit na sampayan…at sa malamlam na pulang ilaw ay unti-unting kong naaninag ang nakahahambal na pagpatay ni Kuya Erning kay mang Delfin.  

Isa-isang inipit pasampay ni Robert ang serye ng walang habas na pagpukpok ni Kuya Erning sa ulo ng nakalugmok na si Mang Delfin. Isang marahas at mabalasik na pagtapos ng buhay. Lubos kong naintindihan ang takot na pumigil kay Robert na tulungan si Mang Delfin nang oras na iyon. Ang nakita kong Ernesto ay hindi ang dating nagbabait-baitang Brother Erning. Sa kanyang mukha ay makikita ang masidhing pagnanasang makapatay. Halos nakangisi pa sa kasiyahan. Parang babaliktad ang sikmura ko.  

Mahusay ang pagkakakuha ni Robert. Walang dudang isa siyang propesyonal. Kung ako yun, naghahalo siguro ang luha at nginig ng kamay at malamang na puro malabo ang lalabas na imahe. Naisip ko sa pagkakataong ito, bigla siyang  naging matured na tao. Di na siya saling-pusa sa buhay. Nakita na niya ang mukha ng lagim... 

Isang malakas na katok ang narinig namin. Ang mga pulis...                                                   

Inilagay ni Robert ang mga larawan sa isang envelope. Sabay kaming lumapit sa pinto at nang buksan ko iyon ay naroon nga si Sarhento at dalawang pulis. 

“ Ahh, Ruben...alam mo bang ang pagtulong sa isang kriminal ay krimen din?” 

“ Tayming po kayo, Sarhento, eto ang ebidensiyang walang kasalanan ang taong ‘to..”

Iniabot ko ang envelop kay Sarhento na matalim ang tinging kinuha sa kamay ko ang envelope. 

Isa-isang tiningnan at pinag-pasapasahan ng tatlong pulis ang mga larawan. Rumehistro sa mukha nila ang pagkahambal, subali’t kahit sino marahil ay ganoon ang magiging reaksyon.  Mabilis na nagdesisyon si Sarhento.  

“Reyes, tumawag ka ng back-up, pupunta kayo kay Judge Hidalgo at hihingi ng warrant. Pumunta kayo pagkatapos kina Ernesto. Nasa-ospital nga pala ang asawa nya n’un pang  isang araw...food poisoning daw pero may hinala akong poisoning lang...Halughugin nyo ang bahay at maghanap kayo ng ano mang lason na makikita ninyo.” 

Dagling umalis si Reyes. 

Hinarap kami ni Sarhento. “Ikaw, bata,” pagalit na baling nya kay Robert. “Ano’t nagtago ka? Sana’y natapos agad ito”. 

“Natakot po ako.”  Nangingilid ang luha ni Robert. “Ngayon lang po ako nakakita ng ganoon. Muntik ko na nga pong nailaglag ang camera, e.” 

Inilagay muli ni Sarhento ang mga larawan sa envelope. “Ngayon lang din ako nakakita ng ganito kalinaw na ebidensya. Pati tilamsik ng dugo ay kitang kita!  Hindi kita aarestuhin pero inaasahan kong magwi-witness ka, ha Robert. Sa ngayon ay sumama muna kayo para magbigay ng sworn statement sa presinto.” 

“Opo Sarhento...e, pwede ko po ba munang tawagan ang magulang ko?” 

“Sige.” 

Habang tumatawag si Robert sa Pay Phone ng kasera nya ay iiling-iling si Sarhento.“Kailan lang ay magkasama si Ernesto at Delfin sa simbahan. Akalain mong siya pa pala ang papatay dito. Ano sa palagay mo ang dahilan?” 

Inabutan ako ni Sarhento ng sigarilyo. Salamat sa Diyos dahil kanina pa bumabaliktad ang sikmura ko.

Itong si Robert ang bilib ako, nakuhanan niya ang bangungot na iyon ng hindi nasusuka.  Sabagay ilan nang  mahal ko sa buhay ang natunghayan ko nang mamatay. 

Si Inay, si Itay, si Joan... 

Kailan nga ba malagim ang isang pagkamatay at kailan ito isang paglaya? 

Si Inay at si Joan, pinalaya ng kamatayan sa pagdurusa ng kanilang katawang lupa. Si Itay, pinalaya sa pagdurusa ng kalooban.  

Ako? Pinapalaya ako ni Miguel Arkangel sa mga pighati ko tuwing mag-iinuman kami ni Tata.  

Pero iba naman ang sitwasyon ni Kuya Erning... 

Anong klaseng diyablo kaya ang sumanib sa kanya na pinalaya niya habang pinapatay nya si Mang Delfin? Tawag ng laman? Pagkamuhi? Pagkagahaman sa salapi? None of the above? O lahat ng iyon? 

Namputsa... 

Dapat ay kay San Miguel na lang siya kumampi...Wala nang sabit, stainless pa.   

Nakarating kami sa presinto ng walang kibuan. Pero pagdating doon ay isang maingay na Ernesto ang inabutan namin. Nang nakita si Sarhento ay parang tupang sinabing: “Brother Fidel, ano’t dinampot ako ng mga tauhan mo? E nasa prayer meeting pa naman ako. Aba’y nakakahiya naman sa mga kasamahan natin sa simbahan...” 

Marunong pala siyang mag-pray... 

Bigla’y nakita nito si Robert. “Aba’t ang hayop na ito pala ang nagsusumbong ng kung anu-ano. Brother Fidel, wag kang maniwala sa kanya. Sinisiraan ako ng taong yan.” 

“Tumigil ka na Erning. Alam na namin kung sino ang pumatay kay Delfin...Hindi lang yun, ipinatawag ako ni Doktor Pacifico kagabi. Diskumpyado daw siya sa kinalabasan ng test ng laboratoryo sa dahilan ng pagkaka-food poisoning ng asawa mo. Hindi raw yung karaniwang salmonella o E-coli na kadalasan daw na dahilan. Pestesidyo daw. Sabihin mo nga sa akin, Erning, kung bakit may pamatay-kulisap ka sa iyong bahay e wala ka namang bukid o halamanan man lang?” 

Tingnan mo nga naman...nagre-research din  pala si Sarhento. 

“Unti –unti mong nilalason ang asawa mo?Anong klaseng tao ka?” “Brother Fidel, mahal na mahal ko ang asawa ko. Hindi ko magagawa yun.” 

“ Talaga? E bakit nagpapadala ka ng sulat kay Carla? Nung una ay nakikiramay, habang tumatagal ay nanliligaw ka na. Nitong huli ay nagbabanta ka na. Kaya napilitang lumapit sa amin ni Carla dahil baka daw kung ano ang gawin mo.” Naging bising-bisi pala si Sarhento. 

Biglang tumalim ang mata ni Kuya Erning. Hinagilap ng tingin si Robert.  “Ikaw na hayop kang dayo ang may kasalanan nito...” Sukat doon ay patakbong sinunggaban nito ang leeg ni Robert, na hintakot na di nakatakbo. Pilit na binaklas ng mga pulis ang mga kamay ng nagwawalang si Kuya Erning. Napilitan silang sikmuraan ito upang kahit papano ay makalma at maiupo sa silya. Hawak naman ang leeg na napaupo rin itong si Robert sa katapat na silya.  

“Kapag di ka tumigil Erning ay hahambalusin na kita..” wika ni Sarhento. 

Parang lalong kumulo ang dugo nito. Biglang inagaw ang baril ng katabing pulis at itinutok kay Robert.  “Mamatay ka....!!!!Hahahaha”.  Nakangisi pa itong kakalabitin ang gatilyo. 

Isang nakakabinging putok! Napapikit ako. Huminto rin yata ang tibok ng puso ko. Parang ayokong dumilat. Nakarinig ako ng pagbagsak ng silya kaya napabukas ang mata ko. Laking gulat ko dahil ang nasa sahig na naliligo sa sariling dugo ay si Kuya Erning. Nang tingnan ko si Robert ay gulat na nakatingin kay Sarhento, na may hawak na baril na umuusok-usok pa. Tingnan mo nga naman, mabilis palang bumaril si Sarhento. Panama ni Fernando Poe. Tumaas ang pogi points ni Sarhento para sa akin... 

Pwede kayang mayaya siya sa inuman namin ni Tata?   

 

end of chapter 9.    

kung nais nais ninyong basahin ang mga nakaraang kabanata...

PAGBABALIK

PAGBABALIK  Chapter 2

PAGBABALIK  Chapter 3

PAGBABALIK  Chapter 4  

PAGBABALIK  Chapter 5 

PAGBABALIK  Chapter 6 

PAGBABALIK  Chapter 7

PAGBABALIK  Chapter 8


Pasencia na.

Alam ko po na natagalan ang chapter na ito. Pasencia na po. Nakaline-up po sanang matapos ko ito ng December subalit dalawang malapit sa akin ang magkasunod na namatay nang december. Nagpasko po ako sa tabi ng kabaong ng best friend ko. Masakit para sa akin pero paglaya para sa kanya. Breast cancer po at sabi nya po sa akin hindi nya na kaya yung sakit limang araw po bago sya pumanaw.

Ano kaya ang pwede kong ipang sagot duon kundi lumuha at mag-mukmok ng buong pasko at bagong taon. kaya nga po nabalam ito. Mahirap palang magsulat kung ang screen ng computer ay di mo makita sa luha at wala ka rin maisip dahil dumudugo and puso mo....

Pero medyo naglubag na po ang pakiramdam ko...

Ms. Melai, kita na lang mag-inom. Nito ko na nga lang nabalitaang may nagtangkang pumatay sa yo Virtually e.Sabi nila pag ganon ang napabalita e lalong lalawig ang buhay mo. Sino man yun, nakalista na siya sa waiting list sa ibaba. May libre pa siyang tinidor hehehehehe.

Sana po magustuhan nyo ito.

Happy are those who dream dreams and are willing to pay the price to make them come true...

Melanie Quilla's picture

gawain

 uy, muntik ko ng makalimutanan ang kwento nito. haha. okay lang iyan, gawain. you have all the valid reasons kaya wala kang dapat ihingi ng pasensiya even kay tbdtbd. siguro naman ay naiintindihan ng lahat iyan. 

condolence ha. alam ko ang feeling, kapatid. mahirap mawalan ng mahal sa buhay. recently, nagsusunud-sunod ang nawawala sa pamilya ko kaya alam ko ang feeling. 

sa kwento, buti na lang walang mala-action movie na habulan at 2 pages na "balagtasan" habang nagkakatutukan ng baril. hahaha. Can't wait for the final blow! Pirmiski, nasan ka na???  

inuman? malabo pa sa ngayon ang inuman. pinagbawal ng doctor sa akin e. virtual drinking na lang tayo sa ym.. hehehe... 

tungkol dun sa gusto akong mag-rest in peace, napatawad ko na siya. sana okay lang siya.. nakakatakot din kasi siya e. baka pag nakasalubong ko e masakal na lang ako bigla. 

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

www.onlypurehearts.multiply.com

www.newdaybooks.multiply.com

www.internetserye.somee.com

Salamat

Salamat sa pang unawa at sa pag komento sa trabaho ko.

Speaking of inom, sabagay e nagbagumbuhay na po ako. Huli ko hong inom na seryoso e last july sa Calibration ng Auditors namin. Masama kasi akong tao kaya niyaya kong mag -inom ng Fundador (One on one) yung Manager namin(Baguhan kasi siya sa kumpanya noon). Awa ng Dyos, na-three fourths namin ang laman ng bote at nagkasakit siya nung week na yon.

Mula noon, ayoko nang mag-yaya ng inom. Sa biro na lang...hehehe

 

 

 

Happy are those who dream dreams and are willing to pay the price to make them come true...

pirmiskalang's picture

oi...

hanap nyo ko? nyahahaha...

 

http://pirmiskalang.multiply.com/

"Bago mo husgahan ang iyong kapwa, kumain muna tayo."

hanap ka talaga

pre, hanap ka talaga.

tapusin na natin ito. sa iyo ang huling tindida ng baraha. alam mo tama lang na ikaw ang magtapos nito kasi sa iyo ang pinakamatinding tirada, dre.

anyroad, hihintayin namin ang katapusan na ibibigay mo sa pinagkaguluhang istorya na ito na muntik na ring malimot ng mga umantabay sa mga kahindik-hindik at kagila-gilalas na mga pangyayari sa buhay ni ruben sa kanyang pagbabalik sa lupang tinubuan. alalaong baga e da ritarn op da netib.

prekoy, hiritin mo na.

salamat.  

check me out: tbdtbd925.wordpress.com

Melanie Quilla's picture

ayan lumabas ka rin, pirmi

 pirmiski, tapusin mo na nga itong collab natin para... para... teka wala akong maisip  na rason... hahaha... para masaya! iyon iyon na lang... hahaha.

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

www.onlypurehearts.multiply.com

www.newdaybooks.multiply.com

www.internetserye.somee.com

Normal 0 false

Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}

hi tb. would just like to say sorry bout what i've said on this before.

yung totoo ngayon ko lang nakita 'to. tapos hinanap ko yung ung unang post tungkol dito. really am sorry. sinasapian lang ako ng pagiging kontrabida pagkaminsan.haha.

anywaste, sampung chapters lang pala 'to.

i honstly havent read any.

at since huli na siya, naisip ko lang naman, parang, let me say, this is my way of doing sorry to someone, yon e kung ayos lang, (shet andaming introduction, waha) pwede ko bang gawin yung huli? that, if you'll allow me.

kung lamang naman.

you set the deadline.

kung hindi naman, ayos lang din.

isnt that ironic, kasi i was the one who's criticizing this tapos i wana do a part for this. haha

ipiprint ko yung mga prev chapters nito. babasahin ko, pag-aaralan ko.

kung may gagawa na ng huli, why not.

yung sa'kin lang naman, at kung papayag ka, naisip ko, why not something na parang twist. kasi you made the outline. and if the story is going to be that predictable, di ba parang medyo wala na talagang aabangan. charing

im saying, im not gonna break the outline. ipe-present ko lang yung story sa ibang perspective. or sa ibang lasa, basta parang ganon. tweak kumbaga.

parang yung mga pelikula sa dvd, may alternative endings. charing.

yon e naisip ko lang naman.

well, kung papayag ka. thank yah!

and good night :)

hello eksa

well...

1. wala sa akin yung pinagtalunan natin dito noon. karapatan mong sabihin ang niloloob mo at karapatan ko ring ipagtanggol ang ganang akin, di ba? pero natural tinatanggap ko ang pag-sorry mo kahit para sa akin di na kailangan yun.

2. nakatoka ke pirmis ang huling chapter so kung papayag siyang ikaw ang gumawa, no problem sa akin. sana mabasa ito ni pirmis.

3. or, pwede kang gumawa ng ending chapter mo, at meron din si pirmis. ipa-publish natin pareho dito at malalaman natin sa reaksyon ng mga babasa alin ang mas maganda. kung okay uli ki pirmis. pero parang epilogue na lang yun na maaaring basis ng kasunod na kwento, sakaling ituloy pa.

4. re: predictability ng ending. nasasa-writer na yun paano niya aayusin ang kwento and yet stay within the outline. andun ang sukatan ng galing niya. mahina ang laban kung libre saan man gustuhin ng manunulat na magpunta. mahirap na namamasyal ang kwento.

bago ka sumulat ng kwento me balangkas ka na dapat; otherwise walang unity ang istorya. ang ginawa ko lang dito ay ibinigay ko na ang balangkas para masukat ng babasa ang galing ng susulat sa pagsulat. nothing more; nothing less.

5. so depende sa sagot ni pirmis, kung gusto niya ikaw na ang sumulat ng ending, or pareho kayong sumulat nito for comparison or whatever. warning lang, magaling si pirmis.

6. thanks and good luck.

bwahahahaha. ive read the

bwahahahaha.

ive read the 1st 3 chapters of this nung isang araw. okey lang. ayokong mga-comment gusto ko kasi safe ako. bwahaha. joke.

anyway, yung totoo, im busy doing other things right now. pero im very much willing to contribute.

if next week kaya ko na, simulan ko na. kasi nagagahol ako sa oras ko sa mga commitment ko sa eskwela at sa mga personal kong buhay din. haha. pero gusto ko talagang magsulat.

halos mag-iisang taon na kasi 'kong wala pang nasusulat, so nung nakita ko 'to, somehow gusto kong subukan, and yes, to see.

kung tungkol sa outline, okey, i can work with that.

what is that that u warn me about pirmis?...wahahaha. i mean, i honestly havent read of his works, and ill admit, wala pa kong nasusulat na medyo okey dahil busy talaga ko, pero kung nangangarap ka ng magandang istorya, bibigyan kita. bwaha. at kulang kulang ako sa kabuuan ng humility. JOKE.

here's my ad, yeahdanteyeah@yahoo.com

sana.

pero kung hindi, e di fine. ayos lang din.

haha. i just want to contribute.

again, thankyah>> :]

 

pirmiskalang's picture

ayus yan!

 ayus... eksa, tirahin natin pareho... tbd, ilabas mo na lang nang sabay kapag nag-submit na kaming pareho! maganda 'yan... dalawang ending... Laughing

http://pirmiskalang.multiply.com/

"Bago mo husgahan ang iyong kapwa, kumain muna tayo."

okay sir!

so wait ko ending niyo pareho.

eksa, pakipadala na lang sa address na ito pag natapos mo na para sabay lumabas dito. tradepalawan@hotmail.com.

check me out:  tbdtbd925.wordpress.com

good luck!!

pir

sensya na. tapos ka na? may outline na ko.

isusulat ko na ng matino bukas. hirap kasi ng sked ko.

nabibitin na yata. antagal ng kasunod nito.

im working on other stories din kasi, sa mga ipapasa at isasali. nagbabakasakali.haha

pero will finish it in 2 days siguro. (dahil hindi naman ako tao kundi makina) . sana mapabasa ko sayo yung draft bago ma-finalize. tsaka for further revisions. txt me ur ad if u want 09182841789. thank yah beri match

 

 

Tamang desisyon

I was hoping you would say that. Dalawang ending. parang mas may twist. galingan nyo guys. Of course di naman competition...may kanya-kanyang galing, pero itong si pirmis ay may ibang husay sa pagiging wordsmith. 

 Break a leg....

Happy are those who dream dreams and are willing to pay the price to make them come true...

bago ko tuluyang magpatuloy

may konti lang akong Q.

1st, mga ilang taon na si ruben?

2nd, may scene (hindi ko na matandaan kung sang part) nakita sa crime scene yung wallet nung robert na photog, the police found na may dugo ni delfin yung wallet? tapos hindi naman pala si robert yung pumatay. how can that be possible?

alam ko ang purpose e para magbigay ng confusion kung sino ang killer, pero that's not confusing, hindi inaral yung detalye.

and there's this part, kung san magkausap simang anton at si ruben, suppoesedly gagawa ng theory si mang anton kung pano mapapatay si delfin, i didnt see that. waht ive red is an irrelevant impakta.

yun lang.

 

 

pirmiskalang's picture

i-kowt mo yung part na

i-kowt mo yung part na nabanggit mo para matukoy ng malinaw at maipaliwanag ng nagsulat..yeba..

 

http://pirmiskalang.multiply.com/

"Bago mo husgahan ang iyong kapwa, kumain muna tayo."

“Sinong pumatay sa

“Sinong pumatay sa Honeypie ko?” humihikbing  tanong ni Carla.

“May suspect na. Si Robert Macalintal. Natagpuan ang wallet niya sa batuhan kung saan andun pa ang ilang bahid ng dugong nakumpirmang kay Senyor Delfin.  Hinahanap na siya ng kapulisan ngayon,” tugon ng pulis.

-chap7.

 

Parang meron siyang pangitain na may nag-aambang lagim sa Champaca. Pilit ko namang winalang-bahala ang agam-agam ko at ang sarili kong mga bangungot. Ano pa nga ba ang pantapat sa impakto kundi ang Arkangel na si San Miguel. chap5.

 

wait, hindi ako mean, that's just me

pirmiskalang's picture

antay mo lang yung reply

antay mo lang yung reply nung yumari nyan... out muna ako papasok sa trabaho... yeba!

http://pirmiskalang.multiply.com/

"Bago mo husgahan ang iyong kapwa, kumain muna tayo."

writer

Yan nga ang maganda sa colab. Ang role ng huli ay tahiin ang mga inconsistencies, ayusin ang malabong areas o gray areas at mag-come up sa isang effective na story. 

Kung natatandaan ko, you asked for the priveledge to do that. After lait laitin mo yung colab. di ba?

Sa ganyang premise, hindi siya madali hano. kaya good luck. Kami rin hindi kami mean. kung mean kami hindi ka na papasalihin di ba?We want everyone to bring out the best in everyone else. Keep on writing. 

Happy are those who dream dreams and are willing to pay the price to make them come true...

honey im just saying. and

honey im just saying. and what i did is not "lait", i actually call it "critic". you havent seen me doing "lait". kasi yung huling taong ginanon ko, nawalan ng respeto ng sarili.

anyfuckingwaste, wala pa ko maski isang salita for the story, tatapusin ko lang yung finals ko at mga requirements, konting effort na lang...

pagkayari mong i-calculate yung "konti" ako'y magbabalik.

kasama yung "PAGBABALIK"!

pir

sensya na. tapos ka na? may outline na ko.

isusulat ko na ng matino bukas. hirap kasi ng sked ko.

nabibitin na yata. antagal ng kasunod nito.

im working on other stories din kasi, sa mga ipapasa at isasali. nagbabakasakali.haha

pero will finish it in 2 days siguro. (dahil hindi naman ako tao kundi makina) . sana mapabasa ko sayo yung draft bago ma-finalize. tsaka for further revisions. txt me ur ad if u want 09182841789 tnx

pirmiskalang's picture

huh?

kay  tbd mo i-email. sa kanya yung bato nung mga gawa. 

 nakakahiya naman wala pa ko nagagawa dahil matatanggal na naman ako sa trabaho.. ahehhehe.. simulan ko na mamaya. may tinatapos din kasi ako... nyahehehe...

http://pirmiskalang.multiply.com/

"Bago mo husgahan ang iyong kapwa, kumain muna tayo."

yah. know your priority

yah. know your priority haha.

eksena lang. for comparisons lang naisip ko. anyway,:)

pirmiskalang's picture

yeba...

kalma ka lang dyan kid... matatapos din tayo... 

http://pirmiskalang.multiply.com/

"Bago mo husgahan ang iyong kapwa, kumain muna tayo."

mary jane grueso's picture

tapos na po ang panghuling

tapos na po ang panghuling chapter? excited na kung paano ititwist yung story. ^_^ 

 

http://amoyube1980.blogspot.com

ganda...   binasa q lahat.

ganda...

 

binasa q lahat. kaya lang mahuhulaan na kasi ung killer agad eh. sa umpisa pa lang. pero anyways, maganda naman ang pagkakayari ng mga sentences.lalo na ung sa first chapter.=) ung mga pabulaklak words.hehe..:) inaantay q ung ending.

pirmiskalang's picture

ahehe.. hindi naman

ahehe.. hindi naman mabulaklak yun ate... iyon ang tinatawag na himay-himay..

http://pirmiskalang.multiply.com/

"Bago mo husgahan ang iyong kapwa, kumain muna tayo."

naks! parang inihaw na isda

naks!

parang inihaw na isda lang. lol!

basta maganda. un na un..:)

pirmiskalang's picture

Antay mo yung ending

Antay mo yung ending eksahedora.. yung akin kasi hindi ko pa maayos kaya malamang bara-bara yung akin at hindi na masarap...nyahaha...

 

http://pirmiskalang.multiply.com/

"Bago mo husgahan ang iyong kapwa, kumain muna tayo."

Kinse's picture

Til now po ba di pa tapos

Til now po ba di pa tapos yung ending? Can't wait for the last chapter. Ok sa alright.. wala ako masabi sa mga pinag-ambag ambag nyong utak.. ang galing galing...

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

di pa nga tapos

pasensiya ka na. hindi pa rin kasi nagsa-submit yung dalawang writer natin na natokahan at nag-alok na gumawa ng huling kabanata.

medyo inip na nga rin ako. gusto ko na ring tapusin na ito para mailagay ko na ang huling komento.

pero konting tiyaga pa. mas malambot daw at masarap daw ang nilaga kapag nagtagal sa apoy, huwag lang matuyuan ng sabaw at masunog, o ang gulay na sahog ay malabog...

Kinse's picture

Haha.. kung sa bagay..

Haha.. kung sa bagay.. parang alak lang.. habang tumatagal lalong sumasarap.. 

Apir.!

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

Rom's picture

last chapter

pwede bang mag volunteer na magsulat sa last chapter? kung wala pang magsusulat sa last chapter haha! kung meron na magko comment na lang ako pagka publish...

 

KarikaTuura

leigh13diwata's picture

ayan..

may nag-boluntaryo na... malupet pa naman yan! aabangan ko ang ending nito! GO ROM! 

... bata-batuta... malaki ang batuta...

Rom's picture

 kung papayag sana...  

 kung papayag sana...

 

KarikaTuura

kung ako lang...

e tatanggapin ko ibino-volunteer mo. pero natoka ke pirmis ang chapter, tinanggap niya ang assigment at nag-promise na magde-deliver. nag-promise din si eksahedora na gagawa ng version niya.

but so far wala pa rin kanino man sa kanila ang nagbigay ng ipinangako.

so for fairness' sake, itanong muna natin sa dalawa kung gagawin pa ba nila ang chapter 10. kaya itinatanong natin ito ngayon.

kung sa loob ng dalawang linggo walang sumagot, o sumagot na pumapayag sila, wala nang dahilan para di mo gawin ang concluding chapter nito.

ayos ba yun, rom?

salamat.

Rom's picture

  oks sa akin yan. pero

 

oks sa akin yan. pero maganda rin sana kung 3 kami gagawa ng ending parang RPG lang ito, may ibat-ibang parallel endings. tiyak malaki at mabungang diskusyon ang mangyayari nyan, marami tayong mapag uusapan na ikauunlad ng pagsusulat.

 

waiting ako... 

KarikaTuura

pirmiskalang's picture

haloo!!!

sige... sulat nyo lang... sensya na...nagkaproblema ako at hindi ko mabuksan itong account ko... himalang nagbukas siya ngayon.... nasubsob kasi ako sa trabaho..at dun sa pinagsubasuban ko ay may nakatihayang babae na kamukha ni angel locsin... antay lang kayo... pakipromote muna tong novel na to mga kapatid..boring naman kasi kung tayu-tayo nagbabasa at naghihimasan ng ulo... 

http://pirmiskalang.multiply.com/

"Bago mo husgahan ang iyong kapwa, kumain muna tayo."

pakisulat na raw last chapter

o, pareng rom, pwede na raw na isulat mo version mo ng last chapter, sabi pirmis. maganda nga sana kung tatlo kayo susulat, para makumpara kung kanino ang mas maganda o anuman.

hihintayin ko'ng last chapter mo. paki-send mo sa tradepalawan@hotmail.com para mailagay natin dito fw. di ko babaguhin kahit ano sa ipadadala mo.

sorry medyo natagalan reply. naghahanap-buhay kasi. nagpa-praktis na rin magutom kasi taghirap sa amin.

hasta luego, amigos!

Rom's picture

oks cge rerebyuhin ko lang

oks cge rerebyuhin ko lang lahat ng naisulat na tsaka ako babanat. baka next week umpisahan ko kasi may libro din akong tinatapos

 

salamat! 

 

KarikaTuura

Rom's picture

tapos na ang last chapter

natapos ko nang isulat ang last chapter nito sinend ko na din kay tb. sana magustuhan nyo at sana maging consistent (sinikap ko) sa mga naunang chapter.

 sensya na 2,190 words napasarap ng pagtatype hehe...

salamat! 

 

KarikaTuura