ANOD

kay gandang tignan, ang bagong pares ng tsinelas

sa pagkakagawa ay parang hindi maluluma

kay gandang tignan, at bagong tsinelas na suot ng isang bata

tuwang tuwa ang bata sa bagong pares nyang tsinelas

kahit sa pagtulog ay ayaw mawalay sa kanyang paboritong tsinelas

kahit sinong bata ay matutuwa, maliit man o malaki bagay ito

laging suot saan man magpunta ang bagong nyang tsinelas

taon ang nagdaan, lumipas ang ganda ng kanyang tsinelas

lumaki nadin ang bata may ari ng tsinelas at ito ay maliit na para sa kanya

bumili man siya ng bagong tsinelas, itinago pa din nya ang naluma nyang tsinelas

pinahalagahan nya ito dahil sa saya at taon ng kanilang pinagsamahan

sinugod sa baha, itinapak sa putik, inilakad kung saan saan, itinakbo kung saan

sa pinagdaan ng tsinelas sa bata ay nasubukan ang tatag at tibay nito

naupod man, buo pa din hanggang sa paglaki ng batang nagpahalaga sa isang pares ng tsinelas

lumipas pa ang maraming taon, noon ay bata ay ngayong may pamilya na

buo padin ang tsinelas na inalagaan at pinahalagahan nya mula nung siya ay bata pa

ngunit ang isang pares ng kanyang paboritong tsinelas ay aksidenteng nawala

pilit nya itong hinanap sa buong bahay at hindi nya ito nakita

umupo siya at hinawakan ang isang kapares ng tsinelas at sinabing

  " bakit mo hinayaang mawala ang iyong kapares?, sa taon na pinagsamahan nten at ng iyong kapares

    ngayon pa kayo naghiwalay?, sabay kayo sa lahat ng bagay,. paborito ko kayong tsinelas mula noon pa

    pero kayong dalawa lang ang talagang pares sa isat isa, kung wala na ang iyong kapares, hindi na kitang kayang

    itago pa, hindi magiging masaya kung ilalagay kita sa aking taguan na mag isa lang,,""

umulan ng malakas at bumaha sa kalye

nagpaalam na ang nangangalaga sa kanyan tsinelas

pina anod niya ito sa baha

at pinangako sa kanyang sarili na kakalimutan nya na ang kanyang masayang kabataan pati nadin ang kanyang paboritong tsinelas.

 

 

"""hindi lahat ng bagay o pagsasama na tumagal ng ilang taon at nasubukan ang tatag at tibay nito ay magtatagal hanngang sa dulo"""

 

"""ang totoong kapares ng tsinelas ay hindi mapapalitan ng ibang tsinelas"""