Ano ba'ng nais mo sa isang bag?

Ano ba'ng nais mo sa isang bag?

        

         october 4 <1:42pm>
         october 5 <10:14 pm>

maraming klase ng bag, mayroong simple lang, mayroon namang makulay. may pang-opisina,
may pang-fashionista. ano ba ang tipo mo???

nung isang araw, naglibot ako sa mall, tmingin tingin ng bag..
bigla nalang akong natawa. naalala ko kasi ang isa sa mga pgkakataong
namili ako ng bag,

apat na taon na ang nakakaraan, nasa mall din ako, marami akong nagustuhang bag
pero mayroong dalawang bag na gusto ko talagang bilhin. ang isa ay kulay berde at ang isa naman
ay kulay beige. ang isa ay maraming mailalagay at ang isa naman ay tama lang ang laki para
sa mga gamit ko. ang isa ay body bag at ang isa naman ay sholder bag, pero parehas silang
HEARTSTRINGS ang tatak. parehas silang maganda at parehas ko silang gustong bilhin kaso noong panahong iyon,
isa lang ang dapat kong piliin dahil ang salaping ibabayad ko ay sapat lang para sa isa. at may mas importante pa akong kailangang unahin bilhin kaysa sa isa pang bag.

naka-1 oras ako sa pag-iisip, ikot dito, ikot doon, umaasa na may
makikita akong mas magandang rason para bilhin ko yung isa sa dalawang bag na natipuhan ko.

makaraan ang ilan pang minuto, umalis na ako sa mall, wala akong nabili, parehas kong iniwan ang bag na yon sa mall dahil alam kong, pag bumalik ako, naroon lang sila.

lumipas ang panahon, binalikan ko ang mga ito, parehas silang out of stock.

Moral lesson: bilhin ang bag habang naka-display pa ito dahil hindi mo alam
kung kelan ito mawawala sa uso.

ang pamimili ng bag ay gaya rin ng pamimili ng taong mamahalin mo , maaaring naguluhan ka sa pagbabasa nito, ngunit tignan mo, sa dinami-dami ng taong nakikilala mo bawat araw, gaya nalang ng mga bag na nagustuhan ko, iisa lang doon yung dapat mong piliin, o dapat bilhin.
isa lang doon yung may magandang kalidad at pangmatagalan.

sa tagal ng panahon na hinayaan kong naka-display ang mga bag na ito, gaya nalang nang paghihintay nila sa akin na damputin ko sila, marami ang nagtangkang angkinin ang mga bag na nais ko. ang iba sa kanila ay handang magbayad ng mahal para lang mapasakanila lang ang bag na naghihintay ng atensyon ko.

kaya naman, pagkatapos ng ilang araw, linggo at buwan, nawala nalang ang pinakamamahal kong bag. doon ko lang napatunayan na ang lahat ay maaaring mawala sayo, ultimo ang bag na dati-rati ay naka-display kahit saang branch ng sm ako magpunta.

nakakatuwang isipin kasi dati rati ay binabale-wala ko lang ito, dahil sa isip ko, marami pa akong bag na makikita, mas maganda at mas matibay. doon ako nagkamali dahil ang bag pala, kahit gaano ito kaganda ay iba sa bag na minsan ay ninais kong bilhin at angkinin. kahit gaano man ito kamura, o kaganda, wala paring makapapalit sa bag na gusto ko at isa lang ang rason,
nag-iisa lang ito gaya nalang ng lalaking minahal ko, kahit gaano man siya ka-imperpekto, kahit gaano man niya ako nasaktan, nag-iisa lang siya. walang makakapantay sa pag-mamahal na inialay niya noong panahon na para siyang bag sa sm, na nagsusumigaw na bilhin at nag-susumamong mahalin ko.

maaaring makakita uli ako ng bagong bag pero sa tingin ko, hindi mawawala sa isip ko maging sa puso ko ang itsura ng unang bag na nakita ko, dahil nag-iisa lang yon.

ikaw, ano ba ang hanap
mo sa isang bag???


love's picture

hindi ako mhilig sa bag e...

ako bsta may mgamit pwede na...ndi ako maselan sa bag. pero sa pag-ibig hindi pwede yung pwede na diba? dpt swak sa taste mo...mhrap ung ndi ka makatagpo ng karapat-dapat sa'yo. pero naniniwala pa rin akong kung hindi para sa'yo eh di hinde mrmi pa nmn ibang magmamahal sa'yo. mhrap nmn pilitin yung ayw. mhrap kung yung love ma-out of stock ndi nmn na pro-produce bsta2x e...gets nyo???