Ang tanga

|

Ang tanga!
Thirdy Lopez

Parang madali dati
Lapitan ka’t makipag-usap
Samahan at ngiti-an

Lumakad ng magkatabi
Mag-intay sa inyong piling
Kulitan lang, talaga

Hindi ko man alam
Ano ba talaga ang nadadama?
Hinayaan ko lang

Malay mo.

Hanggang sa
pinahirapan ako muli.
Komplikasyon at pagkakaiba.

Minsan lang kita makita.
Hindi ko na alam.
Nagpasyang iwan.

Sino ka na uli?
Kilala mo ba ako?
Trabaho na lang ang usapan.

Ngayon ako’y nagpasya.
Nais kong magmahal.
Isa lang ang nais kong mahalin.

Siya nga!
Ang tanga, ako.
Paano ko na sasabihin?

Diretsuhan ba?
Isusulat ko ba?
O sasalihan ng romansa?

Ano ang iyong reaksyon?
Papatayin mo ba sa tawa?
O kaya’y tatanggapin?

Ang tanga? Ako.
Sa paglilimot sa iyo.
Ang tanga? Ako.
Di ko alam, ang aaminin sa’yo.

Thirdy Lopez