ANGHIT

love's picture

 

Masangsang, umaalingasaw, mabantot at mabaho..lintek na mga katiwalaan sa pamahalaan! Imbes na taong bayan ang makinabang, silang mga "buwaya" ang nagpi-piyesta sa kaban ng bayan. Para sa akin isa silang lupon ng mga nagpuputukang ANGHIT! Hindi na maitatago pa at wala nang maililihim pa, kahit anong tago nila ay tiyak na mangangamoy sila.

Nakaranas na akong kumain ng NFA rice, nagkapaltosagkapaltos-paltos na rin ang paa ko kalalakad makatipid lang sa pagkamahal-mahal na pamasahe, at dahil kapos sa datung, 'di ko na magawang makabili ng favorite kong cake na red ribbon. Ano pa bang gusto nila bumaho na rin ako at 'wag nang maligo dahil mahal na din ang sabon? Ayoko no, sila na lang!

Kung masama lang talaga ako pupuntahan ko sila kahit sa panaginip at palalamunin ko sila ng buo-buong tawas! Tuyo na ang laway ko at wala na akong masasabi pa kundi --tamaan sana kayo ng kidlat! Magpakasaya kayo sa milyong milyong kinamkam ninyo, kayong mga pulitikong matindi ang ANGHIT!

 

Sana ay hindi pa malabo ang mata mo at mabasa mo ito ng malinaw kagalang-galang na___________, isa ako sa mga nalinlang mo.

Di bale naniniwala pa rin ako sa karma.

Ang tanong ng bayan para sa mga dakilang pulitiko: May anghit din po ba kayo?


rbolsqp's picture

Kagalang-galang na *BLANK*

Pangulo, yun ba ang sagot?

love's picture

rbolsqp..

 

 

Wala po akong partikular na taong tinutukoy dito. Ang lahat na "corrupt" na pulitiko ay pasok sa kategoryang ito. Malaya po tayong lahat makapag-isip kung sino sino sila..Kung sino man yun ,bahala napo kayo.

 

Salamat sa panahon.  ( maisingit ko lang..kayo po ba yung nasa larawan? hehe..suri po nagtatanong lang 'wag po kayo sana magalit). 

 

 

Godbless. 

rbolsqp's picture

Larawan

Sige palit ako ng sagot, PULITIKO na lang. :-)

 

================================

P.S.

Wala naman pong nakakagalit, at bilang tugon sa singit mo, ako po ang nasa larawan.

 

love's picture

salamat po sa tugon

 

 

Salamat po sa pagsagot sa singit ko este sa pangingit kong tanong. Napakagandang imahe ng lalake ang nakikita ko..(akala ko'y isang artista hihi..)

 

Godbless.

 

rbolsqp's picture

Nagtago sa Dilim

Mali po ang iyong akala. Kaya nga po kinunan ko ng litrator ang sarili ko sa dilim para maitago ang di dapat makita.

Pagpalain ka rin ng Maykapal. Magandang araw sayo bulaklak.

hectorolympus's picture

tanong lang

love wrote:

Nakaranas na akong kumain ng sikat na NFA rice;

nagkapaltos-paltos na ang paa ko kalalakad makatipid lang sa

pagkamahal-mahal na pamasahe;

at dahil kapos sa datung...'di na magawang makabili

ng favorite cake ko na "red ribbon".

Ano pa bang gusto nila?..bumaho na rin ako

at 'wag nang maligo dahil mahal na din ang sabon?!

Ayoko no! sila na lang.

bakit ka ba kasi nahirapan sa buhay? kasalanan ba nang mga pulitikong sinasabi mo?

love's picture

hi hectorolympus!

 

Salamat naman napadaan ka. Actually ang gusto ko lang iparating dito ay sa hirap ng buhay natin sa ngayon ay may mga taong nasisikmura mamuhay ng marangya galing sa katiwalaan ng ilang pulitiko sa ating bansa ..Ang dami nang problema ng bansa lalo na ang kahirapan na lumalala samantalang malaking pera ang napupunta sa mga "buwayang" pulitiko na 'yan. Kakabuwiset lang talaga malaman ang unti-unting sumisingaw na baho ng mga ito. 

Ang baho na nila na tinutukoy ko ay yung pagkabulok ng serbisyo at mga anumalyang ginagawa nila gaya ng mga "scam issues" na naglulutangan sa ngayon. Ako, ayoko ring bumaho pa ...ang ibig ko naman ipahiwatig dito ay ayoko nang maghirap pa ng lalo sapat na 'yong magtiis ako hanggang kaya ko pero sana matuto rin silang mamuhay nang malinis.. samantalang sila'y nagpapakasasa sa kaban ng bayan.

Ang kahirapan ng tao ay hindi pwede isisi lamang sa mga pulitiko. Pero ang malaking pakiki-isa, pagiging tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin, at paglilingkod ng walang pansariling interest - ay isang malaking tulong para sa ika-uunlad ng ating bayan at maka-angat tayo pare-pareho.  Iyon ay akin lamang naman po.

Salamat sa komento ha. Godbless hectorolympus. 

 

love's picture

maidagdag ko lang...

 

 

Ang mga binanggit kong kahirapang nararanasan "ko" ay sumisimbolo sa lahat ng dinadanas din ng iba nating kababayan. Hindi po nangangahulugang naranasan ko po ang lahat ng ito. (sa katunayan ay kabibili ko lamang ng ice-cream kanina "ube flavor" hehe). Ang AKO ay SILA na walang kakayanang mamuhay ng matiwasay at sagana. Paano sila na wala talagang maihain sa hapag kainan..kawawa talaga ang kondisyon nila. Lubog na tayo sa utang...habang ang iba'y patuloy sa pagyaman!

hectorolympus's picture

challenge

this now becomes a challenge for us to be more vigilant in choosing our next leaders.

 napakalaki nang magagawa ng mamamayan kung pagsisikapan nilang piliin ang karapat dapat na maging lider ng bansa.

 

love's picture

sang-ayon ako

 

Sang-ayon po ako sa sinabi nyo. Ngunit ang karugtong niyan ay...ano nga ba ang pamantayan na dapat tignan sa isang kumakandidato para siya ay maging "isang karapat-dapat"?. Sino nga ba ang karapat-dapat??? panibagong isyu na naman 'yan na dapat pagtuunan ng pansin. Hay...nakakasakit ng ulo.

Salamat sa panahon.

 

Godbless.

 

 

love's picture

kua rom...

 

 

kua rom..kayo po ano po opinyon ninyo dito. Sabik akong malaman ang panig ninyo (tiyak ay mabubusog na naman ako sa kaalaman).

 

salamat po. 

rom26factolerin's picture

ang sagot ko...

eto ang sagot ko Jha, 

 

Ang Pilipinas ay matagal nang isang mahirap na bansa, kahit na hindi naman dapat dahil sa likas na yaman nito na kayang pakainin ang populasyon kahit na sa loob ng limang taon na walang nagtatrabaho. And kaso nga lang ang paghihirap na ito ay lalong pinalalala ng mga taong naturingang dapat sana at siyang “custodian” ng yaman ng bansa—ang mga Pulitiko at taong gobyerno.

Malaki ang pananagutan ng mga Politikong pinagkatiwalaan ng mga gutom na mamamayan, kasi sa kanila ipinagkatiwala ng mga tao ang pag-asa na makaginhawa man lang kahit paano ang buhay. At pag nagtiwala ka at sinira ito, sa tingin ko isang malaking pagtataksil ito.

Oo nga’t di lamang dapat isisi o iasa sa kanila ang pag-unlad ng kabuhayan, pero paanong uunlad ang kabuhayan kung ang dapat sana na ipambili ng mga gamit sa eskwela o libreng gamot sana sa maysakit ay napupunta lamang sa LUHO at BULSA ng mga politiko at opisyal ng gobyerno?

Masakit kasi isipin na habang nakakakita ka ng mga batang pulubi sa daan naghahalungkat ng basura at nag-aagawan sa pagkaing “pag-pag” may mga bundat sa kayamanang politiko ang nagpapasasa sa yaman ng bayan.

Dagdag pa ang simbahan sa nagmamay-ari ng daan-daang ektaryang lupa sa bansang marami ang squatter.

Sa botohan lang tayo nakakaganti, minsan dinadaya pa... 

 

 

Paki-abangan na din ang video interview ko sa isang ‘taong-grasa’ malapit na edit ko na lang...

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com

love's picture

aabangan ko 'yan

 

 

yes..aabangan ko tlga 'yan. Salamat sa komento. Lahat nng punto ay tama ..sang-ayon po ako.

 

Godbless.

hectorolympus's picture

qualifications

napaka basic kasi nang qualifications sa mga kandidato kaya kahit na sino (eddie gil, victor wood, ely pamatong) ay pwedeng pwedeng tumakbo.

 ang medyo mabigat siguro ay yung pagtuunan natin nang pansin ang kredibilidad at karakter nang mga taong kinukonsidera natin.

 tama si rom.  sa eleksiyon lang tayo nakakabawi.  ang masakit, dinadaya pa.

rom26factolerin's picture

sa palagay ko...

sa palagay ko ginawa nilang mababa ang qualification ng kakandidatong presidente ng Pilipinas para naman masabing walang descrimination sa kung sino mang nagnanais na kumandidato, kahit na sino basta nasa tamang edad at citizen ng Pilipinas.

ang kaso di naman talaga ganun ang nangyayari. Kung wala kang pera na kayang gastusing milyon-milyon sa kandidatura at wala kang "winability" factor--kalimutan mo na lang ilusyon mo.

masakit isipin na hindi qualification ang pinag-uusapan ng mga partido kung sino ang dadalhin nilang standard bearer, kundi ang "winability" kaya kahit ampaw ang laman ng utak ng politiko basta may potensyal siyang manalo o crowd favorite sya oks na. hayyyy....ang 'erap' ng buhay

 

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com

love's picture

ma-erap tlga kua..

 

at dahil sa sobrang HIRAP na 'yan aminin natin sa hindi, may ilan sa ating mga kababayan na kakagat sa mga suhol at "lagay" ng mga buwitreng ito para lamang mabili ang botong nadudungisan na ng makamundo nilang kasakiman sa kapangyarihan. Sinasamantala ng ibang mga kumakandidato ang kahirapan ng mga kawawang kababayan natin.

paano ko ba malilimutan ang mga sobre na kanya-kanyang kinukuha sa mga nakatalagang magpamudmod dito. Ang laman.....kung 'di limangdaang piso ay tig-isang libo. TALAMAK! ganyan ko mailalarawan ang dumi ng pulitika sa ating bansa. nakakadismayang tunay!

Kanila nalang ang pera nila. May pagpapahalaga pa rin ako sa BOTO ko. "yun na nga lang isa sa pag-aari ko bababuyin pa nila!

slmat kua sa panahon.

Godbless

 

rom26factolerin's picture

kaya may mahirap

 

 isipin mo na lang kung mayaman ang Pilipinas at di kailangan ng mga tao ang suhol galing sa Pulitiko--e pano silang mananalo? kaya nga kung may taong gustong manatili ang kahirapan walang iba kundi mga corrupt na pulitiko yun wala nang iba.

80% ng populasyon ng Pilipinas ay below poverty line, meaning mas mahirap pa sa pinaka mahirap. sila ang madaling nasusuhulan kasi kapit sa patalim e - di mo masisi minsan.

Kung wala yang 80% na yan sino ang susuhulan ng mga corrupt na pulitiko? pano silang mananalo? yan ang tingin kong dahilan kung bakit mas gusto nila na maraming mahirap na tao, negosyo din kasi yan.

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com

love's picture

kaya pala..

 

 

kaya din po pala kapag kumandidato sa panahon ngayon  ay dapat may sapat kang " armas " para gamitin sa pangangampanya (at suhol tama ba?) Milyon milyon na investment , pwede ngang capital at pagkatapos ay bilyon bilyon naman ang hihigupin mula sa ating kaban. masisiba tlga! MABILAUKAN SANA HARINAWA!

hectorolympus's picture

question

rom26factolerin wrote:

masakit isipin na hindi qualification ang pinag-uusapan ng mga partido kung sino ang dadalhin nilang standard bearer, kundi ang "winability" kaya kahit ampaw ang laman ng utak ng politiko basta may potensyal siyang manalo o crowd favorite sya oks na. hayyyy....ang 'erap' ng buhay

can ordinary citizens like us do something about this problem?

 

http://sonofpriam.blogspot.com

rom26factolerin's picture

konsyensya pa rin

 

 yes we can, wag lang tayong magsawa na bumoto sa akala nating mas nakakabuting kandidato. naalala ko nung huling boto ko si Raul Roco ang ibinoto ko kahit napakaraming pressure na si Erap ang iboto ko. kasi nung panahon na yun si Raul ang pinaniniwalaan kong makapag bibigay ng pagbabago lalo na sa sektor ng edukasyon.

Pero minsan nakakapanghinawa na rin. Boboto ka ng matino malalaman mong parang "Tinig sa karimlan" lang ang attempt mo. Outcast ka kapag bumoto ka ng di popular na kandidato. di bale na basta sinunod mo lang konsensya mo...

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com

love's picture

RAUL ROCO

 

 

Pareho tayo nang ibinoto. Nakakadismaya nga kadalasan kung sinong IN at POPULAR  siyang mas pasok. bwiset tlga oo.

love's picture

wala na akong masabi kundi GOODLUCK na lang sa inyo..

 

 

GOODLUCK na lang sa mga tatakbo. Kung totoo pang may ilang mulat na  tamang konsepto sa pagboto ...aba naniniwala akong magkakaroon pa rin ng maraming matinong lider sa ating bansa. Sa mga boboto naman, isip isip muna. huwag patatangay sa knila.

 

 

 

love's picture

victor wood

 

 

hay ...sariwa pa sa alala ko ang mga suot ni victor sa kanyang mga kampanya with his "mahiwagang sumbrero". Nakakatawang isipin.. paano nga kaya kung siya ang nanalo ahay! ayokong isipin hihihi.. 

RJ Santos's picture

Agree naman din ako sa

Agree naman din ako sa tanong ni Kuya Hector. Hindi dapat tayo todo-asa sa mga pulitiko. Dapat tulungan din natin ang mga sarili natin. :)

RJ :)

----------
Stories and Poetry by RJ Santos - http://rjsantos.authorshaunt.com

love's picture

tama kayo pareho

Sang-ayon nga din ako dun RJ kaya ko nga nabanggit na hindi dapat isisi lamang sa pulitiko ang kahirapan ng isang tao. Pero sila na ibinoto natin at pinagkatiwalaan ay dapat din suklian ng tapat na serbisyo ang lahat ng ito para na din sa ikabubuti ng lahat. Hindi ko rin nilalahat ang mga pulitiko..yaong lamang ganid sa kapangyarihan at sakim sa salaping hindi kanila ay ang tinutukoy ko. Alam ko naman na nakuha ninyo ang punto ko. Salamat sa panahon.

 

tnx RJ. Godbless.

RJ Santos's picture

Hehe... opo, nakuha ko po,

Hehe... opo, nakuha ko po, na-cross posts lang tayo. 6:51 po ung inyo, sakin po 6:53. Kung nabasa ko po yun una, di ko po ito napost. :D

RJ :)

----------
Stories and Poetry by RJ Santos - http://rjsantos.authorshaunt.com

love's picture

hehe ..

 

 

ay uu! hehe gets ko din, anyway..slmat pa rin sa komento RJ . Godbless u. 

jonsdmur's picture

Maganda ang sanaysay... yan

Maganda ang sanaysay... yan ha hindi na siya tula... Sabagay marami ng buwaya sa ating lipunan ngayon.... pero meron rin namang tapat maglingkod...

Sana nga mawala na ang mga anghit nila...

Jonsdmur

love's picture

tnx

 

 

Salamat sa magandang kumento jonsdmur. 

Oo nga sana nga mawala na. 

j luna's picture

Aaaahhh si Gloria Macapagal Arroyo...Please Read

Korapsyon sa gitna ng krisis

Muling sumambulat ang walang hangganang korapsyon, kabulukan at pagmamaniobra ng rehimeng Arroyo sa pagputok na naman ng dati at bagong malalaking kaso ng korapsyon. Lalong tumatampok ang usapin ngayon dahil sa iba't ibang paraang ginagawa nito para mapigilan ang imbestigasyon kay dating Undersecretary of Agriculture Jocelyn "Jocjoc" Bolante. Si Bolante, punong opereytor ni Arroyo noong 2004 sa pagkulimbat ng P2.8 bilyong pondo ng Ginintuang Masagang Ani ay pinabalik kamakailan sa Pilipinas makaraang tanggihan ng US ang hiniling niyang asylum (pagkanlong) doon.

Walang pinag-iba ang mga maniobra ngayon ng naghaharing rehimen sa pagbusal din nito sa iba pang maaaring tumestigo hinggil sa mga krimeng kinasasangkutan ng pamilyang Arroyo. Ang desperado at garapalang pagtatangka ng rehimeng Arroyo na pigilang magsalita si Bolante sa Senado ay nagpapakita ng lubha nilang pagkatakot na malantad sa publiko ang kinasasangkutan nilang mga katiwalian at krimen na tiyak na makapagpapasiklab sa galit ng bayan.

Puspusan ang pagsisikap ng rehimeng Arroyo na panatilihing nakapinid ang mga lihim ng katiwalian sa pondo ng Ginintuang Masaganang Ani lalo't balak nilang gamitin muli ang gayong iskema sa nalalapit na eleksyong 2010. Sa panukalang badyet ng rehimen para sa 2009, mahigit P3.3 bilyon ang inilaan ni Arroyo para umano sa pagbili at pamamahagi uli ng abono. Bahagi ito ng P7 bilyong bagong alokasyon para sa Ginintuang Masaganang Ani—ang mismong programang ginawang palabigasan nina Arroyo at Bolante noong 2004. Kaliwa't kanan ang iba pang pakana nina Arroyo at ng kanyang mga alipures upang ibayo pang malimas ang kabang-yaman ng bayan.

Ang paglala ng korapsyon ni Arroyo nitong huling mga taon ng kanyang paghahari ay bahagi ng mga paghahanda niya para lalong matiyak ang pananatili niya sa poder lampas sa 2010. Lalong humihigpit ang kapit niya sa poder sa labis na pangambang pananagutin siya sa kanyang mga kasalanan sa bayan.

Ilampung bilyong pisong pondo ang tinitipon ni Arroyo bilang paghahanda sa haharapin niyang mga pampulitikang labanan kaakibat ng pagsisikap niyang magpatuloy ang kanyang kapangyarihan lagpas sa kanyang kasalukuyang termino. Gagamitin niya itong pambili ng suporta ng mga pulitiko para sa iskemang cha-cha (charter change o pagbabago ng konstitusyon) upang pahintulutan ang muli niyang pagtakbo bilang presidente o punong ministro. Kung di man ay gagamitin niya ang dambuhalang pondo para matiyak na sa kanya pa rin ang katapatan ng mga maipapanalong kandidato sakaling matuloy pa rin tulad ng dati ang eleksyon sa 2010. Kasabay nito, ginagamit ni Arroyo ang pondong ito upang bilhin ang katapatan ng mga upisyal militar at pulisya sakaling humantong siya sa pagpapataw ng paghaharing militar kapag nabigo ang itinutulak niyang cha-cha.

Dahil sa lalong sumisidhi ngayong sosyo-ekonomikong krisis, bawat isang kusing na nakawin ni Arroyo mula sa pondo ng bayan ay dumadagdag sa hapdi ng kumakalam na sikmura ng nagdarahop na mamamayan. Sa pagnanakaw ni Arroyo ng bilyun-bilyong piso, lalong nalulugmok sa kahirapan at pagkaapi at lalong nagpupuyos sa galit ang mamamayan. Umaapaw ang mga bulsa nina Arroyo habang milyun-milyon ang nagugutom, walang lupang masaka, walang ibang mapagkakitaan, walang matinong bahay na mauwian. Napakaraming maysakit ang di makabili ng gamot, milyun-milyong estudyante ang napupwersang pumasok sa mga paaralang sirang-sira at walang mga pasilidad at milyun-milyon pa ang di man lang makapag-aral dahil sa kahirapan at pawang walang kinabukasang aasahan.

Huhusgahan ng kasaysayan ang rehimeng US-Arroyo bilang isa sa pinakabulok na gubyernong gumamit ng kapangyarihan para magkamal ng malaking yaman at manupil, sa labis na kapinsalaan ng mamamayan.

Hindi dapat palusutin ng mamamayan ang kabi-kabilang pagsisinungaling, pandaraya at pagnanakaw ni Gloria Arroyo. Hindi dapat pahintulutan na magtagal pa siya sa poder. Ang lahat ng pagkukunwari at pagmamaniobra at ang bawat sandali ng pananatili niya sa kapangyarihan ay kanyang ginagamit upang lalo pang mandambong at pahigpitin ang tanikalang gumagapos sa mamamayan.

Dapat gamitin ng mamamayan ang lahat ng paraan upang mapigilan ang iba't ibang iskema ni Arroyo para mapalawig pa ang kanyang paghahari. Dapat patuloy na magsikap ang lahat ng pwersang demokratiko, patriyotiko at anti-Arroyo na magkaisa sa kabila ng pagtatangka ng Malacañang na hati-hatiin at durugin sila. Dapat pandayin ang pagkakaisang ito para matipon nila ang lakas na magbabagsak kay Arroyo.

Lalong nagiging mulat ang mamamayang Pilipino sa pangangailangan ng rebolusyonaryong pagbabangon habang lalo silang nalulubog sa kahirapan at pagkaatrasado sa gitna ng patuloy na lumalalang krisis sosyo-ekonomiko at mga krimen ng naghaharing rehimen. Habang tumitindi ang kalupitan ng rehimeng Arroyo, lalong tumitibay ang determinasyon ng mamamayan na bagtasin ang landas ng armadong rebolusyon.

Sa pagpupunyagi ng malawak na rebolusyonaryong kilusan sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), at pagpupursige ng lahat ng mga anti-imperyalista, antipyudal at antipasistang pwersa, lalong lumalakas at lumalaganap ang paglaban ng mamamayang Pilipino. Walang sawa ang pagsisikap ng mga rebolusyonaryo, patriyotiko at demokratikong pwersa sa pagtataguyod sa interes ng mamamayan at pagsusulong ng kanilang mga pakikibaka. Patuloy na paiigtingin ang mga taktikal na opensiba ng mga armadong rebolusyonaryong pwersa, mga pakikibaka ng mamamayan at iba pang paraan ng paglaban para wakasan ang paghahari ni Arroyo at iharap siya sa paghuhusga ng bayan.

 

 

from the newspaper: ANG BAYAN