Ang Salita

ed_roa's picture
| |

 Ang sanggol ay umiyak

Dahil sa ihi at gutom   

Tumahimik ka bata!

Ang samo ni ina 

Di ba may karapatan magpaalam

Ng gutom o lumbay si utoy 

Musmos na tanging iyon lamang

Ang alam gawing pagpahiwatig 

Lumaon ang sanggol ay nagkamalay na

Ibang klaseng salita sa kanya’y nagunita 

“Putang ina!” Sabi niya ng siya’y nadapa

Gasgas tuhod, bukol sa ulo ang napala 

Magtigil ka bata!

Pagalit ni ina 

 

Makatwiran bang damdamin ay pigilin

Talagang “putang ina” ang kanyang ibig sabihin