Ano kaya ang balita, kinabukasan?

kislapalitaptap's picture
| |

Ano kaya ang balita, kinabukasan?
Ni Kislap Alitaptap
07 Marso 2009
2212 Oras

Ako ngayo’y anino,
na maingat
at dahan-dahan
na naglalakad
sa dilim.

Matiyagang,
inihahanap ang
mga paa
ng malinis
na aapakan.

Di na mahalagang abutin
ako, ng siyam-siyam,
basta, makarating
lang ako sa aking
takdang pwestuhan.

Kung saan, aking
pagmamasdan, ang
nakapalibot na bula
ng ulap sa katawan
ng buwan.

Habang ito
ay naliligo
sa kakarampot
na liwanag.

Ngunit sa likod
ng pagpapasasa
kong ito. May natanaw
akong anino
sa likod ng buwan.

Isa, dalawa, tatlo,
apat, at marami
pang anino,
sila ay nakahanay,
nakalinya.

Dahan-dahan silang
naglalakad, sa kabundukan,
sa silong ng kakarampot
na liwanag
mula sa buwan.

Nakasabit ang
mga naglalakihang
makoto* sa
kanilang
likuran.

Lahat sila’y
maingat na
sinusundan ang
daan, na hindi
naman talaga, daanan.

Hawak-hawak nila
sa kani-kanilang
mga kamay, ang M16,
M14, Karbin, Garan, at
ang mabigat na masinggan.

At sa silong
nang kakarampot
na liwanag,
sila’y tumigil
sa paghakbang.

Sa tabi ng kalsada
ay naghanap
sila ng
kanilang
pwestuhan.

Pwestuhan na halos
isang kilometro
lamang ang
layo, mula sa
isang kampuhan.

Kampuhan na
napapaligiran
ng mga
baraks
at liwanag.

Kung saan
may nakatambay
na isang trak
na may tagpi-
tagping katawan.

Ang mga anino, kagaya
ko ay matiyagang
pinagmasdan ang buwan,
hanggang lumabas
ito, mula sa paliguan.

At nagsuot ito ng
isang kasuotan, na
may nakasulat
na “Paalam” sa
kanyang likuran.

Ano kaya
ang balita,
kinabukasan? #

Kislap Alitaptap

Yiennarda's picture

Question?

Sir kislap, when u write poems, are there academics in it? like, do you actually have to count the words per line sumthin? or there are supposed to be this number of lines per stanza?  i know we have to just basically play with our words and ideas, but how do you really appreciate a good work?  coz somehow, i feel like, i appreciate everything... (your poem) for example, appreciation is always  a subjective term, like it has to depend on your emotion...  im not that emotional right now, but i still appreciate it...  anyways, i feel like an empty bucket, i;ve to be filled...

kislapalitaptap's picture

...

...una sa lahat!

maaari bang may magsalin ng mga sumusunod sa wikang Filipino?

Sir kislap, when u write poems, are there academics in it? like, do you actually have to count the words per line sumthin? or there are supposed to be this number of lines per stanza?  i know we have to just basically play with our words and ideas, but how do you really appreciate a good work?  coz somehow, i feel like, i appreciate everything... (your poem) for example, appreciation is always  a subjective term, like it has to depend on your emotion...  im not that emotional right now, but i still appreciate it...  anyways, i feel like an empty bucket, i;ve to be filled...

hahaha! di ko kasi makuha kung paano ko, sasagutin.

nagbabasa naman ako ng mga ingles na sulatin, pero ewan ko...

Rakenrol!

salamat YienNarda, sa pagdaan.

 

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

j luna's picture

Pards...

Unang tanong: kung gumagamit ka raw ng traditional o academic na pagsulat? yun ay ang sukat tugma at ritmo etc.

Pangalawa:
kung paano ba ang paraan mo sa pag-appreciate ng tula? Ano criteria mo?

Subhetibo kasi ito, depende sa perception.

Si ate daw naapreciate niya raw ang tula depende sa nadarama niya....

Maligayang ika-6 na Kaarawan sa mga miyembro ng progresibong grupo ng sining at Panulaan

ang KM64

mamaya daw March 13, 6-9 PM '70s bistro Anonas

(featuring Axel Pinpin)

Ang pangit ng avatar ko parang pang-call boy

---------------------------------------------------------------
http://www.dagangkanal.blogspot.com changes lives!

kislapalitaptap's picture

Wasak!

...hahaha! langyang Avatar! nahilo na naman ako, nagpagupit ka na pala ngayoN? galing ka ba kay Belo? ang kinis mo ah? pwede ba kitang makatabi? miss ko na yung Monay... 

oo, nga inimbitahan ako ni Axel at ng ibang pipol dun sa event, kaso far out naman ako. babasahin nila yung tula na isinulat ko para kay Rebelyn Pitao. Si Amihan yata o si Axel ang magbabasa. pupunta ka ba?

galing ako sa peysbuk, pinanood ko yung mga WASAK na gig niyo.

salamat sa pagsalin nung isang komento.

gwapo mo..5'10" ang taas? hahaha!

Sapul!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

Yiennarda's picture

Aihihihi!

Katuwa naman... xenxa na po, nasanay na lang ako sa kakaingles ditu sa gitnang silangan , eh pilipino naman ako....  Si Sir Kislap naman, nagpa ka humble pah! ehehe!

kislapalitaptap's picture

...

Yiennarda,

una sa lahat...

salamat sa pagdaan.

totoo yun, minsan hirap talaga akong umunawa ng ingles. pero yun nga nagbabasa naman akong mga sulatin sa wikang ingles.

pangalawa sa lahat...

wag mo na po kabitan ng SIR ang unahan ng aking pangalan. kahit, Kislap na lang po.

wala po ako sa katayuan para tawaging SIR. lahat tayo, dito ay magkakalebel.

post ko po mamaya ang sagot ko sa iyong komento, bubuuin ko pa kasi eh.

hanggang sa muli!

 

 

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

Yiennarda's picture

ang kwento ng sir!

ako po'y nahihiyang matawag na writer... nahihiya sa kadahilanang, napakataas ng tingin ko sa mga katulad niyo, nahihiya po akong mapabilang dahil di ako sigurado kung nararapat ba ako...

maraming salamat sa sinabi niyong... magkakalebel tayo, pero... ako pa rin po'y isang timbang walang laman... kailangan kong mapunuan...  salamat po!

kislapalitaptap's picture

...

Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 st1\:*{behavior:url(#ieooui) } /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}

Yiennarda,

 

Ganito ko na lang sisimulan…

 

Wala akong pormal na pag-aaral sa malikhaing pagsusulat. kahit noong nasa kolehiyo pa ako eh, hindi ako nakakauha ng sabdyek na may kilamanan sa pagsusulat. nasa kolehiyo din ako ng magsimulang umagos ang mga kataga---nagsimula akong bumuo ng tula. Walang sukat. Wala ring tugmaan. Basta, isinulat ko lang, kung ano ang nasasaisip ko---aktibista na ako nung panahong iyon. Nakabuo ako ng tula, gaya nga ng sinabi ko--- sa kalaunan, nalaman ko na iyon ay ang tinatawag na malayang taludturan.

 

Mula nung mabuo yung una kong tula na may temang politika, sinundan pa ito ng iba pa. sulat lang kasi ako nang sulat. Basta, isinusulat ko lang, kung ano ang nakikita ko sa piketlayn, sa mga rali, kahit ano, basta may kinalaman sa rebolusyon. Malayang taludturan lahat, kasi wala naman talaga akong ideya, sa mga partikular na batas hinggil sa pagsusulat ng tula. Pero nagbabasa ako ng mga tula na progresibo.

 

Huling bahagi lang ng 2007, ako, natuto, na may sinasabi pa lang masining na pamantayan sa pagsusulat; na ang mga tradisyonal na tula ay may sukat at tugma. Sa palihan na aking dinaluhan(ang palihan ay isinagawa ng mga manunulat na naka-underground), nakilala ko ng bahagya ang mga batas sa pagsusulat ng tula. Dahil nga sa nakaraan ay puro malayang taludturan ang nakita kong paraan sa pagbuo ng tula, sinubok ko naman  na bumuo ng mga tula na may sukat at tugma.

 

Dahil nga sa ako ay aktibista ng masa, kaya ang lahat ng isinusulat ko ay tungkol sa kanila, para sila ay mapakilos, maorganisa at mamulat. Kinikilala ng kilusan ang pagsusulat ng tula sa tradisyunal na paraan(pinag-aralan namin noon sa palihan, ang mga tula na isinulat ni Amado V. Hernandez), pero sa pagsusulat ng mga tula(o kahit anong akda tula, sanaysay, kwento atbp) na may temang politika, nagiging sekundaryo ang mga masining na pamantayan sa pagbubuo at pagsusuri ng mga tula. Nagiging pangunahin na sa puntong ito, ang nilalaman ng tula; ito yung tinatawag na pampolitikang pamantayan. May sukat, man yan o may tugma, malayang taludturan man yan o anong porma; di na yun mahalaga, ang mahalaga ay ang nilalaman nito. Sa ganitong paraan ko na rin sinusukat ang nilalaman ng mga tula na aking binabasa. ayaw kong maging bahagi ng isang kultura sa pagsusulat na: romantiko, nagsusulong ng kulturang eskapismo, pantasya, nagpapanatili ng status quo at katanyagan ang pangunahing nasa isip.

 

Minsan, sinusubok ko rin bumuo ng tula, sa aking sariling paraan. Gusto kong sumubok ng bago.  Sa tingin ko kasi, patuloy at nagpapatuloy pa rin ang pag-unlad ng ating panitikan.   At marami pa tayong hindi natutuklasan, hinggil dito.

 

Ito na lang muna. Sarap pa sanang magkwento. Puntahan mo na lang ang link na ito:

http://www.filipinowriter.com/ang-pagbiyahe-ng-isang-manunulat-tungo-sa-...

 

 

salamat sa pagdaan.  At sana ay nasagot ko ang iyong mga katanungan. Kung may mga tanong ka pa, wag kang mag-atubiling ipaabot ito.

 

Hanggang sa muli!

 

 

Yiennarda's picture

wow

okay, kailangan ko atang basahin to ulit...  salamat kislap...  may mga tula rin ako, pabasa ko sayo, critic mo ha! salamat!

kislapalitaptap's picture

...

...salamat sa muli mong pagdaan.

basahin mo rin yung link.

post mo dito yung mga tula mo, nagkalat din ang mahuhusay na mga manunulat dito.  pero, ingat ka lang din minsan. 

walang anuman sa iyong salamat! 

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

kislapalitaptap's picture

...

Andrea,

 

ang pagtanggap sa kahinaan at pagkakamali ay tatak ng isang "Mahal na Tao".  

 

-Kislap

kislapalitaptap's picture

...

...lata tayo ay manunulat sa ating kanya-kanyang paraan.

sulat lang.

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

j luna's picture

...

Hindi raw...ayon kay Jon E. Royeca

kislapalitaptap's picture

...

ANONG SABI? wateber!

...isusumbong ko yan dun sa paborito kong superhero sa UP diliman.

kala mo ha. kala mo gwapo ka? e ano ngayon kung 5'10" ang taas mo???

 

 

 

 

ano nga ulit yung name nung favorite superhero natin? 

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org