Anghela Sentingko, ang kaganapan ng kanyang kasibulan (isang tukso) Ang katapusan

sinta isaac's picture
| |

Nagsalang s’ya ng cd ni norah jones sa player, napangiti s’ya ng magsimulang pumailanlang ang come away with me sa buong silid. Sinulyapan n’ya ito na nakaupo malapit sa terrace at tahimik na umiinom ng alak. Lumapit s’ya at tumayo sa likuran nito. Bahagya s’yang yumuko at hinalikan ito sa pisngi, nag angat ito ng mukha at at muli n’ya itong hinagkan sa labi. Niyakap n’ya ito at hinalik halikan sa pisngi pababa sa leeg. Wala itong kakilos kilos, para bang nalunod ito sa iniinom na alak. Dumukot ito ng sigarilyo sa bulsa at wala pa ring kibo itong sinindihan.

“anghela, parang ayoko na…” mahina nitong sambit. Saglit s’yang natigilan. Bumitiw s’ya sa pagkakayakap dito at tumayo sa harapan nito.

“anong ibig mong sabihin?”

“ayoko ng ituloy ‘to, itigil na natin ang lahat lahat ng ‘to.”

“bakit?”

“basta, ayoko na…” at muli itong uminom ng alak at humithit ng sigarilyo.

“malamang magbabago ang isip mo sa gagawin ko.”

Nagsimula s’yang magsayaw. Hinawakan n’ya ang laylayan ng kanyang skirt at dahan dahan itong itinaas. Ipinasok n’ya ang isa n’yang kamay sa loob ng kanyang panty…

“Ano ba anghela, tama na nga ‘yang kalokohan mo!” at iniwas nito ang tingin sa kanya. “ano ba’ng tingin mo sa relasyon natin, puro na lang kantutan? Kantutan ng kantutan!”

“ano ba’ng sinasabi mo?”

“hindi mo maintindihan, kasi kinain na ng kalibugan ang utak mo! Ang akala mo masasagot ng kantutan ang lahat ng bagay, akala mo madadaan ang lahat lahat sa sundutan!”

“nag e-enjoy ka naman ‘di ba? Wala ka namang problema dun dati ‘di ba? ‘di ba?” kumunyapit s’ya sa leeg nito, pinitik nito ang yosi sa labas ng terrace. Tinangka n’ya itong halikan ngunit  marahan s’ya nitong itinulak palayo.

“Ano ba’ng problema mo?”

“Your libido is out of control!”

Matagal silang nagtitigan at tsaka n’ya galit na kinuha ang alak na iniinom nito at ibinato sa pader.

“Anghela!”

“Umaatras ka na?  Bakit? Ayaw mo na ba sa akin? May iba ka na bang nagugustuhan? Sawa ka na ba sa akin?  Hindi ka na ba nalilibugan sa akin?”

“Ano ba ‘yang mga iniisip mo?  Hindi yun ang dahilan kung bakit ayoko ng ituloy ito!”

“ano? Sabihin mo!”

“Bakit nagpakamatay si cherry?”

Katahimikan. Lumapit s’ya sa player at pinatay ang tugtog.

“Hindi ko alam kung bakit.”

“sinungaling ka, nuknukan ka ng kasinungalingan!”

“Iyon lang ba ang dahilan kung bakit umaayaw ka na?”

“tang ina anghela, bakit ganyan ka magsalita?  Wala ka na bang puso? Hindi ka na ba marunong makiramdam? Minahal ka niya!”

“Wala akong pakialam!”

“Minahal ka n’ya dahil hiniling mo ‘yun sa kanya!”

Katahimikan.

“now I get it, ang dami mo pang sidelights,  bakit hindi mo na lang ako diretsahin?  Umaayaw ka na dahil nagsasawa ka na sa akin, dahil nandidiri ka na sa puki ko dahil kung sino sino na ang nakatikim nito, you’re just bitching your way to get rid of me, you miserable fucker!” at hindi n’ya na napigilan ang kanyang sarili. Nagsimulang pumatak ang luha sa kanyang mga mata.

“Iiwan mo din pala ako, sana noon pa, sana hindi mo na ‘to pinatagal pa…”

Umupo s’ya sa gilid ng kama at malakas na humagulgol.

“I shouldn’t expect much from you, I should have known better…”

Umiyak s’ya ng umiyak hanggang sa ang pakiramdam niya’y inilabas na n’ya ang luhang reserba n’ya hanggang sa kanyang pagkamatay.  Iniiyak n’ya ang mga luhang kahit kaila’y hindi pa n’ya naiiyak. Naaawa naman s’ya nitong pinagmasdan, tumayo ito sa pagkakaupo at nilapitan s’ya.

“Anghela…”

“H’wag mo ‘ko hahawakan, umalis ka! Umalis ka!” galit n’ya itong pinagtulakan at ito man ay nahawi na din sa kanyang pag iyak, sumungaw ang luha sa mga mata nito, yumakap ito sa kanya, ngunit nagpumiglas s’ya at nagpumilit kumawala ngunit lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

“Get out, get out of here! I don’t need you!” (mahilig talaga s’ya sa mga ganoong drama, drama trip kahit alam n’ya sa sarili n’yang ikamamatay n’ya kapag tuluyan s’ya nitong iniwan)

“Anghela, tama na…” (at katulad ng inaasahan n’ya,kumagat itong muli sa drama n’ya) “Tama na…” at ikinulong nito ang luhaan n’yang mukha sa magkabilaan nitong palad at hinalikan s’ya ng mariin sa labi.  Matagal silang nagsalo sa mainit na halik na iyon na para bang kayang silaban kahit ang kanilang mga kaluluwa.  Hinubaran s’ya nito hanggang sa kahuli hulihang saplot, at ang bawat balat na lumilitaw sa kanya’y dinadaanan ng mapangahas nitong mga labi.

“H’wag mo ‘kong iiwan, maawa ka sa ‘kin, ayoko ng mag isa… h’wag mo ‘kong iiwan…”

Nakikiusap ang kanyang mga mata, nagmamakaawa ang kanyang tinig. Matagal s’ya nitong tinitigan sa mukha at tsaka marahang tumango, isang tangong walang katiyakan, isang tangong walang kasiguraduhan.

 

Isang programa ang idinaos sa kanilang unibersidad. Isang programa para sa pagluluksa sa pagkamatay ng nag iisang anak ni dean Ignacio, si cherry. Ilang estudyante ang nag alay ng interpretative dance, may umawit at may tumugtog ng piano at gitara. Ilan sa mga kaibigan at malapit na kaibigan ni cherry ang nagbasa ng kani kanilang mensahe para sa pumanaw na dalaga, ngunit tumanggi s’yang magsalita, bagkus, sa huli ng programa’y s’ya ang huling mag pe-perform. At sa gitna ng mga matang walang kakurap kurap na nakatitig sa kanyang kagandahan, tinugtog n’ya sa kanyang violin ang Gloomy Sunday ni sarah brightman at ang lahat ay nadala ng kanyang musika at pinalakad n’ya sa kanyang isipan ang mga pangako ng pagibig sa kanya ng kanyang sinisinta…

…matulog ka ng mahimbing anghela, nandito lamang ako sa tabi mo, pinapangako kong mananatili akong gising sa iyong pagtulog… upang iligtas  ka tuwing dinadalaw ka ng iyong mga bangungot. Upang bantayan ka, upang ibigin ka. Sa sandaling ikaw ay magising, hindi ko maipapangako sa iyo na magiging maayos na ang lahat, ngunit ang klase ng pagibig ko sa iyo ay ang klase ng damdaming hindi lilipas, hindi tatanda… napakalayo na ng ating narating, ikaw at ako, tayo lamang dalawa…

Nakita n’ya ang mukha ni joyce at ng kanyang mga schoolmate na punong puno ng paghangang nakamasid sa kanya. Para s’yang isang musang kanilang dinadakila.

…hindi ko alam kung sa’n tayo patungo pagkatapos ng lahat ng ito o kung may pupuntahan ba ang ating relasyon, hindi ko na din iniisip pa kung may lugar ba ang katulad natin sa masikip at magulong mundong ito na nagsasabing ang pagibig natin ay bunga ng kasalanan, ngunit hindi kita iiwan, umasa ka…

Sumunod na nadaanan ng kanyang mga mata ay ang malungkot na mukha ni dean Ignacio na nakatitig sa kawalan, katabi nito ay ang mukha ni sir raul na walang emosyong nakatitig sa kanya.

…at kung nakadarama ka ng matinding kalamigan sa loob ng iyong dibdib, humimlay ka sa aking kandungan, ang init ng aking katawan ang magsisilbi mong kaligtasan, itatago kita sa ilalim ng aking pagibig…

At ang huli ay ang mga mata ni izza na tumatagos sa kanyang kaloob looban. Ipinikit n’ya ang kanyang mga mata at nagpatangay sa sarili n’yang musika. At inisip n’ya ang kanyang una at huling pagibig.

…tandaan mo anghela, maging miserable man ang buhay ko, ikaw at ikaw lamang ang babaeng iibigin ko…

Doon n’ya lamang naisip na kay sarap mamatay ng mga sandaling iyon.

 

Tahimik silang nakaupo sa classroom habang naghihintay sa kanilang guro. Magkatabi sila ni joyce at naghahagikgikan habang tinitignan ang magazine na puno ng larawan ng iba’t ibang hugis at laki ng titi.

“pa’no kaya nagkakasya ‘yan sa vagina ng babae?” painosenteng tanong ni joyce.

“Baby nga nagkakasya sa puki,’yan pa kaya.”

At muli silang napahagikgik.

“para kasing nakamamatay ‘yan.yucky.”

“engot, yucky ka d’yan, ako nga sinusubo ko ‘yan eh, arte mo, hilahin ko fallopian tube mo d’yan Makita mo.”

Muli silang nagtawanan. Inilipat ni joyce ang pahina ng magazine.

“Bakit nanginginig ang kamay mo? Pasmado ka ba, siguro jakol ka ng jakol.”

Namumula ang pisnging kinurot s’ya  ni joyce sa braso, natigil lamang sila sa paghaharutan ng sugurin s’ya ng galit na galit na si izza. Ngunit bago pa man din s’ya malapitan nito’y napigilan na ito ng ilang mga kaklase nila.

“Hayop kang babae ka, ang kapal ng mukha mong tawagan sa office n’ya ang daddy ko para lang sabihing kinakalantari ako dito ni sir raul.”

“Oh, Hi izza.” Nakangiti n’yang bati dito na para bang kay tagal na nilang magkaibigan.

“talaga bang hindi mo ako titigilan anghela?”

“Bakit, ano bang ginawa ko?” painosente n’yang tanong dito. Galit na umalpas si izza sa pagkakahawak ng mga kaklase at dinuro duro s’ya sa mukha.

“Frustrated ka na ngang talaga!”

“Let me explain to you the meaning of frustration,  frustration ang naramdaman ni steven spielberg ng hindi s’ya manalong best director sa movie na ET, remember yung alien na may bonggang bonggang mata na walang ibang alam sabihin kundi, ET phone home?  Frustration ang naramdaman ni ernest hemingway ng hindi s’ya matuluyan sa first attempt n’ya ng suicide dahil sa sakit na haemochromatosis, Frustration ang naramdaman ni captain smith ng lumubog ang titanic pagkatapos n’yang sabihin na ultimo d’yos ay hindi ito kayang palubugin!”

Nagsigawan at nagpalakpakan ang kanyang mga kaklase.  Nakatawa naman s’yang yumukod sa mga ito na parang isang politician na kakatapos lang magbigay ng isang napakagandang speech.

“You’re impossible, bi polar ka ba or you’re just suffering from a severe depression?”

“Depression, Aha! Check! Depression, ito ang naramdaman ni wolfgang Mozart ng hindi na s’ya makapag perform sa mga public concert dahil sa g’yera sa Austria at dahil dito, napilitan s’yang mangutang sa kanyang mga kaibigan para lang mabuhay, depression ang naramdaman ni Vincent van gogh ng hindi maintindihan ng mundo ang kanyang pagpipinta, kilala mo ba si van gogh? Iyong nag paint ng starry night na kulay violet?  Iyong pumutol ng sarili n’yang tenga sa arles? Depression ang naramdaman ni Nicholas vachel Lindsay nung sabihin n’yang ‘they tried to get me, I got them first’ bago s’ya nagpakamatay, Depression ang naramdaman ni susan mayer ng maghiwalay sila ni mike delfino dahil sa conscience crisis.”

“Who’s susan mayer?”  takang tanong ni joyce.

“Susan mayer, hello, si teri hatcher ng desperate housewives? “

“Ahhhh, ohhhh…” sabay sabay na reaksyon ng kanilang mga kaklase na sinabayan ulit ng malakas na palakpakan.

“Thank you, thank you.”

Pikon na pikon s’yang itinulak ni izza at napaupo s’ya sa sahig, ngunit mabilis din s’yang tumayo.

“I’m gonna scrap that smug look off your face!”

“Hey, I just wanted to give you a free tap at the shoulder for being such a slut.”

“Alam ko na hindi ako perpekto, hindi ako kasing galling at talino mo, may nagagawa akong pagkakamali pero wala kang karapatang husgahan  ako!”

“Excuse me, hindi kita hinuhusgahan, it’s just that… your soul stretched out and got caught between heaven and hell, at para naman hindi mo masabing napakasama kong tao, I’ll say hailmary everynight for the purification of your magnificent soul.”

“Oh God help me!” Eksasperadong sambit ni izza.

“May god help you, because I can’t.”

“Alam mo ba na tuwing nakikita kita, laging may bumubulong sa utak ko na lumayo s’yo dahil isa kang disaster!”

“Hala izza, may bumubulong s’yo, masamang senyales ‘yan, schizophrenic ka na!”

“Napaka awkward ano, bakit ka kaya nabiyayaan ng mala anghel na mukha?”

“Hindi ako papangalanan ng anghela for nothing and to tell you the truth darling, I’ve got all the demons inside my head and they come everynight, knocking at my window, scaring me to death.”

“You’re crazy!”

“And we’re cut from the same cloth…”

“Napaka pathetic mo talaga anghela!”

At doon na nagpanting ang kanyang taynga. Inis n’yang idinuldol ang kanyang hintuturo sa noo ni izza at nanlalaki ang butas ng ilong na nagsalita.

“Pathetic? Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng pathetic? Ikaw, kayong lahat na nag aaral sa mamahaling unibersidad na ito, kayo ang mga pathetic, kayong mga anak ng filthy rich na kaya lang nakakapasa dahil pinapairal ng mga kunsintidor n’yong mga magulang ang kanilang salapi para makapasa kayo, para mapagtakpan ang kabobohan n’yo. Mga walang alam, mga mangmang, mga ignorante!”

Katahimikan. Walang pumalakpak. Walang nag react. Lahat ng mga kaklase n’ya ay nakatitig sa kanya. Hindi makapaniwala sa mga sinabi n’ya.

“Oooppps…” at sinulyapan n’ya si joyce na parang nag yelo na sa kanyang tagiliran at hinatak ito sa braso palapit sa kanya.

“C’mon joyce,push the button.”

At parang robot na pinindot ni joyce ang tungki ng ilong n’ya.

“Okay guys, rewind… rewind… eeehhhnnnggg…”

At isang sapak galling kay izza ang nagpatahimik sa kanya. Walang malay s’yang bumulagta sa sahig.

 

“That son of a bitch broke my fucking nose!” Lalo s’yang nainis ng makita ang kanyang sarili sa salamin, may maliit at puting bandage ang kanyang ilong.

“Suspended na si izza, Masaya ka na?”

Pairap n’yang tinapunan ng tingin si dean Ignacio, pabagsak s’yang umupo sa kama at hinubad ang kanyang sapatos at itinapos iyon sa sahig. Sunod n’yang hinubad ay ang kanyang damit hanggang sa tanging bra at panty na lamang ang suot suot n’ya. Naupo sa tabi n’ya si dean Ignacio at hinalikan ang kanyang balikat.

“Alam mo ba anghela na ang lungkot lungkot ko ngayon? Isang buwan na mula ng magpakamatay si cherry ng hindi ko alam ang dahilan, gusto ko sana na paligayahin mo ako ngayon…” at naglikot ang kamay nito sa kanyang suso. Inis naman na itinulak n’ya ito palayo.

“Ano ba, wala ako sa mood makipagkantutan!”

Ngunit hindi sumuko ang matandang lalaki. Hinaplos ng hintuturo nito ang gilid ng kanyang mukha.

“Sabihin mo sa akin kung anong gusto mong gawin ko para bumalik ang mood mo.”

Tinignan n’ya ito, nanunubok ang kanyang mga mata.

“Gagawin mo ba ang lahat ng sasabihin ko?”

“Lahat, hindi ka magdadalawang salita sa akin.”

“Sirain mo para sa akin si sir raul.”

Matinding pagkabigla ang lumatay sa mukha ni dean Ignacio. Tumayo ito at tumalikod sa kanya. Nagbukas ito ng alak at walang kibong uminom.

“Hindi mo kaya?”

“Kaibigan ko si raul, marami na kaming pinagdaanan, parang nakababatang kapatid na ang turing ko sa kanya.”

“Pero ginamit n’ya ako, ginawa n’ya akong parausan!”

Katahimikan.

“Kung hindi mo kaya, mas mabuti pang h’wag na rin t’yo magkita ulit.”

Akmang magbibihis na s’ya ng pigilan s’ya ni dean Ignacio at yakapin s’ya ng mahigpit.

“H’wag anghela, h’wag mong gagawin sa akin ‘to…”

“Kung ganun, gawin mo ang gusto ko.”

“Hindi ko alam kung papaano…”

“May alam akong paraan.”

Nakangiti n’yang hinagkan ang matandang lalaki sa labi, dinukot n’ya ang nagsisimula ng mabuhay nitong alaga at pinadausdos ito sa kanyang palad. Pinaupo n’ya ito sa kama at malakas s’yang tumawa na parang isang haliparot sa kanto bago s’ya yumuko at sinubo ito ng buong buo.

 

Malamig ang samyo ng hanging dumadampi sa kanyang balata. Damang dama n’ya ang kahungkagan ng kanyang damdamin. Para s’yang isang ibong Malaya na nakakayang liparin ang malawak na kalangitan, nagagawa n’yang hagkan ang mga ulap, maaari s’yang dumapo at mamahinga sa mga sanga ng mga punong labis na kinagigiliwan ang kanyang pag dapo. Ngunit isa s’yang ibong hindi alam ang tunay na halaga at kahulugan ng kalayaan o ng pagiging Malaya. Napakasarap lumipad at nais n’yang malaman kung ga’no kasakit ang sandaling babagyuhin ang kanyang pakpak at s’ya ay babagsak…

Sino ang sasalo sa kanya?

Umupo s’ya sa bakanteng upuang kahoy at tumanaw sa dagat. Napakatahimik ng roxas boulevard. Nanigarilyo s’ya at tumawang mag isa. Tumawa s’ya ng tumawa hanggang sa mauwi ito sa mahihinang pag iyak.

…anghela, ano pa ba ang gusto mo? Inibig ka na ng mundo at inialay ang lahat sa iyong paanan, ngunit bakit nanatili kang naghahanap? Nasa iyong kamay na ang bahaghari ngunit bakit patuloy ka sa paghahabol ng ulan?...

Tumayo na s’ya at ipinagpatuloy ang paglalakad. Alam n’ya kung saan s’ya nagmula ngunit hindi n’ya kahit kalian nalaman kung saan s’ya patungo…

Ngunit iisa lamang ang mahalagang bagay sa kanya ng mga sandaling iyon, umiibig s’ya at s’ya ay iniibig ng taong pinag aalayan n’ya ng kanyang puso at kaluluwa…

 

“Sir papatayin ako ni daddy kapag nalaman n’ya ang tungkol sa atin… papatayin n’ya ako!”

Tiim bagang na sinuntok ni sir raul ang pader ng paulit ulit. Awing awa s’ya kay izza, bakit ba kasi n’ya ito idinamay sa mga katarantaduhan n’ya. Hindi n’ya alam kung pa’no ito nagawa sa kanya ni dean Ignacio, bakit parang bigla nitong kinalimutan ang matagal na nilang pagkakaibigan. Naaalala pa n’ya ang nagging pag uusap nilang dalawa, ang pananakot nito na ilalabas ang nakuha nitong sex video nila ni izza na hindi n’ya alam kung sino ang nagbigay nito sa matanda.

“alam mo ba kung ano ang mangyayari s’yo raul sa oras na malaman ng mga tao ang tungkol dito? Masisira ka, matatanggalan ka ng lisensiya at siguradong idedemanda ka ng magulang ng estudyanteng pinatulan mo.”

“Tulungan mo ako, pagtakpan mo ako, katulad noon, magkaibigan tayo, bakit tinatalikuran mo na ako ngayon?”

“Kailangan na nating itama ang mali raul.”

“Itama ang mali? Sige, ilabas mo ‘yan at ilalabas ko rin ang baho mo.”

“Anong pinagsasabi mo?”

“Naaalala mo ba noon, siyam na taon na ang lumilipas, naaalala mo ba si Nenita Rosales, iyong babaeng may asawa na na natipuhan mo? Naaalala mo ba kung ano ang ginawa natin nung gabing iyon?”

Malakas na tumawa si dean Ignacio at iiling iling na muling umupo sa swivel chair.

“Hindi mo alam ang sinasabi mo raul, hindi mo alam kung sino ang gusto mong banggain.”

“Kung sisirain mo ako, magdamayan na tayo.”

“Walang maniniwala s’yo raul, at alam mo ‘yan sa sarili mo.”

Tama nga si dean Ignacio. Wala s’yang laban dito.  Ngunit ano ang magagawa n’ya upang iligtas si izza? Tanggap na n’ya ang magiging kapalaran n’ya, ngunit hindi n’ya lubos maisip na kasama n’yang masisira ang babaeng iniibig n’ya. Pa’no na si izza pagkatapos ng lahat? Makakaladkad ang pangalan nito sa kahihiyan at iyon ang isang bagay na hinding hindi n’ya matatanggap.

“Sir, natatakot ako… anong mukha na lang ang ihaharap ko sa mga tao sa oras na mapanood nila ang sex video natin? Pa’no na ang kahihiyan ko?”

Naawa n’yang niyakap si izza, pilit itong pinatatahan sa pag iyak.

“H’wag kang mag alala izza, gagawa ako ng paraan, hindi kita iiwan.”

 

Palihim s’yang pumasok sa opisina ni dean Ignacio. Sinira n’ya ang door knob ng opisina gamit ang dala dalang  screw driver.  Tapos na ang klase at nakita n’ya ang dating kaibigan na sumakay na sa kotse nito at umalis. Pagkapasok niya sa opisina’y agad n’yang hinanap sa drawer nito ang kailangan n’ya.kailangan n’ya itong masira bago pa kumalat sa lahat ang tungkol dito, Nakita n’ya ang isang CD sa ilalim ng planner nito, kinuha n’ya ito at pinutol at inapak apakan.

“Sino ka, anong ginagawa mo sa opisina ko…?”

Gulat s’yang napalingon. Tang ina, parang pelikula, bumalik ang animal dahil malamang may nakalimutan ito. Pinindot ni dean Ignacio ang switch ng ilaw. Nagtama ang kanilang mga mata.

“Raul, anong…”

Ngunit bago pa man matapos ng matanda ang iba pa nitong sasabihin ay mabilis s’yang binigwasan ni sir raul sa mukha at galit na galit na itinarak sa leeg nito ang screw driver. Nagkikisay itong bumagsak sa sahig at namatay. Dali dali s’yang lumabas ng opisina, ngunit isang janitor ang nakabungguan n’ya.

“Sir Rodrigo, ano hong ginagawa n’yo sa opisina ni dean…?”

Hindi na n’ya ito nakuha pang sagutin. Mabilis s’yang naglakad palayo at kinabukasan, inaasahan na n’ya ang mga susunod na mangyayari.

 

Binging bingi s’ya sa weng weng ng patrol car. Hindi na s’ya nanlaban pa o nagplanong tumakas. Pinosasan s’ya ng mga pulis at isinakay sa sasakyan. Isa lamang ang pinanghihinayangan n’ya nung mga sandaling iyon, hindi man lamang n’ya nakita si izza bago s’ya tuluyang makulong.

Ngunit bago umalis ang patrol car na sinasakyan niya’y parang nakita n’ya si anghela sa ‘di kalayuan, nakatanaw sa kanya. Nakangisi, parang isang anghel ni satanas na galak na galak dahil nakatakas ito sa impyerno.

 

Sumabog ang balita tungkol sa pagkakakulong ni sir raul at pagkamatay ni dean Ignacio. Walang nakakaalam na tunay na kwento, tanging sila lamang. Pagkalipas ng isang linggo’y dinalaw n’ya sa kulungan si sir raul. Magkaharap silang nakaupo sa visiting area. Halata sa kanilang mga mata ang galit sa isa’t isa.

“Kumusta ka na?”

“Wala kang pakialam sa akin. Bakit dumalaw ka pa dito?”

“Gusto ko kasing Makita ang paghihirap mo.”

“Hayop ka.Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito.”

“ako nga, may magagawa ka ba?”

“Putang ina ka, babalikan kita kapag nakalabas ako dito.”

“Iyon ay kung, makakalabas ka.”

At natatawa s’yang tumayo na upang umalis, ngunit saglit na natigilan at muling hinarap si sir raul.

“Oo nga pala, condolence ha. Patay nap ala si izza.”

Rumehistro sa mukha ni sir raul ang pagkagimbal at takot na harapin ang katotohanan sa mga sinabi n’ya.

“Hindi ‘yan totoo, sinungaling ka!”

“Nagpasagasa s’ya sa LRT kahapon dahil tinakot ko s’ya na ido download ko sa youtube ang sex video ninyong dalawa.Nasa akin ang original copy nun, yung mga sinira mo sa opisina ni Ignacio, wala lang yun, wala yung halaga. Nakaka awa naman si izza, patay na ang babaeng pinakaiibig mo.” At nakangiti n’yang itinaas ang shades sa kanyang mga mata at kinindatan si sir raul. Galit na sinuntok nito ang ibabaw ng lamesa at nagsimulang magwala. Mabilis naman itong pinigilan ng mga nakabantay na pulis.

“Hindi ‘yan totoo, hindi patay si izza… hindi s’ya pwedeng mamatay… kailangan ko s’yang Makita, gusto kong Makita si izza! Izza… izza… mahal kita…”

Para itong baliw na nagsisipa sa hangin habang malakas na umaatungal, at sa isang iglap ay nabunot nito ang baril ng isa sa mga pulis na may hawak sa kanya, agad n’ya itong isinubo sa bibig at kinalabit ang gatilyo.

Pumulandit ang dugo, nagtalsikan ang sumabog nitong utak sa nanlilimahid na pader. Bumulagta ito sa sahig na dilat ang mata at lahat ng iyon ay nasaksihan n’ya. Buong buo, walang labis, walang kulang. Muli n’yang itinabing ang shades sa kanyang mga mata at nangako sa sariling ipagtitirik ng kandila si cherry.

 

Mariin s’yang napapikit ng tuluyan s’yang labasan. Hinaplos ng kanyang palad ang pawisang noo at pilit hinabol ang kanyang paghinga.

“Anghela, Masaya ka na ba?”

Pinagmasdan n’ya ang mukha nito, damang dama n’ya ang malambot nitong katawan na nakapatong sa kanya. Puno ng pagmamahal na dinama ng kanyang kamay ang pisngi nito at tsaka masuyo niyang kinagat ang ibabang labi nito.

“Masayang Masaya ako dahil s’yo.”

“Siguro ngayon, pwede mo ng sabihin sa akin kung bakit?”

“Para kang dapit hapon, ikaw ang pinakamagandang nilikha ng diyos.”

Ngumiti ito at hinagkan s’ya sa noo, sa ilong, sa mata,sa labi.

“Anghela, bakit?”

Saglit s’yang natahimik. Tinitigan ang mukha ng kaulayaw. Umalis naman ito mula sa pagkakapatong sa kanya at humiga sa kanyang tabi.

“Si sir raul, pangatlo na s’ya sa mga nagpakamatay sa harapan ko, s’ya, si cherry at si mommy…”

Katahimikan.

“Nine years old lang ako nung mangyari ‘yon, dalawang lalaki ang pumasok sa bahay namin, kilala sila ng parents ko, narinig ko ng tawagin ni daddy ang pangalan nila, at hindi ko na kahit kalian kinalimutan ang mga pangalang iyon, pati ang mukha nila… hindi ko makalimutan, kahit anong pilit ko.”

Nagsimulang pumatak ang luha sa kanyang mga mata.

“Ginahasa nila si mommy sa harapan ko at sa harapan ni daddy, pagkatapos, pinatay nila si daddy. Iyak ako ng iyak, lalo na ng sugatan nila ako sa mukha, palatandaan daw, para paglaki ko at Makita nila ako, gagawin din nila sa akin ang ginawa nila kay mommy.”

Katahimikan.

“Mahina si mommy, hindi n’ya nakaya ang lahat, nagpakamatay s’ya nung gabing iyon at iniwan nila akong mag isa, takot na takot…”

Mahina s’yang humagulgol. Niyakap s’ya nito at paulit ulit na binulungan.

“Mahal kita anghela…”

Matagal silang nagyakap.

“Hindi ko kayang ipangako sa iyo ang langit, tao lamang ako…”

“Para sa akin, ikaw pa din ang pinakamagandang anghel na nakita ko sa lupa.”

“With a golden halo?”

“and ethereal wings.”

Ngumiti s’ya at doon n’ya lamang naranasan kung pa’no makipagtitigan sa kapayapaan, kung pa’no hagkan ng katahimikan, kung pa’no mahalin ng pagibig.

“Minahal na kita mula pa noong unang beses na lumapit ka sa akin anghela, nawala ako dahil gusto kong ayusin ang sarili ko para maging karapat dapat s’yo.”

“Ang tagal na din pala natin ano?”

“Tatlong taon.”

“Mahal kita.”

“Mahal kita, at sana h’wag mo na akong tawagin sa petname ko, mas feel ko kasi kapag tinatawag mo ako sa totoong pangalan ko, pakiramdam ko, mahal na mahal mo ako.”

Sabay silang natawa. Inayos n’ya ang hibla ng buhok nitong tumatabing sa mukha nito.

“Alam mo bang selos na selos ako kapag nakikita ko kayo, lalo na ng sabihin mo sa akin na umaayaw ka na, pakiramdam ko, hindi mo na ako mahal, akala ko, tuluyan mo na akong ipagpapalit sa kanya.”

“Hindi yun mangyayari, ikaw lang ang una at huling mamahalin ko.”

Saglit na naghinang ang kanilang mga labi.

“Anong totoo mong pangalan, bago ka ampunin ng mga sentingko?”

“H’wag na, corny eh.”

“Sige na, sabihin mo na sa akin.”

“Anghelina Nenita Rosales.”

Katahimikan.

“Minsan dumalaw tayo sa school natin nung highschool t’yo, punta t’yo sa home economics building, dun kasi kita unang natikman.”

Muli silang nagtawanan.

“H’wag mo na akong tatawaging isay ha?”

Marahan s’yang tumango, yumakap s’ya dito at sumiksik sa mainit nitong dibdib.

“Mahal na mahal kita, salamat sa lahat… sa pag unawa, sa pagmamahal at sa pagtanggap mo sa akin. Mahal kita, Izza…”

...Kapag pakiramdam ko'y wala ng tamang nangyayari sa buhay ko, sa tuwing naiisp ko na ang mundo'y idinadamay ako sa kanyang kahibangan, sa mga sandaling hindi ko matagpuan ang katahimikang aking hinahanap, isang halik lang mula sa iyo at maglalaho ang lahat ng aking takot at agam agam, dahil alam kong maaari kitang sandalan, ikaw ang nagiisang milagro na aking natagpuan sa gitna ng aking magulo at komplikadong mundo, inibig mo ang aking kalungkutan...

Anghela

 

 

 

Anghela Sentingko, sa gitna ng kasibulan ng kanyang suso at tagpas na pubic hair (isang tukso)

Anghela Sentingko, sa kasibulan ng kanyang suso at tagpas na pubic hair (isang tukso) Part II

S i n t A

nanang ko po

di ko na hulaan yun ah, wa ko masbi sa andar ng utak mo acheng, kelangan ko ulit basahin yun 1 en 2, sila pla, di ko ne expect. kainis. I'm feelin d love,infairness,I love this part;

“Hindi ko kayang ipangako sa iyo ang langit, tao lamang ako…”

“Para sa akin, ikaw pa din ang pinakamagandang anghel na nakita ko sa lupa.”

“With a golden halo?”

“and ethereal wings.”

haneeeppp...

wa na ko msbi sau, di ko ne expect na ito ang ending, Ganda! ganda! ganda!

waaahhhh!

Toink!

cheng me na forgot ako

ahehehe, I know it may sounds corny huh, isip ako sountrack nito,

Naked- Avril Lavigne.

Ampotah ndi na atoh nakapasok.

waaahhahahaha.

sinta isaac's picture

Noel, grets at les,

Leslie, gusto mo ng soundtrack? sige, lalagyan ko. LOL.

patol ako eh.

LOL.

Hay naku grets, di ko na iniisip yung si sir, nakasakayan ko nga dati sa Fx yun, titig na titig s'ya sa kin, di ko nga pinansin. LOL.

mukhang hindi tatlong taon, five years na mula nung pinabasa ko s'yo to, loka.

Noel, thanks ha, ngayon ko lang napansin, gwapo ka pala. LOL.

Buti nagustuhan nyo, tagal kasi nitong nakatengga lang sa pc ko, hilong hilo na nga ako sa kaka edit, naka isang kaha na ako ng marlboro, nasuka suka na ko, buti naman kahit papano nagustuhan nyo.

I have to wrap things up na para ma iregalo ko sa aking sarili.

noelablon's picture

kows nambola pa!

Di ko napansin itong comment mo ah. Ito lang ang masasabi ko.

Pag nakita mo ako sa personal babawiin mo yan hehe! Walang anuman. Sige na i-wrap na ito.

 

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

gretta's picture

dudesky

 

Just knew it already. three years ago, nabasa ko na ang story na to and I am certain, Mister E will not be please with this one, remember yung macho gay na Prof na tin sa phil lit?

Obscene! Demeaning! Insulting!

Heaven is a place nearby (lene marlin) fits to the hardcore soul of this story.

Lets sing Love thy will be done!

Gotccha!

anyways, I love it.

 

Golden globe para sa best film. Heh!

Wink

 

 

 

 

 

 

 

 

 

babangon ang patay at mabibiyak ang buwan sa alaala ng apat na mangangabayo ng paghuhukom...

noelablon's picture

aNG GALING

wala ako ma-say. basta maganda!

 

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

blackwidow's picture

makapag comment nga muna

 

di ko pa nababasa, iniwasan kong tignan yung ending, ayokong magkaroon ng blueballs, hahaha as if lalaki ako. joke lang.

ibe base ko sa part 1 and 2, mas patok ang kantang BROKEN, yung sa evanescence di ko alam kung I spelled it right.

"I wanted you to know, I love the way you laugh, I want to hold you high and steal your pain away."

Oh davah?

mukhang maganda ang ending, basahin ko mamya pag uwi ko, mukhang may kakain ng mga sinabi nya ah. hehehehe.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

sinta isaac's picture

may soundtrack na po LOL

Mas gusto ko kasi yung halo eh, p'ro nice choice of song, pauwi ka na ba? sige ingat sila, pati na rin ikaw.

chuz!

sino naman ang kakain ng mga sinabi n'ya? kung pwede lang kainin at ikabusog ang mga sinasabi natin, tang 'na, wala ng pinoy na magugutom.

 

A Sorta fairytale with you...

blackwidow's picture

natawa ako dun

 oo nga no? bakit ba di ko naisip yun? hmmmm... si artykhulit, mabubusog sya, marami kasi syang kakaining mga sinabi nya. supalpal sya ni rhea stone ano? di na nga kumibo si arty eh,binanatan din sya pati ni morning dew, ang tatapang na tao. pero nakakatuwa sila.

ano ba yang halo na yan? ma download nga.

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

sinta isaac's picture

maganda ang halo

maganda ang halo, the best, Hard pop ang genre n'ya. kung mahilig ka kay pink at katy perry, magugustuhan mo to. Ikinonsider ko din yung sinasabi ni greta na heaven is a place nearby, kaso me pagka solemn yun, :) taena para talang may soundtrack ano? kalokohan kasi ni morning dew.

LOL

A Sorta fairytale with you...

Adlesirc's picture

teka, teka

tama ba ang pagkaintindi ko, hindi nagpakamatay si Izza? tapos naging sila? waaaa... nawiwindang ako...

 

pero grabe, ang galing..wow.. parang pang pelikula. ang lawak ng imagination, the twists and turns.. galing talaga! shocks! san ka ba kumukuha ng mga inspirations? haha

 

more!

sinta isaac's picture

hindi nga

planado lang ang lahat, eversince si izza na talaga at anghela, plinano nilang dalawa ang lahat para makaganti si anghela kay dean at kay sir. sinabi lang ni anghela na nagpakamatay si izza kay raul dahil alam nya na si izza ang kahinaan ni raul.

it's a rap baby!

LOL

salamat sa pagbasa at pagtangkilik sa aking pelikula. bow.

LOL

 

 

A Sorta fairytale with you...

koko kranch's picture

Asteeg...

Ngayon ko lang nagets nung inexplain mo ke ate criselda...

Galeng, ngayon lang ako nakabasa ng ganitong kwento :D

sinta isaac's picture

thanks!

salamat Koko!

Kapangalan mo ang imaginary friend ko nung six years old ako.

LOL

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

koko kranch's picture

hehehehe

baka ako yun, nagkatawang tao na...

 

gusto ko yung mga ganitong tipo ng story

ei ate, try mo watch yung "awake" starring christensen and jessica alba. parang ganito rin, may twist sa huli.

sinta isaac's picture

...

napanuod ko na ang awake, ganda nga eh, medyo na shock ako sa huli, sayang yung pagibig, napunta lang sa wala...

 

thanks koko.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

A sorta fairytale with you...

prettyfhe's picture

sinta! hehehe

o diba.. hindi muna ako nagtrabaho binasa ko muna hahaha! :D

 

nagkaroon ako ng hint sa part na to..

"At ang huli ay ang mga mata ni izza na tumatagos sa kanyang kaloob looban. Ipinikit n’ya ang kanyang mga mata at nagpatangay sa sarili n’yang musika. At inisip n’ya ang kanyang una at huling pagibig."

 

pero di ko naman ma-confirm hanggang sa matapos.. kasi buong akala ko sir raul talaga ang tru lab niya... hehehe

tapos nung di siya affected sa pagkakakulong at pagkamatay ni sir raul... nagdalawang isip na nman ako.. baka c JOYCE naman yun.. hahaha letse!

 

nagandahan naman ako.. ;) ayos ang kulot-kulot ng istorya.. pinagana mo ang kakaramput kong utak.. haha

 

eh, teka lang... bakit parang ang libog ni anghela..? san niya nakuha ang ganun? i mean.. epekto ba yun nung na rape sa harapan yung mommy niya... nawala ang kainosentehan? san nya hiinuhugot ang kalibugan? hahaha

 

 

sinta isaac's picture

si anghela ay ma el

LOL.

thanks sa time mo.

Bakit malibog si anghela? tama ka, nung nakita n'ya na ginahasa ang mommy n'ya sa harapan n'ya,lahat ng kainosentehan sa utak n'ya nawala, at nung namatay yung daddy n'ya at nagpakamatay naman yung mommy n'ya na nakita n'yang lahat, maraming katatakutan ang nagsulputan sa dibdib n'ya, kaya nga hanggang paglaki n'ya, haunted s'ya, at isang bagay lang ang naisip n'ya para makatakas (na hindi naman talaga s'ya makatakas kasi nga hindi s'ya nilalabasan diba?) iyon ay ang pakikipag sex, k'ya nga dun sa first part, in established ko na yung character n'ya na malibog, remember nung nanaginip s'ya, nung nagising s'ya, nagsarili s'ya? iyon na yun.

sabi nga ni izza, her libido is out of control.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

A sorta fairytale with you...

gretta's picture

hahaha dude

 

okay na sana ano ka rapper? kulang ng w yung its a wrap mo! hahaha

punta ka pala dagupan, nababaliw ka na sa gf mo. nakita ko sa exclu si tuttut, hahaha langhya hinahanap ka, kung hanapin ka para namang nabuntis mo ang maldita. hahahaha.

the best ka talaga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

babangon ang patay at mabibiyak ang buwan sa alaala ng apat na mangangabayo ng paghuhukom...

sinta isaac's picture

LOL

kulang ba? di ko napansin...

Namo!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

A sorta fairytale with you...

blackwidow's picture

GRABEH!

 alam mo ba na I have to read this all over again? ginaya ko pa ang ginawa ni morning dew, prinint ko at binasa ko ng binasa, naghahanap ng clue kung may mga signs ba dun sa first and second part na si izza yung kalandian nya at karelasyon nya?

grabe, wala ako masabi, ang galing ng pagkakagawa, pang pelikula, pang sports pa. hehehehehe.

binabasa ko ng binabasa, pati ng officemates ko nakikibasa na din, tang ina, parang ang bobo ko nung nabasa ko yung huli, napatunganga ako dun.

ganda ng part na sinugod sya ni izza sa room, ganda ng talakan nila tawa ako ng tawa.

gawa ka pa ulit, para akong csi na naghahanap ng ebidensya pero wala ako makita, galing mo magpaikot ng mga reader, na convince mo ako dun na hate na hate ni izza at anghela ang isa't isa, pero sila na pala talaga umpisa pa lang. si isay na na ka do niya sa home eco building at si izza na jowa ni sir raul ay iisa. bakit di ko naisip yon?!!!!!

ang ganda. super.

Bagay nga yung halo, isip pa tayo ng soundtrack sa ibang part para kunwari pelikula talaga.

Keep up the good work.

Job well done.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

sinta isaac's picture

...

wala ka bang puna?

LOL

blackwidow's picture

ito oh

 it offends me, i find it vulgar, i find some of the part vulgar, you are such a tacky writer, im glad youre not my friend.

 

 

Tsing!

 

 

 

Joke joke joke lang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

sinta isaac's picture

LOL

Very funny...

A sorta fairytale with you...

aireen's picture

sila pala si isay ang

sila pala si isay ang nagkatuluyan...hihihi

"...Kapag pakiramdam ko'y wala ng tamang nangyayari sa buhay ko, sa tuwing naiisp ko na ang mundo'y idinadamay ako sa kanyang kahibangan, sa mga sandaling hindi ko matagpuan ang katahimikang aking hinahanap, isang halik lang mula sa iyo at maglalaho ang lahat ng aking takot at agam agam, dahil alam kong maaari kitang sandalan, ikaw ang nagiisang milagro na aking natagpuan sa gitna ng aking magulo at komplikadong mundo, inibig mo ang aking kalungkutan..."

 hang lufet!!!!.....:D

cheers!

aireen

 

 

sinta isaac's picture

sana naman

sana di ka na dissapoint sa ending, yun kasi ang greatest worry ko nung pinost ko na tong ending.

 

thanks aireen.

yung line na pinost mo sa comment mo, yun ang favorite ko sa lahat, buti na appreciate mo.

 

Cheers!

 

 

 

 

 

 

A sorta fairytale with you...

blackwidow's picture

just a thought

 after kong nabasa si anghela, may gusto lang akong itanong, diba hindi ka naman na indenial ngayon? I mean, tanggap mo na na les ka, katingkati kasi ako na itanong sa yo to, How does it feel like to love and be loved by a woman?

 curious lang ako.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

jonsdmur's picture

Makikisingit lang...

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Meron akong kaibigang babae na nagkaroon ng bf na lesbian... At minsan ko na rin naitanong sa kanya ang "How does it feel like to love and be loved by a woman?

Ang sagot niya sa akin... sa halos mga lalaking dumaan sa kanyang buhay ay sa lesbian lang siya naging panatag... kasi alam niyang tapat sa kanya ito.... tapat daw magmahal ang mga lesbian.... at aalagaan ka talaga nila.... Tumagal ang relasyon nila... at hindi siya iniwan ng lesbian... naghiwalay sila dahil na rin sa kagustuhan niya... given na doon na na-guilty siya kasi mahal na mahal siya nito...

jonsdmur

blackwidow's picture

siguro nga

 

 I heard stories na din na ganyan, pero ewan ko, sobra akong na curious, sa lovelife, sa sexlife nila, yung klase ng takbo ng relasyon, pano yung ganito, pano yung ganun. natatawa tuloy ako, kasi nagiging x rated utak ko. hahahaha.

 

pero sana, masagot ni sinta ang question ko.

ayun.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

sinta isaac's picture

...

How? mahirap paliwanag, pero kung pagbabatayan natin ay ang mga naging experience ko, mas naging masaya ako sa babae, emotionally, physically, mentally. pero kailangan, matibay ka, kasi maraming epal sa mundo na ga reaction paper, alam mo na, mga tututol, lalo na family nyo, ganung mga bagay. pero kasi, ibang klase, lahat lahat. hindi sa ana advertise ko ang F2F relationship, pero sa relasyon ko kasi ngayon, laging may extra room to breathe unlike nung time na sa guy pa ako nakikipag relasyon.

pero, kung masakit masaktan dahil sa lalaki, mas masakit kapag babae ang nanakit s'yo. believe me.

A Sorta fairytale with you...

blackwidow's picture

marami pa rin

 anong pagkakaiba? between the two ha, yung sa boy at sa girl?

medyo me pagka awkward tong nest question ko, binabase mo ba yung mga sex scene nila anghela sa experience mo? hehehehehe

 

Kung ayaw mong sagutin, okay lang talaga.

Do you really know how to touch a girl?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

sinta isaac's picture

okay...

sige, bigyan kita ng brief explanation, napaka subtle kasi ng ganitong relationship, LOL.

for instance, nasa mall k'yo, kapag guy ang ka date mo, hiwalay k'yo ng CR, 'pag girl naman, magkasama k'yong nag re retouch, naghihiraman ng suklay, ng lipstick, parang ang cool ng dating. Pati skirt, accessories, tapos kapag magkasama k'yo,bago k'yo matulog laging may girls talk, tsaka gusto ko yung feeling na I'm walking down the street with the girl I love, holding her hand and nobody cares, kasi they all thought, we're just friends, ligtas ka sa PDA. LOL. 'pag sinasabihan ako ng GF ko na I'm a drama queen, that's fine with me, actually, I'm cool with it. pero nung naranasan ko na sabihan ng guy na madrama ako, lahat na ng bagay na ayaw n'yang marinig, nasabi ko. LOL.

 

A Sorta fairytale with you...

blackwidow's picture

hey!

 

 You didn't answer my question... Wink

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

blackwidow's picture

may isa pa

 

 may gusto pa 'kong itanong, kaso baka ma bwisit ka, isipin mo pa na bastos ako.

 

pero itatanong ko pa rin,

 

 

 

 

 

 

 

nagmamaryang palad ka ba katulad ni anghela?

 

 

Embarassed

 

 

 

 

 

 

ganda ng avatar mo, let's pray for the undoing of that buckle.

Joke.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

sinta isaac's picture

blackwidow,

 

sa mga question mo, kung kinuha ko ba sa personal experience ko ang mga sex scene, Hindi. Period. LOL

Do you really know how to touch a girl? - dito naman, I will never be in this kind of relationship if i don't.

Nagmamaryang palad ka ba? - Nope. But i don't find it disgusting, pero hindi pumapasok sa isip ko ang ganyang bagay, marami pa akong dapat unahin bago yan. at kung gagawin ko man, kailangan may formula. LOL

at tungkol naman sa avatar ko... SHUT UP! LOL

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

A sorta fairytale with you...

blackwidow's picture

safe answer

 does your story reflect life as we are told?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

sinta isaac's picture

...

everything is not what it is told, I've seen a lot of lies.

A sorta fairytale with you...

oha

 

everything is not what it is told, I've seen a lot of lies.

 

daz perfectly true!

blackwidow's picture

errr?

 

 formula? anong formula naman?Undecided

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

sinta isaac's picture

ito yun,

formula sa pag mamaryang palad

maligo+mag lotion, buong katawan+siguraduhing malinis ang kamay para iwas UTI+magsindi ng scented candles na may aromatherapy effect+makinig ng snow in sahara ni anggun kung pa cute ka naman, pwede din ang sway ni bic runga+i relax ang utak,h'wag muna isipin ang mga utang o kung may pagka engot engot ka,tsaka mo na isipin ang back subject at ang mga singko mo na dapat ayusin+mag imagine na nasa isa kang magandang lugar (depende sa trip mo, kung medyo romantic at heart ka, pwede na ang isang suite sa hotel na maraming roses, at kung simple ka lang, pwede na ang kwarto mo, at kung wala lang, dun na lang sa sala+sumunod, imaginin mo na ang pinaka pinagnanasaan mong tao sa mundo+mag suot ng sandals na may tatak na jimmy chooz at blouse na kamiseta+magpabango ng burberry+kumain ng pizza at uminom ng beer+maligo sa ulan+.... 'di ko alam ang susunod, di ko pa kasi na ta try mag maryang palad...= sakit sa puson.

LOL

A sorta fairytale with you...

blackwidow's picture

wow

 

 wow, jimmy chooz, sosyie. hehehehe. whatta nice formula, medyo kinda bitin nga lang. hehehehe.

bakit kaya parang kakilala kita? i'll send you a message na lang sa email mo, and you'll see...

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

noelablon's picture

minsan mag-iisip ka...

Kung sino ang nagsabi ng dayalogo. Pero na-gets ko agad doon sa Part 2 na babae yung magkasama sa panimula pero di ko alam kung sino sila. Ang nasa isip ko si Cherry at si Angela, si Izza pala.

I really love complicated stories tulad nito, yung tipong mag-iisip ka. I like details sa story kasi isa akong critic pagdating sa pelikula. Napapansin ko minsan kahit damilt nila or bakit natuyo agad sila after na malaglag sa pool. Yung mga small details na pag di mo binigyan ng pansin ay maguguluhan ka sa magiging resulta or outcome.

Pwede mo na itong i-wrap up and ilagay mo ng full sa literature.

Great story!

 

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

sinta isaac's picture

...

kaya nga eh, pwede na ko sumigaw ng

its a wrap!

kaso, wala kasing pumupuna ng mga flaws ko, para sana kahit papa'no mabago ko, kaso wala eh, si artkhulit naman, wala naman ma i donate na idea LOL.

 

thanks sa time ha.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

A Sorta fairytale with you...

noelablon's picture

Meron nga sana kaya lang...

Ang parang nakita kong flaws for now is yung dayalogo minsan nakakalito pero I think yun ang nagpa-dagdag ng mystery kaya di mo ni-reveal yung nagsasalita.

Pagdating sa grammar, tingin ko pwede mong ipa-check kay jonsdmur - di ako magaling sa grammar eh mapa-tagalog or english hehe!

 

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

anakngfaraon's picture

hi sinta

maganda ang plot ng kuwento mo.  magaling din ang pagkakagawa mo sa
character ni anghela ni hindi mo malaman kung kaawaan o kaiinisan. 

sa unang pasada ko ng kuwento (from part 1 to end), may mga tanong lang na nabuo sa isip ko.  una, kung alam naman pala niya ang pangalan ng mga gumahasa sa nanay niya, bakit hindi ito nasabi sa pulis.  gaano ba kabata ang karakter nung nangyari ang krimen? masyado pa ba siyang bata para interviewhin at paniwalaan sa panahong iyon?

pangalawa, edad dose siya nung nag-volunteer siyang batihin ang ama-amahan niya.  saan niya nakuha ang ideya o paano niya nalaman kung paano iyon ginagawa?

pangatlo, how twisted is the character izza to engage in such a demonic plan with anghela? dahil lang ba in-love siya?

pang-apat, bakit hindi nagkaalaman ang mga karakater na sina sir raul at dean ignacio sa affairs ng isa't isa, gayung mukhang partners in crime naman pala sila; pinagta-takpan ang isa't isa na ibig sabihin kadalasa'y alam ng bawat isa ang galaw ng isa't isa. 

panlima, i don't know how possible it is to grab a policeman's gun kung nasa loob ka ng selda.

at pansin ko lang, masyadong maraming nag-suicide sa kuwento mo. he he.

pero overall, it's really good.  may mga points lang siguro na kailangan pang iimprove ng kaunti para mas maging kapit at walang butas yung kuwento.

(but i'll still go through the story later, baka kasi yung mga tanong ko ay nandoon na yung mga sagot, di ko lang agad nakita.)

salamat sinta sa kuwento.

 

 

http://katya14.multiply.com/journal

sinta isaac's picture

gandang hapon binibini

sa unang question n'yo po, hindi talaga sinabi ni anghela kung sino ang gumawa ng ganun sa pamilya n'ya, why? dahil gusto n'ya na s'ya ang babalik at gaganti, mula pa pagkabata, iyon ang gusto n'yang gawin kaya paulit ulit s'yang binabagabag ng mga bangungot n'ya.

 

dun sa pangalawa, there are some parts of the story na dinelete ko, my mistake k'ya medyo malabo nga kung sa'n n'ya nakuha yung idea ng pangbabati. thanks for this one, di ko naisip na mahalaga yung part na binura ko.

 

pangatlo, yung kay Izza, yes, she's madly inlove with anghela, may part na pinakitang ayaw n'ya ng ituloy, na gusto n'ya ng umatras sa plano nila, pero in the end, hindi n'ya kayang talikuran ang babaeng mahal n'ya, pagmahal mo ang isang tao, hanggang saan ka pupunta para sa kanya? How mean can you be, how low can you go? kung pagdating ba sa pagibig, mas mabigat ba ang mamatay ka para sa babaeng mahal mo o mas mabigat ang pumatay ka para sa kanya? sa mga line na nagpapahayag ng pagmamahalan nilang dalawa, makikita natin dun na mas higit na nagmamahal si izza kaysa kay anghela.

 

actually, alam ni dean ignacio ang mga affairs ni raul, kaya nga diba nung sinabi ni anghela sa kanya na gusto n'yang sirain nito si raul, hindi s'ya kumibo, kahit nung sinabi ni anghela na ginawa s'yang parausan ni raul, nanatili pa din s'yang tahimik, kasi anong sasabihin n'ya? alam naman n'ya na ang lahat ng yun.

 

wala si raul sa loob ng selda, kasi binisita s'ya ni anghela, so meaning nasa visiting area sila, correct me if I'm wrong ma'am, I've never been into prison so I'm really not sure with this one. LOL

 

at sa suicide thing, yun ang gustong mangyari ni anghela, dahil sa ganung paraan namatay ang mommy n'ya. remember yung last line n'ya sa part 2, ang mamatay ng dahil sa akin? yun na yun.

may bahagi na sinabi ni anghela na pakiramdam n'ya ang buong mundo ay isang eighty piece orchestra at s'ya ang conductor o isang pelikula at s'ya ang direktor...

if you have beauty and wickedness, you're magnificent.

LOL

 

salamat po ma'am sa mga puna at sa pagbabasa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

A sorta fairytale with you...

blackwidow's picture

it is

 

 it was so wrong to love that way. para mo na rin sinabi na ang love, complicated maxado.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

sinta isaac's picture

...

 

 

You want to deal with right and wrong? be a nun. LOL

and you know what, the irony between right and wrong was so thick you could cut it with a knife.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

A sorta fairytale with you...

blackwidow's picture

hehhe

 

 yer weird! you and yer complicated twisted mind.

 

hehehehehehe.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

huhuhu

pagmahal mo ang isang tao, hanggang saan ka pupunta para sa kanya? How mean can you be, how low can you go? kung pagdating ba sa pagibig, mas mabigat ba ang mamatay ka para sa babaeng mahal mo o mas mabigat ang pumatay ka para sa kanya?

 

---sob---

Cry