Ang Puso ni Adan

Ang puso ni Adan ay puno ng katapangan

hindi natatakot kahit kanino man

Ang puso ni Adan ay walang pag-aalinlangan

ang pagmamahal nito'y tunay na maipagmamayabang

 

Ako ay isang Adan, ng modernong panahon

ngunit ang isip ko'y di tulad ng Adan noon

ako'y natatakot, kahit nga sa multo

paano pa kaya sa isang buhay na tao

 

Ako ay isang Adan sa modernong panahon

ngunit kulang ang tapang, kung walang ka tulong

ako nga ay Adan ng modernong panahon

ngunit di ko maihahalintulad ang buhay ko,

sa buhay nila noon

 

Ako ay namulat sa takot at pag-aalinlangan

pagkat paligid ko'y ganun rin naman

pero kung ako sana'y, tulad lang ng adan ng lumang panahon

sana ngayon ako ay matapang na't  marunong!


jonsdmur's picture

okay ang tula mo... sabagay

okay ang tula mo... sabagay ibang-iba na si adan ngayon kaysa noon...

keep on posting

jonsdmur