ANG PANGAKO:

CLOSET WRITER's picture
     S'ya si Red, 'yan ang bansag sa kanya nina Robert, Dave at Carlo. Ang kanyang matatatalik na mga kaibigan. Frederick ang totoo n'yang pangalan. Makulit, masayahin at maalalahanin…mga katangian n'yang tumatak sa mga taong nakapaligid sa kanya. Lalung-lalo na kay Divina, ang kanyang kasintahan sa loob ng mahigit tatlong taon.

Hanggang sa mangyari ang isang malagim na trahedya…

     Headline sa isang pahayagan: "Airplane exploded in midair!"

     Ilang buwan matapos maihatid sa huling hantungan si Divina ay hindi pa rin matanggap ng lalaki ang pagkawala nito. Lulan ang kanyang kasintahan ng eroplanong bumagsak sa kasukalan ng Mt. Apo. Hindi pa rin matukoy ng nga awtoridad hanggang sa kasalukuyan ang dahilan ng pagsabog ng naturang sasakyan ngunit malaki ang posibilidad anila na ito'y gawa ng mga terorista.

     Creative writer si Divina sa ADlive Inc., isang advertising agency. Nagkakilala ang dalawa ng minsang magpagawa ang kumpanya nila Red ng isang TV advertisement sa kanila. Papunta ng Davao si Divina noon para dumalo sa isang seminar ng mangyari nga ang hindi inasahan.

     Balak na sana nilang magpakasal bago matapos ang taong kasalukuyan. Pangarap nilang bumuo ng isang masayang pamilya. Buo na ang mga plano nila. May apat na anak. Kulay asul na bahay na may maraming bulaklak sa garden. Ilang alagang pusa, na hilig ni Divina. At ilang aso rin, na s'yang hilig naman ni Red. Ilan lang 'yan sa mga pagkakaiba nila na kanila namang napagkakasunduan.

     Simula ng mangyari ang sakunang iyon, ang dating puno ng buhay at masayahing si Red ay halos hindi na makilala ng mga kaibigan. Lagi na itong lango sa alak at hindi man nila ito nakikitang umiiyak ay sapat na ang pamumugto ng mga mata nito upang isipin nilang naghihinagpis ang binata sa kanyang pag-iisa. Halos hindi na rin ito pumapasok sa kumpanyang pinagtatrabahuan. Matalino si Red at hindi nakapagtatakang sa loob lamang ng ilang taon ay nahirang itong Branch Manager ng isang Electronic Company. Sa kanilang apat na magkakaibigan, s'ya ang pinaka-successful.

     Isang gabi, matapos sagarin ang natitirang may halos isang pulgadang taas na laman ng mamahaling alak na iniregalo sa kanya ng isang kasamahan sa trabaho noong nakaraang pasko, mahilo-hilo n'yang dinampot ang susing nakapatong sa may dining table. Susi iyon ng kanyang sasakyan na ibinigay ng kanyang kumpanya bilang benepisyo dala ng kanyang mataas na katungkulan. Napagkasunduan nilang magkakabarkadang magkita sa JamPack, isang acoustic bar sa Malate na madalas nilang tambayan.

     Kahit na may kadiliman sa loob ng bar, agad n'yang natukoy ang kinauupuan nila Robert, Dave at Carlo na nauna ng naroon. Sa dati nilang pwesto, sa bandang sulok. Agad n'yang tinapik sa balikat ang mga kaibigan sabay senyas sa isang waiter na maliksi namang lumapit. Ng makaupo, napansin ng mga ito na amoy alak na s'ya. Pinayuhan s'ya ni Dave na alalay na lang sa pag-inom. Ngunit wala rin silang nagawa ng tila uhaw sa alak na nagpakalunod si Red.

     Mag-aalas dos na ng madaling araw. Panghuling set na ng Soul Cycle band, ang bandang tumutugtog ng gabing iyon. Ng maipakilala na ng bokalistang babae ang bawat miyembro ng kanyang banda, ilang saglit pa ay inumpisahan na nito ang isang awiting halos pipiga sa dibdib ni Red. Ang paboritong kanta ni Divina. Na madalas nitong kantahin. Kapag nasa loob sila ng kanyang sasakyan. Kapag sabay nilang pinapanood ang sunset sa Manila bay. Kapag nagdi-dinner date sila. "This I Promise You", ang kantang pinasikat ng grupong 'Nsync. Ito ang madalas kantahin ni Divina sa kanya noong buhay pa ito. At ang namayapang kasintahan ang nakikita n'ya ngayon sa entablado…kinakantahan s'ya nito. "Without you…in my life, I just wouldn't be living at all…" Malungkot ang babae at binalot ng kalungkutang iyon ang kanyang pusong nangungulila. "And I will take…you in my arms, and hold you right where you belong. 'Til the day my life is through…this I promise you…" Naalala n'ya ang pangako kay Divina. Ang mamahalin n'ya ito hanggang kamatayan. Natuon ang pansin ni Red sa mga daliring nakahawak sa mikropono. Bahagyang kumislap ng tamaan ng ilaw ang engagement ring na ibinigay n'ya sa kasintahan tatlong buwan na ang nakararaan. Unti-unting lumabo ang paningin ni Red hanggang sa tila isang puting anino na lamang ang kanyang naaaninag. Panlalabong dala marahil ng luhang hindi n'ya namalayang tumulo. Ng mapahid ang mga luha, bumalik sa katotohanan si Red. Hindi maaaring si Divina ang kanyang nakikita. Muli n'yang pinahid ang mga mata at nagyayang umalis.

     Lulan ng kotse ni Red, tinahak nila ang kahabaan ng North Luzon Expressway. Lumiko ang sasakyan sa isang madilim na kalye ng marating ang isang bayan sa Bulacan. Wala ng nakapagtanong kung saan sila tutungo dahil naidlip na ang tatlong lalaking sakay dahil sa kalasingan. Maya-maya pa, bigla silang ginulantang ng isang malakas na pagyanig. Napagtanto nilang may nabangga silang isang nakaparadang sasakyan. Ngunit nakahinga sila ng maluwag ng matiyak na walang may nasaktan sa kanila sa kabila ng malakas na pagsalpok. Mabilis na pinaharurot ni Red ang minamaneho at tumigil lamang ito ng marating ang isang bakanteng lote. Bumaba ang magkakaibigan at nagpasyang doon na magpaumaga sa pag-aakalang naliligaw lang sila. Ilang oras na lang naman, ayon kay Robert. Umupo silang talo sa isang malapad na sementong naroroon at pinalipas ang oras sa pagkikwentuhan. Napansin nila ang pananahimik ni Red na umupo naman sa malaking batong nasa ilalim ng puno mga tatlong dipa malapit sa kanila. Hindi na nila ito inabala. Baka badtrip lang dahil sa pagkakabangga ng kanyang kotse.

     Madilim sa kinaroroonan nila, naliliwanagan lang ito ng sinag ng buwan na pilit tumatanghod sa makapal na ulap.  Malawak ang lugar at tila napabayaan dahil matataas ang mga damo. Natatakpan ng isang gumuhong pader ang sasakyang gamit nila kung kaya't hindi ito matatanaw mula sa kanilang kinauupuan. Bukod sa kanilang apat, isang pusang nakasampa sa pader at isang asong gala lamang ang kanilang kasama doon. Ang mga hindi mawaring huni at kaluskos ng mga panggabing ibon at insekto ay nagpapaasiwa sa bawat isa.

     Nang malapit ng mag-alas singko ng umaga, naunang tumayo ang nangangawit na si Carlo. Nagpagpag habang kinakalabit ang dalawang katabi na medyo naidlip. May kadiliman pa rin ng mga oras na iyon ngunit kailangan na nilang umuwi bago pa man tuluyang sumikat ang araw. Habang pupungas-pungas, bigla silang nahindik ng tuluyang mapagmasdan  ang paligid at mawari ang lugar na kinaroroonan nila. Sementeryo?!!! Magkahalong takot at pagtatakang sabay nilang nasambit. At nasa ibabaw sila ng nitso. Taranta at pasigaw na tinawag ni Dave ang nakatalungko pa ring si Red habang nagmamadali na silang talo sa paglakad papuntang sasakyan. Inakala nilang sumusunod si Red sa kanila. Nang marating nila ang kinalalagyan ng kotse, lalo silang kinilabutan sa kanilang nabungaran. Halos mayupi ang nguso ang kotse na nasa driver's side. Duguang nakasubsob doon si Red. Wala ng buhay. Magkasabay silang lumingon upang tingnan ang kanina'y kasama pa nilang kaibigan. Wala ito sa kanilang tabi. Wala na rin ito sa kinauupuan kanina doon sa ilalim ng puno.

     Hindi pa rin sila makapaniwala sa kababalaghang nagpapalito sa kanila kung kaya't minabuti nilang balikan ang lugar kung saan sila nakapwesto kagabi. Baka natakpan lang si Red ng punong 'yon. Dinaanan uli nila ang ilan pang mga nitso bago makarating sa pinanggalingan. Wala ang kaibigan nila doon. Wala na nga ba si Red? Patay na nga ba si Red? Paulit-ulit nilang sambit sa kanilang mga sarili.

     Nagmumura si Robert habang walang tigil sa pagluha. Napasuntok sa nitso sa Dave habang humahagulhol. Tiim-bagang naman si Carlo habang tahimik na humihikbi.

     Kung hindi lang sana nahilam ng luha ang kanilang mga mata…maaaring mababasa nila ang pangalang nakalagay sa lapida ng nitsong kinatatayuan nila. Ang puntod ni Divina. Ang babaeng pinangakuan ni Red ng hanggang kamatayang pag-ibig.


Rhea Stone's picture

!

 

 

 

... at pagkatapos ng commercial break, balik na ulit tayo sa forte mo...

 

Ang tungkol sa mga namatay, nagpakamatay, nagpapatay-patayan, at kung ano-ano pang kamatayan.

 

Naniniwala ako dito:

 

Love cannot conquer all but DEATH can...

 

 

(narinig ko minsan yan sa Prof ko noong college nung tinalakay namin ang Farewell to Arms ni Ernest Hemingway at muli na naman itong napatunayan ng kwento mo)

 

 

CLOSET WRITER's picture

hahaha...

natawa ako sa sinabi mo na balik tayo sa forte ko Embarassed ewan ko ba, me obssession ata ako sa mga death death na ganyan. gusto ko kaseng isipin na hindi dapat katakutan ang kamatayan. parang gaya lang ito ng kapanganakan.i even anticipate my own death. iba-iba, merong tragic, dramatic, heroic, pathetic...

this story is a little bit closer to truth. inspired by the death of my close friend. ung lalaki talaga ang namatay ng sumabog ung cebu pacific plane many yrs ago. he wasnt supposed to ride that plane but he changed his route just so he could pick up his girlfriend. medyo nanghinayang ako sa love nila sa isat-isa so naisip ko na patayin na lang sila pareho para theyll end up together pa rin.

sana ang buhay parang kwento lang na pwede imanipulate no?

salamat sa oras mo Kiss

All the mysteries of life

All the mysteries of life are all summed up in death. Only the dead knows all the answers and all the living can do is ponder.

Does the artistic genre Memento mori appeal to you? I guess your writings may be categorized in that genre, that is..if you will keep on writing about death and it's mysteries.

Keep writing!

CLOSET WRITER's picture

thanks :)

thanks for the comment. and yes, i'm very much into memento mori type of  writing. pero hindi naman cguro ako ganon ka hardcore at isusulat ko pa rin ang kahit anong bagay na mag-iinspire sa akin. tulad mo at sa sinabi mo. so my latest entry is dedicated to you. i hope you'll like it :)

be safe. be good.

 

Gee thanks! What's your

Gee thanks! What's your latest entry? I'll be looking forward to that.Smile

Yiennarda's picture

 I also have written about

 I also have written about 3 short stories all with the theme of death in it.  and i think if I am going to continue writing short stories, my characters would always somehow die.  

For me, I write mostly about love and death becuase I am lonely and depressed.  I always feel like I have no belief that one can really find his/her true love and stay on earth living that love.  I believe that true love can never last.  That is why, death for me is the end of it.

You may say I am heart broken, but I see death in love stories as loneliness in a writer's hand.

             http://wattuduyanie.blogspot.com/

             -an empty bucket

CLOSET WRITER's picture

you are brilliant :)

and you wrote beautiful stories and poems. napaiyak mo pa ako don sa iris. i always like stories associated with songs. siguro kc kahit sa totoong buhay dapat laging may soundtrack ung kalungkutan. honestly speaking, alam ko naman talaga totoong reason kung bakit drawn ako sa mga gloomy stories. but i'm just to egoistic to admit that real reason.

siguro nga, death is the only way out. at naniniwala din ako na walang true love to last a lifetime. kaya siguro mas nakikitaan ko ng hope yong death. 

'di ko nga maintindihan ung iba bakit ayaw nila ng may namamatay na bida sa story. when in fact, it s way much closer to reality.

ang you know what, nakarelate ako sa lahat ng mga sinulat mo. nakita ko ung sarili ko sa yo. sa mga gawa mo.

nice meeting you here.

smile :) 

Yiennarda's picture

I'm so glad to have met you

I'm so glad to have met you too.. 

Grabe,  I am so struck dahil lahat ng sinabi mo super parang ang tanong ko "Ako ba tong nagsasalita?"

"and you wrote beautiful stories and poems. napaiyak mo pa ako don sa iris"

Thanks... Natuwa naman ako at napagtyagaan mong basahin yun, napakahaba kasi nun eh...  I could'nt stop the story when I was writing that kaya sobrang napahaba...  I wanted the bida to die, but I could not make him,  kaya kung matatandaan mo may part dun na nagsabing "Mamamatay ka rin lang naman in the end, wag mo nang pahirapan pa"  kasi, i was so struggling to kill the bida... hahaha

siguro nga, death is the only way out. at naniniwala din ako na walang true love to last a lifetime. kaya siguro mas nakikitaan ko ng hope yong death. 

I do completely agree with you...  may pinaghuhugutan ang mga kwentong ito...  siguro sa private na lang natin pag usapan, mahirap i broadcast eh hehehe. kasi you said ...  but i'm just to egoistic to admit that real reason.

 'di ko nga maintindihan ung iba bakit ayaw nila ng may namamatay na bida sa story. when in fact, it s way much closer to reality.

 

Life is not aways a happy ending and that is the reality.  Im not saying that stories should be like that too, but it's always good to know that if you make your own stories, you would always want to have it ended the way you want it... di ba?  parang have you ever thought on how to actually end your life story?  Parang  yung sinabi mo na, buti pa ang mga stories, pwede mong i manipulate ang ending...

Thanks for the sharing, closet...  nakaka relate talga tayong dalawa and I'm so glad....

             http://wattuduyanie.blogspot.com/

             -an empty bucket

CLOSET WRITER's picture

wow. dami ko gusto i-react

wow. dami ko gusto i-react sa reply mo. dont know where to start. but any way, im happy for the connection. it feels good to have found someone who talks a lot, thinks a lot and write a lot like yourself. that good old feeling na parang natagpuan mo sarili mo sa ibang tao. not in a sexual context.lol. it feels more orgasmic than that in a much more higher level.

i did read all your entries. short or otherwise. and they all get me affected. they echoed all my exact thoughts.

napansin ko nga don sa portion  na un ung struggle mo kc nabigay mo na ung feeling sa akin na...ok, he's going to die, tapos biglang narevert so from there, naramdaman ko ung confusion. but its not that bad. me redeeming factor naman na kelangan iconsider not bcoz u want to please ur reader but just like what u said, its the way on how u want to end ur story.

lahat naman ng gawa natin, andoon tayo. nakatago tayo sa bawat character na binuo natin. actually, kung iisipin, andon tayo sa lahat ng character. ung pagsusulat parang extension ng ung pagkatao. outlet ng kalungkutan. ng emptiness :(

its my pleasure to meet you. friends?

 

Yiennarda's picture

 that good old feeling na

 that good old feeling na parang natagpuan mo sarili mo sa ibang tao. not in a sexual context.lol. it feels more orgasmic than that in a much more higher level.

I do believe in soul mates - kaya nga may mga nakakasundo tayong tao na kahit isang minuto mo pa lang nakikilala eh kapalagayan mo na ng loob at meron din naman yung amoy pa lang niya naaalibadbaran ka na...  i'm not generalizing and i'm not saying na dapat isa lang ang soul mate natin.  baduy kasi paminsan pag usapan to pero i personally believe that there are people you can connect with easily, and i agree that not (always) in a sexual context.

i resorted to writing becuase if i did not do this... baka sinto-sinto na ako, or baka kagaya na ako ng mga characters mo sa mga stories mo... dead...  and it's a very effective way of pouring out emotions... they may be good or bad...

its my pleasure to meet you. friends?

Pleasure is mine, my friend!!!

             http://wattuduyanie.blogspot.com/

             -an empty bucket

CLOSET WRITER's picture

true :)

ur soulmate can be ur friend, ur family, ur dog...hehe. sorry sya naging dog sya sa lifetime na to. but my point is, at least nahanap nyo ang connection ng soul nyo sa isat isa. 

oo nga, kaya nga its a good thing na rin for me na kahit creepy or weird mga sinusulat ko at least hindi ang sarili ko mismo ang pinatay ko. siguro ung mga bagay na hindi natin kayang gawin sa ating sarili, sa kwento na lang natin ibinuhos. 

:)

 

Yiennarda's picture

Naalala ko tuloy si panget -

Naalala ko tuloy si panget - ung dog namin dati na ako ang nagpangalan pero nagkasakit tapos kinatay ng uncle ko huhuhu, at pagkatapos nilang pulutanin. nasira ang ref nila buti nga sa kanila... hahahha wala lang... kwento ko rin lang..., mahilig ka rin pala sa dogs... yun lang po...   

 

             http://wattuduyanie.blogspot.com/

             -an empty bucket

sinta isaac's picture

...

makasysayan ang isang pangako ng pag-ibig, makalimutan man ito o mabura, hindi nito kailanman magagawang lisanin ang iyong puso...

salamat sa magandang kwento.

 

 

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig...

CLOSET WRITER's picture

salamat sinta :)

salamat sa pagbabasa. at sa paniniwalang hindi kailan man iiwanan ng pag-ibig ang puso.

:)

Alexander Dagrit's picture

Mahihilig sa kamatayan

 

Oi, kayong mga manunulat na mahilig sa temang kamatayan, tuloy ang arangkada!

Malay n'yo, ang antas ng panulat ninyo ay nasa antas na ng panulat ni Edgar Allan Poe, ang itinuturing na ama ng makabagong maikling kuwento, at dalubhasa sa temang kamatayan.

Maganda ang kuwentong ito: Walang hanggang pag-iibigan hanggang kamatayan.

 

Pakituwid lang ang ilang kamalian:

 

Makulit, masayahin at maalalahanin … mga katangian n'yang tumatak sa mga taong nakapaligid sa kanya. (may espasyo dapat before and after an ellipsis)

 

Hindi pa rin matukoy ng nga awtoridad hanggang sa kasalukuyan ang dahilan ng pagsabog ng naturang sasakyan, ngunit malaki ang posibilidad anila na ito'y gawa ng mga terorista. (comma before a conjunction that connects two independent clauses in a compound sentence)

 

Papunta ng Davao si Divina noon para dumalo sa isang seminar nang mangyari nga ang hindi inasahan.

 

Simula nang mangyari ang sakunang iyon, ang

 

Matalino si Red, at hindi nakapagtatakang sa loob lamang ng ilang taon ay

 

trabaho noong nakaraang Pasko, mahilo-hilo

 

benepisyo, dala ng kanyang mataas na katungkulan.

 

Kahit na may kadiliman sa loob ng bar, agad n'yang natukoy ang kinauupuan nina Robert, Dave at Carlo, na nauna nang naroon.

 

Nang makaupo, napansin ng mga ito na amoy alak na s'ya.

 

Ngunit wala rin silang nagawa nang tila uhaw sa alak na nagpakalunod si Red.

 

Panghuling set na ng Soul Cycle band, ang bandang tumutugtog nang gabing iyon. Nang maipakilala na ng bokalistang babae ang

 

"Promise You", ang kantang pinasikat ng grupong 'N Sync.

 

Bahagyang kumislap nang tamaan ng ilaw ang engagement ring na

 

Nang mapahid ang mga luha, bumalik sa katotohanan si Red.

 

Lumiko ang sasakyan sa isang madilim na kalye nang marating ang isang bayan sa Bulacan. Wala nang nakapagtanong kung saan sila tutungo

 

Ngunit nakahinga sila nang maluwag nang matiyak na

 

Mabilis na pinaharurot ni Red ang minamaneho, at tumigil lamang ito nang marating ang

 

Umupo silang talo sa isang malapad na sementong naroroon at pinalipas ang oras sa pagkukwentuhan.

 

Bukod sa kanilang apat, isang pusang nakasampa sa pader at isang asong gala lamang ang kanilang kasama roon.

 

Nang malapit nang mag-alas singko ng umaga

 

May kadiliman pa rin nang mga oras na iyon, ngunit kailangan na nilang umuwi bago pa man tuluyang sumikat ang araw.

 

Wala nang buhay.

 

Wala ang kaibigan nila roon.

 

Kung hindi lang sana nahilam ng luha ang kanilang mga mata … maaaring mababasa nila ang pangalang nakalagay sa lapida ng nitsong kinatatayuan nila.

 

 

Pasensiya ka na. Pinansin ko ang ilang mga mali kasi maganda ang istorya, at nasusundot lamang ng mga kamaliang iyon.

 

 

The Best and the Worst In FW

 

CLOSET WRITER's picture

AYOS LANG :)

Ayos lang kaibigan. natutuwa nga ako at binibigyan mo ng pansin at panahon ang aking akda. batid ko na mas marami pa ang kamalian ko bukod sa mga napapansin mo. hangad ko lng na ibahagi ang aba kung talento.

hayaan mo, sa susunod, pagtutuunan ko ng pansin ang mga kamaliang itinutuwid mo. hindi dahil hangad kong maging isang edgar allan poe. kundi gusto ko lang mapabuti ang pagsusulat ko.

salamat, dinagdagan mo ng ilang puntos ang aking kaalaman

:) 

Yiennarda's picture

Writing in tagalog is not as

Writing in tagalog is not as easy as writing in English if you write in Word.  In english, Word will automatically tell you that you misspeled or that something is wrong with your grammar.  In tagalog, everything is wrong spelling and wrong grammar so its very difficult to edit.  That's why I use wordpad with my tagalog works.

I was very particular with the spelling, conjunctions and everything with my works before, but my friend said, as long as it did not change the meaning i conveyed it should be okay.  I believe, rigorous editing should only be done when you are to publish your book.,

Pero higher level na ang criticism mo Alex, canyou be my editor for my next stuffs?

Laughing 

             http://wattuduyanie.blogspot.com/

             -an empty bucket

CLOSET WRITER's picture

we need the kind of alexander

at least meron tayong unofficial acting editor here. 

publisher na lang ang kulang :)

 

Alexander Dagrit's picture

  Alex, can you be my

 

Alex, can you be my editor for my next stuffs?

Sige ba. Send me your works if you want me to help you edit them. Alam mo na email address ko.

 

 

The Best and the Worst In FW

 

emotional

very emotional.

This would be one of my favorites.

 

keep it up closet writer. you have a very nice talent in writing.

Similar entries