Ang Tunay na Salarin

robleza's picture

Normal 0 false false false EN-US ZH-TW X-NONE /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin-top:0in; mso-para-margin-right:0in; mso-para-margin-bottom:10.0pt; mso-para-margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin; mso-bidi-font-family:"Times New Roman"; mso-bidi-theme-font:minor-bidi;}

Di ko na kaya pang masikmura pa ang ingay na humhaging sa aking tenga araw araw lalo ng tuwing umaga na kung saan pilit mong inaagaw sa haring araw ang pagkakataon na maging dream interpreter ng sarili mong panaginip. Pero paano ka mananaginip kung wala ka namang maayos na pagidlip?

“Gina anong numero ang nanalo sa ending kagabi?”

“Hoy ung anak mo nambabato na naman ng  bahay!”

“Ate susan pabili nga po ng pancit, magkano po isang supot?”

“Ting tititing ting tong tong ting! (tunog ng binatog)”

‘Bakit ngayon ka lang dumating sa puso ko pilit binubuksan ang sarado ko ng puso (now playing in the kapit bahay’s radio an Ogie Alcasid fan)

       “Walang hiya ka, pano mo nagawa sakin toh Marcel  gagawa lang kayo ng kawalang hiyaan ng babae mo sa bahay pa ng mga anak mo, tang ina ka talaga!

       “Gago! kerida lang din kita, di kita asawa ulol, ginagawa din natin toh noon sa tunay kong asawa, parang bago lang sayo tong ginagawa ko ah”

      Ah ganun ba, di ko akalaing ipagpapalit mo ako jan sa pangit na babaeng yan! Sa babaeng parang pinagbuhusan ng poot ng Diyos sa sobrang panget!

     Gaga! Dinamay mo pa diyos, eh atleast ito wala tahi, ikaw meron na! saksakan pa!

Di ko naman ginusto na tumira dito eh. Sa tingin nyo gusto ko na nandito ako habang nabubuhay tumatanda at nadadagdagan ng edad? Wala, walang taong gustong tumira sa lugar na tulad nito, isang squatter o informal settler o kung anumang lupalop ng impiyerno pwedeng mahanap ang salitang pwedeng itawag dito sa lugar na ito.

Alam ko kasi babae lamang ang binibigyan ng sumpa, isang sumpang mamahalin sya ng lubos at dadalhin sa harap ng altar upang pakasalan, pero sa lugar na ito, pwede rin palang gamitan ng panunumpa, isang sumpa, kasumpa sumpang lugar na hindi mo na gustong balikan kelan pa man, Damn sinusumpa ko talaga ang lugar na ito at ayoko ng tumira dito.

Hanggang kelan ko ba maririnig ang mga salitang hindi ko naman dapat na marinig? Ito ba ang lugar na ipapamana ko sa magiging mga apo ko o ng mga anak ko? Isang lugar na binahiran ng dugo ng mga kamay ng taong hindi man lang alam magpakatao.

Hanggang kelan ko pagtitiisang marinig ang gabi-gabing pagbabasag ng bote ni Mang Carpio sa tuwing high na sya sa kaiinom ng Gin calamansi at panay reklamo dahil ang laki ng kanyang utang sa tindahan? Hanggang kelan ko pagtitiisang intindihin ang ingay na dulot ng mala-telenobelang pag aaway ng mag asawang Jerry at Lizette na kahapon ay nag way dahil walang ulam at ngayon naman ay dahil sa selos? Ilang beses kong dapat sikmurain ang usok ng marijuana na nagtatangay sa aming mga ilong at nag aangat ng aming kaluluwa galing sa bubong ng kapitbahay tuwing sasapit at magigising ng alas dose ng gabi? Gaano pa ba kalinaw ang pwede pang ilayo ng mata ko para matanaw kung gano kalayo ang kayang lakarin ni Mary habang umiiyak at nababaliw dahil sa sanggol na kanyang ipinalaglag sa kawalan ng pera at di na nadala sa ospital. Gano ko katagal  titiisin ang lagkit na dala ng hindi paghuhugas ng kamay pag katapos kumain ng tatlong beses hanggang hapunan dahil lang nahuli sa pagbabayad ng tubig si Nanay kaya kami naputulan? 

Sino ba ang dapat sisihin? Kung meron mang dapat sisihin ako ba yon? Ako ba ang dahilan kung bakit mahirap ang bansa natin? Shet talaga, alam ko na ang istoryang ito. At hindi na rin ako bulag para hindi ko maintindihan ang sitwasyon kong ito. At marami na ring akong dyaryo na nabasa at naglahad tungkol sa kahirapan ng bayan. Puro lang naman sila dada, puro lang naman sila angas wala rin namang magawa. Mag dodota na lang ako all-star pa atleast dun lahat sila kumpleto walang umaabsent at kahit sino handa makipag laban sa’yo bilang isang hero. Di tulad sa kongreso madalas absent pero kapag sumweldo mabilis pa sa alas kwatro.

Sino ba ang sisisihin ko? Ang sarili ko ba na madalas nakahiga, natutulog at kumakain ng kung ano-ano? Putcha mag sasalsal na lang ako dun pa sa banyo walang magulo at tahimik pa ako at gagawin ko hanggang kelan ko gusto. Sino ang mga pulitiko? Wala akong pakielam sa inyo kahit pa sabihin pa ng values teacher ko na mahalaga ang patriotism bilang Pilipino hinding hindi ko kayo pakikinggan. Anong sabi ng yellow eyeglasses ni Sir Enrile o ang colorful Barong ni Sir Peter Cayetano, makakaget over ka kaya sa sexy voice ni Ma’am Jamby?  Pagmamasdan ko na lang sila hanggang sa ako ay matuwa sa mga bagay na pinakikita nila sa TV.

Sabi ni Inay ang galing ko daw tumayming. Kung kelan may inuutos sya saka daw biglang sumasakit ang paa ko or balikat ko or ulo ko (ulo sa taas). Eh ang sabi ko naman, ‘Inay, may mas magaling pang tumayming kesa sa akin at kilalang kilala sya ng lahat, sya lang naman ung inspirasyon ko eh, para syang si Lupin III kung umarte at mahilig din mag disguise, sya nga kung kelan time na para sya ay hulihin saka sya biglang nagkakasakit, oh di ba ang galing nya Inay?” Napapailing nalang si inay at sinasabing, “Hay nako ewan ko sayo bata ka!”.  Bakit ganun si Inay KJ?

Pero sino ba talaga ang may kasalanan sila ba o ako? O baka naman ang nanay ko na nagpanganak sa akin at itinira nya ako sa walang kwentang lugar na ito? Ako ba na mahilig magtapon ng basura sa kalsada o ang Mayor na kinikickback ang pambili ng mga truck ng basura? Sino ba talaga ang may salarin, ako na minsan walang makain o ang Gobyerno na dinedekwat ang pambili ng kanin? Ang mga estudyante ba na sa bilyaran pumupunta dahil walang masilungan o ang gobyerno na binubulsa ang pagpapagawa ng mga classroom kaya sa eskwelahan wala ng pumupunta?

Andami kong tanong noh? Pero sure ako na kahit si kuya kim di nya sasagutin mga tanong na toh’ kaya nga sayo ko pinabasa ito, kasi alam ko matutulungan mo ako.  “_”

 SAMA-SAMA  SANA NATING LUTASIN KUNG SINO BA ANG TUNAY NA SALARIN!! 

 

 

 


dyeppri's picture

walang tutulong sa sarili mo...

"walang tutulong sa sarili mo kundi ang sarili mo lamang."

 

Gasgas na linyang madalas ibato ng tatay ko sa akin noon.

Maging kagaya daw ako ng "orchids" na tumutubo sa mga patay na puno sa kasukalan sa malawak na  kakahuyan. Nasasaakindaw kung papano ko papayabungin ang makukulay na bulaklak na uusbong sa akin. Gamitin ko ang mga pumapaligid sa akin para sa ikakaunlad ko. Bukasan lang ang mga mata at may mapupulot na aral sa bawat sitwasyon.

 

Salamat.

oOo

Sa akda mo ay maganda ang umpisa at nadarama ko na naandoon ako sa sitwayong iyon, maingay-magulo-masikip. Sana (para sa akin) ay hindi mo binago ang daloy niyon at hayaang mambabasa ang dumama nito. Salamat.Kiss

                  https://dyeppri.wordpress.com/

"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."

      

Starblaze's picture

 "Sino ba talaga ang may

 "Sino ba talaga ang may salarin,"

"sino ba talaga ang salarin" dapat

 

"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din" 

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/