my favorite poem2-Ang tunay na yaman ni Erlinda A. Pinga

nerie_esplana@yahoo.com's picture

yaman ay di lahat sa buhay ng tao

mayroon pang ibang mahigit pa rito,

malinis na budhi, damdaming totoo

sa iyong sarili at mga kapwa tao.

 pera'y kailangan sa mundong ibabaw

lalong suliranin kung ito'y mawalay,

laging isaisip, tao'y nabubuhay

di lamang sa pilak, di lamang sa tinapay.

kahit na mahirap ang isang nilalang

sa yaman ay salat, sa ligaya'y kulang,

mabuting ugali, dila'y di maanghang

daig ang makuwartang buwaya sa parang.

 

pinili ko ang tulang ito dahil sa ganda ng nilalaman, maraming tao ang nagiisip na ang pera o salapi ang nagpapaikot sa mundo at nagpapatakbo ng kanilang buhay ngunit ang totoo ay di lang ito ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay dahil marami pang ibang bagay ang lubos na makakapagpasaya sa atin ng higit pa sa pera.