Ang Pagkabulag ng Isang Manunulat

kislapalitaptap's picture
| | |

Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 st1\:*{behavior:url(#ieooui) } /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}

Ang Pagkabulag ng Isang Manunulat

Ni Kislap Alitaptap

28 Disyembre 2008

 

Bago pa man umabot ang gabi sa kanyang hangganan ay inunahan niya na ito. Hindi maaaring may maunang makatapak sa kanyang markadong lugar bago sumapit ang oras ng pagkatok ng bagong araw. Panata na niya sa kanyang sarili, ang maging tagabukas ng pintuang ito. Dapat ay siya lamang ang unang makalalasap sa sarap at sa kapangyarihang idudulot sa kanya ng bukangliwayway ng bagong araw.

 

Siya ay si John E. Eureka. Siya ay isang bantog na manunulat sa kanyang panahon. Palagian siyang nakikipag-unahan sa markadong lugar na iyon upang magsulat, pinakapaborito niya kasing paksain sa kanyang pagsusulat ang bukangliwayway. Pag sinasalubong niya kasi ang init nito at siya ay nagsusulat…walang makakatalo sa kanya. Walang tatalo sa kanyang husay at bilis na bumuo ng maikling kwento at prosa. Sa pagitan ng kanyang pagkurap at pagdilat ng kanyang mga mata…tyaraaan!...nakakabuo siya ng mahuhusay na mga likha na napapalamanan ng mga salitang tanging siya lamang ang nakakabatid sa kahulugan nito.

 

Kaya muli, eto siya ngayon; walang pagsasawang ninanamnam niya ang init ng bukangliwayway habang nagsusulat.

 

Ngunit ang lahat ng bagay na may buhay at wala, ay may kabilang mukha. Ang positibo ay may negatibo. Ang tama ay may katapat na mali. Ang kaliwa ay may kalabang kanan. At ang bukangliwayway ay siguradong dudulo rin sa takipsilim.

 

Takipsilim… Oo, ito ang pinakaaayawang bahagi ng siklo ng panahon ng bantog na manunulat . Dahil sa kanya, ang takipsilim ay ang pagpuna sa kanyang mahuhusay na mga likha. Halos sambahin na niya ang mga ito. Madalas din niyang bukambibig pag nakakabuo ng likha ang dalawang katagang ito…”My Precious”.

 

“Hindi Maaari!” ang pagalit niyang nabigkas ng minsang niyaya siyang lumingon sa kanyang likuran ni takipsilim.

 

“Bakit kita paglalaanan ng panahon takipsilim?” mapagtaas niyang pagtatanong habang nakatalikod sa kanyang kausap.

 

“Ikaw ay isang takipsilim lamang, ang tangi mong inihahatid sa aking buhay ay puro pagpuna…mga pagpuna ng kadiliman.”

 

Ganitong-ganito ang palagian niyang pagturing sa mga pagbabagong ibinubukas ni takipsilim sa kanyang buhay. Ganunpaman, hindi ito inaalintana ni takipsilim. Buong tiyaga niyang ipinapaliwanag sa bantog na manunulat na ang lahat ng bagay ay may dalawang mukha at dapat niyang ibukas ang kanyang isipan sa marami pang mga pangyayari…sa likod ng bukangliwayway.

 

Minsan ay natukso ang bantog na manunulat na ihakbang ang kanyang kanang paa upang umikot at harapin ang paligid sa kanyang likuran.

 

“Ahhhh!” binulahaw ng sigaw na ito ang malawak na kalawakan.

 

“Hindi maaari!…hindi ako kailanman yuyukod sayo takipsilim. Hindi ko kailangan ang mga sinasabi mong pagbabago.”

 

“Dahil ako!…ang dakilang si John E. Eureka. Ang bantog na manunulat ng aking panahon. Isa na akong henyo sa pagsusulat, at iyan ay pinatunayan na ng bukangliwayway.” ang papuri niya sa kanyang sarili.

 

“Samantalang ikaw takipsilim…ikaw ay nagsisimula pa lamang na hanapin ang iyong liwanag. Kaya…wala ka ni katiting na karapatan upang punahin ang aking mga mahuhusay na likha”  panlalait niya sa kanyang nasa likuran.

 

“Ako si John E. Eureka…ang henyong manunulat ng panitikang pilipino!” ubos lakas niyang pagsigaw.

 

Muli niyang ninamnam ang init na inihahatid ng bukangliwayway sa kanyang katawan. Kapangyarihan. Kapangyarihan sa pagsusulat. Walang sawang tinititigan niya ang alindog ng nagsasayaw  na liwanag sa kanyang harapan. Halos hindi na siya kumukurap. Hindi niya na nga namamalayan ang pagdaloy ng malagkit na laway mula sa kanyang bibig. Nasa ganitong ayos siya ng may mapansin siyang kumikinang sa bukangliwayway. Ginto...isang koronang ginto. Agad niya itong kinuha at inilagay sa kanyang ulo.

 

“Tingnan mo ako takipsilim, hindi lang kapangyarihan at katanyagan ang inihahatid sa akin ng bukangliwayway…may dala-dala din itong kayamanan sa aking ulunan, pagmasdan mo takipsilim, kayamanan!”

 

Kapangyarihan. Katanyagan. Kayamanan. Ang mga ito ang kanyang nasasaisip habang walang patumanggang tinititigan ang nag-uumapaw na kinang ng liwanag na nasa kanyang harapan. Siya ay pumikit, ninamnam niya ang sarap ng kapangyarihan, katanyagan at kayamanan. At nang muli niyang idilat ang kanyang mga mata…hindi na niya muli pang nasilayan ang nagsasayaw na liwanag ng bukangliwayway.

 

Ang bantog na manunulat na si John E. Eureka ay nabulag. Siya ay binulag ng sarili niyang kahibangan. Kahibangan sa kapangyarihan, katanyagan at kayamanan…na kailanman ay hindi…naging kanya. #

 

Wakas.

 

 

Kislap Alitaptap

RJ Santos's picture

Di ko pa nababasa... pero

Di ko pa nababasa... pero nung nakita ko yung pangalan ng bida sigurado na akong magandang kwento ito.

Basahin ko mamaya. :D



* * *

http://rjsantos.authorshaunt.com

kislapalitaptap's picture

salamat bay!

RJ, 

salamat!

totoo, talaga ang kasabihan na dalawa ang mukha ng mundo.

ingat tol!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

 

RJ Santos's picture

Ang lungkot pala ng kwento.

Ang lungkot pala ng kwento. :(

Buti na lang. Hahahahahaha!

Joke lang. Di ako masaya, pramis. Paano ba naman, hindi sumusunod ang kwentong ito sa berisimilityud. Pero wag mo 'ko pansinin. I don't impose myself to others.

:D



* * *

http://rjsantos.authorshaunt.com

kislapalitaptap's picture

malungkot ba?

RJ, 

malungkot ba? teka, parang may mali. hindi ganun ang ibig kong mangyari sa kwento. kapuri-puri sa akin si John E. Eureka, kaya hindi ko maaaring gawing malungkot ang likha ko para sa kanya. pero kung ganun ang nangyari... sige na lang. bulag na rin naman siya eh.

salamat sa pagbasa.

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

 

anakngfaraon's picture

  wow! inspired ka talaga

 

wow! inspired ka talaga ha..

 

kailangang mabigyan ng lifetime achievement award ang bida-bidahan sa iyong kuwento.

 

http://katya14.multiply.com/journal

kislapalitaptap's picture

oo nga, naisip ko nga pag nanalo ako sa...

kat,

oo nga eh...pag ako nanalo sa TALANGKA AWARDS,Laughing syempre sandamakmak na papuri ang ibibigay ko sa pangunahing tauhan sa aking kwento.  hindi ko maaaring kalimutan si John E. Eureka. isa siyang henyo!hahaha!

ingat palagi!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

 

j luna's picture

Hahahaha. Wasak.

'Di na siya makaka- Go not gently into the night, rage against the dying of the light.

kislapalitaptap's picture

hanep ah...the jerks

bok luna,

tagal ko ng hindi napanood na tumugtog ang grupong iyan.  kilala kaya ni Agent JERBAKS yan? basta bok, ingat ka at maging alerto ka sa paligid mo. alam mo na si Agent JERBAKS, MOSSAD Agent yun pare... may motto ang MoSsad na By way of Deception pero si Agent Jerbaks, iba " My Way of Correction". 

astig diba!?

Gulong!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

 

j luna's picture

Ewan ko kung kilala niya ang THE JERKS...

May banda din yata si Agent JERBAKS... THE JERBS.

kislapalitaptap's picture

Sapul!

Awit ng Bandang The Jerbs

Sayaw, sayaw, sayaw sa tae.(ulitin lang ng ulitin)

teka bok, online yata siya ngayon...wag ka maingay baka marinig ka.

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

 

j luna's picture

Oo nga e..

Mukhang nagmamatyag lang siya sa paligid... wala akong nakikitang bagong comments e....

Nasa chorus na ba tayo?

Sayaw, sayaw, sayaw sa tae.

kislapalitaptap's picture

wag kang maingay...

ano ka ba? andyan lang yan. pakiramdam niya kasi di natin siya nakikita. ang 'di niya alam mas malupit pa sa x-ray vison ni superman ang mga mata natin. sumilip ka kaya sa labas kung asan ka man ngayon. pag may nakaparadang van na may tower na kasingtaas ng sa abs-cbn, siya na yun. magtawag ka na agad ng malabanan at ipabomba mo na yung van. hahaha!

kung oobserbahan mo yung van. magsuuot ka ng maitim na maitim na eyeglass tapos magdala ka ng dyaryo, upo ka sa malapit sa pwesto ng van. klasik yun, pero sigurado ako 'di ka niya mapapansin.

hahaha!

 

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com