ano ba ang masakit? ang magmahal at masaktan o ang masaktan dahil nagmamahal?

silvertearz's picture

 


rose's picture

Para Sa Akin!

Para sa akin both is parehong masakit. dahil once na nagmahal ka masasaktan ka talaga at masasaktan ka kapag nagmahal ka pero depende din naman kasi sa sitwasyun diba. ang pag-mamahal ay parang isang sugal hindi mo alam kung magiging for ever na ba or panandalian lang. pero parte ng buhay na masaktan kapag nagmahal ka, dahil dun ka nagiging matibay do u think kapag nagmahal ka at hindi ka masaktan normal ka, no no no.

Parte ng buhay yan ang failure, hurt, sadness, broken heart, lahat yan minsan nga mas magandang masaktan tayo kasi dun natin nalalaman kung gaano tayo katatag magmahal. Kaya sabi nila huwag ka magmahal para hindi ka masaktan. Pero kahit anong pigil mo sa sarili mo na huwag mag-mahal hindi mo inaasahan na kusa na pala itong tumitibok kasi siguro tao tayo at may puso.... na minsan ang puso ay hindi natuturuan.... na minsan ang puso ay nagiging tanga sa pag-pili ng mamahalin natin.......

Kaya para sa yo kapatid, kung ayaw mo masaktan huwag kana mag-mahal, at kung magmamahal ka kailangan ready ka dahil alam mong masasaktan ka..... parte ng ating buhay ang MAGMAHAL AT MASAKTAN...

 CheerssWink  

spike_west's picture

Wala namang pagkakaiba eh

Wala namang pagkakaiba yan. Kumabaga sa addition 3+2=5, and 2+3=5 ganun din naman ang resulta nasaktan ka.

Alam mo ang mas mahalaga sa akin eh natuto kang magmahal. Ika nga ang totoong kahulugan ng pag-ibig, ay hindi kung gaanong kalaking pag-ibig ang nakuha mo kundi kung gaanong kalaking pag-ibig ang naibigay mo. Hindi kung gaano ka napasaya ng iba kundi kung gaano mo napasaya ang iba.

Kung nasaktan ka, maging masaya sapagkat minsan sa buhay mo naranasan mong magmahal at masaktan. At umasang darating ang isang umaga na di ka na masasaktan pang muli kahit na nagmamahal ka pa.

Yun lamang po

Spike

rose's picture

BOW!

Wow sipag talaga mag comment ni kuya spike! he he he he makatang makata talaga. At obvious pa na talaga seryoso siya sa pagbibigay ng komento kasi tignan mo yung kamay niya. ( Peace Bro ).

Sabi nga raw sa larangan ng pag-ibig hindi puro SARAP ang mararamdaman mo kung hindi may kasamang SAKIT din .

Wink   

spike_west's picture

Oo nga eh masipag ako ngayun

Naku masipag ako ngayong magcocomment, wala si kabagang na Dyeppri kaya ako muna!! At tungkol dun sa picture ko, baka kung makikita mo ng malakihan, ginugupit ko yung neck tie ko. NAkakasakal na kasi eh!!

Medyo tinatamad akong magpost ngayon kaya pagcocomment ang inaatupag ko, Teka bat wala ka ng pictures? bat mo inaois yung pix mo?

Sige ingat bb. rosa rosal whahahhaha

Spike

rose's picture

he he he

uu nga eh. naka add na sa fs ko si kafatid na dyippri. Ay aba'y astigin pala yang si kafatid.. he he he ano ba yan chatchat nalang tayo kaya add mo naman ako sa ym mo.

kasi masyado naman obvious kung dito tayo magpapalit ng kuro kuro he hehehehe huli ka , ikaw ha may pagnanasa ka sa picture ko ha. binalik ko na ibang picture na ulit walang damit he he he he he.

nakakatamad nga minsan..........

God blessWink Shake tayo init kasi.........

silvertearz's picture

thank you mga kafatid sa mga

thank you mga kafatid sa mga comments nyo.

god bless u all. 

magmahal at masaktan...kulang iyon

kung nagmamahal ka at nasaktan ka, kulang ang pagmamahal mo. ganoon din kung nasaktan ka dahil nagmamahal ka. pareho lang iyon sabi ni pareng spike.

kasi, kung totoong nagmamahal ka, nanaisin mo ang kaligayahan ng minamahal mo. sa ganoon, kung sa palagay niya ay liligaya siya sa isang bagay na ikinasaktan mo, dapat hindi mo daramdamin iyon, dahil iyon ang dapat mo ring gusto para sa kanya. nasasaktan ka lamang dahil may hinihintay kang kapalit o ganti sa pagmamahal mo (amor con amor se paga?) at hindi iyon dumating o ginawa, sa halip ay iba ang nangyari.  

so alin ang mas masakit? dapat walang aguy alinman dun! araguy!

dyeppri's picture

Aga at Regine

Naalala ko yung tanong mo sa dialog ni Regine sa pelikula kasama si Aga... Ito ang sagot sa tanomng mo:

"Alam mo mas mabuti p ay broken hearted ka n lang kaysa in love kasi kpag in-love ka ay di ka makakain at kapag broken hearted ka ay di ka pa din makakain, kapag in-love ka ay tulala ka at kapag broken heaarted ka ay tulala ka pa din....pareho lang ang feelings kaya mas mabuti pa na broken heartd ka na lang palagi at hindi ka pa masasaktan!"

(parang ganyan ang dialogue pero di ko maa-lala ang sakto sinabi noong komedyante kay regine eh! Paki- research na lang po at di ako masyadong fan ni regine kasi Juday ako eh...HeHeHeHarHar Har....Laughing

Huwag ka masyadong maging-emosyunal at ng di kamasasaktan sa pag-ibig....patumpik-tumpik lang kung baga....

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

jonsdmur's picture

para sa akin

Para sa akin ang magmahal at masaktan- dito sinasabi na nagmahal ka muna bago ka nasaktan.. at masakit sa isang tao ang magmahal at malamang hindi ka pala totoong mahal ng taong mahal mo... masakit ang iwanan ng minamahal...

jonsdmur

para sa akin

Para sa akin hindi mo pwede ikumpara ang dalawang sakit na yun.

Mahirap i-describe in words kung anong pagkakaiba eh but for me.

"ang magmahal at masaktan" it will come to a point that you will hate something ("what if".. or "kung sana.." na phrases )  or someone but it will be changed to something you don't understand until you just get used to it.

"ang masaktan dahil nagmamahal" it will let you hang on to the feelings even it is painful and not appropriate, it will also will come to a point that you will hate something ("what if".. or "kung sana.." na phrases ) or someone but it will too changed to something you don't understand until you get used to it.

so basicaly it is the same at the end but diffirent intensity. depende na lang kung anong stage na yung tinatanong mo.

 cheers.

rose's picture

Huwag Nalang!

Huwag kana lang Magmahal para hindi ka masaktan

Lalo na kung ang taong pag-uukulan mo ng pagmamahal ay hindi deserving

sa pagmamahal na ibibigay mo, masasaktan ka lang.

Mas Masakit kapag nagmahal ka one sided lang yung ikaw lang ang nag-mamahal, yung ikaw lang gumagawa ng way para mapaganda ang relasyun ninyo, yung tipong sa sobrang pagmamahal mo ay nagmumukhang tanga kana dahil mahal mo siya.

Kaya sistah mabubuhay kana man siguro na walang lalake na mamahalin he he he he.....

CheersWink

Melanie Quilla's picture

pareho lang yun

pareho lang na masakit iyon... pero para sa akin, mas masakit siguro yung nasaktan ka dahil nagmahal ka... kasi di ba, nagmahal ka na nga tapos the other side ay isa't kalahating tuod na hind man lang pansinin o di man lang makita ang pagmamahal mo...

pero, ano nga ba ang importante ang minahal ka o nagmahal ka? ang maganda sa dalawang choices... pareho kang nagmahal... at least, nagmahal ka... capable kang magmahal...

ang gulo ko ata...hehehe...

best regards,

melay

rose's picture

For all those who have been

For all those who have been hurt,

and still long for that person. Heres something to consider,

do you really want someone who hurts you? who cheated on you or left you?

Do you want to look into thier eyes and remember all those things they did to you?

Think about it, is "this" really what you wanted?

Innocent

silvertearz's picture

remember this...

" DONT LET THE PAIN KILLS YOUR HEART...LET YOUR HEART KILLS THE PAIN.."

 OK VAH YON?

chuvzkoh's picture

hmmmm...isip muna ako!

i think pareho lang! sabi nga nila pag nagmahal ka.. masasaktan at masasaktan ka eh!

 

dahil pag nagmamahal ka.. hindi mangyayaring hindi ka masaktan ng taong mahal mo!.. minsan nga ikaw pa mismo ang nakakasakit sa sarili mo eh! you do things for your love kahit masakit na sa loob mmo diba.

 

sa case ko.. ang nangyayari sakin ngayon, haaaay!! nagmamahal ako pero nasasaktan!! ewan ko nga ba eh! mahal niyo naman isa't isa pero bakit ganun? masakit pa rin!!

 

dapat talaga...you should know when to give up... if it's hurting you badly, there's no need keeping it!! you should know when to let go of the things that hurts you so much!!

 

ruth_mostrales's picture

"I love him, more than he loves me..."

Hello Silvertearz,

Sa isang relationship, nangyayari na may taong mas nagmamahal kumpara sa pagmamahal ng isa.  May taong mas maraming sakrispisyo, at investment, kumbaga.  Kadalasan, kung mayroon mang pasakit na involved, mas malalim ang sugat na dulot nito sa mas nagmahal.  Ika nga nila, "You can be one person to the world, but you may be the world to one person."  It could happen na para sa isa, "for keeps" na ang kapareha, pero yung isa ay hindi pa naka-decide.  Kaya nangyayaring yung isa, mas mabilis mag move on, habang yung isa, haay, holding on to memories pa rin...

So kung masaktan ka man dahil nagmahal ka, at dahil nagmahal ka e nagdurugo ang puso mo, nagsimula yun dahil pinili mong magmahal.  The same power to choose will lead you the way out if it doesn't work anymore.

Ruthie

 

MAS GUSTO KONG MASAKTAN DAHIL NAGMAHAL!

dkarimjr:

Ayaw kong magmahal at nasasaktan kc parang napakamartir mong tao pag ginawa mo yun. At hindi ako ang klase ng tao na handang magtiis sa ngalang lang ng pag-ibig. Pero ibang usapan na kapag may mga mahal sa buhay ang maapektohan, halimbawa ay ANAK kung mag-asawa ang sitwasyon. though pareho silang masakit, mas gusto kong masaktan na lang dahil nagmahal. At least alam kong dahill nwaga ko siyang pakawalan eh, handa narin akkong magmahal ng taong hindi ako sasaktan.

Ngunit ano pa man, higit na mahalaga na maging opendminded tayo, dapat alam natin kelan bibitiwan ang isang tao lalo na kung alam mong naaagrabyado kana.

Maling tao man ang minahal mo, darating parin ang tamang para sayo!!!

GOOD LUCK! HOPE U FIND MR./MS. RIGHT

 

talulot's picture

TAmang pagkakataon...

someone texted me today, sana pasok, 

 

"---GOd wl nt save us 4m getting hurt esp. f dat pain is part of HIS purpose 4 making us better, and will help us grow in2 maturity. be willing 2b broken." 

ako, ilang beses na rin akong nasasaktan -both pag-in love (kasi lagi na lang silang mga bulag o nakatuon sa iba ang pag-ibig) at pag heart broken (kaSi di marunong magcompromise ng differences) pero sa dalawang karanasan na iyan, hindi ako nagsisi na magtake ng risk dahil natututo ang puso ko unti-unti kung ano ang tama at wasto. hindi lang sa akin kundi sa naging partner ko.

masaya na malungkot ang masaktan kasi kumikinang ka pagkatapos. parang diamenteng sinuong sa matinding apoy bago naging kristal........

 

sa ngayon, ung puso nasa rest period pa pero hindi ibig sabihin gigive up na sya humanga. maganda ang buhay, malaki ang espasyo sa pag-ibig.

at maganda ang bukas.... malaking pag-asa....

 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

rbolsqp's picture

Tama lagi ang pag-ibig

"Alin ba ang mas tama? Pag-ibig ng dalawang tao ng pareho ang kasarian ngunit tunay at wagas? O pag-ibig na alinsunod sa normal ngunit may pagpapanggap?"

Una - ang pagibig ay laging tama.

Pangalawa - ang pagibig pagitan sa parehong kasarian ay mali. Yun ay dikta lamang ng 'personal preferences or choices.' At sa simula pa lamang, ang choice ay mali dahil alam nating lahat ang dikta ng kalikasan na ang lalaki ay para sa babae at vice versa.

Pangatlo - ang pagibig sa pagitan ng mga normal na tao ay hindi pag-ibig kung may pagpapanggap.

Pang-apat, at higit sa lahat - hindi nagkakamali ang pagibig.  Tao ang syang may pagkakamali. 

 =========

"Love is not love which alters when it alteration finds" - Sir William