ANO?? PAG-IBIG NA NAMAN!!!

spike_west's picture

Ayokong pag-usapan ang usaping puso,dahil nababaduyan ako. At dahil pakiramdam ko gasgas na gasgas na ang mga ito. Hindi rin ako gaanong nanonood ng mga “romantic movies" dahil kinakahon nito ang kaisipan at ideya natin tungkol sa pagmamahal. Mahilig ako sa musika pero napapansin ko halos lahat ng tugtugin ngayon ay puro tungkol sa kasawian at kabiguan ng pag-ibig. Tuloy binibigyan din tayo ng maling impresyon tungol sa pag-ibig.

Hindi ako nagbabasa ng mga romantic novel, dahil pakiramdam ko masyado nilang ine-exaggerate ang pagmamahal para lamang makabenta sila ng kanilang mga akda.

Sa matagal na panahon umiikot ang persepyon natin sa pag-ibig ayon sa napapanood natin sa pelikula, base na naririnig natin sa musika at mula sa mga nababasa natin sa mga nobela. Tuloy hindi na natin makita ang tunay na katotohanan tungkol sa pag-ibig.

Hindi ako perpekto sa larangan ng pag-ibig dahil ako man ay naging biktima nito. Subalit nitong mga nakaraang araw nabigyan ako ng bagong pananaw tungkol sa pag-ibig. Para sa akin,

1. Huwag mong ibase ang pag-ibig ayon sa iyong emosyon. Hindi ka nagmamahal dahil sa masaya ka at dahil sumasaya ka kasama nya. Dahil kung sakaling hindi ka na masaya kasunod din bang mawawala ang pagmamahal? Kung sakaling galit ka sa iyong minamahal kasunod na rin bang kasusuklaman mo ang pag-ibig? Ang pag-ibig ay isang pangako, na kahit ano pa ang emosyon mo mangangako kang mahalin sya at mananatili ka para sa kanya.

2. Huwag mong ipangsangkalan ang “pag-ibig” kaya ka naging miserable. Ito’y isang desisyon at hindi bunga ng pagkakataon. Kung nasaktan ka umiyak ka, walang masama sa pagiging malungkot pero ang ipamuhay ang kalungkutan sa ating buhay, iyon ang kailanman ay hindi nakakabuti sa atin.

3. Huwag mong mahalin ang isang tao sa mga bagay na naibigay/nagawa nya sa iyo, mahalin sya sa mga bagay na hindi nya kayang ibigay /gawin sa iyo. . Ang pagmamahal sa kanyang kakulangan ay pagbibigay ng pagkakataon sa iyong punuin ito para sa ikakukumpleto ng pagsasamahan ninyo.

4. Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

5. Huwag kang magtakda ng obligasyon o responsibiliad sa iyong minamahal. Ang pagmamahal ay hindi isang obligasyon o tungkulin kaakibat ng pagmamal, kundi ito ay ugnayan sa bawat isa. Mula sa unawaan doon makikita ang limitasyon ninyo at mula sa pagkakaintindihan matuto kang maging responsable sa iyong minamahal.

6. Huwag sukatin ang tagal ng pagsasama base lamang sa pag-ibig, dahil ang sikreto ng matagal na pagsasama ay hindi lang nakukuha sa pagmamahal kundi sa “pagkakaibigan”. Na kahit wala na kayong pagmamahal sa isat’isa, mananatili pa rin kayong magkasama dahil sa pagkakaibigan na mayroon kayo.

7. Huwag mong sukatin o bilangin ang iyong naibigay para sa iyong minamahal. Dahil kaya tayo napapagod sa pagmamahal kasi binibilang natin ang lahat ng ating ibinigay at kinakalkula ang mga bagay na hindi pa naibabalik sa atin. Hindi nasusukat ang pag-ibig at lalo hindi ito binibigyan ng presyo.

8. Huwag mong sabihing “mas mahal kita” sa iyong minamahal, dahil wala kayo sa isang kumpetisyon at huwag mong ikumpara ang laki ng pagmamahal mo sa kanya.

9. Huwag kang maglagay ng “expectation” sa iyong minamahal at huwag ka ring mapaghanap. Sa taong mapaghanap kailanman ay hindi makukuntento, ang taong laging naglalagay ng expectation sa ibang tao kailanman ay hindi masisiyahan.

10. Huwag mong ibase ang pag-ibig dahil lang sa ito’y masarap sa pakiramdam at dahil kinikilig ka. Dahil kapag nawala ang “kilig”mawawala din ba ang pagmamahal? Isipin din na hindi lahat ng “masarap” sa pakiramdam ay nakakabuti sa katawan.

11. Huwag mong sabihing “mahalin mo ako kung ano ako” dahil ang totoong nagmamahal ay nagbabago para sa ikabubuti at ikakagaganda ng iyong samahan.

12. Huwag kang magmahal ng higit pa sa iyong sarili. Ibigay ang nararapat at ibigay lang ang sapat (lalo't hindi nya hinihingi na magbigay ka ng labis). Baka sa huli ikaw ang mawalan . Tandaan ang lahat ng labis ay nakakasama.

13. Huwag mong paikutin ang mundo mo sa isang tao, dahil kung nawala ang taong iyon kasunod din bang pagtigil ng mundo mo? Malaki ang mundo para ipaikot ito sa isang tao. Maraming tao para mahalin, at maraming tao din para mahalin ka.

14. Huwag kang magmahal sa taong hindi ka kayang mahalin. Nauubos din ang pagmamahal lalo na't wala naman syang ginagawang paraan para punuin ito.

15. Huwag mong mahalin ang isang tao dahil lamang sa magagandang katangian nya, mahalin mo ang hindi magagandang nyang katangian ,tanggapin ito at ipamuhay.
.
.
HUWAG KANG MAIN-LOVE SA PAKIRAMDAM LANG NG ISANG TAONG INLOVE!!!
(kaya ka tuloy miserable ka pag-iniwan at kaya ka nabubulagan sa tunay na depinisyon ng "pag-ibig") 

******************

Hindi ako naniniwala sa “One True Love”, dahil ang tunay na pagmamahal ay pwedeng makuha hindi lang sa iisang tao at lalong pwedeng kang magbigay ng tunay na pag-ibig hindi lang rin sa iisa kundi pwede rin sa marami,

Hindi rin ako naniniwala sa “Love at First Sight”, dahil ang pag-ibig ay hindi nakukuha ng biglaan. Itoy pinagsisikapan at pinagtutulungan sa pagdaan ng panahon. Ang tunay na pagmamahal ay makukuha rin sa pagpupursigeng paunlarin at pagyabungan ang pagmamahalan,

Hindi ako naniniwala sa kasabihang “Love is Blind”, dahil ang tunay na nagmamahal hindi mata ang ginagamit para makakita, puso ang tumintingin . Kaya nya minamahal ang isang tao hindi dahil bulag sya kundi malinaw ang mata nya para makita ang hindi nakikita ng ibang tao sa kanya.

Hindi ako naniniwala sa “Soulmate”,. Ang pagkakaroon ng isang minamahal ay mula sa ating desisyon at nasa atin kung sino ang pipiliin natin .Hindi ito tinakda at lalong walang pang magpapatunay na may naitakda na sa atin bago pa man tayo isilang. Binigyan tayo ng Dyos ng “free will” para tayo ang pumili para sa sarili natin, kasama na riyan ang pagpili kung sino ang makakasama natin sa buhay. Baka sa pag-aantay sa “Soulmate” na ito, hindi na natin mabigyan ang pagkakataon ang ating sarili na pumili kung sino ang ating mamahalin.

Hindi rin ako naniniwala sa “Destiny”, dahil ang bawat pagkakataon ay likha o bunga ng ating mga desisyon sa buhay. Tayo ang magdidikta ng kapalaran at tayo ang may hawak ng sarili natin buhay.

Marami akong ideya tungkol sa “pag-ibig” na marahil iba ito sa karamihan. Maaari ring marami ang tumaas ng kilay. Pero hindi ko naman pipilit ito sa inyo. Nasa atin naman yun kung ano ang nakakabuti sa atin at kung ano ang hindi. Tayo pa rin ang magdedesisyon kung ano ang papaniwalaan natin.

Iiwanan ko sa iyo ang kahulugan ng pag-ibig na nakasaad sa bibliya, sana magamit natin ito para lalo nating maintihan ang kahulugan ng “pag-ibig”

Mga Taga-Corinto 13:4-13

4Ang pag-ibig ay matiyaga at mabait. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit. Ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri o nagmamataas. 5Ito ay hindi nag-uugali ng di-nararapat, hindi ito naghahangad ng sariling kapakinabangan, hindi madaling magalit at hindi nag-iisip ng masama. 6Hindi ito nagagalak sa kalikuan kundi nagagalak sa katotohanan. 7Ang pag-ibig ay nagtatakip ng lahat ng bagay. Ito ay naniniwala sa lahat ng bagay, umaasa sa lahat ng bagay, nagbabata sa lahat ng bagay.

Maraming salamat at Maligayang Araw ng mga Puso.


leigh13diwata's picture

ang "PAG-IBIG"...

... ay nagpapautang sa gustong magkaroon ng sariling bahay sa mas mababang porsyento at sa mas matagal na panahon... hehehe

maganda at makabuluhan ang mga sinabi mo patungkol sa pag-ibig spike... lalo na't ang bibliya ang iyong naging panuntunan! hapi balentayms din sa iyo...

... bata-batuta... malaki ang batuta...

spike_west's picture

naks

Ayos yung depinisyon mo ah!

Sana nga lang kumawala na tayo sa kaisipang dinidikta lang ng media.

Ingat parekoy at salamat sa komento

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

manhater.xxiv's picture

Nice nice.

Napapangiti ako habang binabasa to. :)

 

http://forcedengineer.wordpress.com

 

spike_west's picture

Bakit naman

Bakit ka naman napangiti??

 

Salamat

Ingat

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

manhater.xxiv's picture

 Nakakarelate KASI akO.

 Nakakarelate KASI akO. HehE

 

http://forcedengineer.wordpress.com

 

Rom's picture

 maligayang araw ng mga

 maligayang araw ng mga motel sa inyong lahat!

 

KarikaTuura

spike_west's picture

hahaha

PUTUKAN NA!!!! 

(di naman Bagong Taon ah!ehhehe) 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

nice one!!! naimpress ako sa

nice one!!!

naimpress ako sa mga sinulat mong pananaw tungkol sa pag-ibig.ito'y batay sa iyong opinyon lamang. i do respect. but then, natauhan din ako.marahil naisip kong may punto yang mga nais mong sabihin. It gives me extra knowledge about love, and thanks for that. :)

spike_west's picture

salamat

Medyo naabuso na kasi ang kahulugan ng "pag-ibig" sa ngayon! 

Maraminng salamat at nagustuhan mo ang naisulat n ito! Sabi nga walang tayong masyadong mainlove sa feeling ng inlove

Ingat

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Adlesirc's picture

.

happy balentayms spike! pano yan, sinong ka-date mo jan? hehehe

 

dugz21's picture

  teka..teka.. sa tema ng

 

teka..teka..

sa tema ng sinulat mo parang gusto mo na ata magpasakal ah?

este...magpakasal pala...hehe...;-)

happy puso spike...;-)

spike_west's picture

Hahah paano mo nalaman dugz

Medyo siguro mga 2 years pa bago magpasakal este magkasal! May mga obligasyon pa eh!

Ingat 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

weak_heart's picture

wow

wow,,ang ganda naman,,,,,

dami ako natutuhan sa sinulat mo..

thanks...

hapy valentines day....

spike_west's picture

Weak Heart

Salamat at  happy valentines din!

Ingat

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

dindin's picture

wow!!

haha.. tinamaan ako

 

marami talagang tao ngayon ang in-love sa kaisipang in -love sila pero hindi talaga dun sa tao mismo kundi dun sa nararamdaman lamang nila sa moment na yun... nice

spike_west's picture

U bet kalabet otomatik ang puwet

Tama ka marami talagang inlove sa pakiramdam ng pagiging inlove. Kaya nga maraming naiinis sa Valentines Day, kasi wala daw silang kadate! Eh ang totoo hindi date ang gusto nya pero yung feeling ng idenedate sa araw ng mga puso!

Ingat 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

dapat lang...

 

tayo dapat ang magdesisyon kung ano ang paniniwalaan natin.

di ba?

hehehe...

naiinis kasi ako minsan kapag tinatanong ako kung single pa ba ako o hindi.

what's the point?

tama ka spike, agree ako sa mga sinulat mo. Marami kasi akong mga kakilala at kaibigan na parang naglalaro at nilalaro lang ang "pag-ibig". Tapos, pagkatpos iiyak-iyak sa harapan mo at manghihingi ng advice.

 

:)

spike_west's picture

Tama ka!

Minsan masyado lang nilang ineexagerate ang pain nila, kahit ang totoo di naman ganun kasakit. Minsan nasa kanila ang solusyon pero gusto lang nilang maging miserable.

Ingat 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

sinta isaac's picture

...

 

pagkatapos ko 'tong basahin, lalo kong naramdaman kung gaano kababaw para sa ibang tao ang salitang PAG-IBIG. Akala nila, sa boyfriend, girlfriend, asawa, crush, secret love na kaibigan lang umiikot ang salitang PAG-IBIG. 

Saktong sakto mga sinulat mo spike. Wala akong hindi nagustuhan.  

Noon, madalas sabihin ng barkada ko 'pag nalalasing na s'ya na, "I'm inlove with him, I'm so so so inlove with him!" na sinasagot ko naman ng malutong na kotong at sagot na, "Gaga, 'di ka inlove, you're just inlove with the thought that you're inlove."

...

 

two thumbs up! 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


spike_west's picture

Nangiti ako

Dahil nagkumento ka, at alam kong galing sa puso ang kumento mo, kaya natuwa ako. 

Totoo ka, marami ang umaabuso sa salitang "pag-ibig" na kung minsan pati pagiging miserable ng isang tao ay isinisisi sa "pag-ibig" na kung saan sya ang may isip at nasa kanya ang desisyon. Pero ang totoo masyado binebeybi ang kalungkutan dahil lang sa "INLOVE" daw sya! Okay lang ang malungkot pero ang hindi nabuhay dahil lang iniwan sya, MALAKING KALOKOHAN. Isa itong uri ng "IDOLATRY" o pagsamba sa isang tao.

Salamat sa pagkumento at masyado kong naapreciate ang kumento mo!ingat

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

love's picture

ang galing!

 

Bilib talaga ako sa kakayahan mong ipaliwanag ang mga bagay bagay lalo na ang malawak at makabuluhang kahulugan ng salitang PAG-IBIG. At dahil dyan proud na proud sa'yo ang mga taga ibang planeta kinabibilangan mo hehe. 

Ang tagal kong nawala at ang sarap ng feeling kung ganitong sulatin ang sasalubong sa akin. At syempre marami ding mas gumaling at bagong manunulat ang FW.

Kelan mo ba isasa-libro 'to Spike? hehe.. Alam mo bang ipina-print pa sa akin ng pamangkin kong dalaga itong ginawa mo. Nung tinanong ko kung aanhin naman yun (akala ko asayment) .. ang sagot nya sakin ay "iaapply ko sa buhay ko ng bonggang bongga." haha!

ang galing ! God bless Spike.

 

Rom's picture

 welkam bak Jha! pakisabi

 welkam bak Jha!

pakisabi sa pamangkin mo mag member sya ng fans club ni spikey ha hehe... 

 

KarikaTuura

love's picture

   tenk yu po. Oo nga eh,

  

tenk yu po. Oo nga eh, talagang kakaiba ang karisma nitong si Spike. Lalo na siguro kapag nakita ng pamangkin ko sa piktyur si Spike bka sa susunod mag request naman na i-print yung pagmumukha ni Spike. Ok lang 'yun sakin kya lang labo nmn ma-iapply nya sa buhay yun haha! Ay pwde pla kontra sa daga hehe. Peace ka spike!

spike_west's picture

(namumula ang psingi)

Buti naman at nagparamdam ka Jha! Dahil namimiss ko na ang pakner ko! Ang daya mo hindi ka nagpakita nung EB, MADAYA KA!hehehe!Namiss kita sa totoo lang.Naks

Tungkol naman sa pamangkin mo, sobra naman ako natuwa sa kanya! Ilang taon na ba yun? Kung bata pa, eh pwede na rin siguro kitang maging TITA! Hahah Joke lang!

Sana ay nakatulong sa kanya yung nasabi ko!Maraming salamat kamo sa appreciation nya

Miss na kita Jha! ang aking kaplaneta!Kapakner at Kalabtim!heheh

Ingat

Spike

 

P.S Kuya Rom , GUMAGANUN KA AH!!Hahahha!

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Ailem23's picture

hehehe

parang ang ilan sa mga sinabi mo rito ay nasabi mo na rin sa akin noon... hehehe.. una ko itong nabasa sa  blogspot mo... hehehe.

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

www.onlypurehearts.multiply.com

www.newdaybooks.multiply.com

spike_west's picture

hehehe

Tama ka nasabi ko na rin yan sa iyo noon! Sinulat ko lang para maishare naman sa iba!

Salamat sa pagbabasa melay! At chat tayo one time

Ingat 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

dyeppri's picture

okey ah!

Maraming depinisyon ang PAG-IBIG... masyadong malalim ito at dumidepende na rin sa mg pinag-daanan ng tao sa lumipas na panahon, mga bagay na nakita niya at naramdaman. Mahirap maikahon ito lalo't patuloy itong nagbabago sa atin kasabay ng pag-usad natin sa ating kinalalagyan.

Happy PUSO day mga ka-puso at kaPamilya!Smile

                           http://dyeppri.wordpress.com/

                       

dyeppri's picture

@ Soulmate...

pwede bang magrequest sa topic na 'yan...

 

Spike wrote:
Hindi ako naniniwala sa “Soulmate”,. Ang pagkakaroon ng isang minamahal ay mula sa ating desisyon at nasa atin kung sino ang pipiliin natin .

 

Soulmate 'ata ay 'yung taong mayroon kayong magandang compatibility, yung kapag kasama mo siya ay parang kayo lang ang tao sa mundo. Gayong ang Love naman ay yung importante sa iyo at ayaw mong mawala. Parang sa telenovela ng "Boys over Flowers"... Iba daw ang soulmate nya sa Love n'ya.hihihiSmile 

                           http://dyeppri.wordpress.com/

                       

spike_west's picture

Nyek ganun ba yun?

Bakit yung kakilala ko, sabi nya soulmate daw nya yung asawa nya pero magkaibang magkaiba sila ng ugali.

Isa pa, compatibility ay hindi pwedeng itulad sa soulmate at ang sinasabi mo na "parang kayo lang ang tao sa mundo" ay bunga yan ng pag-iibig at hindi dahil soulmate kayo. Isang halimbawa yung barkada ko tatlong beses nyang naramdaman yan sa tatlong magkakaibang babae. Ibig bang sabihin nun tatlo ang SOULMATES nya!!

Hindi kaya ang paniniwala sa "SOULMATE" na yan ay katulad lang din sa paniniwala natin sa "ASWANG", naniniwala sa mga bagay na wala pa namang prueba o ebidensya at dulot lamang na malikot na imahinasyon.

Kaya di ako naniniwala dyan!

Ingat

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

dyeppri's picture

Sabagay...

mahirap ngang topic 'yan. Eh kung 'yung "SOUL" nga natin ay mahirap ng patunayan kung meron nga (maliban sa bible) tapos dadagdagan pa ng "MATE". Smile 

Eh kung gawin na lang kayang ka- body o body-mate. Meron siguro talaga niyan, taong halos kaparehas mo o ka-compatible mo. Sapalagay mo?!

                           http://dyeppri.wordpress.com/

                       

spike_west's picture

Parang

Parang okay sa akin yung kabody-mate medyo bastos lang ang naiisip ko (at iniisip mo rin, tyak yun)

Kaya nga kalokohjan yang SOULMATE na yan, lalo na yung "destiny" masyadong pampelikula ang dating!hehehhe

Ingat 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Yiennarda's picture

Ang seryoso naman...

Spike...  Sa totoo lang wala akong masabi dahil agreeng agree ako sa lahat ng mga tinuran mo dito. 

Ang sa akin lang... masyadong ideal...  I'm sure hindi mo naman sina-suggest na sundin lahat ng panuntunang naisulat mo dito sa mga mambabasa dahil kung hindi we will end up in a very boring circle of love.

Imperfection makes the world an interesting place to live in.  And that includes committing mistakes, getting hurt, and (we must admit)  also hurting someone whether intentionally or not.

Dito kasi nanggaling yung sinasabi nilang, di natuturuan ang puso... kaya tama ka sa sinabi mong "never blame it on love/pag-ibig"  kasi isang feeling din yan na hindi mo naman naco-control it comes when it pleases... the only thing that makes it complicated is if you want to commit to that love...  pero yun nga lang... until when will you commit...

Dagdag ko lang sa listahan mo ng mga dimo pinaniniwalaan tungkol sa love... I don't believe in "Forever Love"  I believe that love is something you enjoy for a while walang sukat kung hanggang kailan...  But its the commitment that glues the love kaya siguro may mga couples who stay together because they honor that commitment.

Kaya nga sang-ayon ako sa na dapat may expiration date and marriage contract... parang isinuggest yata ito na isa-batas eh...  

sige na wala namang sense to...     

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

spike_west's picture

Yanie Yanie Yanie

Tungkol sa expiration ng marriage contract, NO COMMENT ako  dyan, dahil mukhang may malalim kang pinaghuhugutan kaya mo nasabi yan. hahahha

Tama ka, masyadong ideal yung lahat ng sinabi ko at hindi naman talagang pwedeng sundin mo lahat, nasa atin pa rin kung ano ang gusto nating sundin at kung alin ang applicable sa atin.

Wag nating isisi sa "pag-ibig" ang mga panget na nangyayari sa atin. Dahil nasa atin pa rin kung ano ang magiging epekto ng pag-ibig nito sa atin (at mula rin sa mga desisyon natin sa buhay.

Tungkol sa "Forever Love" mahirap kasing isustain din yan, at depende din sa tao. Sabi ko nga ang sikreto ng matagal na pagsasama (o ng marriage) ay wala sa "love" kundi sa "friendship". Dahil habang tumatanda ang tao, mas nais nya ng "companionship" kesa sa "romance". At kaya sila magkasama pa ay dahil sa pagkakaibigan na meron sila kahit wala na ang "love" nila sa isat-isa. 

Salamat sa komento (Tae ka sumeryoso din ako)

Ingat

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Yiennarda's picture

Spikey Spikey Spikey...

Spiked to the heart ang sinabi mo...

kaya nga dapat in a relationship... back to basics palagi... it has to start and be founded on whether you can stand being together for a long time...  

May ishe-share lang ako... sana maalala mo pa dahil nasabi ko na rin ito sayo dati...

Para sa akin kasi mas vina-value ko ang friendship in every kind of relationship.  Bilib ako sa ibang tao na kapag nag tapos na ang relationship as in wala na... minsan nga mag-kaaway pa talaga...  for them, that is how they move on...

Kaya ako mahirap mag-let go kasi yung friendship ang pinanghihinayangan ko...  hindi yung love... kasi alam mo yun kahit papano, nag share kayo ng part ng puso niyo sa isat isa (sabi mo nga mula PK hanggang KK... hahaha YM mo na lang ako kung dimo to nagets)...  Kasi nga, bihira lang ang mga taong mapag-babahagian mo ng buhay mo... kung mawala man ang pagmamahal, hindi pa rin ganun kasakit kasi alam mong nandiyan pa rin ang pagkakaibigan... at yun para sa akin ang totoong LOVE...

 

amp... emong emo ito ahhh... 

 

 

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

haha, ang walang kamatayang

haha, ang walang kamatayang subject na pag-ibig. una, napakaimposible ma-view ang buhay if without this.

yung iba, self-imposed lang yung stress. sila lang yung gumagawa. haha. i actually experienced that. fuck.

pero i think, somehow, importante din na paminsan-minsan tanga ka, and then after mas lumalalim yung ikaw. charing. i mean, mas nagkakaron ka ng eveluation. minsan kasi, kapag nandon ka, ikaw yung sangkot sa sitwasyon, wala kang distansya, para kang nalulunod.

payo ko lang, kung sakali mang may maniniwala sa'kin: wag kang magdemand tapos kapag hindi luminya sa ekspektasyon mo, ngumangawangawa ka dyan.

may nasabi ba talaga ko? haha.

nyt :)

 

spike_west's picture

Nakuha ko naman yung sinabi mo!

hehehe, Totoo marami sa atin ang masyadong dinadamdam ang kasawian o kabiguan sa pag-ibig. Minsan nga natatawa ako kasi pag nagkukuwento ang isang tao tungkol sa  kabiguan nya sa pag-ibig,parang nilalagyan nya ng drama. Kumbaga kailangan mukha syang kaawa-awa dahil sa pag-ibig, at mukha syang miserable kasi nagmahal sya. Hindi mo tuloy alam kung nagpapaimpress lang sya para sabihin masyado syang all out pagdating sa pag-ibig o pakiramdam nya isa syang artista.

Totoong nasasaktan tayo minsan, totoo din na makakaramdam tayo ng kalungkutan dahil sa kabiguan. Natural ito at hayaan nating itong maghilom ,pagbigyan din natin ang ating sarili na malungkot kung kailangan at umiyak kung dapat. Pero ika nga paano gagamutin ang sugat kung masyado mo itong binebeybi. Hindi inaalagaan ang sugat, ginagamot yan. Tulad ng sugat sa puso hindi inaalagaan ito, ginagamot ito.

Salamat sa komento

Ingat  

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

ellise dominic's picture

hala!

exact opposite ang pananaw natin pero nagustuhan ko ito.  haha fanatic ako ng destiny at soulmate.  sa mundong ito kung wala kang paniniwalaan sobrang boring.  ang galing ng mga sinusulat mo ha.  ang dami mong fans.  isa na ako dun ahahaha.  

 

 

my soulmate is worth the wait...

spike_west's picture

Hehhee

Tama ka kanya kanya naman tayo ng paniniwala eh! And I do respect your beliefs. 

Saka isa pa, hayaan nating ieenjoy ang buhay. Masyadong maigsi lang kasi yan. 

Salamat at nagustuhan mo ito, kahit paano nakita mo rin ang kabilang mukha ng barya ika nga!

Ingat 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo