aninag sa iyong piling
Submitted by eden on April 21, 2010 - 6:57am.
filipino poetry
Hawak mo...
ang ilaw na aandap andap
patuloy sa pagkislap
tulad ng bawat pangarap
Nasa iyo...
ang liwanag na gumagabay
sa bawat pakikibaka
isang lingon lang sayong kulay
Sa bughaw mong langit...
at puting buhanginan
malinaw na karagatan
pusong hapo ay may hihimlayan
Patuloy sa pagkampay...
walang sawa ang paggaod...
at tuloy sa pagbalik;
sa iyo ay hahalik.
At di man magtagumpay
ang pusong nasabik
yayakap sa iyong aninag...
na walang kapalit
» eden's blog | login to post comments | 338 reads

