Ang Pluma ay Aking Dugo

dmagsalita's picture
| | |

Ang pluma ay aking dugo:
panulat ng isipan kong malikot,mapaglaro.
sa bawat taludtod na aking nabubuo,
sinong may kakayahang dito ay pumugto?
kay ingat kong hinahanay,ang mga salitang may kibo,
inilalagda sa pangarap ko'ng mga dahong ginto.

Ang takbo ng panulat ko'y,malungkot na daigdig.
tinatahak ng diwa ko'y,mga damdaming kay pait,
at ang mga may dusa,ay pinakalilirip,
sa loob ng silid kong,kaylungkot umawit,
na ang katahimikan'y naglalagos at umid,
at ang hapis ng bawat titik na nasulat
ay waring umiimik,
sa papel kong nalamukos na't
muntik nang magka punit-punit.

Ang bukal ng mga diwang
lagi na lamang nalilihim,
inihahayag ng damdamin ko
na lubhang kay lalim.
Sa aking panulat;
ang mga libingan'y,kaylimit kong hanapin,
doon sa mga pangarap kong
buntong-hininga ng hangin.

O! Sa di makabuluhang aking kinakatha,
sa imbi na simuno,na aking pinapaksa,
ang baliw kong kaisipang
nagpapakadalubhasa,
sa mga parirala't pangungusap na may tugma,
unti-unting nilalamon ng masidhi kong gunita,
itong hagdan ng buhay kong istoryang patula.

Ang pluma ay aking dugo,
tigmak ng luha sa bawat yugto.
O! Sa isipan kong malikot,mapaglaro,
lumilimbag parin ang sariling diwa,
sa sariwa kong dugo.

dmagsalita

jonsdmur's picture

Salamat sa iyong tula...

Salamat sa iyong tula... para sa akin maganda ang pagkakabuo ng mga salita...

Jonsdmur

talulot's picture

ang patak ng dugo

ang bawat pasakit ng makata para sa kanyang musa ang pinakamagandang

sakripisyo... salamat at ang dumadaloy sa'yo'y dugo ng panitik..... 

 

 

 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

JR's picture

pluma o tinta?

ang pluma ay panulat tama ba? kung ganun ang tinta ng pluma ang maari mong tukuying iyong dugo kasi hindi naman dumadaloy ang pluma kundi ang tinta ang dumadaloy sa pluma maling metaphor ba o maling pagkakaintindi? nagtatanong lang at nakakalito.

dmagsalita's picture

Ang pluma ay panulat. Wala

Ang pluma ay panulat.

Wala po akong tinutukoy sa tula ko na ang pluma ay dumadaloy.

Ang tinutukoy ko po sa pamagat ng aking tula na :

"Ang Pluma ay Aking Dugo"

ay ang ibig ipakahulugan nito na ang "Pagsusulat ko ay aking Buhay",

sapagkat ang dugo ay buhay.

Salamat po. 

JR's picture

oo nga

oo nga at wala kang binanggit na dumadaloy pero sa isang taong magbabasa at mag-iinterpret ng iyong tula at ang metapor na ginamit mong pluma bilang itong dugo ay malilito.

Ang dugo ay buhay, dumadaloy, kung di dumadaloy eh di patay. Ang punto ko lang mas mainam kung ginamit mo ang ang 'tinta ng aking pluma ay syang dugo ng aking buhay' simple lang naman punto ko kung ayaw at di magpaturo eh di sige walang kaso.

dmagsalita's picture

Ang masasabi ko

Ang masasabi ko lang...

palawakin ng mambabasa ang kanyang pag unawa sa titulo ko'ng yaon.

dyeppri's picture

Sang ayon din po ako...

ang pluma ay galing sa latin word na feather (daw)na siyang panulat noon at sinasawsaw sa tinta na siyang dumadaloy kaya marahil tama nga na tinta ang gawing metapora dito upang masmaging kaiga-igaya ito sa mambabasa ng tula mo.Kailangang umaayon ang bawat salita sa nilalaman nito kaya nga tula eh.(pero ikaw naman ang sumulat kaya ikaw din ang masusunod nito sa huli at hindi si JR na nagsusuri lamang dito.hehe).salamat.Cool

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

dmagsalita's picture

buti lam mu?na ung nagsulat

buti lam mu?na ung nagsulat ang masusunod.ahaha

salamat din po,pero sa akin wlang mali sa patulad na ginawa ko. 

talulot's picture

pwede din namang...

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

 

siguro para sa mga makatang ang ikinabubuhay noo'y makapagsulat

ang pawis at dugo nila'y ang kanilang mga pluma na minsan nasasalat na sa itim na tinta ngunit ang mga diwa na patuloy na dumadaloy sa kanilang isipan ay nananatili at syang kanilang hininga...

 

may punto ka din, siguro lang mas mainam gamitin at may dating ang pluma. dahil ito ang hinahawakan at lumilikha ng mga salita, siguro parang  sa prinsipyo ng electric conductor. parang tulay ang pluma na dumurugtong sa diwa ng makata at sa buhay na salita.

isang punto lang naman ito. marami pang magandang interpretasyon sa kanyang tula.

 

antoneli's picture

Maganda ang metapora na ginamit mo - ang pluma ay aking dugo...

Maganda ang metapora subali't kailangan pang palalimin ang paghahambing na ginawa mo. Kailangang mapatunayan sa mambabasa na ang pluma nga ay iyong dugo...Kung ang iyong dugo ay iyong buhay...ibang metapora iyon... Tingin ko, puwede mo pang pagandahin ang iyong tula kung gusto mo.
Narinig mo na ba ang tungkol sa poetry workshop ng grupong LIRA? Kung hindi pa ay ipaalam mo lang sa akin. Nais ko ring maging kilala kang makata balang araw, kaibigan. Isang pangarap na hindi ko pa nararating para sa sarili ko.

Melanie Quilla's picture

isang magandang tula

napakaganda ng tula... nananalaytay sa bawat salita ang pagiging isang tunay na manunulat...

melay 

Adlesirc's picture

hi!

nice. ang lalim nung ibang words.. mejo ndi ko na magets but I like it. lalo na tong part na to:

Ang takbo ng panulat ko'y,malungkot na daigdig.
tinatahak ng diwa ko'y,mga damdaming kay pait,
at ang mga may dusa,ay pinakalilirip,
sa loob ng silid kong,kaylungkot umawit,