ang pinakamasarap na noodles sa buong mundo
masarap.
masarap gunitain ang mga salasalabid na kwento
sa likod ng mga dahilan at karanasan. subalit
mahirap pala. mahirap palang mag-isip nang isusulat
na bahagi ng alaala kung marami kang
kinatatakutan.
hindi.
hindi ito tungkol sa nalalapit na valentines day o kung
ano pa mang tungkol sa mga aswang. ewan, pero
pakiramdam ko nitong nagdaang semester
nagbago ang ikot ng pagkakataon para sa akin–
pakiramdam ko napakahelpless ko sa mga
pangyayari. yung tipong marami kang balak o
gustong mangyari subalit hindi pupuwede dahil
masama o bawal. tapos tinangka o sinubukan mo pa
ring gawin– tapos yun, mali ka na. wala ka nang
babalikan. patlang. nakagawa ka na ng krimen
para sa iilan. sa iilan na wala na ring halos
ipinagkaiba sa lahat. sa lahat.
parang.
parang napakabigat mag-isip kung marami ka nga
namang bagabag sa dibdib. hindi. hindi lang ito
tungkol sa lovelife at sa mga pagkakataong gusto
mo na ulit magpatuloy. manapa’y kwento ito na
muli mong sisimulan at sisimulang muli para sa
panibagong pagpapatuloy.
hay. buntonghininga. marami na naman akong
naaalala.
naubusan kami minsan ng kakainin sa
bordinghaws. normal lang yun. tapos naisipan
namin ni sarah na isoli yung mga bote ng coke at beer
para yung deposit sapat makabili ng dalawang
lucky me chicken flavor tsaka itlog. nakangiti na
naman kami habang nagluluto. pumalakpak pa nga
kami ng isasalin na sa mangkok yung noodles.
tapos may paihip-ihip pa sa usok. at makailang
beses ding inamoy-amoy ang niluto. kagya’t
pumasok muna ako sa kwarto at tiningnan kung
anong oras na. 1:45 na pala ng hapon. pagbalik
ko, nakangiti pa rin si sarah. sabi, julius
matitikman mo ngayon ang pinakamasarap na
noodles sa buong mundo. hindi ko na napigilang
tumawa. saglit akong napatigil, mukhang dumami
ata yung noodles!
sarah, anong dinagdag mo? ah, nilagyan ko ng
quacker oats, apple cinnamon yung flavor may
natira pa pala sa kabinet. napatigil kami nang
matagal. para kasing may mali. tumawa na lang
ako bigla. tumawa rin si Sarah. malakas labas
ngalangala pati mga luha. ewan parang hindi ko
alam kung nakakatawa ba talaga yung nangyari sa
noodles o sadyang masakit isipin na hindi kayang
tiisin yung lasa ng kakainin namin. matamis na
ewan. maalat na ewan. ewan.
napakamot na lang ako sa ulo. tumatawa pa rin si
sarah. tiningnan ko ulit yung pinaghalong lucky
me, itlog tsaka yung quacker oats apple
cinnamon flavor sa mangkok. matagal. hanggang
sa tipong pati yung mga pansit nakikitawa na rin
ata. napabuntonghininga ako. malalim.
nagkatinginan kami ni sarah, tapos
napabungisngis. tinitigan namin yung noodles,
tapos naghalakhakan. yung tawang hindi tinitipid.
HAHAHAHAHAHAHaHaHaHaHahahahahhahahaa.
mamaya na lang natin kainin. baka mamaya
masarap na yan. sige. baka nga. lumabas na
kami ng kusina. nagising na lang kami
kinaumagahan, simot na ang mga mangkok sa
kusina. may nagpiyesta na naman.
pakiramdam ko busog na busog ako ng araw na
yun. ng hangin? ewan, hindi ko rin alam.
mali.
mali kasi hindi naman yan ang gusto kong ikwento.
subalit ewan, hindi naman ako sentimental na tao
para lagi’t laging mamahagi ng mga hinanakit,
gunamgunam at agam-agam sa bawat sitwasyon.
tama sigurong sabihin na hindi pa ako handa o di
kaya ayaw ko lang talagang sabihin kung ano man
yaon. o mas tumpak na gaya ng sabi ko nung una
natatakot lang ako.
sa iilan.
sa iilan na wala na ring ipinagkaiba sa lahat.
natatakot ako sa lahat ganoon siguro yun.
mas masarap.
mas masarap pa rin talaga sigurong makinig sa
mga kwentong wala lang. mga nagkataon lang.
mga kwentong tsamba. sapagkat marahil sa mga tagpong yun
nagkakaroon ng hugpungan para muling balikan
ang mga pagkakataon para hanapin ang ating mga
sarili sa mga alaala. ang mga magkakaibang tayo.
bilang noon, ngayon at ang nagpapatuloy.
hay. buntonghininga. marami na naman akong
maaalala. maaalala.
April 2005
tenk u
tenk you sa paglaan ng oras. :)
sigh din.
kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay
(*sigh*) again...
Walang anuman. Magaling ang iyong pagkakasulat. May porma at istayl na pag nabasa mo alam mong isang sakong tubig lang ang nagmamay-ari nun.
Teacher ka din?
dati
dati akong titser sa tesda hehehe, napaka overwhelming na sa sobrang minahal ko ay parang burden ko na lahat ng problema ng mga estudyante ko. karamihan sa kanila ay mas may edad sa akin na nangangarap makahanap ng trabaho pagkatapos ng vocational course.
may estudyante nga ako dati nagtatrabaho dati sa pier nung makahanap na sya ng work bumalik sya ng skul at nagulat akong may daladala syang sako- isda raw para sakin at salamat. hahahaha nahiya man akong tanggapin, naiyak na lang ako at nagpasalamat.
pero sa tawag na rin ng pangangailangan iniwan ko muna pansamantala, pag sobrang stable nako babalik ako ulit at magtuturo- by that time comes habangbuhay na siguro. :)
kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay
tulad tayo...
Titser din ako dati sa Makati Hope, nung kinuha ako ng ate ko para mangibang-bayan, hindi na ako nagdalawang-isip... nagresign na agad ako. Hindi ko alam kung anong mas matimbang na dahilan, yun bang matatamis na pangako ng ibang bayan o yung pagkabagot ko sa pagtuturo...
Ngayon, sana pinag-isipan ko muna ng maka-isang daang beses yung naging desisyon ko... Walang makakatumbas sa pagiging titser...
babalik din ako... ipon lang
aantayin ka
aantayin ka ng mga estudyante mo sa iyong pagbabalik.
padayon!
kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay
Count on Isa to write something good and stylish! :)
I haven't read this in depth. I have to read it over again. I can't promise you that I will write my thoughts on this. Already I feel bad not finishing my "crit" in the last one of your works that had an impact on me. I couldn't find the resources I needed to write them out. ^^;
My memory isn't exactly the greatest library in the world -- that would be Luna's brain, I suppose. Ha ha ha! Mine is so messed up I have to organize it. Ha ha ha!
For now, at least allow me to say, "Good job, Isa!":)
P.S. I've never been a teacher before ... must be fun.
hello pmel
magandang gabi magandang binibini,
lahat naman siguro tayo ay naging guro sa kabilang banda o naging estudyante sa simula.
salamat. :)
kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay
Pleasure is all mine, Isa! :3
Salamat sa pagbati, Mahal na Principe! Ha ha ha ha!
Dahil sa sinabi mo dito, sobrang gulat ko, di ako makapag reply agad. Nablush ako ng husto! Ha ha ha ha!
bro..
pigil ang emosyon mo ah. anyway, maganda ang pagkakasulat!
=) good evening isa!
oks ito
maganda ito Julius, pang compilation book. ilang beses na din akong nakaranas ng katulad nito kaya nakaka relate ako. yun bang sisilipin mo bawat sulok at singit ng kwarto baka may baryang nahulog at pwedeng pambili ng sardinas o noodles. o kaya naman pagdagdag pamasahe papasok sa trabaho--pamasahe lang ha walang pang lunch.
masakit kumain kahit alam mong magtatanghalian ka kahit alas-tres na ng hapon. lahat yun natitiis pero kung mga anak mo na ang nakakaranas hindi na pwede, lahat na ng paraan gagawin mo wag lang silang magutom.
teacher ka pala dati, ako nagturo sa mga batang may down syndrome, kakaibang karanasan--isa sa mga di ko malilimutan.
salamat sa magandang post!
salamat rom
salamat rom,
kakatuwa yung mga ganitong shared experiences na tulad nito. :)
kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay
ang sarap ng noodles!
dagdagan mo ng isa ang listahan ng iyong mga tagahanga. Ang galing nito!
magandang araw sa iyo! :)
Ruthie
masarap mabuhay
masarap mabuhay!
salamat Ruth.
kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay
galing
minsan ganyan naman talga ata tayo magkwento parang sa una buhos buhos ang emosyon tapos marerealize mo na di ka pala masyadong emosyonal...kakarelate lang.
teacher ako. minsan sobrang lungkot ko, hi-nug ko yung small kid na tinuturuan ko, hinug niya rin ako tapos ngumiti siya...kakaiba ang feeling.
ito pa...wala akong talent sa musika pero minsan dinala ko gitara ko sa pagturo tapos tinanong ko sila kung gusto nila matututo sumagot silang OO kaya pinilit ko ang sarili kong matututo din para sa kanila.
pero consuming ng emosyon talga ang pagiging guro...
salamat
hello inday bulate,
magandang araw sayo.
salamat sa paglaan ng oras at komento. :)
yun nga yun e, nakakalungkot sa Pilipinas lalo na yung mga public titser sila yung isa sa pinakamababang sahod at benepisyo, marami lang talaga silang ganun ka dedikado sa propesyon.
one day at a time,
isangsakongtubig
kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay
reminds me of proust.
reminds me of proust.
perhaps this can explain it
perhaps this can explain it better: http://www.youtube.com/watch?v=X8rhIw_9ucA
hi titser! wag kang
hi titser!
wag kang matakot.. kadalasan masarap din yung ibabahagi mo kung ano man yung mga ala-ala n yun..
masarap
hindi
parang
hay..
naubusan
napakamot
mamaya
mali
mas masarap
buntong hininga....
cheers titser!
:D
Todo na to!
Ang galing! galing! maganda ang pagkakasulat... bilib na talaga ako sa'yo...Okay ang mga idea mo....
jonsdmur













Every...
man's memory is his private literarture.
(*sigh*)