Ang Puno ng Akasiya

Fraiman's picture
| |

Kay Init! Nagtago
ako sa lilim
ng isang mayabong na puno:
ang nagsisiglang akasya.
 
Mapaglarong dinukot ko
    sa bulsa
ng Polo kong kamisa
ang pala-usong Swiss
    na sandatahang panghiwa
Ang pinakamatulis
na pinilakang patalim
ang siyang ginamit kong pang-ukit
ng pinaka-sasadyang mga hugis.

Hiniwa ko sa troso
ang ga-ilang mga linya
Binilugan ko ng puso
(pluma'y asero)
at ihinating-ekis ng palaso
 
Mahal kita
  Adelaida

 ang isinulat kong bilin
pinaabot sa punong may lilim
ang tunay kong damdamin
 
sa troso ng akasya
(kabila ng Roces na abenida)
maka-harap ni Adel sana
ang mensaheng
mahal ko siya.
mutya kong Ilokana
giliw ng Tagalog kong dibdib

Ramuel Mendoza Raagas

Ram Raagas entered UP Diliman in 1992.