Ang Tula Ko Ay Hindi Ako (Alay Kay Jon E. Royeca)
Ang tula ko ay hindi siyang ako.
Ito'y hindi naka-Barong Tagalog at di-lawrelyado
Ang tula ko ay hindi ko siyang tinig.
Ito'y hindi sining ng kulay, amoy, hugis o himig.
Ang tula ko'y hindi sumusukat sa rilag ng talinhaga
ni hindi tumutugma sa mga pahina ng hiwaga.
Ito'y hindi kasinglaya ng guni-guning lumilipad
ni hindi kasing-layaw ng ilusyong nililiyag.
Ang tula ko ay kapos sa romansa at pag-ibig.
Ito'y bingi sa tyempo at mangmang sa batas ng panitik.
Ang tula ko ay salat sa salitan ng salita.
Ito'y manhid sa kilabot at kiliti ng diwa.
Ako ang makatang walang sarilikhang taludtod.
Ako ang makatang sampay-bakod at gipuspos.
Ako ang makatang makatanghod na lamang at hikahos.
Ako ang makatang pulubi sa karanasan ninyong limos.
Ako ang makatang sa pusali ng kasanayan ay inyong limot.
Ako ang tula ng makatang hindi nila mabibigkas.
Ako ang makatang tumutula ng hindi nila binibigkas.
Ako ang makatang magsisimula habang nagwawakas.
Kabitenyo.
Napakanta tuloy ako ng "Why Can't I Be You" ng The Cure
salamat, RJ. flattening, este, flattering ang komentaryo mo. :-) Pagbubutihin ko pa.
wow
ang galing nga!
good evening po!
Thanks!
salamat criselda :-)
Active Discourse is Active Defense
tama ka, anne, naka-address ang tula sa mga tunay na makatang sinasabi ni Rom sa kanyang kumentaryo sa baba.
Kapag, nagpaapekto sa kanila ang isang manunula, kailanman ay hindi na siya makakasulat ng intended poem niya sa intended audience niya.
Bagama't kapag may pagkakataon (sang-ayon ako ulit kay Rom), nararapat pa ring aktibong makipag-diskurso sa mga tunay na makata upang maipagtanggol ang kabilang panig.
art for art's sake?
sa gitna ng mga nagmamataas na "tunay na makata" daw at nagbabandera ng "tunay na tula" daw ang gawang ito ang pinaka mapagkumbaba pero pinakamataas namang uri ng pagpupugay sa tunay na dapat pag-alayan ng gawang sining.
walang silbi ang sining kung pansarili lamang ito at naglilingkod sa iilang elitistang sektor. nagpapakita ang akdang ito ng milya-milyang layo ng sining na indibidwalista at sining na maka uri.
salamat sa magandang tula.
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
alright!
rom, salamat at appreciated mo ang mga ganitong hirit sa tula. sa ibang mambabasang may background sa creative writing, ituturing nila iyang isa lamang anyo ng gasgas na retorika.
sisikapin ko ring minsa'y maglagay dito ng tunay na tulang aakma sa panlasa ng mga tunay na makata.
kung erotika kaya? :-)
Ang galing! Stay Wasak!
Salamat sa pagp-post ng mga makabuluhang mga tula sa FW,
Dahil dito nabubuhay uli kami at namumulat ang isip.
Nad-drain na kasi ang kakayahan naming magsulat dahil imbis na sa tula o prose napupunta ang creative juices namin, nasasayang lang sa pakikipaglaro sa isang taong tulad ni Jon...
Pare, naf-far out na nga lang ako sa mga comment nitong si Jon E. Royeca....
binura niya na ang lahat ng post niya na may diskusyong naganap...
Medyo creepy din kasi, kilala niya raw ako (sabi niya sa mga comments niya)
May saltik siguro si Jon, pero parang hindi na nga intellectual masturbation ang gusto kundi mamburaot na lang ng tao.
halimbawa, normal ba ang mag-comment sa isang tula dito (Ed Roa) ng
"Another Ugly Poem" na walang rationalization o justification?
Kung ang nasa ayos na tao magc-comment ng ganun, sasamahan niya ng paliwanag. Pero siya hindi.
Naisip ko na nga na hindi na ito usapin ng kung ano ang tula, kung ano ang literatura o importanisya ng progresibong panulat...
Parang isyu na ito ng pakikisama at pakikisalimuha sa mga tao sa paligid, kahit virtual o sa internet.
Tsaka ano yung mga "pakagat" niya? What's the point?
Ang creepy at ang bizaare.
Nakaka-badtrip yung ganun e.
Mas inis ako sa mga creepy at bizaare na ganun e.
Hindi wasak si Jon e... Very Unwasak!
Eto pa ang wasak, iniba niya nga ang pangalan niya dito pero i-google mo si Jon, nagkalat ang essays niya.
Rock-and-Roll!
Wasakabitenyo!
cool ka lang 'pre noon pa
cool ka lang 'pre noon pa man alam na nating ganyan ang takbo ng utak nyan e. noon pa man di na kinakitaan yan ng pakikisalamuha dito sa mga taga FW. siya lang ang di nagpapasalamat kapag nagbigay suggestion, puna, puri o anupamang comment ang mga taga rito sa gawa niya.
ano ang ibig sabihin nun? wala siyang interes sa anumang opinyon o sasabihin ng mga tao dito---> kasi may one track mind na siya. may ginagawa siya na kung may makakaharang dito di niya pag uukulan ng pansin o pasasalamat o kahit na ano pa man. Meaning hindi pareho ng intensyon nating lahat ang intensyon nya, malinaw na yan noon pa man.
pakikipag kapwa? wala sa kanya yun kasi nga wala nga sa kanya ang humingi ng paumanhin sa mga nasaktan niya e. hindi rin siya kailanman umaamin sa mga nagawa niyang mali. ang sinabi niya kahapon binabawi niya kinabukasan--->kasama na yung pag delete ng post niya para amawala ang ebidensya. kasama na rin ang pag change ng identity (napaka obvious naman nito)
psywar lang yung ginagawa niyang pakagat. 'wag kang maniwala dun. kumagat ka man e ano bang mawawala? wala naman siyang na claim na victory kasi wala namang naniniwala sa kanya. anak ng pulis yan e natural na may dugong pasista-->psywar lang yan.
kahit kelan di nagbantulot na upakan yan at gagawin ko pa palagi kung may pagkakataon ako. May pagka baliw nga lang ang utak niya pero hanggang dun lang siya, ni wala nga siyang nakukumbinsi dito e, para lang yan si Eddie Gil, pang gulo sa eleksyon.
napaka babaw ng kaligayahan niyan, at buong akala niya naloloko niya mga taga rito.
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
Psy-war
In fact, elib ako sa naging handling mo kay Jon sa naging kumentaryo nya sa "Sindi". In all honesty, di hamak na napakahusay ng "Papuri kay Satanas..." kumpara sa "Sindi".
Habang natural high ang hatid ng "Papuri kay Satanas...", literal namang nagpuputukan sa bawat hitit ang hindi naihiwalay na buto't tangkay ng "Sindi".
Kung kaya, malaking kahangalan na ikatuwa ni Jon ang pagdadamo sa pampublikong sulok ng hagdan gayong mas masarap ang maging bangag sa tagong likod ng isip.
Tama si Ron, engrandeng psy-war ang gustong mangyari ni Jon.
Salamat po...
Sick di ba?
Talagang tila tuwang tuwa si Jon sa pagka-indibidwalista ng tulang "sindi.
Ang babaw nga ng tulang nagustuhan ni Jon,
Una ang pagbanggit ko ng "magara at mamahaling pipa".
Pangalawa ang konsepto ng "pribadong paraiso"
Tsaka ang ubod ng escapist ng paggamit ng chongki para makatakas...
Tila 'di niya napapansin ang ibig sabihin ng ganung mga bagay.
Ika nga ng isang tropa na manunulat din (habang kami ay nagch-chongki) ang chongki ay hindi dapat gawing end... kundi means to an end.
Di rin ito dapat niro-romaticize, tulad ng sex, hangin, tubig , pagkain-- Dahil ang lahat ng ito ay karaniwan at ordinaryong bagay lamang.
Sa tulang "sindi", parang nawawalan ng bohemian na sense ang ganja o marijuana...
NAgiging commercialized dahil sa pag-angat ng level nito at pagbibigay papuri sa isang halaman at ang tila pagtangkilik sa mga paraphernalia etc. etc.
Hindi na tinrato ang marijuana bilang isang natural na halaman at isang reyalidad, kundi rinomanticize ko pa.
Kung romanticized lang na tula ang habol ni Jon, mababaw dahil ang konsepto ng reyalidad ay nasa social-realism.
Ang masasabi ko lang sa ngayon, kung ang artist ay di aklas o progresibong magsulat ang pinakamaitutulong niya sa lipunan ay ang pagsuporta sa mga progresibong kaisipan at kilusan... mapa-sining man o pilosopiya.
Kung 'di na nga siya aklas magsulat at atrasado pa ang pananaw niya sa lipunan, at nais niya pang mag-impluwensiya ng tao sa kanyang kababawan, ibang usapan na yun.
Dalawa lang yun, ang makatulong ka sa pagbukas ng isip o ang maging instrumento ka ng atrasado at pasibong society.
Inaamin ko na 'di ako aklas magsulat, pero may pagnanais akong buksan ang utak ng tao at makita kung ano ang mababaw at ang mga kahong kumukulong sa kanila.
Sa mga tula at panulat ko ay sinusubukan kong i-challenge ang mores at ang lingwaheng tanggap ng nakararami. Kasi ika nga ni Roland Barthes, malalaman daw kung kulong ang isang lipunan base sa lingwaheng ginagamit nila....
At bagamat 'di ako aklas (sa ngayon)magsulat ay sinusuportahan ko ang mga abante at progresibong layunin sa pamamagitan ng ibang paraan na labas sa aking pagsulat.
Si Jon, 'di ko alam kung ano siya sa labas ng panulat, pero ang katuwiran niyang nagbabayad siya ng buwis, nililibang ang tao sa kaniyang panulat at nagtatanim ng puno bilang suporta at pagtulong sa masa ay isa sa mga pinaka-reaksiyonaryo, pasibo at liberalistang pananaw na narinig ko mula sa isang manunulat.
Sabi ni Mishima, ang makabagong panulat ay tulad ng isang pebble sa flour na nahalo sa tinapay, na pagnakagat ng tao ay nakakagulat at masakit. MAs pinipili kong maging ang bato sa tinapay...
At kung si Jon ay nabiktima ko sa kanyang pagkagat...
Then sana nagising siya sa isang masakit na katotohanan.
ganun din ang papel ng rebolusyonaryong panulat, ang bungalin ang mga ngipin ng mga mapang-api at ng mga busabos na kumportableng kumportable sa pagnguya nila ng tinapay ng literatura....
(kung gusto ni Jon na mamuna ng gawa ko, mali ang napag-tripan niya... Di ako makata, maikling kuwento ang mundo ko.)
At para kay Jon, ito ang tunay na tula para sa akin...
...Ang bagong relihiyon, ay ang
pagsamba sa Demonyong
pinanggagalingan ng Tula.
Tulang isinilang mula sa
impiyernong pinagdaraanan
at pinanggagalingan
ng Makatang baliw
na nangangaral
ng baho ng lipunan at
pait ng katotohanan,
ang tunay na banal---
litanya--
patama sa pagbabalatkayo
ng tae at burak na nakatago
sa mabulaklak na
tugma ng
bulaang propeta,
-Mula sa "Papuri Kay Satanas, Diyos ng Makatang Nagj-Jackol", j.luna '08
Mas pipiliin ko ang maging baliw na nangangaral tungkol sa baho ng lipunan kesa maging bulaang propeta ng sentimyento asukal....
Rock and Roll!
Wasakabitenyo!
huli
'pre huling huli mo sa bitag
nahubaran ng tuluyan ng maskara haha!
wasak ka talaga
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
At ang naitulong ni Jon sa masa....
Eto ang mga nagawa ni Jon E. Royeca para sa bayan.
Mula sa
http://www.filipinowriter.com/para-kay-belle-12-25-08-j-luna
Jon Royeca said:
Tapos na ang panahon ng mga madudugong pakikibaka.
Marami nang paraan kung saan maaaring lutasin ang mga sigalot sa ating lipunan:
Batasan sa kalye, rali, EDSA, ang mass media gaya nga ng Internet, at iba pa.
Hindi na uso ang pagpatay upang makamit ang gusto.
Paano na lang kung ikaw ang unang tinamaan ng bala?
Mas masarap yatang mabuhay, di ba?
What Bonifacio did was just, because that was the last alternative of the Filipinos them. They had asked for reforms, but the foreign rulers tried to eradicate them. What else could still be done but armed struggle.
That is not the case anymore in our time.
What have I done for the masses? Here:
1. I pay taxes (the masses benefit from them, especially those who don't pay).
2. I plant trees in the forests.
3. I make myself an example when it comes to proper street-crossing, garbage collection, and following the other laws and regulations of our society.
4. And I write short stories, essays, and poems in Filipino and English to entertain them.
At dahil dito ay dapat na sigurong magmartir si Jon E. Royeca para maipagpatayo na siya ng rebulto na kulay pink at baby blue at may hawak na karatulang "walang tawiran nakamamatay".
sapul...
eto na ang isang ebidensya, na sa kabila ng ipinagdidiinan ni jon e. royeca tungkol sa kalaswaan ng mga tula na sumusuong sa itinakdang hangganan, eto na at gumugulong na ang mga alagad ng nagbabagong panulaan.
totoo ang kasabihan na ang tunggalian ay magluluwal ng mas maunlad pang produkto. kagaya ng tulang ito.
SApul!
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
sino ba siya? si jon? member
sino ba siya? si jon? member ako dito for 8 weeks pa lang e
Three words!
I HATE JON
If you ever come across him, send my love. KTHANXBYE.
kung hate mo siya, hate ko
kung hate mo siya, hate ko na rin. wag na lang nating banggitin ni isipin.
Yeah ... I TOOOOOOOTALLY! AGREE!
I SO AGREE! Cause really, Jon was not really Jon. He's a virtual shape-shifter and like those men in the Matrix, even you Pepe could be him. Just sayin. You just don't know it cause you're a new shape.
Fortunately, my shape hardened over the days and years that I've been using it, that should I try to shape-shift, my shape would break like a jar and Pmel will be lost forever. You're still new. You might change.
You know what angers me the most? It's when IDIOTS scare away the good people and forces me to talk to them cause everyone's too afraid to fall prey. But I bet you're not that idiot. You're the innocent new member called Pepe.
Enjoy your stay while you still can. I'm watching you. :)
please, sunodsunod naman ang
please, sunodsunod naman ang paratang mo sa akin.at please lang wag mo akong inglesin nang todo.marunong naman akong mag-ingles pero hindi masyado.
hindi ko alam ang mga paratang mo sa akin. 8 weeks pa lang ako rito, tingnan mo pa account ko.wala talaga akong nalalaman sa mga pinagsasabi mo.ngayon lang ako nagtatatambay dito.
Hi Pmel
Pmel, i know how you feel. we've been staying here in this site long enough to witness good people come and go. mainly because of people like Jon, Pedro penduko and kritiko. i tried to drive them away (bullying is the most appropriate term) so as to protect others from their callous comments and insensitive views. Nag hibernate din ako for quite a long time in disgust of those who do not care about this site. we have our own share and experience of bullying--and we still remain.
its ok to be skeptic sometimes, we need that but don't lose what you once have--and i know you still have it until now, the honesty and passion in your work.
lets help one another and protect each other. maraming gustong manggulo at sirain ang site na ito.
i share your sentiments when you say you hate Jon.
i will do whatever i can to expose his kagaguhan in this site.
LET'S HELP PRESERVE THIS SITE, PROTECT IT FROM SHAPE-SHIFTER LIKE JON E. ROYECA
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
I'm not a fighter, Rom.
I leave it to you.
pasingit lang po ako
Yes, Kuya Rom. Laban kung laban. Sunud-sunod ang sign-up ng mga personalidad na mga nagpu-publish sa Liwayway. at saka yung pepebenitez na iyan - yung post niya na FIVE PENNIES na may comment pa siya na tulungan siya dahil bago pa lang siya - eh hindi naman sa kanya yung akda eh. Yun ay akda ni Eudora Welty.
tsk tsk tsk...
be vigilant
hi katya, ayan nga e dalawang mukha ang ipinapakita sa atin ng mga maskaradong tao dito. isang mukha--palaban, kunwari intelektwal na kumukwestiyon sa isyung luma (tulad ng tunay na tula ala Jon Royeca) pangalawang mukha kunwari baguhan at gustong ma penetrate ang pagkakaisa (virtually) ng mga miyembro,. kumukuha ng simpatiya sa lahat.
mag-ingat dun sa pangalawang mukha ng maskarado yung tipong nag aastang kakampi natin at gustong makihalo sa crowd. mahahalata naman siya e gaya ng magandang obserbasyon mo di naman pala sa kanya ang tulang pinost niya e (nice job uncovering there, kat)
ayoko rin namang harangin ang mga lehitimong baguhan dito pero sa tagal ko dito alam ko kung sino talaga ang umaastang baguhan at sino ang nagkukunwaring baguhan. gaya mo Kat, nung bago ka rito naramdaman agad kung gaano ka ka sincere sa mga post mo lalo na nung mag express ka ng concern sa mga plagiarist. authentic ang concern sa pagsusulat kahit hindi ito ang propesyon natin may sincerity sa bawat post.
yung gaya ng style ni Jon alam na natin yun di na masyadong concern ko yun at di na rin natin dapat sineseryoso, pero pagtuunan natin ng pansin ang nagkukunwang kahanay natin yun pala si Jon din yun o isa sa mga kaibigan niya tulad ni Mr. Liwayway (forgot his name)
be vigilant lagi sayang ang site na ito kung bababuyin lang ng mga tulad ni Royeca.
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
psheee.
well, what do you expect. nasa internet world tayo. sa totoo lang nung una naeexcite pa ko sa pag prosecute nyo kay JER non, parang FPJ ang datingan. pero habang tumatagal di na ko natutuwa, tinamad na ko pumunta sa site na to kasi alam kong may makikita nanaman akong post nya at comments sa post ng iba at alam kong makakasagap nanaman ako ng nega vibes.
tama ka tol (o kuya?), sayang ang site na to kung puro ganun lang ang mababasa mo. JER, hanep ka tol. kung sa school ka namin nag-aaral, dami na sigurong nag-aabang sayo sa labas ng gate. didn't meant to say those things tol, kaso sobrang nakakaloko na tong writer's block ko. nababanas ako, and you're causing neurosis to amateur and new writers here.











Bakit ganoon? Sana ako na
Bakit ganoon? Sana ako na lang ikaw.
Hehehe...
Galing po! Kudos sa inyo. :D
* * *
http://rjsantos.authorshaunt.com