ANINO
Minsan lang ako mag bigay ng laha-lahat ko sa isang tao.
Oras, atensyon at bagay-bagay na kahit wala ako ay binibigay ko pa rin.
Pero di parin pala sapat iyon.
Paksyet naman,oh. Bakit ba ang puso pag may tinitibok na isa lang ay siya at siya na lang lagi ang mukhang bibig, nasaisip, at maging sa panaginip mo.
Kahit saan nakikita mo siya, kahit sa panaginip naalala.
Minsan naisip ko maghanap na kaya ako ng iba, baka sa ganoong paraan makalimutan kita, pero naisip ko pano kong tanungin ako ng magiging GF ko o kaya magiging BF ko, kung bakit niligawan ko siya, o bakit sinagot ko siya, ano isasagot ko "Dahil di ko na kaya iyong butas na iniwan mo sa puso ko, na kailangang ko ng taong panakip sa butas na iyon?!!!".
Tang'na napaatraas ako sa desisyong iyon, mandadamay pa ako.
Pero papano nga ba ang mag mahal ulit kung siya at siya lang ang laging nasaisip mo kung sa pag gising mo sa umaga... "tang'na kumusta na kaya siya?"... habang ngunguya nguya ng oatmeal sa mesa, e ako na isip mo rin kaya?
Kahit na malayo ka , parang andito ka parin, patago akong pinahihirapan sa mga alaala mo. Kung sanay sinabi mong tapos natayo siguro di na hihingalin pa ang puso ko sa pag habol ko sa'yo. Minsan naisip ko ano kaya strategy mo't nakalimutan mo na lang akong basta basta.
Ngayon di na tulad ng dati ang buhay ko, dahil di na ito sing kulay noong una tayong nagkakilala.
Isa kang aninong tumatarak ng palihim sa puso kong nagwawala sa yapos ng ala-ala mo.
Isa kang aninong inaaninag ko sa kadiliman , isang aninong minsan ay naging parte ng buhay ko, isang aninong minahal ko nang sobra-sobra, isang aninong pinapangarap kong makasama,,.....at siguro isang anino na rin na balang araw ay matututunan kong pakawalan, para sa lubos mong ikaliligaya, kahit na nga ba masaktan pa ang puso kong nagmamahal sa iyo ng sobra-sobra!!!.
Pinxu_
Hahahaha pamatay!
Hahahaha pamatay moment yung aninong walang ulo, hahahaha, tapikin mo daw agad yung taong me aninong walang ulo para hindi matengga.
Ay naku pinxubebz, isipin mo na lang, isa kang batang nagwiwishful thinking na sana, si mariposang barbie ang gift sayo ni papa jesus tapos may nahulog na box galing heavenly bodies at nang buksan mo, pakingshaykz, robot na transformer ang nasa loob ng box. Hahahaha.
Digs mo ba p're?
Sabi nga sa kantang thinking of you ni katy perry;
you said move on where do i go, i guess second best is all i will know
hahaha walang sense, pero mas walang sense kapag nag advice ako sayo na mag move on ka at humanap ng iba dahil bullshit yon p're, iyong ang dumbest advice na mabibigay mo sa taong brokenhearted dahil hindi yun madali.
Ano to laro, leron leron sinta, sawing kapalaran, humanap ng iba?
Hindi di ba?
Kanta na lang tayo ng sing, sing a song, make it simple that last the whole night long, dont worry if its not good enough for everyone else to hear la la la la la la...
Hahahahaha.
Chukss..........
sarap kuryentehen ng pussycat namin, ang landi!!!! tuloy di ako maka pag-isip ng makabag damdaming reply. Bwaahhahahaha.
Chokzzz yun dude. Digs ko ata yun, transformer basta ba, the best siyang....siyang laruin at makipaglaro, BwahahahahHAHAH
Ang pag-ibig hindi nga naman laro, at mas lalong di pick up stickicks nakapag kinuha mo pepwede mong bitiwan agad kung gusto mo.
Pag kinuha mo iyong pickUp-sticksSSS dapat maingat, pinaplano, lalo na kapag gustong-gusto mong makuha iyong bagay na iyon. Parang pag-ibig, pag umibig ka dapat sigurado kang kaya mong panghawakan iyong kung ano mang nakuha mo, dahil di lang iyon simpleng stick kundi dahil puso na ang pinag katiwala sa iyo, ang gulo. Ikaw na lang umintindi, na ha-high ako,hehehehe. Franky rocks!!!
Di nga di talaga laro ang pag-ibig dahil pag malalim iyong diin ng pana sa puso mo, mahirap ng bunutin iyon kasi nga puso mo na mismo iyong kumakapit at kapag ganon wala ng silbi utak natin akets, kasi nga mas nasusunod ang puso, lalo na pag sobra kang inlababo sa taong iyon.
Paksyet talaga.
Kakatakot iyong alang ulo
...takots akets sa multo
hahahah...
Pang chaka 'yong oatmeal sosy, dukot2x ra diay 'to!!!
oatmeal kasi on diet, achupzzzz!!!!minsan tumitira rin ako ng cerelac, chokz lng.
yupz makakalimutan ko rin siguro pero chucks kelan pa kaya yun? paksyet bka 4ever n akong gani2,hahAHA!!
kakatakotz nman 'yang aninong alang ulo, bwahahahaha.
Yeah maybe antay n lang ako na mag heal ng lubusan iyong puso ko aketsSS. Saka try ko na umibig ng iba, choinkzZZ.
Salamat LOVE dama ko LOVE mo
, may ganun!!!.
AchuppzzzZZZ
Takot pa nman ako sa multo baka maihi pa ako.



hi!
oatmeal? sosyal!
ganyan talaga kapag umiibig..sa susunod, dapat magtira ng kaunti sa sarili. hindi dapat ibinibigay lahat lahat.
'yung anino na minsan ay naging parte ng buhay mo--makakalimutan mo din 'yan sa tamang panahon. kaya ok lang 'yang nararamdaman mo sa ngayon. normal 'yan. ang 'di normal ay kung mamakita ka ng anino ng taong wala ang parte ng ulo, masama daw iyon hehe..
nice post!