Ang Paraan Patungo Sa Aking Puso

Luca's picture

 

 

Ang paraan patungo sa aking puso
Ay madali.
Nagsisimula ito sa isang hakbang
Palayo.
Hinihila ito ng bigat,
Di gaya ng dinudulot ng mundo
Sa patak ng ulan,
Kundi ng sabaw
Sa kumakalam na tiyan.
Walang hinihintay na atang
Ang aking pag-ibig.
Bagkus, nabubuhay ito
Sa kahungkagan,
Sa iyong waring di-pagpansin,
Sa iyong pagsasawalang-bahala.
Ang damdamin ko'y di rosas
Na malamyos,
Na bumubukadkad
Sa pagtatalik ng hamog at sinag-araw.
Ito'y isang damong-ligaw
Na kusang umuusbong,
Nakikiapid,

Pumapatay.

Ang paraan patungo sa aking puso
Ay madali.
Ang paraan palayo
Ang may kahirapan.

 

 


Sagwil at Pag-ibig's picture

nais kong masiyasig ang daan

nais kong masiyasig ang daan patungo sa kung saan subalit hindi ko kilala ang labi ng iyong dibdib. Hindi ko batid kung saang landas ang tinatalunton ng iyong katuhan. Hindi maapuhap ang titik na bumubuo sa iyong pangalan. Kung madali ang daan patungo sa iyo, bakit hindi ko mahanap?

--nais ko lamang sagutin. :D 

Sagwil at Pag-ibig, PIIAC

oksan's picture

papalayo.. nasawing pag-ibig

papalayo..

nasawing pag-ibig po  ba ang nagtulak sa inyo para isatitik ang nararamdaman nyo, bweno..

nakakadala..

buliway