Ang Pugitang Amoy Paa

| |

it was a cold, december night..

Isang malamig na umaga ang gumising kay pugita, na tila naghi-hybernate sa isang napakalaking kulay asul na perlas na kanyang tinutulugan.

"wooo. goodmah-ning!" wika nito habang nag-iinat.

Tiningnan niya ang paligid, nandirito sina Tammy, na isang isda at Klawdia, isang pusit na naghihintay sa kanya. ang kanyang tinaguriang, 'tropa.' Si Tammy ay isang clownfish na nangarap na makapag-suot ng chucktaylor ngunit alam naman nating lahat na ito ay napaka-imposible sapagkat never tutubuan ng mga paa ang isang isdang kagaya niya. Si Klawdia naman ay isang pusit na walang ka-ambisyon o binabalak sa buhay kundi maghanap ng maghanap ng mga boylet.

"San tayo ngayon?" tanong ni Tammy.

"Kahit saan, basta di boring. hahahahaha!" tawa naman ni pugita. sabay sa kanyang nakakagimbal na paghalakhak ang pag-galaw ng walo niyang mga paa.

(wala pong partikular na pangalan si pugita, pugita lang talaga.)

Gaya ni Tammy, nangarap din siyang makapagsuot ng Chuck Taylor at Van. O kaya nama`y mga sapatos na galing converse. Ngunit nang ikuwento ni Petty na chismosa na mahal ang chuck taylor sa lupa, nawala din ang kanyang pag-aambisyon nito.

"Gusto kong gumala ngayon, nakaka-bore dito sa bahay. wooo. grabe na ito! walang magandang palabas sa TV kundi my PDA, e mamaya pa iyong gabi. gala muna tayo." aya ni pugita.

"Oo nga, gusto ko din makakita ng bagong mga boylets ngayon." tawa naman ni Klawdia.

Naglakad ng naglakad ang magkaka-tropa hanggang sa umabot na sila sa dulo ng dagat. sa pinaka-dulo kung saan ang sibilisasyon ay madalang at kung saan nama`y puro buhangin ang matatagpuan. May nakita silang barko na ilang taon ng nabaon sa dagat. Ang titanic.

(t o i n k s s . )

Pumasok ang tatlo sa barko at namangha sa kanilang mga nakita. Mga platito, kutsara, tinidor, mga kabinet, higaan at iba`t ibang mga pang sosyal na dekorasyon. Namangha ng husto ang tatlo - lalung-lalo na si Pugita.

Noong bata pa lamang si Pugita ay pinangarap na niyang mamuhay sa lupa at maging kasabayan ang iba`t ibang mga hayop na hindi pa niya nasisilayan - mga pato, aso, pusa, manok, ahas, at kung anu-ano pa.

Ngunit alam naman nating imposible ito, dahil ang mga pugita ay sa dagat lamang maaaring manirahan. Ganoon pa man, hindi naman kuntento si Pugita sa kanyang buhay sa ilalim ng dagat. Sawa na daw siya, magsawang nag-friendster at naglolog-in sa multiply, nanunuod ng tv at nakikipag-text sa kung sinu-sino, ito daw para sa kanya, ay lubos na nakakasawa.

Umupo ang tatlo sa isang mahabang kahoy sa may barko, tinitingnan nila ang mga maaari nilang makita at ma-ikwento kay Petty na chismosa at sa iba pang mga tao - este isda, sa kanilang lugar.

"Wow, ang ganda naman nito!" Turo ni Klawdia sa isang frame na may babae. Si Kate Winslet.

"Oo nga. Ganyan pala ang mga itsura ng mga tao sa lupa. Ang ganda." Wika naman ni Tammy.

Walang naimungkahi si Pugita. Oo, napakaganda nga nila. Mas lalo tuloy siyang nagambala at naging curious sa kung ano man ang kanyang matagpuan at maaaring makita sa lupa.

Nag lakad-lakad ang magkakatropa sa napakalaking barko, hanggang sa mauntog naman si Pugita sa isang nakabiting kahoy.

( b r a n g g ..)

Dito na nagsimula ang kanyang hindi inaasahang paglalakbay.

patungo sa..

planetang Earth..

sa...

Pilipinas..

Nagising si Pugita sa gitna ng kalsada. " in the middle of nowhere " ang eksena. Pag-kagising naman niya`y biglang bumalagtang si Henry , isang manok sa kanya.

"Sino ka? Bakit ganyan ang itsura mo? Bago ka lang ba dito? Anong ginagawa mo dito?" Sunud-sunod na tanong ni Henry. Mabilis siya nagsalita, kaya medyo hindi maintindihan.

"Ha?" ano nga bang ginagawa ko dito? asan na ba ako? mga tanong na nag-swimming sa utak ni Pugita ngayon.

"duh!!. syempre nasa Lupa." HUH??! NASA LUPA??!! - sabi ni Pugita sa sarili.

"Nasa lupa na ba ako?!?" tanong nito.

"OO, lupa na nga. Pilipinas. at bakit ka naman napadpad dito? Paano?" Sunud-sunod na tanong na naman ni Henry`ng manok.

"Hindi ko alam.. wala akong maalala..." Sagot ni Pugita.

"Amfffness ka. walang kwentang kausap.. tsk.. makaalis na nga.." At bigla namang tumalikod si Henry`ng manok at tuluyan na ding umalis..

"Masyado naman iyon.." Sagot ni Pugita.

Naglakad lakad ito at marami siyang nakita.. mga aso, pusa, ahas, ibon at marami pang iba.. lahat sila`y tinitingnan si Pugita na para bang isa itong tae. nakakadiri at kakaiba.

Masyado silang tahimik nun. Pero nagsalita na din si aso sa huli.

"Sino ka? at bakit ganyan ang anyo mo?!" Sigaw nito.

Okay, hindi naman siya galit ano?

"Ahm.. Ahm.." Halatang speechless si Pugita.

"Teka, taga-lupa ka ba talaga? ang anyo mo kasi`y kakaiba. Taga-dito ka ba talaga? ngayon lang kami nakakita ng kagaya mo." Sabi naman ni Pusa.

Hindi. im not from here. NAKS. english. "ahm, hi, hello, hehehe." yan lang ang mga katagang lumabas sa bibig ni Pugita. galaw ng galaw ang walo niyang paa, isang senyales na hindi siya mapakali.

"bumalik ka na, kung saan ka man galing! delikado ka rito! siguradong pag-iinitan ka ng mga tao!" sigaw ulit ni aso at lahat sila`y tumalikod at umalis.

Nalungkot naman si Pugita sa lahat. Dinapuan siya ni Bettina`ng ibon.

"Taga-dagat ka?" tanong ni Bettina.

"Oo eh." Wika naman ni Pugita.

"Kung ganun, maging kuntento ka kung nasaan ka man. tama si aso, delikado ka dito. hindi ka dito nararapat. hindi ka dito nababagay. doon ka sa dagat nababagay. Dahil doon mo unang minulat ang iyong mga mata."

Tama siya dun. Naman! Nakaka-asar! Tama nga sila sa isip isip ni pugita.

 

"Oo nga." Sambit na lang ni Pugita.

 

"hindi ka ba nanood ng Dyesibel?" tanong ni cocoy, na isang pato. "Kita mo yun napahamak sa kalupitan ng mga tao at gusto mo ba magaya ka sa kanya."

 

"Ay oo, un pla ang usap usapan sa dagat. Hindi kasi ako kapuso eh!" pabirong turan ni pugita.

 

"May gana ka pang magbiro! putulan kya kita ng paa dyan!" sabay tawa ni Jingjing na isang mother Goose.

 

"Atska wala ka nmn love interest dito ah?" sabay tabig ni Istang Itik kay mother goose.

 

"Bumalik ka na, bago ka mapahamak." sabi ni bettina sabay lipad.

 

Dun napagtanto ni pugita na dapat hindi na sya mag ambisyon pumunta sa lupa.

____________________________________

Makaraan ng ilang segundo!

Saka naman nagising si Pugita at nakita ang dalawang kaibigan sa tabi niya.

"Yes! Sabi ko na nga ba gigising ka din eh!" Sigaw ni Klawdia.

"Anong nangyari?" tanong ni Tammy.

"Long story. uwi na tayo. magp-pda na." Ngumiti si Pugita at sabay ang magkakatropang umuwi.

 

 

 

LESSON NG ISTORYA: Huwag makikipag-fit in sa hindi mo mundo! maging kuntento ka at wag nang magpanggap na ibang tao. Maging masaya kung nasaan ka man ngayon. wag mag-feeling. tsk tsk... tabi tabi po!Smiley

Si sanji po nag-uulat!

Ang maikling kwentong ito ay nagpapahiwatig ng isang simpleng ugnayan ng hayop sa tao. Sa wikang ingles "Be YOURSELF!"Laughing


spike_west's picture

Nice!!

Ayos to ah!! Magaling, nakuha ko yung gusto mong ipahiwatig sa kwento, bagamat mga hayop ang bida at nagawa mo pa rin ipalabas ang nais mong ipahiwatig sa mambabasa.

Minsan talagang ganun, na we want to be counted, yung mapabilang sa mundong hindi natin mundo. Yung tipong matagal natin pinangarap at inaasam at sa bandang huli malalaman natin na hindi na man ito nababagay sa atin.

Sa kwento, magaling at mahusay!! Sulat ka pa Sanjie!!

 

Slamat

Spike

dyeppri's picture

tama ka nanaman...

Tama ka nanaman pareng Spike (tatamaan ka na sa akin eh!heheheh ang galing mo...Sealed kainis k? bakit kb ganyan!) pero 'di pa tapos ang diskusyon ntin sa kahapon yung sequel ba yun kaya lang busy ako ngayon sa pag-aaral ng tula at istraktura nito. Next tym n lang yun.

BTW, kay kasamang Sanjie ay tulad ng sinabi niya ay magaling ang sinulat mo at halatang binigyan ng panahong ayusin... ngunit(eto na!)... nakulangan pa ako sa paglalarawan sa ibang mga gumanap dito. Nakulangan pa ako sa paglalawig sa ga tauhan na basta nalamang umapir sa kwento ... sanay ipinakita pa kung gaano kalupit sa lupa( kasi sa pagkakaalam ko ay mas malupit sa dagat/ nariyan ang lapu-lapu na handang kumain kay pusit at andyan naman ang barakuda na kakain kay lapulapu at kasunod si pating na kakain kay barakuda and so on and so forth... at ibig sabihin ay wala pa naman si pugita(pugita nga ba?) sa heaven na puro na lang saya at magagandng bagay ang kinalalagyan at nakikita niya kung baga malupit talaga sa mundo at kaakibat nanatin ang pagsubok sa ano mang kinalalagyan nnatin...explore and explore kasi maganda din iyan. Tulad naman sa  nasabi mong aral ay hindi lahat sasang ayon dito...maganda din kasi(minsan) na lumabas ka sa kahon mo at makipagkapwa tao ka sa hindi mo katulad at pihadong may matututunan ka din. Tulad ko na noon ay napabibilang ako sa grupo ng Rock & Roll masasabi ko pero hindi ako nananatili (tumatayo ako minsan)duon at bukas ako sa hiphop (sumasama pa nga minsan sa disco ngunit sa damit ko ay naaprint ng malaki ang imahe/salitang pantera na suot-suot ko...nahalos patayin ako ng mga kasangga ko sa banda! Tongue out sori po!!!)  Sa maikling salita ay kulang ang pagtitimbang sa kabuuan upang lubos makuha ang simpatya dito para sa akin po!

lastly ay (para ulit sa akin) hindi na kailangan pa lagyan ng footnote (ata) kasi given nman na masyado ang kwento at parang feeling ko (ako lang po) ay naging tanga ako upang hindi ko magets ang binasa ko. Parang pinabasa ako ng abcdefghijklmn(alphabet)...tapos tinanong kung ano aral dito e isa lang sinagot ko nanatuto ako sa abc.

ang lahat ng sinabi ko ay sa akin lamang po kasi maramdamin ako!harhar... pero pwede mo naman akong gulpihin at hindi ako masasaktan. Promis!!!YO! Man.. YO!Innocent 

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

spike_west's picture

Whahhaha!

Alam kong hindi pa tapos yung sequel na usapin natin, eh pag-aralan mong mabuti yun tyak, aayon ka rin sa akin!Hahahaha!! Regarding dun sa sinabing mong we have to explore!! ISan milyong sang-ayon ako dun. Ika nga we have to be out of our comfort zone. Kasi di tayo lalago at uunlad. Yun nga lang kung talagang di talaga para sa atin wag na nating ipilit. Ako gusto kong sumayaw, as in lahat ng workshop sinubukan ko, kaso kahit anong pilit ko ayaw lumambot ang baywang ko at ayaw makiayon sa akin yung mga paa. Kaya sabi ko kakanta na lang ako.Pero mukhang ayaw din sa akin ng kanta.hahahahha!

Tungkol sa gawa ni Sanjie, eh okay na okay at aprub, medyo kulang pero magaling ang imahinasyon. Para sa iyo Sanjie, masanay ka na kay Dyeppri ganyan yan talaga, magaling sumuri ng tula, sanaysay at maikling kwento. Medyo may pagkahash ng konti pero marami kang mapupulot na aral dyan (karamihan puro kagaguhan, hahahah, joke lang)pero its for your own good din naman.

Back uli sa kwento, okay sya at magaling. Sumulat ka lang ng sumulat, paganahin ang imahinasyon at  kilitian ang mambabasa. keep it up manCool

Ingat

Spike

Constructive Criticisms!

Criticisms exist because they are the media of perfection. They can bring innovative ideas and more sensible thoughts! They are really the catalysts that effect for something better.

In a macroview, you want changes for a better. So, you criticize in all its realms. You localized an idea that turned out to be: "Nothing is permanent but change." And i like it!

Thank you for criticising my loopholes because i do learn from it. 

It's noted po! 

Sanjie

Salamat!

Spike,

Salamat sa papuri. Nakakataba naman ng puso. Malaman ko lng na masiyahan ang aking mga mambabasa ay masaya na rin ako. Smile

Ginamit ko ang pugita para maiba naman. Parang Isang eksperimento! Ganun naman sa pagsusulat eh kung san ka malayang magpahiwatig ng nararamdaman mo un ang susubukan mo. Dahil nga ata sa katangian hilig ko sa pagsulat pati mga pugita na nanahimik sa dagat napagdidiskitihan ko na.

Salamat! Abangan mo ung bago kong gagawin na maikling kwento. "ang ipis na hindi namamatay" hehehe

 

Sanjie

rose's picture

Magandang Storya!

Aba nandito pala ang dalawang malulupit na aking kapatiran! Hello sa inyo kapatid na spike at kapatid na djippri! salamalaykum!!!

Unang Komento para kay Kapatid na spike! Totoo ang tinuran mo kapatid na dyippri na napakagaling niyan ni kapatid na spike parang si "joe d mango " yan mag bigay ng advice napakagaling, kaya naman saludo ako sayo two thumbs up sayoWink.

Pangalawa naman ay si kapatid na dyippri, kahit minsan may pagka senti siya ay magaling din siya magbigay ng mga komento at advice, kaya naman saludo din ako sayo binibigyan kita ng 1 thumbs up.Kiss.  

Sandali pwesto muna ako, dito naman sa sinulat ni kapatid na sanjie ay aba napakaganda at makahulugan na kahit mga hayop ang kanyang ginamit eh malalasap mo kung ano ang tinatakbo ng storya na ito. At tama rin ang kanyang tinuran na " BE YOURSELF " dapat makontento ka at matututung magpasalamat sa kahit na anong maliit na bagay na meron ka. Sino ka man, ano man meron ka dapat pasalamatan mo iyan. Huwag mo piliting abutin ang mga bagay na imposibleng maabot. Minsan mahirap makipag sabayan sa mga taong mahirap sabayan, Dapat magpakatotoo ka sa iyong sarili huwag mo ikahiya kung sino ka, ano ka, at saan ka nanggaling.

Dahil marami ding mga taong masyadong mataas ang lipad na kahit hindi na kaya. Maipakita lang nila na kaya nila makipag sabayan, ay gagawin ang lahat kahit mapahamak na sila. 

Tama magandang aral ang makukuha mo, na kahit medyo nabitin ako okey lang.

Para sayo kapatid na sanjie 1 thumbs up!Wink     

dyeppri's picture

Hindi nga!!!

Hindi nga at kailangan nating lumabas sa kahon...papano mo mallaman kung saan ka mag-eexcel kung hindi mo susubukan. Sabi ng iba noon na delikado at masama sa midle east country ay tinungo pa rin nman natin kasi kelangang subukan. Sana sinubukan muna ni pugita at hindi nagpadala sa ibang mga hayop...Mga hayop sila...mga tsismosa at tsismoso...mga hayop! (hayop naman talaga at basahin mo ulit kwentoni kasamang sanjie puro kahaupan. Grrrr) sige at late nanaman ako sa office...

Bawal dito pikon kasamang sanjie...friends tayo. Bkit ang pogi mo at bagay kayo ni k spike! (pogi mo ngayon sa pics spike atbagay2 talaga kyo...promis!)harhar... Sa tono niya ay labs ka niya?! dib bb rosas?!

jok lang kasamang sanjie pero kung seseryosohin mo ay nasasayo yan! deskarte mo ika nga....

walaykum salam...maasalam. 

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

spike_west's picture

Ang puso pusp

Ang puso mo baka mahulog!! Hinay hinay lang dyepp!hahaha!!, sang ayon naman ako sa iyo eh, isang milyong sang-ayon nga, e ewan ko bb. Rose?Pero opinyon nya yun.

Yung picture ko, pictorial ko yan nung nag-apply ako sa starstruck..Whahahhah!!. Oo naman lab na lab ko si Sanjie. Papable eh.....ummm!!Hahaha!! Joke lang!

Sanjie, masanay ka na sa amin, lalo na dyan kay dyeppri. Ganyan ang kanyang pambibinyag! Mabait yan pero di lang halata. hahaha!!Basta tuloy lang sa pagsulat.

Hoy, dyepp, pagpunta ko dyan sa Dubai sa inyo ako titira para libre na ako. Yung inuman natin di ko pa nakakalimutan.

ingat

Spike 

Napapahalakhak ako dito ah!

Harharharhar Sealed

Baka ma stroke ako dito ah! nakakatuwa naman kaung magkulitan parang iba ata naaamoy ko sa inyong dalawa ah! harharhar Newei, hindi ako napipikon. Sa katunayan nga gusto ko na ngang gulpihin si Dyeppri ngayon eh (biro lng)! Masaya nga eh atleast nawawala pagod ko dito sa opisina tuwing breaktime! Kakulit nyo eh.. ayos lang un Ka-Dyeprri at ka-Spike. Sama ako kung punta ka Dubai. Last viist ko dun year 2000 pa..

 

Sanjie

dyeppri's picture

olrayt sa olrayt p spike!

olrayt sa olrayt p spike at ngayon pa lang ihahanda ko na ang red carpet para sa'yo...wala nga lamang sadike d2 at baka nasanay ka na duon. ang naitatago ko pa lang ay black label at chivas...oks na ba yun. Pero may redhorse din pa ako sa ref tira kagabi...hik...Innocent

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

AKO daw ba pinagdiskitahan?

Loko ka ah! Pati ako nagiging tampulan ng tuksuhan nyo. Pero walang masama hahahaha! Single naman ako eh at open. hahaha pero syempre na kay spike yan! Nakahanap tuloy ako ng loveteam dito. hahaha 

Natutuwa talaga ako! baka isipin ng mga tao dito nababaliw na ako kasi kanina pa ako ngiti ng ngiti dito eh.  

Ok lng yun. Dapat nga ung komentong iiyak pa talaga ako  hehehe ok lng yun hindi nmn ako balat unggoy eh! cge frens na tayo dyeprri. Theres no harm in trying!

Oo nga eh sabi din Nanay ko pogi daw ako. Salamat!  

 

Sanjie

hey

Salamat sa komento mo Bb Rosas sabi nga ni dyeprri! 

Muah (isang halik para sa magandang binibini)

 

Sanjie

orthochild's picture

Hinahanap ko ang tanong sa isipan ko

Hinahanap ko kung bakit amoy paa si Pogita habang binabasa ko ang kwento... waaahhhh... tama ka sa aral, pero paano kung isang araw e bigla nalang mangailangan na makipag-fit ka sa ibang tao? yung tipong kailangan para mabuhay paano ka makikipag-deal ng tama at makikitungo ng tama? darating din naman kasi sa buhay natin yung kailangan natin makipag salamuha sa ibang pipol of the nation....

 

Thanks! i enjoy reading your post, nawala yung stress ko! mas mabisa ito kesa stresstab promis!

wala lng yun!

Para catchy ung Title kelangan mong maglaro at maging weird. Atska, wala namang paa ang pugita kundi ang kanyang walong galamay lng which is considered kamay nya un. Newei connected pa din kasi imbis na mabaho ang kamay ng pugita ginawa kong paa na lang para maiba lang..

Nanghuhuli lng ako ng aking mambabasa at alam kong mapapansin na ito sa title pa lng, kanilang titignan at babasahin kung anong meron sa pugita, In that way makakaisip at mapapaisip cla gaya ng kalagayan mo ngayon. hehehe  Tama? Kampay!

Sanjie

eloisa marie hernandez's picture

labtim

Bakit parang dumadami labtim  dito? Hmmm, nangangamoy pag-ibig.haha! kahit ako eh natatawa na din dito mag-isa. Kabaliw!

 

Tama si Kuya Sanjie. Napa-isip din ako kung bakit paa eh kamay ang meron yung si pugita. Minsan nga kelangan makuha agad ng title yung interest ng mambabasa. ayus un. aabangan ko yung susunod na kwento tungkol sa ipis? Teka, may napapansin lang ako. Kuya Sanjie, ba't ang hilig mo sa "kahayupan"? mahilig ka siguro sa pet ano?

 

Pero ang sakin naman, siguro minsan kailangan din mag-explore. Tulad namin ni Ate Melayh. Nung una, nagdadalawang isip ako kung matatanggap yung novel namin. Tapos, in-encourage ako ni Ate Mel. Ayun sige nag-take kami ng risk kahit na 50-50. Kasi nang mga oras na yun hindi pa tanggap ng parents ang pagsusulat ko. Inisip ko din nun kung babagay ba talaga ako sa pagsusulat. At kung kaya ko bang lumabas sa lungga ko. Dati kasi hindi talaga ako nagpapabasa ng mga ginawa ko kasi nahihiya ako.

 

Pero kung sa tingin mo naman, mapapahamak ka na dahil sa ka-e-explore mo eh itigil mo na or wag mo na subukan. Tulad nung mga nababasa ko sa kwento. Yung sinubukang makipag-eyeball? Ayan, na-rape lang.

 

<(='.'=)>

 

 

 

Pet lover talaga ako!

Oo mahilig ako sa pusa, sa isda, aso at mga ibon.

Nakakaaliw kasi eh lalo pag nalalambing cla. mga chowchow alaga kong dog. then persian cat. may aquarium din ako kaso hindi ako particular sa mga name ng mga isda ko but they have their names. tapos pair na parrot. 

Alla! loveteam talaga! hehehe kaw tlga. 

 

Sanjie

dyeppri's picture

Hindi...

hindi tama iyan Kasamang Sanjie at marami ang maiinis sayo kung gagawin mo na hindi naman tugma ang pamagat sa loob ng mensahe o ginawa mo. Pandaraya iyan sa mambabasa.... Katulad din iyan ng isang pocket books sa national book store na binalutan ng plastic at makikita mo lamang ay pamagat...pero sa dami ng nagreklamo ay tinanggal ng pamunuan ang takip sa likod...ngayon ay malaya ka ng mababasa ang buod ng istorya sa likuran ng bawat libro.Minsan kasi hindi sapat ang pamagat upang malaman mo kung ano ang gusto mo biling istorya. Upang hindi lugi ay titingnan muna ang buod nito...salamat poCool

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

spike_west's picture

Para nga ano!

Parang medyo di nga ata maganda yun, although magandang strategy yun para makahikayat ng mambabasa. Pero hindi naman yung title ang mahalaga dun kundi yung nilalaman.Pero kung mali at walang kinalaman yung title sa nilalaman, eh parang walang pinagkaiba yan sa mga chain letter na ang nakasulat ay "Trabaho sa Canada" tapos chain letters lang ang laman. Nakakabadtrip at feeling nadaya kami. Sa una cute, pero kung ito na ang magiging style eh pangit at wala ng bearing parang yung istorya "The boy who cries wolf" kaya wala ng naniniwala sa kanya. Kaya baka mangyari sa iyo na waepek na yung sinulat mo at mawalan ng gana ang mambabasa.

Sa paghanap ng title, dapat nauuna muna ang istorya bago ang title. Dapat catchy yung title pero swak pa rin sa istorya. Minsan yung simple mas pansinin pa yun. Minsan in na yung title palang teaser na o istorya na. Minsan ito ang pinakamahirap na parte pero katulad ng nilalaman ng bawat sinulat natin responsable dapat tayo sa mga mambabasa natin.

Yun lamang po at maraming salamat.

Spike

Ganun ba?

WAla naman sa intensyon ko yun eh ang gusto ko lng, sa paggawa ng title palang makikita ng interesting ung kwento, then kung hindi sila satisfied na nabasa nila un kabuuan ng kwento nasa kanila na un after all we are all entitled to our own OPINION naman eh!. At ibA namn yung sitwasyong sinasabi mo, hindi ako professional writer na published ko sarili kong mga kwento at artikulo, ang gusto ko at ang akin lng malaya kong nagagawa,gagawin at ipamahagi ung kakayanan kong magsulat sa pamamagitan na alam kong paraan kahit na alam kong kulang ako kaalaman sa sining ng pagsusulat. At sa pagkakaalam ko nasa istilo na yan ng manunulat kung paano nya papaganahin ang kanyang imahinasyon sa paksang susulatin nya at kung paano nya ipapaintindi sa mambabasa ung ginawa nyang limbag!

PAGPAUMANHIN PO!

Pero sa ginagawa nyo po  pinipigilan nyo na ang mga bgong sibol na mga manunulat though may mga punto kayo at may mga kaalaman, dapat at sana facts ang comment at hindi pansariling opinion na pwedeng masaktan ung lumikha ng kanyang kwento! hindi lhat ng tao perpekto!  Naiintindihan ko po ang gusto nyong ipahiwatig at gusto ko pong unawain. 

N OTED NA PO YAN!

 

Sanjie

orthochild's picture

Teka lang... Relaks

Parang na hihighbloog kana kuya sanjie, ang puso mo! isa lang yan.... wala kang mabibilihan nyan! Saging lang ang may Puso!!! Relak relak! :))

 

hindi ah

Nye? hindi kaya! kaw talaga. Oks lang un! 

Sanjie

spike_west's picture

Di rin po kami Professional Writer

Eh Sorry if you feel that way, we are just being constructive and we dont want to offend other people especially you Sanjie. Yung opinion din naman namin ay base sa facts (you can try to reserach about writing).

Wala kaming intensyon at yung pagcocomment namin ay hindi comment ng isang manunulat kundi ng isang mambabasa. Kasi kami yung bumabasa ng istorya. If you feel that we disappoint you about writing and made you down, hindi po namin intensyon yun. we just wanted to help. We already had an argument about the difference between negative criticism and constructive criticism. I guess constructive naman yun naibigay namin kasi it will make you better.

Sorry if you feel that way,pero about my comment ,I will stand by it, kasi alam kong nakakatulong yun,  concern lang kami. At wala kaming gustong ipahiwatig dun.

Sabagay kanya kanya yan. Pero ituloy mo lang ang pagsusulat mo. 

Sige salamat po,

Spike  

ok lng!

Thanks! 

Sanjie

Ailem23's picture

makikigulo lang po!

kamusta mga kapatid! naaliw na naman ako sa ating lahat!

bago ang lahat, story muna... maganda ang representation ng mga character...tama ka do'n kuya sanjie! lahat tayo ay may sari-sariling tamang lugar sa mundo. kung ang lugar ay hindi mo naman lugar, wag ka ng sumubok pang magpanggap para lamang mapabilang sa lugar ng iba... kunbaga, "Magpakatotoo ka Zister!!!" hehehe... aabangan ko iyong sunod na tungkol sa ipis... (animal kingdom friendly ka ah...ayos iyan, sanjie!)

tungkol naman sa napaka-sweet na sina kuya spike at kuya dyeppri....(na may third party pa ata..joke lang po!) ala eh, ganyan talaga sila magmahalan...napakatamis!!! ahem...ahem... Peace mga kuya... sa totoo lang, sila ang napapansin kong ilan sa mga masasabi kong magaling mag-comment dito.... at gusto ko ang mga comments nila sa mga gawa ko kasi natututo ako kahit para silang debators minsan... thanks mga kuya!

kay ate rose... para talagang ate ko na rin siya... isa rin siya sa alam kong nagbabasa talaga at may matutunan kapag nag-comment. thanks! 

to sanjie again.... sulat lang nang sulat... maganda ang writing style mo...

best regards,

melay

eloisa marie hernandez's picture

makasingit nga ulit...

Totoo yun. masaya  talaga ang buhay dito. Actually napagdebatihan na nga yung tungkol sa pag-co-comment pero matagal na yun.

 

May pet din ako. haha! Itim na rabbit.

 

Sinasangayunan ko ang mga sinabi ni Ate melay (labs ko na co-writer na pinsan ko). Actually, kami din eh nagmamahalan (pasensya na ate labs pero masyado nang sumisidhi ang aking damdamin..ahihi).

 Ilan sila sa mga masasabi kong masipag magbasa at mag-comment.

 

<(='.'=)>

Yung tungkol naman sa iki-nomment nina Kuya Spike, ganun lang talaga sila. Mabusisi. Natututo din ako sa mga sinasabi nila. 

 

 

jonsdmur's picture

Maganda ang kwento...

Maganda ang kwento... nakakatuwa at nakaka aliw... kaso parang kinulang sa eksena.. mas maganda siguro kung pinutulan siya ng paa sa lupa at ginawang abodo ng mga tao... at pag gising niya isa lang palang panaginip heheheeh

maganda talaga ung nagpapakatotoo talaga ang isang tao...

Maganda ang kwento... sana pinahabaan pa.... sana may part two heheheeh

Gud luck sa pagsusulat....jonsdmur

Salamat!

cge isip ako bago hehhe 

 

Sanjie

dyeppri's picture

ang galing...

ang galing mo talaga ngayong araw na to jonsd! ano nakain mo iho?! yan nga ang sinasabi ko kay kasamang sanjie sa unang komento ko na hindi dapat balanse ang istorya nya para umayon sa gusto niyang emensahe db?! ayaw ko lang diktahan siya kung ano pa dapat idagdag pero ayos ang naisip mo ah... gawing adobong pugita na magmumukhang pusit siya... grabe na 2 at ginugutom ako...ano b ulam mo jonsd at makikikain na lang ako sayo?! taralets...Laughing 

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

jonsdmur's picture

hehehe tama... mas masarap

hehehe tama... mas masarap nga kung niluto siya ng mga tao... para naapi naman ang bidang pugita... malapit na ang aking nobela... hindi un comedy at hindi un drama.... horror un hehehe joke.... abangan na lang.....jonsdmur

hey

Nabasa ko ads mo ah wagi un ah! abangan ko un ah! 

Sanjie

adaengkantada's picture

hindi pa ba ako huli sa byahe?

nag-enjoy ako ulit dito,pero mas gutso ko yung isa, yung sa ipis.

pero pa-join na din ako.

maganda ang mensahe ng kwento na magpakatotoo tayong lahat. dahil isang disaster lang sa atin at sa iba pa kung magkukunwari tayong mabait kung hindi naman pala (halimbawa lang).

pero wala akong nakikitang masama kung maglalaan ka din ng panahon para hanapin ang sarili mo, mag-explore ika nga. wala namang mawawala sa atin kung gagawin natin iyon, kundi kamangmangan at ilusyon natin, di ba?para pagdating ng panahon, hindi tayo magsisisi na "sayang, hindi ako nag-ganito. sayang hindi ako nag-ganyan..."

sa mga pagkakamali at pag-eeksperimento naman natin mahahanap ang tunay na TAYO, at kapag nahanap na natin iyon, ayos di ba. panindigan natin.

pero sa isang banda, tama yung isang punto ng isang mama dito na paano nga naman kung kailangan nating makisama. totoo naman iyon di ba. hindi naman tayo mabubuhay nang nakakulong lang ang sarili natin.

kaya nating makisama nang maayos nang hindi isinasakripisyo ang mga paniniwala natin. hindi tayo dapat puro pakikisama. hindi rin naman dapat puro pakikitunggali dahil nagpapakatotoo tayo sa sarili (ginagawa kasing excuse ito sa pagmamaldita ng maraming tao). ang kailangan natin, timplahin yung pakikipagtunggali at pakikisama o pakikipagkasundo sa hindi natin kakambal sa opiyonetc.

eto muna.

...bigyang laya ang malikot kong isip para makatulog

 nang mahimbing...

hi

muzta nman ako dito hirAP GUMAWA NG THESIS

nakakatawa ang kwentong ito

nakakatawa ang kwentong ito at may moral lesson