ANG PANGIT MO PALA!!!!!

spike_west's picture

 “Uyyy!! Ang ganda naman nung babaeng yun!!! Uyy teka sino yun, seksi seksi ahh!! Wow!!! “Ito ang madalas kong marinig pag may isang seksing babaeng nagdaan sa aming mga paningin!! Subalit nung minsang may nagdaang hindi kagandahang babae ganito naman ang aking narinig !” “Whahahahah!! Sino yun, whahahaha akala ko ba ang tao ay galing sa unngoy bakit sya mukhang kabayo!!! Whahahahah!!! Nice pamatay sa katawan parang coke!!! Coke in can!!! Diretso!!Whahahahah!!!” Mga malulutong na tawa ang maririnig ko mula sa grupo ng  mga kalalakihan sa LRT station!!! Nakakatawa di ba!! Marahil nangingiti ka rin ng konti sa mga binitiwan nilang mga salita!!! Pero nakakatawa nga ba talaga??? 

  Oo nga pla mga kaibigan may ikukuwento ako sa inyo, sana may mapulot kayong aral mula sa kwento!!!:   

Sa isang sikat na unibesidad sa Maynila may tatlong babae na matatalik na magkaibigan. Pawang maganda silang lahat, mahahaba at makikintab ang mga buhok!!! Mapupula ang mga labi, bilugan ang mga mata at balingkinitan ang kanilang mga katawan. Ang buong klase sa pinapasukang unibersidad ay humahanga sa kanilang kagandahan!! Kinaiingitan sila ng mga kababaihan at hinahanggan ng mga kalalakihan!!! Lahat ay gustong silang maging kaibigan. Ngunit isang araw nagulat lang ang buong klase, mula sa pinto ng kanilang silid aralan may pumasok na tatlong babaeng walang buhok, mga mukhang nababalutan ng pulbos at make up at mga katawang balot na balot ng mahahabang kasuotan kahit sa kainitan ng panahon at alinsangan ng paligid!!! Agad nilang inalam kung sino ang tatlong babaeng pumasok sa kanilang silid. At pagkadaka isang malulutong at malalakas na tawanan ang umalingawngaw sa silid!!! Isang lalaki ang nagsasabi “ Eh sila Theresa, Maria, at May ito eh, whahahahah”. At nooy din nalaman ng buong klase na sila pala ang tatlong sikat na babae sa kanilang silid. Wala na ang dating makakapal at makikintab na buhok pawang mga kalbo ang tatlong dalaga, wala na ang mapupulang mga labi, mga mapupungay na mga mata , itoy napalitan na isang makapal na make-up at pulbos!!!   

Ang mga balingkinitang mga katawan ay nabalutan ng mahahaba at maiinit na mga damit!!! Hagalpakan ang buong klase sa tawa!! Lahat ay nanunukso, nanlalait at nambubuska sa tatlong dalagang kalbo at di kagagandahang mga hitsura. Nawala na sa paningin nila ang mga babaeng kinaiingitan at hinahanggan nila noon!!! Bagkus napalitan ng mga ibat ibang mga katawagan at pangalan!!! Nandyan silang tawaging babaeng espasol, bokal, manang at kung ano ano pang masasakit na katawagan at bansag!! Walang gustong lumapit at makipagkaibigan sa kanila!!! Pakiwari nilay magiging katawa tawa sila pag sumama sila sa tatlo!!!   

Ang mga naiingit na mga babae noon ay pawang mga nagbubulong bulungan sa tuwing dadaan ang tatlong babae. Mga matang matatalas, titingnan mula ulo hanggang paa at saka tatawa ng pagkalakas lakas!! Ang mga lalaking humahanga sa kanila na ginagalang sila noon ngayun ay puros tawanan at panlalait,” Jologs,Bembol” at kung ano ano pang mga bansag ang maririnig mo sa kanila, sabay ang malalakas na halakhakan at palakpakan animoy nakakita ng mga taong mapaglalaruan ng kanilang mga mapanghusgang mga mata!!Sa araw araw na kanilang pagpasok halos lahat ay pinagtatawanan sila sa katawa tawang hitsura nila!!! Lahat ay pawang masayang masaya sa mga panlalait na ginagawa nila sa tatlong babaeng kamag-aral!!! Mga matang mapanghusga at mapanlalit ang ginaganti nila sa bawat yukod at iwas na tingin ng tatlong kaawa awing mga dalaga!!!   

Subalit hindi ito ininda nila Theresa, Maria at May, sila ay pawang mga tahimik lamang, pilit na wag aalalahanin at intindihin ang lahat ng panunukso at panlalait . Wala silang iniisip kundi ang mag-aaral ng mabuti at makatapos!!! Magkasama palagi anong mang oras at lugar!!! Ayaw nilang iwan ang isat isa. Minsan may isang kaklase nila ang nagtangka magtanong at pilit na inaalam kung ano ang dahilan kung bakit nila ginawa ang mag bagay na yun!! Kung ano ang kanilang naisip kung bakit nila ginawa yun!! Pagtatanong na may kasamang panlalait at paghuhusga!!! Subalit pawang mga malulungkot na mga mata ang sumagot sa kanilang mga katanungan!!!Wala ni isang salita ang lumabas sa kanilang mga labi kundi isang pagyuko ang kanilang isinagot sa kanilang mga kaklaseng nangungutya sa kanila!!.   

Makalipas ang isang buwan. Nagulat ang buong klase sapagkat di na nila madalas nakikita si Theresa sa klase at madalas naman nilang nakikitang umiiyak sina Maria at May sa isang sulok ng kwarto. Walang nagtangkang magtanong sa dalawang umiiyak na dalaga, at walang dumamay kahit isa sa kanila.  

 Isang araw pumasok sina Maria at May sa klase , maayos na ang kanilang pananamit at hitsura, bagamat kalbo pa rin sila. Naging normal uli sila sa paningin ng kanilang mga kaklase. Bagamat patuloy pa ring nagtatawa at nangungutya ng kailang mga kaklase , marahil siguro nakasanayan na nila na gawing tampulan ng tukso at panlalait ang mga dalaga!! Marami ang nagtataka sa buong klase sapagkat ilang araw na ring di pumasok si Theresa sa klase nila. Marami sa kanila ang nag-isip na baka lumipat na ng unibersidad sapagkat di na nya kaya ang panlalait sa kanya!! Pero marami pa rin ang nagtatawa na nagsasabing siguro bumalik na raw sya sa kumbento, sa tribo nya o sa circus!!!    

Pilit nilang ginagala ang mga matang mapaghanap!! Lahat ay nagtatanong kung nasan na si Theresa. Buong klase ay gustong makibalita kung ano ang nangyari sa kanilang kaklase. At dahil hindi na nila mapigilan ang kanilang sarili nuoy din ay lumapit sila kina Maria at May!! Tinanong nila ang dalawang dalaga kung nasan ang isa pa nilang kaibigan at kung bakit hindi na sya pumapasok. Subalit pagkabanggit ng pangalan ni Theresa isang luha ang dumaloy sa kanilang mga mata!!! Isang hikbi ang sinagot nila!!! At isang balita ang sinabi nila sa buong klase!!! Balitang dumagundong ng malakas at nadaig ang malalakas at malulutong na halakhakan!! Balitang kingulat ng marami, balitang  si.......... THERESA AY PATAY NA!!   

Biglang tumahimik ang buong klase!! Binasag ng katahimikan ang kanina lamang  ay malalakas na tawanan!! Tinanong ng ilan kung ano ang tunay na nangyari!!! Ano ang kanyang kinamatay!!! At duon din kinuwento nila ang buong pangyayari!!! Sinabi nila na bago sila pumasok sa klase na may katatawa tawang hitsura!!! Pinagtapat sa kanila ni Theresa na siya may KANSER. May leukemia si Theresa, at itoy nasa malalang estado na!! Kanilang inamin sa buong klase na nagchechemotherapy ang kanilang kaibigan noong panahon na yun!!! Kinakailangang alisin ang maganda niyang buhok para sa therapy. Naglagay sila ng makapal na make up at mahahabang damit ay para matakpan ang mga pantal sa katawan dulot ng sakit ni Theresa !!!! At marami ang nagtataka kung bakit pati silang dalawa ay nagpakalbo at gawin ang ginawa ni Theresa. Noon din ay inamin ng dalawa na ginawa nila yun para tulungan at damayan si Theresa. Alam nila na pagtatawan sya ng buong klase at kukutsayin!!! Ayaw ipasabi ng kanilang kaibigan sa kanilang mga kaklase ang nangyari sa kanya, natatakot syang kaawaan sya ng mga ito subalit hindi awa ang nakuha nya kundi malakas na tawanan at masasakit na panlalait .  

 Kina Maria at May hindi nila iniisip ang kanilang magiging hitusa o anyo, mas nanaig ang pagdamay sa kanilang kaibigan sa paghihirap kahit man lang sa maliit na paraan nay un!!! Batid nila na sa ganoong paraan hindi lang si Theresa ang kukutsain kundi pati na rin sila at sama sama nilang haharapin ang lahat ng huhumusga sa sa kanila. Ginawa nila ito para hindi  kaawaan ni Theresa ang kanyang sarili bagkus malaman nya na sila (Maria at May) ay handang maging iba para damayan at sama sama nilang harapan ang lahat.  

Nagulat ang lahat at nahiya sila sa knilang mga sarili. Di na sila muling makatawa at makapangutsya!! Di na sila makaimik dulot sa pagkahabag hindi lamang  kay Theresa kundi sa kanilang sarili. Batid nila na hindi sila nakatulong sa kanilang kaklase ngunit mas lalo pa silang nakadagdag sa nararamdaman ni Theresa. Ngayon, gusto man nila dumamay at tumulong subalit huli na ang lahat. Kung tutuusin hindi na nila kailangang malaman na may sakit si Theresa para igalang sya bilang tao at damayan!!! Kung susumahin hitsura lang naman nila ang nagbago hindi ang kanilang pagkatao, subalit hindi iyon ang nakita ng kanilang mga kaklase kundi ang may mapaglaruan at may mapagtawanan. Dapat ay  pangunawa at pagtanggap na lang ang kinilang iginanti kahit hindi nila batid ang totoong dahilan kung bakit iba sya kesa sa karamihan kaysa malulutong na halakhakan at kantyawan dahil sa knilang hitsura. Ngayon magsisisi man sila wala na!!! 

 Alam kong sa kabilang buhay ni Theresa, ay maranasan niya ang buhay na tahimik, walang sakit, walang pangungutya, at walang panlalait!! Alam kong magiging Masaya na sya sa kinalalagyan nya ngayon!! Marahil Masaya rin sya sa kanyang dalawang kaibigan na kahit kailan man ay di sya iniwan hanggang sa kamatayan. At napakadakila ng kanilang ginawa. Ngayun sino ang katawa katawa? Sino nagyun ang dapat mahiya? 

Mga kaibigan, minsan marami sa atin ay tumitingin sa pisikal na katangian ng isang tao. Marami sa atin ay nagiging panuntunan ang kagandahan at hitsura!! Kung minsan agad natin hinuhusgahan ang isang tao dahil sa kanyang mukha at pangangatawan!!! Hindi ba pag may isang magandang babae o lalaki sa atin harapan at humingi sa atin ng tulong walang alinlangan natin tututulungan, subalit pa gang isang pulubi at palaboy sa lansangan ang lumapit sa tin hindi ba katakot takot na pandidiri at pangungutya ang ginaganti natin, madalas pa nga itinataboy natin sila palayo!!! Subalit isipin mo ngang mabuti sino sa dalawa ang talagang mas nangangailangan ng tulong mo!! Ang isang magandang babae/lalaki inuubos ang oras at pera sa pagpapaganda o ang isang kaawa awang pulubi na walang makain sa araw araw, walang tirahan , walang matutulugan at walang masisilungan. Kaibigan hindi siguro balakid sa isang tao ang kanyang hitsura para tulungan siya, para damayan sya at para intinidhin sya!!! Marahil pinagtatawanan na natin sila dahil sa katawa tawang hitsurang pinagkaloob sa kanya, pero isipin mo nga kapatid sino kaya ang mas katawa tawa sa inyong dalawa?

Kaibigan tandaan mo na ang kagandahan ay kumukupas, ang makinis at maputing balat ay kumukulubot at nangigitim, ang magandang mga mata ay manlalabo at matatakpan ng makakpal na salamin, ang magandang pangangatawan ay hihina . Subalit ang kagandahan ng loob ay kailan man ay di mawawala sa iyo at di ito kukupas!!!

Sana sa tuwing titingin tayo sa isang tao ang kalooban nila ang ating makita hindi ang kaniyang mukha at histura!! Pang-unawa at pagtanggap ang kailnagn natin kaibigan!! Iintayin mo pa bang mahiya ka na lang sa sarili mo, spaagkat inuna mo pang pumuna bago umitindi. Gawin mo ang tama at mabuti sa kapwa yun ang mahalaga kaibigan!! Maraming Salamat kaibigan!! Sana kahit papaano ay may naitulong ako sa inyo!! Salamat sa oras!!!!

SpIkE


Melanie Quilla's picture

Oo nga naman

Una sa lahat, may itatanong lang po ako. Ahm, may personal na galit po ba kayo sa exclamation point? Hehehe. Joke lang…

Naniniwala ako sa mga sinabi mo. Nakakalungkot nga lang dahil iba ang pinapakita ng mga tao sa paligid natin. Isa rin ako sa naba-badtrip kapag may isang tao na pinagkakatuwaan dahil sa pisikal na anyo. Meron din kasi akong kaibigan na mga disabled kaya nasasaktan ako kapag kung anu-ano ang naririnig kong panlalait mula sa mga walang kwentang tao na makitid ang utak. Ako, hindi ako “kagandahan” kaya dati nakakatikim din ako ng mga insulto, napagtatawanan. Pero wala lang sa akin iyon dahil may mga tao namang naniniwala sa akin at sa kakayanan ko. Iniisip ko na lang na may karma rin ang mga taong mapanghusga sa labas na anyo ng isang tao. In the first place wala naman akong dapat ikahiya dahil hindi naman ako adik, mamamatay tao o terorista.

Sana nga, mabuksan ang isipan ng mga makakabasa nito.

 

Iyon lang po,

 Melay

spike_west's picture

Salamat sa iyong comment!!

Salamat sa iyong comment!! Tungkol sa exclamation point, medyo may galit talaga ako sa mga punctuation marks! And even the emotions like (whahah, haha)  I really put it in my writings, kasi habang ginagawa ko yan full of emotions talaga! But in formal writing I minimize it naman!

Sana people will learn how asses people beyond all superficial definitions of beauty. How to dwell more on the person's heart rather than looking into physical qualities that will fade through times.

 

Thank you ulit and God bless 

 

SpIkE

eloisa marie hernandez's picture

oo nga po

Talagang hindi maiiwasan ang mga ganoong klaseng tao. Ang galing mangutya tapos ni hindi man lang marunong tumingin sa sariling kakulangan. Naku, meron ho akong kaklaseng ganyan. Nakakaasar kasi pinagtatawanan niya 'yong ibang tao. Kahit nga mapadaan lang  eh pinag-tri-trip-an. Kung tutuusin makitid talaga ang mga utak ng taong gano'n. Hindi nila tinitingnan ang inner aspect ng isang tao. Kumabaga hanggang 'yon  lang ang kayang marating ng kanilang mata. Mga walang kwenta! Haha!

rose's picture

Don't Judge The Book By It's Cover!

Napakagandang kwento spike,  at totoo namang nangyayari ang mga bagay na iyan. Lalo na yung mga taong mahilig lang tumingin sa panlabas na anyo, na hindi muna kinikilala ang tunay na ugali nito bagkus ay ang pagbabasihan lamang ay yung gandang nakikita sa panlabas.

Marami yang ganyan , kahit nga minsan sa net lang . unang tanong " may cam ka " pag sinabi mo wala hindi kana kakausapin at pag nakitang pangit ka. naalala ko ang isang kong kaibigan tinanong ko siya ng ganito " anong gusto mo sa babae, yung Pangit na mamahalin ka ng totoo, aalagaan ka, at pagsisilbihan ka, o yung Maganda na sasaktan ka lang at paglalaruan ka, at lolokohin ka lang" aba'y hanggan ngayun hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko na yun?".

Napakaraming tao talaga na nagbabase lang sa panlabas na anyo, minsan may nagungulit sa akin ayaw niya ipakita ang kanyang picture kasi pangit daw siya, sabi ko naman wala naman sa mukha iyun nasa performance iyun. at nasa ugali iyun kung maganda ba o pangit din. at ang sabi ko ang mahirap eh pangit ka na nga, pasaway ka pa, mapaglaro ka pa.

Kaya kung ako sa inyo " Humanap kayo ng Pangit At Ibigin ninyong Tunay "

Katulad ng isa kong kaibigan nagmahal ng PANGIT, ay aba'y pangit na nga ang lakas pa ng gat sa sarili! he he he sabihan ba naman sa friend ko na napakaswerte daw niya kasi nakatagpo daw siya ng gwapo na katulad  niya. he he he saan kaya ang gwapo sa sarat ang ilong, kulot ang buhok at pandak! sege nga sabihin ninyo nga! minsan nakakainis na ang ganyang tao, PANGIT NA NGA OUTSIDE , PATI INSIDE PANGIT PA RIN" Kaya minsan naniniwala na ako sa gayuma eh! na sobrang ganda ng girl tapos nakakakuha ng napakapangit na lalake , tapos iniiyakan pa ng girl. sorry sa words ko ha, pero nangyayari. he he eh he

 

Para sa lahat ng mga pangit sa Mundo COUNT ME IN!!!!!

Kiss

fhearl08's picture

Oo, tama po kayo...

Hindi natin husgahan ang isang tao... Magaling po kayo, pero paano n'yo po maipaliwanag sa amin ang situation na, panget na nga siya, panget pa ang ugali at mayaman siya pero mapagmataas, wala na yatang maganda sa kanya? Sa palagay n'yo po, ano po ang masasabi n'yo ganitong klaseng tao?

Aasahan ko po ang sagot n'yo...

 

salamat...

 

God bless po.

 

spike_west's picture

Bitter kasi!!

Bitter kasi sila kaya ganun sila,eh minsan talaga nakakainis yung mga ganun tao. Maaari kasi na pakiramdam nila, lagi silang lalaitan ng tao kaya palaban o lalaban sila. O di kaya kasi ang malakas ng insecurities nila sa buhay kaya kung ano ang meron silang magandang katangian (kunwari matalino sila o magaling sila sa isang bagay) ay talagang ipagsisigawan nya sa iyo at isasampal pa para sabihin sa iyo na magaling sya. Minsan naman ay talagang malakas lang ang kumpanysa nila  sa kanilang sarili (defense mechanism ang tawag dyan)

Sa mga mayayaman naman, kasi pakiramdam  nila komo marami silang pera ay kaya na nilang bilhin ang mundo. Pakiramdam nila angat sila sa iba at kayang tumbasan lahat ng pera. Masyado nilang tinataas ang sarili nila at pakiwari nya hindi nya ka antas ang ibang tao. Mga mayabang, mapagmataas at mga materyaloso sila subalit alam naman natin na karamihan sa kanila ay hindi masaya sa buhay, sira ang pamilya at inuubos ang buong araw sa pagtatrabaho at pagpapasarap sa buhay. Nakalimutan ang maraming bagay na di kailangan man mabibili ng pera.

Itong mga tao na ito , sila dapat ang kaawaan, kasi sila yung mga taong iilan ang kaibigan, may problema sa sarili at sa utak, malakas ang insecurities sa buhay, at karamihan ay kulang sa pansin at pagmamahal.

Hayaan mo na lang sila, sabi nga "ang lahat ng nasa taas ay ibaba at lahat ng nasa ibaba ay itataas".

Paghaharap ka naman sa Dyos hindi nya tatanungin kung gaanong pagmamahal ang nakuha at natanggap mo, kundi gaanong karami tao ang binigyan mo ng pagmamahal noong nabubuhay ka pa. Matutunang sana nating intindihin  sila baka mas kailangan nila ng karamay kesa inis at galit natin. Yun talaga mahirap nga lang pero kaya naman natin eh, di ba?

 Yun lang po at maraming salamat

fhearl08's picture

Thank you po!

Thank you po sa sagot ninyo...

Palagay ko napakabuti n'yo po at napakahaba ng pasensya n'yo? Tao lang po kayo kaya minsan mapupuno din po kayo. Ika nga ni dyeppri na walang perpekto sa mundo so for sure may sukdulan din ang haba ng pasensya n'yo.

Ika nga nila, lahat ng sobra ay nakakasama na...  Sana po mag-ingat po kayo sa sarili n'yo dahil baka sa sobra-sobra ng kabutihan n'yo ay inaabuso na pala kayo...

Madaling magpatawad sa mga taong nagkasala sayo, pero ang sugat na nilikha nila sa puso ay matagal maghilom lalo na pag nalaman  mong kapamilya mo lang ang nagbetray sayo kung saan ipinagkatiwala mo sa kanya ang lahat...

Yun ang pinakaworst talaga... kaya mag-ingat po kayo...

 Yun lang po... thank you po ulit...

 

dyeppri's picture

Ako na sasagot nito pre at busy ka ata?!

Para sa'yo  

fhearl08 

 

Kahapon bumili ako ng isang lata ng gatas... "Uy parang ang sarap nito ah... bago 'ata... ganda ng lalagyan at ng mga etiketa..." binasa ko naman muna ang nutrients pero kulang ata, kulang ng calcium... Naghanap pa ulit ako. "Iyon na lang kaya. Hmmm...ganda din ng pamagat at may calcium na sakto pero teka..." at may kumalabit sa akin "Sir, free taste po dyan sa gatas na hawak nyo!" Wow, ang galing naman nito. "Miss, saan ang CR..." Pweee... at ang pakla ng lasa. Ano ba yun" nasabi ko... Grrrr... Kaya ang binili ko ay yung dati na lang na kilala ko. Hindi man kagandahan ang label pero kumpleto naman sa rekado at medyo masarap din...Hindi Super sarap, yung medyo lang ba. Kaya ko naman tiisin ang lasa (di pala pagtitis, ah...) ma-take ang lasa, okey lang, ang mahalaga ay masustansya at medyo masarap din.

Ang lesson: Walang perpektong bagay o tao man---- si perpekto meron, sya yung kapitbahay ko na may sayad 'ata... Ipakilala ko sayo kung gusto mo?..Hehehe! Piliin lang ang SWAK sayo...Cool

Kung walang maganda---walang pangit... kung walang masama---wala ding mabuti----kaya ginawa ng Diyos na iba-iba para makapamili ka. Baka matangos ang ilong mo pero kirat naman ang mata mo...ganun...

getching mo na day!!! salamat! Embarassed

 

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

fhearl08's picture

Thank you po!

Nakakatuwa naman yung kwento n'yoLaughing

Tama din po kayo...

Maraming salamat po sa paglaan n'yo ng panahon sa tanong ko.

Thank you po...