Ang Taong Grasa ng Lopez Avenue (a video interview)

Rom's picture

 

 

 

 

 

There he is roaming the streets of Lopez Avenue come rain or shine. Walking aimlessly in the early morning and taking a nap in the heat of the afternoon anywhere near the road where there is a shade to protect him from the scorching heat of the sun. Night becomes a solace in his tired soul as the cold breeze serves as his blanket. 

He never worries about what to eat and where to get it; he always depends on the generosity of those people who always hand him something to eat, that is if his appearance does not become so taunting to them as well as his stink. He got the whole Lopez Avenue as a home; the street adopted him like a prodigal son—roaming along with stray dogs and other unwelcome soul wandering the street and looking for something that was never been there. 

Alex Catacutan is a 53-year-old ex-soldier (according to him) who shares with me his views in life and how he sees it beyond. It took me about 30 minutes of convincing before I finally got his approval to point a camera at him and hurl away questions that instantly become a conversation so engaging that I forgot I was talking to what they called a “Psychotic Vagrant.” 

I really don’t know if Alex sees himself in me or he just merely came so acquainted with my presence that he fires away tons of anecdotes and personal stories from his dwindling vault of memories. His stories came unbridled, without restriction—that borders from the death of his family to salvation and eternal damnation and even drug abuse. He speaks without batting an eyelash, just like a little boy who looks straight into your eyes chatting about nothing. 

His eye speaks of different sadness in between tales of destitution and poignant events in his life. His smile shows a broken smirk from a wounded soldier that merely escapes a war-torn life. He wore an all-time black long sleeve shirt with hood and tattered grimy pants that who knows when it was the last time soap had laid a hand on it. He got a grungy shoulder length thinning hair sticking to his bony head in a shrubby moustache and a beard. 

I got so many insights talking to him than any other so-called “educated” people I have met. Alex never had any pretentions when he speaks, he does not have any reputation to protect or a name to safeguard. Sometimes I stop and wonder who really the Psychotic is—the world we live in? Or the world Alex inhabit? 

I got smirk from onlookers who saw me talking to Alex. Their stare penetrates me deep that somehow I feel uncomfortable. They look at us in a strange manner as if tossing insinuations in the air as we walk past them. One Jeepney driver passes our way and shouts some ridicule which made the silent gawking crowd chuckle in insolence. I really don’t care. 

We part our ways shaking hands. I learned a lot from that conversation. What I was expecting is a garbled idea from the so-called muddled mind—I was wrong. His insights may not be of Philosophical or evangelical, intellectual or logical to a common mind. However, one thing is for sure, he speaks from his heart with peace. I saw in his sad eyes an allusion of peace free from want of this materialistic world we live in. A peace most of us are dying to achieve. 

Truly, God give his blessings sometimes in the most peculiar ways. There is this person, broken and downtrodden but rich in peace and free from yearning. Sometimes I wonder who the most fortunate soul is.

 

to WATCH the VIDEO interview please click HERE and leave a comment---thanks!


love's picture

Hi Kuya rom

 

 

Dapat nga talagang hindi natin husgahan ang tulad niya. Salat man sa materyal na bagay, marami naman siyang kaalaman sa tunay na pananaw sa buhay.

Ang pinaka-gusto ko sa sinabi niya ay 'yung 'pag dumating na ang JUDGEMENT day.. kung saan hindi magiging batayan ang naging yaman o karangyaan sa buhay, kundi kung paano mo ipinamuhay ang buhay na ibinigay ng Diyos.

Sabi nga --mag-ipon ka ng kayamanan sa langit hindi sa mundong ito at gUmawa ka ng mabuti sa kapwa at mamuhay ka ng ayon sa salita ng Diyos. Ang tao batid na 'yung masama at mabuti, ngunit 'yung iba pinipili pa ring magpakasama. Kaya 'pag dating ng oras, ang lahat ng nagnais maging mabuti hanggang sa huli ay aangat at ang ang pumili sa kasamaan ay tuluyan nang lulubog.

 

Salamat kuya rom sa pag-share sa'min nito. Marami akong napulot na aral sa buhay.

 

God bless po.

 

 

Rom's picture

Hi Jha

 

 salamat sa pagtityaga mo manood. nagulat nga ako e marami siya alam sa buhay. kasi dito medyo iniiwasan talaga siya at kinatatakutan may mga usap-usapan pa na dati daw syang professor ng Up los Banos, malapit lang kasi kami sa UP dito. dami pa sya kwento halos isang oras yang interview ko e kaso kailangan talagang i trim down 10 minutes lang kasi ang allowed sa youtube. tsaka baka boring na kung mahaba e.

kahit paano may mapupulot ding aral kahit sa mga taong tulad nya. mas may kabuluhan pa mga pinag sasabi nya kesa sa mga pulitiko natin e. maganda nga siguro na tingnan at pansinin natin ang mga bagay na karaniwang hindi iniintindi sa lipunan natin at dun natin makikita ang reflection ng sarili natin.

salamat sa panonood. 

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com

Adlesirc's picture

thanks for the effort of

thanks for the effort of sharing this.

honestly kuya, sa tingin ko mukhang medyo may diprensya na sya sa isip dahil siguro sa mga matinding pinagdaanan nya. ganunpaman, kapupulutan pa rin sya ng mga aral na mahalaga sa buhay. pananalig, pagsisisi at pagtanggap sa kapalaran. minsan mas masarap pang makipag usap sa mga katulad nya na maraming naranasan sa buhay kesa sa mga taong masyadong matalino na wala namang ginawa kundi magyabang tungkol sa alam nila na hindi naman talaga importante para mabuhay ng tama.

at dahil din sa video/istorya ni Alex, na realize ko na marami akong bagay na dapat ipagpasalamat kay God.

salamat sa panahong inukol mo para sa video at post na ito. muling bumabalik ang paniniwala ko na hindi pa rin sa materyal na bagay lamang nabubuhay ang tao.

 

 

***nagpapasalamat din ako sa mga taong nagbibigay ng food sa kanya kahit once a day lang.

 

 

high five for your post!

 

 

Rom's picture

salamat Anne

 

 salamat anne. nakakatuwa nga tuwing nadadaan ako ngayon sa Lopez Avenue at malayo pa lang nakikita na niya ako tatayo agad yun (si Alex) kahit nasa kabilang kalsada ako kakaway siya sa akin nambabati. minsan nadaanan ko siya nakatalungko sa sulok sa tabi ng karinderya sumenyas siya sa akin na gutom na siya. kinausap ko yung nagtitinda na pakainin bayaran ko na lang. hindi siya tulad ng ibang pulubi na nangungulit mamalimos, ewan ko pero parang may katinuan pa rin siya somewhere kaya lang talagang nag retreat lang siya sa sarili niyang mundo.

dami pa namin napag-usapan niyan mahaba ang video edited ko na nga lang hanggang 9 minutes para ma upload sa youtube. marami siya insights lalo na tungkol sa bible at salvation, nakakatuwa kasi kahit ganun kalagayan niya ang laki-laki ng hope niya sa buhay, bagay na kulang tayo kahit mabuti ng di hamak ang kalagayan natin.

 

salamat anne sa pagtitiyagang manood.

kita-kits tayo sa launching ni Ricky Lee ha Nov. 30 na 

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com

Walang silbi ang buhay kung wala Siya...

Narinig ko na rin ang kuwento ng isa sa kanila....  Salamat Kuya Rom!

Kasi kapag nagdadaan ako sa mga kalye, nariyan ang mga katulad niya at napapaisip ako kung ano kaya ang mga pinagdaanan nila sa buhay bago sila naging taong grasa.   Ano kaya ang kuwento nila?

Marahil marumi siya sa paningin ng iba, pero hindi maikakaila na tukoy niya ang mga bagay na mahalaga sa buhay ng tao dito sa mundong ibabaw.  Naiintindihan din niya ang konsepto ng buhay na walang hanggan na lahat ng mananampalataya ay nais makamtan. 

Mabuti at natiyempuhan mong lucid siya Kuya Rom, nakuha mo rin ang kaniyang pagtitiwala, magaling!

Mahusay ang timing, mahusay ang musika, medyo may mga leading questions nga lang pero okay lang siguro yun para mabigyan din siya ng direksiyon.  Kunsabagay, kung ang kinakapanayam ay isang bata o taong may kahinaan sa pag-iisip, mainam rin ang paggamit ng leading questions.

Alam kong malaking panahon ang naiukol mo dito at naging maganda naman ang resulta.  Mahusay po ang inyong ginawa.

Mabuhay po kayo, at nawa e mapulot ng mga manonood ang aral na nakapaloob sa video ni Alex.  Alam na kaya niyang sikat na siya? :)

Godbless po.

Ruthie

Rom's picture

Salamat Ruth

 nung una ang hirap niya mapapayag na tutukan ng camera medyo takot siya. kasi sabi niya baka daw ma TV siya. yun daw kasi ang dahilan kung bakit namatay ang pamilya niya. sabi ko "patay, wala akong istorya nito" kasi sabi niya nagbabantay daw siya dati ng banko (assume ko security guard siya) tapos may nangyaring holdapan. napatay niya daw yung holdaper, tatlo daw yun binaril niya--patay!

nakuha daw sa camera ang ginawa niya kaya yung mga kasama ng holdaper binalikan ang pamilya niya minasaker. ewan kung totoo nga yun, anyway, kinwentuhan ko na lang siya ng kinwentuhan ayun akala niya ata taong-grasa din ako nakuha ko ang tiwala niya nung nilabas ko yung camera, aba. nag posing na umupo na at ngumiti na sa camera.

medyo obvious yung mga questions ko na patungkol sa bible at salvation kasi medyo astray na yung kwento niya--karamihan kwento tungkol sa barilan, ambush, at iba pang kwentong sundalo gusto ko sana mas malalim na insights sa kanya tungkol sa paniniwala niya, kaya ni-redirect ko.

gusto ko sana puntahan yung itinuturo niyang puntod ng pamilya niya e, ayaw niya lang di ko alam kung bakit.

salamat Ruth sa pagtitiyaga mong panoorin ang gawa ko. nag-iisip ako ng part 2 kasi meron pa akong nakikita rito na iba pang taong grasa, medyo nakakatakot nga lang lapitan kasi naka shirt lang at walang pants. at sobrang dumi talaga malinis pa si Alex e. titiyempo ako, kasi nahihirapan din ako iba makatingin ang mga tao kapag nakikita nilang kinakausap ko ang mga taong grasa--nanunuya pa sila.

salamat sa appreciation Ruth. 

 

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com

spike_west's picture

Ayos ah!

Saan mo naman nakuha yung mga pinagtatanong mo kay kuya, hahaha!! Well sa totoo lang mukhang hindi naman psychotic si Kuya eh, kasi sensible naman syang kausap. 

Minsan kasi ang mga Taong Grasa ay hindi naman mga psychotic, karamihan sa kanila ay tinatakasan lang nila ang kanilang katinuan, defense mechanism yan ng isang tao para makalimutan ang mapapait na nangyari sa kanyang buhay. Pero sa case ni Kuya Alex, para lang syang palaboy at pulubi kaya tingin ko eh katulad din naman natin sya. (Teka Psychotic kasi yung translation mo sa blog mo eh)

I guess, ang natutunan ko kay Kuya Alex, ay matututo kong pasalamatan at pahalagahan ang mga bagay na meron ako ngayon. Minsan kasi nabubulagan tayo ng mga kagustuhan at pagiging hindi natin kuntento sa buhay. Nakakalimutan natin tingnan ang mga bagay na nasa atin o di kaya pasalamatan ang mga bagay na nasa buhay natin.

Salamat sa video bro abangan ko ang part 2

Ingat

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

 tinatawag lang siyang

 tinatawag lang siyang "psychotic" kasi di siya sumasali sa norms o ng karaniwang daloy ng buhay tulad ng magtrabaho, magpamilya, magka anak, bumoto, makipag kaibigan etc. 

pero dami niyang kwento na lampas sa katinuan, medyo borderliner nga e. pero kung tutuuusin mas may maganda pa nga siyang pananaw sa buhay e kahit isang beses isang araw lang siya kumain di niya naiisip na magnakaw o gumawa ng masama di tulad ng iba na masunod lang ang luho gagawa ng katarantaduhan.

nakakainggit lang yung peace na nasa kanya. habang tayo nagpapakamatay mahanap yung peace sa buhay natin kahit marami tayong materyal na bagay sa buhay siya nakuha na niya sa mundo niya.

salamat sa panonood bro! 

 

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com

spike_west's picture

Ganun ba yun!

Uhmmm, kasi alam ko sakit yun sa pag-iisip. Although ang pagiging psychotic nya ay paraan nya para matakasan ang realidad at katinuan nya. Siguro mag-aagree na ako dyan. Ang schizophrenia yan naman talaga ang sakit sa pag-iisip, namamana yan at hindi na nagagamot. Si Kuya pwede pa naman magamot at gumaling.

Yup tama ka,sang-ayon ako sa mga words of wisdom mo, meron na rin akong naisulat tungkol sa ganyan eh, siguro ipost ko dito one time.

Sana makagawa tayo ng isang documentary bro, medyo mahilig ako sa ganun eh!!

Masarap kung minsan na takasan na lang ang problema, kalimutan na lang ang mapapait na karanasan, umiba sa daloy sa karamihan, at umalis sa ating katinuan katulad ni Kuya. Yun nga lang para hindi tayo matulad sa sinapit ni Kuya, dapat pala harapin natin ang lutasin ang mga mapapait na karanasan, mabibigat na problema, at ipagpatuloy ang laban ng buhay.

 Salamt uli bro, ingat

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

parang computer

 

 ang katawan kasi ng tao may sariling depensa. tulad ng pag nilalagnat ka ng mataas ibig sabihin nito ay pinapatay ng katawan mo ang mga bacteria na maaaring maging sanhi ng sakit--may mga bacteria kasi na namamatay sa matinding init e. kung nagtatae ka naman isang paraan yun ng katawan natin na inilalabas (eject) ang mga lason o toxins na naipasok natin o kinain. 

ganun din ang kaso ni Kuya Alex. sa tindi ng masasakit na emosyon o karanasan niya pinili ng katauhan niya na i-block ang anumang nakakasirang isipin o damdamin sa buhay niya. at pinili na lamang mag retreat sa ganyang kalagayan. kung pipiliin niyang bumalik sa dating "normal" na kalagayan palagay ko pwede naman e.

parang computer din yan pag pinasok ng virus merong "safe mode" na pwedeng dun muna tayo mag browse tapos kapag nakapag anti-virus na pwede nang bumalik sa normal mode. 

malay mo pag dating mo tie-up tayo gawa tayo ng documentary film, dami ko naiisip na topic! 

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com

spike_west's picture

I agree with you

Teka yung lagnat dahil yun sa infection (yun ang alam ko). Pero tama ka may defense mechanism ang katawan ng tao kahit utak natin at sumasang-ayon ako sa lahat ng sinabi mo.

Uhmmm, kung tatanungin mo ako kung anong topic ang maganda sa Documentary, heto ang ilan.

1. Mga nene at totoy na namulat sa prostitution

2. Mga Ex-convict na nagbagong buhay at paano sila nagsimulang muli.

3. Mga lalaking binubugbog ng asawa nyang babae

4. Mga batang namamasura pero matatalino at nasusumikap.

Iyan mga ganyan topic, ano sa tingin mo???

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

magandang topic mo

 

 magaganda mga topic mo spike sang ayon ako dyan.

yung no. 1 medyo delikado kasi hawak ng mga sindikato yan nasubukan ko na yan dati sa Luneta. kung actual action ng pag pick-up sa kanila dapat hidden camera, pero pwede din naman sa rehabilitation center na tayo mag interview.

yung no. 2 madali lang yan minsan willing talaga pa inteview mga ex-convict.

yung no. 3 medyo mahirap din kasi di madali uammin yan pwera lang kung nagsampa siya ng kaso at alam na ng lahat--pero challenging.

yung no. 3 madali din dami nyan sa tabi-tabi.

nasubukan ko na din dating makitira sa smokey mountain nung kasagsagan pa ng dami ng pamilyang nakatira dun. nagbigay ako ng acting workshop sa mga bata dun at nakitira sa bahay nila. sayang nga lang di pa uso video blogging nung 1997 sana nakapag documentary ako.

usap tayo pagdating mo gawa tayo documentary ha. 

 

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com

spike_west's picture

Walang problema

Siguro naman di gaanong magastos yun, may videocam ako bro,maganda naman resolution nun eh (maganda rin yung sa iyo eh). Sige pag-usapan natin, medyo investigative at informative ang dating para mas maganda.

Pero unahin muna natin ang compilation ng mga storya natin para i-publish. Kung kailangan magcontribute ako sa funds para maisakatuparan lang yan, eh babakas ako. hehehe.

Ingat

Spike  

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

 actually halos walang

 actually halos walang gastos maliban sa pamasahe kung location ka at pagkain syempre. may editing software ako at pang voice over na software, meron na din akong pang background music software. 

gawin natin isa-isa sarap makapag publish ng isang interview nakakapag bahagi ka ng isang piraso ng mundo sa nakakarami. meron pa akong ibang istorya nakuhanan ko na video at interview. yung mga nagtutulak ng trolley sa riles ng tren bilang hanap-buhay nila. nakaka antig damdamin ang kwento dun. di ko pa na edit (madugo kasi mag edit) ilalabas ko din yun minsan pag may time.

cge spike gusto ko din makagawa ng compilation natin e medyo may kahirapan lang humanap ng editor na tatayo sa atin, kung pwede lang ako sana kaya lang di naman ako eksperyensyado sa pagiging editor. 

 

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com