ano ang gagawin mo kung ikaw ang nsa klagayan ko?

brielle_20's picture

ano ang gagawin mo kung ikaw ang nsa klagayan ko?

bkit ganun kpag my mhal ako..
it's either mhal dn sya ng friend ko or
mhal nia ang friend ko??

dba b pwedeng he's mine lang??

dba b pwedeng love ko xa and ako rin ang love nia??

bkit b hndi nia mrmdman na love ko xa?

ganun b xa kmanhid?

bkit b hndi mo ako pnapansin??

hndi kea love mo rin nga ako??

and i'm just trying to ignore it??

haaay sna nga lng dba...

my feeling akong meron xang gusto skin pero syempre mhirap n mgsalita at pangunahan xa dba?? mlay mo mali pla ako eh d ako lng dn ang nhurt...

kelan ko kea mlalaman ang feelings mo for me??

gusto ko lng mlaman khit ano p yan...tanggap ko nman kung hndi tlga ako un eh..

ipapaalam nia kea skin un or mananatiling isang sikreto n lng un pra s knya at tanging sila lang ng friend ko ang nkakaalam???

so, ano ang gagawin mo kung ikaw ang nsa klagayan ko?


Jana Maris's picture

ndi q alam..

ganyan tlaga ang buhay...
minsan khit mhal mo ang isang tao tpos mhal k rin, iiwan k rin nman at the end.
i've been there...
mhal daw nya ako pero iniwan ako.
meron bang mhal n di kyang mgtiis para s mhal nya?
tpos ssbhin sau n kya kta iniwan dhil mhal kta.
dats bulshit!
anjan nman sau lhat...wla n xang hahanapin pa.
mganda, matalino, mabait...
ang swerte nya n nga.
pero sadyang wlang kakuntentohan ang tao.
i was left behind...neglected!abandoned!

kya khit anung sitwasyon cguro gnun p rin.
hay,ngaun ayoko q n muna...
tama n ang isang tao n ngdulot ng skit s puso q.
ayoko n muna kc nkkpgod din.

pero my ntutunan din ako s mga ngyari skin.
pg mhal mu ang isang tao sbhin mu...
palayain mu ang damamin mu kc ndi mu nman ksalanan n mhalin xa.
love is a gift from God so u must acknowledge it.

gudluck sau...
sna mtagpan mu rin ang puso mu s piling ng isang taong mmhalin k ng totoo.
ung handang mgparaya para sau at gagawin ang lhat...
ung pgmamahal na totoo at wlang pgkukunwari...
sna din ndi k mbiktima ng mga mpgsamantala ng damdamin.
ung mga taong kumukuha ng lkas s pgmamahal ng ibang tao...
ung mga mhilig mgpaasa.
I'll pray that God will guide u too para khit mgkamali k ndi k tuluyang mlugmok.

GODBLESS!!!>"<

gndang arw!

magnda

rom26factolerin's picture

Anong gagawin ko? Tinatanong mo ako?

siguro bilang panimula mag aaral ako magsulat at magsalita ng tamang Filipino, yung pagususulat ng hindi impluwensyado ng texting, may kabuluhan at may paggalang sa salitang ninuno ko baka sakaling sa pamamagitan nun maramdaman din ng mambabasa ko na iginagalang ko ang kaisipan nila. Bakasakali din na sa pamamagitan nun makakuha ako ng tamang payo.

kaya kung ako ang tinatanong mo ang sagot ko lang
"wer u na dito na me"

Rom
http://blah-blahblogsrah-rahwrites.blogspot.com/

ano nga ba ang dapat gawin? eto.....

tama si Rom, magaral ka muna mag type ng maayos at baka makakuha ka ng tamang payo, if you cant even type the words rightly, you cant express your right feelings too, well, to find love is to find the right way towards love, learn to love yourself first, then learn how to give it back. and you have to know that life in fact is always revolving around, we have good and bad times, and you have to learn how to deal with it, as we grow up and become matured enough mararanasan natin ang iba't ibang pangyayari sa ating buhay, hindi lahat ay hirap, hindi lahat ay sarap, with that, you have to learn how to cope with different spices of life in order to be happy and not just sit in one corner and moan if you get hurt, life must go on and move on. if someone failed you, look on the positive sides, there must be a reason why your relationship didnt work. so cheer up, its not yet the end of the world!

Pmel's picture

No offence Emma

But I do believe you're not in the position to correct the writer. You yourself are not writing with proper grammar. Not that I do any better. Just be careful with hypocrisy. Thanks.

its ok Pmel (im not offended) thanks... but....

its not the grammar or spelling im trying to say, its the way she typed the words using "text messaging" which i think would be hard for some readers who are not used to it, well just like me... how could we get a better advice if the words are not written properly? whether its grammatically right or wrong, as long as its understandable and the readers will not spend some time to guess what does she really mean. and i never try to correct her, what i did is suggestion. but its ok, everyone is entitled to have their own opinion. i respect yours. x

brielle_20's picture

sorry po sa mga na-offend ko...

sorry po kung na-asar kayo sa spelling, grammar or anything about my blog...

hindi naman po sa kinakampihan ko si PMEL or ipinagtatanggol ko ang sarili ko- pero cguro ganun na rin yun...hehehe- pero kasi i believe na it's one way of saying what i want to say and expressing what i feel...

siguro this is my way..and yours is different pero ito ako eh...your way is diffrent from mine..sana po maintindihan niyo yun...it's not a matter of spelling or grammar, as long as people can understand me, diba naintindihan mo rin naman?!?!?!

however, thanks n rin po sa pag-criticize...

.....

sampalin mo men. tapos tadyakan mo. bigyan mo na din ng isang malupit na suntok... kool

augusta linnea valler abella's picture

love has a cycle too...

just like business, maybe, love has a cycle too.

INTRODUCTION

GROWTH

MATURITY

DECLINE.

love sucks,
but don't believe me.;p

my experience might be very different from yours.

i still believe that love is more than just like a business, because it might not work for me or for you, but i've seen it works for others.

Hey...look at you hehe...

bago ako magcomment,basahin niyo muna ito:

i cdnuolt blveiee taht i cluod aulaclty uesdnatnrd waht i weer rdanieg. D phaonmneal pweor of the hmuan mnid, aoccdrnig 2 a rscheearch at Cmabrigde Uinervtisy, it deosnt
mttaer in waht oredr d ltteer b n d rghit pclae. d rset cna b a taotl mess n u acn sitll raed it wouthit a porbelm. tihs
s bcuseae d huamn mnid deos not raed ervey lteter by istlef
ubt d wrod as a wlohe. Amzing huh? n wE tghuhot slpeling ws ipmornt!

masakit ba sa mata?..
Kinuha ko lang ang message na yan sa cellphone...
then what is my point? pakibasa na lang ang message...
actually hindi natin dapat hinuhusgahan ang isang tao kung mali man ang pagkakatype niya ng message niya katulad ng ginawa ni brielle...if you are concerned and willing to the person's view of life..kahit jumbled pa ang mga letra niya, maiintindihan mo siya.. hindi nman sa hindi na naten minamahal ang ating wika...
sometimes we undergo different times which brought experience to us. It may be good or bad. LAlo na kung Bad..
at sa palagay ko, ang taong ito ay nakaranas ng mejo...sad experience sa kaniyang lovelife...at ito lang ang naging midyum niya para mailabas yung nararamdaman niya...yung pagpost ng blog which is kinondemn naman ng mga nakabasa dahil sa text style typing....
para sa akin its not about the letters, its about the thought that counts..ok. wag nang magtalo, kapag badtrip keo
hindi niyo na mamamalayan yung ginawa niyo. pero ok lang..
art is an expression. This is an art and we all live in an era when art is important.(Cyber age bah? d ba?..)

rom26factolerin's picture

bahala kayo sa buhay nyo!!!

alam mo maryann kung nagpost lang sana si brielle at hindi humihingi ng payo, malamang di ako sasagot dito e, ang kaso humihingi siya ng payo at ibinigay ko ang masasabi ko, hindi actually criticism yun, kung matatawag mang puna at least constructive. Hindi ko siya hinuhusgahan ni hindi ko nga siya kilala. pero ano ba mararamdaman mo kung halimbawang may manliligaw ka at instead na mag propose ng maayos ng nararamdaman niya sa iyo ay idinaan sa ganyang klaseng pananlita (text language) ang nilalaman ng loobin niya? maliban na lang kung tanga at gago ka din na matutuwa ka at darating ka sa punto na tatanggapin mo na ang proposal niyang pag ibig sa iyo.

Hindi pa ito usapin ng pagmamahal sa wika, malayo pa tayo sa topic na iyon, usapin ito ng tamang paggamit ng komunikasyon, ang alam ko kaya naging ganyan ang salitang ginagamit sa cell phone ay para makatipid sa characters kasi limitado lamang ang characters sa cell phone--por diyos por santo! nandiyan ang keyboard ng computer! kumpleto at halos walang limit ang pag tiklado mo bakit kailangang ganyanin ang mga salita?

igalang nyo naman ang sensibilidad ng mga nakakabasa ng blog nyo, hindi ito basta kayo-kayo lang ang nagbabasa, alalahanin natin ang ibang gumagalang din naman sa wikang medium natin sa paglalahad ng tunay na saloobin.

oo nga't maari nating maintindihan naman ang isang obra kahit na nakasulat pa ito sa salitang ginago, pero kailangan ba na gaguhin din natin ang sarili natin sa pagbaba sa level ng ginagong salita para lamang intindihin ito?

kung humuhingi ka ng payo sa isang tao o sa grupo ng mga tao dapat makatao ang paghingi mo, makataong pananalita ang gamitin mo at makaka asa ka ng makataong sagot din. Kaya nga kung papansinin ang unang sumagot sa post niya (brielle20) ay nasa pormang text language din.

Tungkol dun sa sinabi mo naman na "its not about the letters, its the thought that counts" letra at salita lamang ang tangi nating basehan ng tamang komunikasyon sa parteng ito ng panulat, anumang bagay na gustong ipahayag ay dito dumadaloy. ang "thought" ng sinasabi ay sa letters at words nakikita, kung natatakpan ito ng maling paggamit paano ka pa maiintindihan? kung kausapin kaya kita ng "baby talk" habang nanliligaw ako sa iyo, sa palagay mo matutuwa ka? kung retarded ka malamang mag enjoy ka!

at kaninong hudas mo naman nakuha yung kaisipan na "art" ang text language? alam mo ba kung ano ang "art?" kung art man halimbawa artist pala si kris aquino? kasi ang galing galing niya magsalita ng salitang ganito e Wow naman!

subukan ninyo minsan paganahin ang imahinasyon niyo, kunyari nanonood kayo ng paborito nyong drama sa TV nag iiyakan sa lungkot ang mga mga pangunahing gumaganap kasi iniwan siya ng kanyang pinakamamahal (gaya ni brielle)naglalahad na siya ng damdamin niya tumutulo ang luha, naiiyak ka na pero biglang nagsalita ng lengwaheng tex, tangina! palagay mo di ka maasar?

ewan ko ba bahala na kayo sa buhay nyo!

rom
http://blah-blahblogsrah-rahwrites.blogspot.com/

grabe ka ha.....

wag ka magalit....masyado ka namang inis dun sa sinabi ko...
hahaha.... nakakatakot ka...may pamuramura ka pa...
hay....pumupuna ka, tapos pag ikaw ang tinamaan ng puna ay nagagalit...feeling mo, ang galing galing mo...may ibang tao rin naman po na nakakabasa ng mga comment dito, hindi lang ikaw...may iba't iba tayong opinyon, at kung ayaw mo ng opinyon ko, mas lalong ayaw ko ng opinyon mo...
masyado mong pinalalaki ang gulo.Lahat tayo may opinyon kaya wala kang karapatang magalit ok? Hindi naman ako galit sa opinion mo eh... wala akong particular person napinapatamaan sa sinasabi ko..ewan ko kung bakit ganyan ang reaction mo...
katulad ngayon tinatamad akong magtype...pero hindi ko magawang itext style kasi baka kung ano na naman ang sabihin mo...nakakatakot ka.
and anyway sabi ng teacher ko, walang constructive criticism, lahat destructive kasi kaya ka pinupuna kasi may mali sa ginawa mo. Nasa iyo na yon kung tatanggapin mo ng maayos pero sa ginawa mo, palagay ko hindi.
Please wag kang magalit kasi alam mo, di ako naiinis sa sinabi mo, may point ka naman eh. Sana matanggap mo rin ng maayos itong sinasabi ko, gaya ng pagtanggap ko sa mahaba mong mensahe na grabe...as in nakakatakot.

rom26factolerin's picture

epektib di ba?

Una sa lahat hindi ako magaling lalong hindi ako matalino prangka lang ako at malakas ang loob pumuna at handang mapuna yun lang yun wala ng iba pa.

san ka ba nag-aral? napakatanga naman ng teacher mo iha, kaya pala ganyan ka e. sukat ba namang sabihin niyang walang constructive critisism at lahat destructive?

Ibig bang sabihin nun ng punahin ni kristo ang kabulukan ng sangkatauhan noong nandito siya destructive yun? sinisira nya pala ang mundong ito? pinupuna ko ang maling estilo ng pagsulat at ang kawalang-galang sa kaisipan ng mga mambabasa sa blog ni brielle at sa pagtatanggol mo dito HINDI ko pinupuna ang pagkatao mo o ni brielle malinaw yun.

malinaw ang sinabi mo natatakot ka na sumagot ng nasa pormang text ulit baka kamo kung anong sabihin ko ulit. e di malinaw na epektibo ang constructive critisism na ginawa ko. kung mababago tayo mula sa mali tungo sa tama ng dahil sa puna--constructive yun, pakisabi sa teacher mo ha, pero kung inatake kita ng personal nilait-lait kita at minura ng wala namang basehan--destructive yun, pakisabi ulit sa teacher mo yan ha.

wag mo lang ipapatanggap sa akin ang maling opinyon mo at isasampal ko ng lumalagapak sa iyo ang opinyon ko, kung mali, mali kung tama tanggapin--simple lang yun.

kung walang magagalit at mamumuna sa mundong ito mahihirati ang karamihan gumawa ng kabulukan, gaya ng mga nasa gobyerno minsan kailangan mong manggising para maituwid ang mali, dahil sa puna ko nakapag isip ka na wag na gumamit dito ng tex language--epektib!

ikaw na nagsabi iha, sana tex language gagamitin mo kasi tinatamad ka pero natatakot ka sa sasabihin ko--pang tamad lang pala ang tex language e wag mong asahan na sisipagin ang mambabasa mo na sumagot o magbasa ha?

at bilang pang wakas iiwanan kita ng salitang ito:
HATE THE SIN, NOT THE SINNERS
intiendes?

Rom
http://blah-blahblogsrah-rahwrites.blogspot.com/

brielle_20's picture

ano ba naman yan?!?!!

gawin ba talagang ugat ng pag-aaway ang blog ko?! kailangan bang mag-away kayo ni maryann dahil lang sa maling paggamit ko ng mga letra. guys!! tama na please..

parehas naman kayong may point sa mga sinabi niyo eh..

rom gusto ko lang sabihin na, masyado mo na atang pinapalalim ang lahat.. alam kong mali ako sorry..ok lang ang mag-react sa mali ng iba pero sana maintindihan mo rin na sila yun eh.. IBA KA, IBA AKO, IBA SILA..

iba ang opinyon niya at iba rin ang opinyon mo kaya sana tanggapin mo yun...respect others opinion para walang gulo..ok!!

maryann ikaw naman...wag mo na patulan iyan kasi lalo lang gugulo..siguro gusto mo ng gulo noh?!? ayos lang yun basta labas na ko dun ha!!

guys just stop this please...peace na kayong dalawa...

+_+

sorry ha..

sorry ha...

hmnnn...

hala! lagot! braille_20...
nag-away sila at hindi ko alam ang gagawin ko sa kalagayan nila :-)

............

relax lang mga tao., sa mundo, walang eksaktong tama at mali. hindi sya nanghihingi ng anumang pagtatalo, ang kaylangan nya ay payo. wag nyo ng dagdagan ang iniisip pa nya.

rom26factolerin's picture

walang eksakto kamo

kung walang eksaktong tama at walang eksaktong mali sa mundong ito dapat pala ay wala din eksaktong parusa sa mga nagkakamali at nagkakasala? tama ba ako o mali? o hindi eksakto ang opinyon ko? napag isip lang po at hindi nang aaway...

Rom
http://blah-blahblogsrah-rahwrites.blogspot.com/

tsk tsk

brielle 20 ok tanong mo ha interesting sya,sa sobrang interesting may mga nagaaway pa...well it doesnt matter kung may shortcut sa mga words important is how you will understand it and make connection sa mga tanong...kung ako tatanungin mo hanggat may hininga may pag-asa pa na mahigitan ang hindi mo pagkakaraon ng chance na magkatuluyan kayo...ika nga baka blessing pa yun who knows di ba? be optimistic.censya na sa pakikialam