Ang Panaginip ni Manuel

mart_82004's picture
| |

Panaginip

 

Bakit nga ba tayo nanaginip? Para saan ba ang panaginip? Dapat bang paniwalaan ang mga panaginip? Bakit may mga panaginip na natatandaan natin hanggang sa tayo ay magising at mayroon naman na hindi na natin maaalala kung anong klaseng panaginip ba iyon? Masama ba na maniwala ka rito? Pano kung ang panaginip na iyon ang siyang naging daan para magbago ang isang tao? Anong klaseng panaginip kaya iyon? Ano ang magiging basehan kaya natin para maniwala tayo at sumunod sa isang panaginip? Iyan ang mga katanungan nabubuo sa atin (sa akin) kapag tayo ay nanaginip. Si manuel tanging isang panaginip lang ang nangyari sa kanya matapos ang aksidente na kinasangkkutan niya ngunit nabago nito ang mga masamang gawi

  

Bago ko po i-post ang kwento ni manuel nais ko po sana na marami ang makabasa nito at abangan ang araw na mai-post ko ang kwneto, hindi man ito ganoon katama sa mga alituntunin ng pagsulat ng kwento ang nais ko lamang po ay ipabatid ito sa inyo mga kaibigan ang nilalaman ng kwento. Aminin ko nap o na hindi po ako magaling sumulat ng kwneto ng nasa tamang paraan at tatanggapin ko po kung anong  opinyon o kumento ang ibibigay ninyo ukol sa ginawa kong pagpapabatid na basahin ninyo ang aking akda o di kaya’y hindi ninyo pagsang-ayon sa kung anong konsepto ang meron ang aking kwento. Ang sa akin po lamang talaga ay nais ko na mabasa ito ng marami ng sa ganun ay magkaroon po ako ng pagtangis sa aking sarili na matapos ang kwento.

  

Maraming salamat po

  

mart

 


jonsdmur's picture

Bakit may mga panaginip na

Bakit may mga panaginip na natatandaan natin hanggang sa tayo ay magising at mayroon naman na hindi na natin maaalala kung anong klaseng panaginip ba iyon?

Dito na lamang ako magkokomento:

Naranasan ko na ang managinip. Mga panaginip na tanda ko pa sa aking paggising. Nagkakaroon ako ng pangitain sa aking mga panaginip... pilit na inaalam ang kahulugan nito... sabi nila kabaligtaran ang panaginip...

Naniniwala din ako na may mga panaginip na limot na sa paggising...

 

Nasaan ang panaginip ni Manuel? May part 2 ba?

Sa tingin ko totoong may panaginip na nagbibigay ng senyales sa atin... at nagbibigay ng babala....

Ikaw din ang nagsabi na hindi ka pa gaano bihasa sa pagsusulat.... sana marami kang matutunan sa site na ito... in terms of writing....

 

mart_82004's picture

Hi

Thanks po sa ginawa mong pagkomento sa akin..sige po sikapin ko na po na matapos ang kwento ng sa ganun ay mabasa mo na po ito..

Ailem23's picture

panaginip

marunong akong mag-interpret ng panaginip. pero hindi ako expert. natutunan ko lang iyon sa Psychology subject ko noong college. naging research paper ko na rin ang tungkol sa dreams.

ang panaginip ay reflection ng ating personality. ang ating panaginip ay may kinalaman sa ating huling bagay na iniisip o palaging iniisip, problema, o matinding emosyon na ating nararamdaman bago tayo mahimbing. lahat ng panaginip ay may pahiwatig at may kinalaman sa ating personal na buhay. bawat bagay na makikita sa panaginip ay sumisimbolo sa isang importanteng pangyayari sa buhay ng nananaginip. Hindi lahat ng panaginip ay kabaligtaran ang ibig sabihin.  may iba't-ibang klase rin ng panaginip. may nagbababala, may nagpapahiwatig , nagpapaalala, etc. Iyon ang alam ko at natutunan ko sa seminar. 

ano kaya ang panaginip ni manuel?

aabangan ko ito, kuya mart!

melay 

mart_82004's picture

Tama po ikaw

Tama ka po, yan din ang sinabi sa akin ng kaibigan kong estudyante ng sikolohiya. Sige po sisikapin ko po na magawa na ang kwentong iyon. Para sa akin kasi napakahalaga na marami ang makabasa nito. Ang panaginip ni Manuel ayy hindi isang ordinaryong panaginip lamang. Ito ang panaginip na maituturing natin na mensahe sa atin ng lumikha, ang katotohanan sa mga haka-haka at kuro-kuro ng sinuman.

 

 Salamat po muli  sa ginawa mong paglalahad ng iyong nalalaman tungkol sa panaginip.

 

 

mart