ang tugon
sinigaw mo ang aking pangalan
hinihiling na ibalik
ang iyong sarili sa daigdig
na iyong pinagmulan
inaabot mo ang aking kamay
kahit malayo o malapit ayaw mo nang mawalay
sa tinig ko'y parang musika
sa saliw niya'y ika'y sumasabay
at ang sabi mo,
hindi ba kita nakikita?
sabi ko nama'y
buksan mo lang ang iyong mata
sabi mo,
di ba kita napapansin?
sagot ko'y
tanggalin mo ang iyong piring
at sa aki'y kasi'y tumingin
mabubunyag na ba ang ating lihim?
pag-ibig nga'y umiigting
katulad mo din ba akong natutukso
sa pagsamyo ng ating puso
hahayaan ko na bang humawak sa iyong kamay
sasandig ka ba at gagabay
sa bagwis ng iyong tawag
handa na nga akong lumipad....
at ang sabi mo,
hindi ba kita nakikita?
sabi ko nama'y
buksan mo lang ang iyong mata
sabi mo,
di ba kita napapansin?
sagot ko'y
tanggalin mo ang iyong piring
at ikaw kasi'y tumingin
mabubunyag na ba ang ating lihim?
pag-ibig nga'y umiigting
coda:
di na ito panaginip lang
di na ito panaginip lang
opo. sarili ko
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
opo, nagsisimula pa lang akong dumakip ng nota sa sisidlan ng aking isip..
me kanta kasi iyong friend ko, sinagot ko lang.. tingnan mo iyong koro
Yihi!
Ang ganda ng tulang ito... Hmmm, siguro may golden voice ka... parinig mo naman!
gitara ang instrument mo??? dati marunong ako mag-gitara pero ngayon, nakalimutan ko na...
keep it up...
melay
wow ok ang talent sa
wow ok ang talent sa gitara.. nakalimutan na heheheeh
tama ka maganda ang tula... ang galing ng tula
musikero'y hawak ang pluma..
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
opo gitara, pero most of the time, pluma... kasi lyricist ako heheh. di naman masyado golden voice, marunong lang kumanta (improve pa eh heheh) no false humility ha,but with all due respect, thank you if you think so. salamat nagustuhan mo ang lyrics... me pinaghugutan eh hehehe.
try mo ulit tumugtog, praktis lang iyan... babalik iyan.
ito try mo to puntahan
soundclick.com/talulot
me nakalagay dun band/artist- click mo lang si talulot...
iyon mga produced songs ko.
maganda talaga
sana madinig din namin ang buong kanta pag nalapatan na ng music. gusto ko yung chorus parang nakikita ko sa pamamagitan ng mga salitang ginamit mo ang cute ng courtship nila pasensya na medyo kulit ang imahinasyon ko I tend to read this way, i make a mini-movie in my mind to visualize and understand what I'm reading maganda talaga sya.
maganda nga u imagine things in a poem to make it more tangible
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
cute talaga. lam mo ba na sinagot ko lang ang song nung friend ko sa chorus niya:
"di mo ba ako nakikita
tumintindi ang nadarama
kahit sa panaginip lang
di mo ba akonapapansin
pag-ibig ko sa yo'y umiigting
kahit sa panaginip lang"
natutuwa kasi ako sa lyrics niya, he just described what i feel about someone hehehe ( pero he does not know until now) sigh! masaya sana kung maganda ang ending.. pag-ok gawa ako ulit ng song sa cute na story na ito.... Mabuhay ang mga ligaw tingin at inlab tingin!!!
whehe ang galing.. bagay
whehe ang galing.. bagay maging kanta.
Sana malapatan ito ng tono.
Maggitara? hehe, ilang beses akong nag-aral niyan eh kaya lang mukhang galit talaga sakin ang gitara kasi kahit anong hirap ko hindi ako matuto-tuto. Naputol tuloy ang ambisyon ko. hehe.
<(='.'=)>
eloi
meron na po....
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
meron na.. nilagyan ko kahapon, kaso di ko pa narerecord....
try mo lang ulit, malambing ang kwerdas ng gitara.....salamat
finally i meet you eloi!hello
ang ganda...!!! "katulad
ang ganda...!!! "katulad mo din ba akong natutukso sa pagsamyo ng ating puso hahayaan ko na bang humawak sa iyong kamay sasandig ka ba at gagabay sa bagwis ng iyong tawag handa na nga akong lumipad...." "mabubunyag na ba ang ating lihim? pag-ibig nga'y umiigting" 

talulot...
ako rin may mga gawa na tula na nilapatan ko ng himig pero wala naman akong instrumento...hehehehe...basta nilagyan ko lang sya ng tono...ipapadala ko sa yo ung tula at kung pwede lagyan mo sya ng tono? its up to you kung ok sya sayo....
pwede ba un... parang gusto
pwede ba un... parang gusto ko tuloy gumawa ng kanta... gusto ko ang style mo kasi parang kakaibang karisma... alam mo sisikat ka.... okay na ok ang talent mo....
sana sumikat ang mga kanta ko kahit iyon lang
hello jon,
pwede iyon, dun ako nagsimula. naglalaro lang ang himig sa utak ko nun tas kinakanta ko tas nirerecord ko (sa karaoke pa nun para di ko makalimutan) pero kasi mas maganda kung mayroong instrument di bah..
nag-aral ako ng gitara pagkatapos( pero di pa din ako kagalingan) marunong lang.
sige gawa ka, mas marami tayo mas maganda...
lalo pa't manunulat ka... para naman sumibol din ang musika natin.
salamat
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
Mganda ang tugon.... at kung
Mganda ang tugon.... at kung mabibili ang kanta mo at kakantahin ng isang singer.. bagay ito kay yeng constantino... pero mas magiging masaya ako kung ikaw mismo ang kakanta at makikita ka sa TV... sana may mga contest sa TV para sa mga composer ng kanta... parang PDA ng abs cbn... yun bang gagawa ng kanta at kakantahin malamang pasok ka doon...
Maganda ang kantang ito...
Sa mga nobelang isusulat ko gusto ko ganitong tema ang love story... Nangangarap tuloy ako... naisip ko kapag ang nobela ko naging pelikula at ito ang team song malamang sisikat ang pelikula at artistang gaganap...
Gandang umaga...
hahaha sana nga
jon, tingnan mo at pakinggan kung san nagmula ang "ang tugon"
narito na sa blog ko andun na din ang link para pakinggan.
matutuwa ka lalo. hanggan sa kanta lang kami nagsasagutan (hehehe)
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
galing naman
"god is always right" ang ganda naman po ng tula nyo!!!!sana po any pag butihan nyo pa po.........
pwede'ng ako ang
kumanta nito pag may himig na? :-D








kanta ba ito?
kanta ba ito?