Anting-anting para sa Pag-ibig (a short story...)

dyeppri's picture
| |

Agimat ng Pag-ibig

    (orasyon)

 May kaparehas ang lahat

ng bagay na nilalang

at ang mahirap ay ang hagilapin ito.

Sa kahit ano ay handang pasukin

makamtan lamang

ang pag-ibig mo.

*isang basa lamang ay ayos na.

------------------------------ 

“Ano ba ‘yang binabasa mo diyan Manuel?”

“Bigay ni Tata Igme ito.Orasyon daw sa pag-ibig.May birtud nya ito.”

“Binili mo?Nagpapaniwala ka duon sa matandang iyon.Siya nga itong matandang binata at hindi nakahanap ng magmamahal sa kanya.”

“Huwag mo nga akong pakialaman.Bukas may magmamahal na sa akin, makita mo!Tulog na ako at may exam pa ako sa geometry bukas.”

“Sana nga may magkagusto sa tipo mo! Jologs ka eh.” pahabol pa ni Jay bago ako tuluyang nakatulog.

“O kamusta exam? tanong ni Jay na mayabang habang nagbibihis ako kasi makikipagkita ako sa ka-chat ko na taga-kabilang baryo.Swerte yata ako ngayon at malapit lang dito ang future girlfriend ko, “hirap nga...dadaanin ko na lang sa pakikipagdate sa bayan kay Azie. Nakumbinse ko ring makipag-eyeball sa akin sa wakas.hehe!”

“Talaga..”mukhang hindi makapaniwala si Jay sa swerte ko ngayon at kung ano-ano pa ang pinagsasabi niya na hindi ko naman pansin dahil nagmamadali ako at baka mahuli ako sa tagpuan namin.Patakbo akong umalis dahil eight ang usapan namin at pasado alas otso na.Takot akong baka hindi namin maabutan ang last full show sa bayan.

 Alas otso-e-medya na nang marating ko ang Hacienda Inn na halos patakbo kong tinungo ng bumaba ako sa kakaragkarag na bulok na bus.Palingon-lingon ako ng pumasok sa magarang restaurant.Ito ang pinaka-class na restaurant sa Lucena at talagang handa akong ubusin ang isang buwang allowance ko sa iskul para lamang mapahanga ang ka-date ko.Ayos at halos walang customer kaya may privacy kami dito.  

Mukhang siya iyong nasa dulo na nakaitim na blouse na gaya ng tinuran nito sa YM niya. Lapit ako.”Ehem...miss ikaw po ba si Azie?” Sheeeet...ang ganda niya at mala-kastilain ang dating.Wow to the max at ang swerte ko.Ibang-iba ang ganda niya sa personal na halos ikalaglag ng brief ko.Walang sinabi si Ruffa Gutierez sa tindig ng date ko.”Yes...and you are Manuel?” Paksheet talaga at mukhang sosyalera pa. Putcha manginig ka sa inggit ngayon Jay kapag napasagot ko siya, sa isip-isip ko.

 “Hindi mo ba type ang mga na-order natin at mukhang ang konti-konti ng nakain natin ah?” patanong ko sa kanya upang ipamalas ang pagiging maaalalahanin ko.Malamang na sa kaseksihan niya ay talagang pinaninindigan nito ang pagda-diet n’ya, sa loob ko.  

“Nice naman ang taste kaya lang...” pinutol ko upang hindi na siya mapahiya sa pagkamausisa ko, “diet ka...” at tumango na lamang siya.Napakatipid talagang mag-salita ni Azie at talagang mababakas ko sa kanya ang pagiging isang dalagang pilipina nito maliban sa pag-iingles niya.My goosh,my gooosh, galigalilooo... kaya ba ng power ko ang ganto ka simpleng personality pero sosyal. Pinagpapawisan ako ng malamig sa kanya pero feeling ko eh MAHAL KO NA SI AZIE.

 Nanood kami ng sine. Akala ko nga noong una mabo-bore ako sa katahimikan niya eh umpisa lang pala iyon at may kalokohan pa rin pala siya.Sobrang daldal din niya na halos ikagalit na nga ng mga katabi namin sa ingay naming dalawa sa sinehan.Enjoy talaga akong kasama siya at ‘di namin namalayan ay tapos na ang palabas. Sheet... gabi na. 

“Hatid na kita ha, kasi twelve na?” kahit ayaw ko ay napilitan akong mag-offer sa kanya naihatid siya sa Tayabas. Last trip na alam ko ang aabutan namin at malamang ay wala na akong masasakyan pabalik sa Lucena at isang sakay pa ulit ako papuntang Sariaya. Kabado akong hinihintay ang sagot niya na...kaya ko na.

 “Talaga, hatid mo ako? Sige let’s go.” napa-sheet nanaman ako, SHEET papahatid nga siya. Bahala na at inisip ko na lang na ‘yun talaga ang tama, be gentleman ako at magpakitang gilas. Isa pa eh baka maka-score pa ako sa kanya dahil alam ko maluwag na sa oras na iyon ang bus na patungo sa bayan nila tsaka pihadong papatulugin na nila ako sa bahay nila ano. Ano ako bale na tatanggi kapag inalok ako. 

Mabilis naman ang biyahe namin kaya nagmabilis na din ako na maka-score kay Azie at tamang-tama na kokonti kaming pasahero ngayon dito.Una ay kunyaring nilalamig ako sa hampas ng hangin sa bintana kaya humilig na siya sa balikat ko.Ayos.Hinawakan ko naman ang mga kamay niya at pinatong sa mga hita ko.

Grabe na ‘to at hindi man lamang siya pumalag.Siruradong tuloy-tuloy na akong makaka-score nito at sa championship na ito hahantong.

“Para!” pumara si Azie na ikinagulat ko. Huh, bababa na kami. Sumunod lamang ako sa kanya sa pagbaba at palinga-linga habang tinatanaw ang papalayong bus. Tinanong ko si Azie “saan ba ang sa inyo at tila puro talahib at dilim lang ang nakikita ko MAHAL?” at talagang sinadya ko ng tawaging mahal si Azie kasi baka rereypin niya ako dito sa gitna ng parang sa mahabang talahiban at mga huni lang ng kuliglig ang saksi.Kahit 'ata maghihiyaw ako ay walang makakarinig at tutugon sa akin kundi mga alingawngaw ng bundok sa 'di kalayuan.Ano ba itong napasok ko?! Okinam talaga oo. 

Hindi na siya sumagot at hinila niya ako papasok sa kadiliman ng gabi. Nginig at takot ang naramdaman ko at talagang tinalo nito ang kanina ko pa nararamdamang libog sa katawan.Gusto ko na sanang tumakbo ngunit nilabanan ko ito. Championship ang kailangan ko at tropeyo tsaka tagumpay ko kay Azie, sa isip-isip ko.Nagmatapang ako.Ang mga kababalaghan ay sa komiks, libro o internet lamang nababasa at sa sinehan naman ito nakikita.Ang nagaganap ay isang magandang pangyayari at ang kailangan lamang ay manaig ang tapang at lakas ng loob at syempre libog ko din ulit.

“PUTCHA” mukhang totoo ang komiks at sine pati mga kwento sa internet dahil sa kumikislap na ang pangil ni Azie ang mabanaagan ko at mukhang handang-handa na niya akong sakmalin sa leeg.Inay! Inay ko po! Takbo-takob ako pabalik sa gitna ng hi-way.Bahala na kung masagasaan ako kaysa naman mamatay ako sa kamay at pangil ng isang aswang na'to. Kitang-kita ko na tila lumilipad sa ere si Azie, aswang pala siya.Isa siyang mananaggal. Hinahabol talaga ako. Wahhhh! Wahhh! pasigaw ako.

patlang...

TOINK... nahulog ako sa kama at bumagsak sa matigas na sahig na semento.Bukol pa 'ata ako.Sheet at isang panaginip lang pala iyon. Ngunit parang totoo talaga ang lahat.Very colorful na panaginip.Sayang si Azie, sayang ang kanyang kagandahan, sayang ang naramadaman kong may magmamahal na pala sa akin.Palpak ang orasyon.

Pumasok ako sa iskul na lantutay at wala sa sarili noong umagang iyon. Kinuwento ko kay Jay ang lahat at tawa ito nang tawa.Halos maihi siya sa katatawa sa kwento ko o sa pagkahulog ko sa kama.Inis akong iniwan siya dahil akala ko ay dadamayan niya ako e pagtatawanan lamang pala.Tumuloy ako sa bayan ng Lucena at nais kong kumain ng masarap-sarap.

“Aba!” mukhang kahawig ni Azie yung babaeng papalabas ng simbahan.Sheet nanaman ang nasabi ko at isa pang sheet!. Siguro naman ngayon ay hindi na ito aswang kasi tahanan na iyon ng Diyos at takot naman siguro silang pumasok duon.Matutunaw sila sa komiks.Patakbo akong humabol kay Azie...

“Miss ikaw po ba si Azie?” muli kong tanong sa kanya at nangatog muli ako.

“Yes, do I know you?” tanong nito muli sa akin at talagang nahintatakutan muli ako kasi ganoong-ganoon ang panaginip ko kagabi, isang napakagandang-sosyalerang aswang.

“Excuse me...” nagulantang ang pagkatulala ko sa nangyayari at sagot ako “A—e- - kasi

ako si Manuel yung ka-chat mo at namukhaan lang kita.

“Yah...Manuel, oh my...ikaw nga yung ka-chat ko.” at natuwa na ako kasi nakilala na din niya ako.

Grabe at super to the max ang tawanan namin. Namasyal kami sa park at kumain sa Mc Donalads ng Lucena. Ayaw ko na sa Hacienda Inn at baka bumalik muli ang aswang. Hay, life..

“Uy, may night-swimming kami sa Fresh-air Hotel at baka gusto mo sumama?”

“Okey lang ba. Groups kayo?” pagtatanong ko. Hindi sa nahihiya ako sa mga friends niya kundi aayaw ko ng dalawa lang kami.Ayaw ko talaga dahil sariwa pa ang panaginip ko tungkol sa kanya kagabi. Baka hindi ko na iyon kayanin pa.

 “Okey lang yun sa mga friends ko...’ sabay ngite nito na nagpatibok muli ng puso ko. Sheet talaga at MAHAL KO na ulit siya. Oh, my Azie! 

“Basta ba makikita kitang naka two-piece ay ayos yan sa akin.”pa biro ko.

“Baka hindi lang ang two-piece ko na bathing suit ang makita mo!” pangite nitong sabi na animo’y nang-uuyam sa akin. Natakam naman ako at nagpatigas sa buo kong katawan.Ngayon masasabi ko na na nangibabaw muli ang Libog sa Takot.Bahala na.

Accomodating naman ang lahat ng friends ni Azie. Lima silang babae at ako lang ang lalaki. Swerte talaga.Sheet ulit ako. Pang ilang sheet ko na ba ito simula kahapon at isa pa ulit ngayon ng makita ko silang sabay-sabay na nagsipag hubaran ng mga saplot at natira lamang ay ang kani-kanilang mga two piece bathing suit. Mga walang pakundangan sa akin na akala mo'y totoy pa ako na hindi pinapansin. Akala lang nila. Hustler itong batang Quezon. Kahit wala pa akong karanasan sa aktwal ay sanay naman ako sa mga nababasa at nakikita ko.Langya at talagang ready sila ah, sa isip-isip ko.Akala mo'y mauubusan ng tubig na nagsipagtakbuhan patungo ssa labas at malamang ay sa pool.

Tatlo lamang kaming naiwan sa madilim at malaking kwarto na nasa huling palapag na gusali. Si Marian, si Azie at ako. Hindi mo ba kami iiwanan Marian at isa kang sagabal sa mga plano ko para sa kaibigan mo, naiinis kong sabi sa utak ko.Tinanong ko si Azie “ayaw mo pa ba maligo?” at sinagot lamang ako ng isang iling. Lumapit siya sa akin at niyapos ako. Sheet muli ako. SHEET. Ang bilis talaga ng kamay ng babaing ito ah. Mala Wonderwoman sa tulin. Gulat talaga ako sa bilis ng pangyayari.Super as in...Mukhang matutuloy na ang naunsyaming championship tournament namin sa panaginip ko ah, pabulong ko sa sarili ko.Ayos ito.Ayos.

“teka si Marian ay andidito oh...” mahinang sabi ko at gusto ko sanang bawiin iyon.Baka magbago ang isip niya.Sus!

“okey lang sa kanya yan...ohhh” pahalinghing na sabi ni Azie na halatang gustong-gustong kunin ang pagkabirhin ko at syempre handa ko iyon ibigay para sa kanya dahil mahal ko na nga e. At nagsimula na nga ang paglalaro ng apoy...

Grabe ang lambot at ang kinis ng puting-puting katawan nito. Gumapang na ang buo kong kamay sa kurbada ng kanyang  katawan at sinalat ang buong pagkababae niya.Napakadulas ng kanyang katawan na animo'y binuhusan ng lotion o baby oil. Walang oras akong dapat sasayangin. Bahala ka Marian kung nanonood ka man,  sa utak ko. Walang patid ang pagpapalitan namin ng hininga na halos ikaubos na ng hangin sa sa aming mga baga. Kakaiba ang tamis ng kanyang mga halik, tamis ng una kong halik. Totoo palang hindi ito kaylangan pang pag-aralan at kusang matuutuhan sa takdang panahon....at ngayon na nakatakda ang sa akin.Instinct lang.Parang pagkatuto ng baby na dumede sa ina nito at ngayon kahit hindi ko tanda ang pagdede ko noong sanggol pa ako ay kayang-kaya ko kay Azie ito.Hingal!

Kapa dito, kapa duon ang ginawa ko.Akala mo ay bulag na hindi mahanap ang butas ng susian sa pituan.Hingang malalim bago ko siya tinulak mula sa aming pagkakatayo patungong kama.

Uhhhhm...tulak...teka ang lakas niya at hindi ko magawang matulak at maihiga sa kama si Azie.Kakaibang lakas na hindi ordinaryo para sa isang babae na kagaya niya. Sheeeet... maya-maya pa ay lumabas ang pakpak na itim nito at naglalangis-langis ang katawan.Tumayo muli ang balahibo ko at nanigas ang buo kong katawan.Sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko ang kakaibang anyo ng babaeng minamahal ko na. Sus ginoo at napadasal na ako. Sari-saring pangalan ng Santo ang nabanggit ko. Bago tuluyan na akong nakagalaw pa labas ng kwarto.

Putcha....ayaw ko na sa iyo Azie. Aswang ka talaga.

 Patakbo akong lumabas ng hotel kahit hubo’t hubad ako. Tinginan ang lahat ng nakakakita sa akin na animo’y ako ang aswang na dapat katakutan. Sigaw-sigaw ako, ASWANG! ASWANG!  INASWANG AKO! ASWANG SI AZIE!

“Sir...sir... nakatulog po kayo.” patapik-tapik na sabi ng nagsasalita sa harap ko.

“Sheet...asan ako?” nasa Mc do daw ako at nakatulog.

 Tanamits talaga at ano nanaman ang nangyayari sa akin. Sa tuwing makakatulog ako ay si Azie ang napapanaginipan ko at ang pagiging manananggal nito.Swerte naman na may gumigising parati sa akin. Ano ba ito?  At naalala ko ang orasyon...

_____________________

May kapares ang lahat ng bagay na nilalang at ang mahirap ayang hagilapin ito.Sa kahit ano ay handang pasukin makamtan lamang ang pag-ibig mo...(isang basa lamang ay ayos na.)

-------------------------------

______________________

Humingi muli ako ng payo kay Tata Igme maka-ilang araw na hindi ako tigilan ni Azie.Ang sabi niya ay kailangan daw na ipamahagi at ipasa ko sa iba ang orasyon at ang kwento kong pag-ibig kay Azie upang bumalik ako sa normal..Katulad daw ng orasyon at pagkwekwento niya sa akin sa pag-ibig niya kay Shazie na isa palang serena. Putcha at langhiyang buhay ito at dinamay pa ako, sabi ko sa isip-isip ko.Ngunit kailangan ko na talagang ipasa sa iba ang nararanasan ko. Ano ba itong ginawa mo sa akin Tata Igme. Hirap na hirap na po ako. Ang sarap-sarap niyang sakalin.Grabe...

 Ngayon ‘di ko alam kung papano ito ikwekwento sa iba. Baka ikaw ang makakatulong sa akin?Sheet. Putcha.Bahala na...Isa pang tanamits-sheet. 

end....

dyeppri

kababalaghan ba o isang katotohanan po lamang....ikaw ang makasasagot nito.ahihiCool


jonsdmur's picture

Naaliw ako sa kwento...

Naaliw ako sa kwento... maganda ang pagkakagawa ng mga eksena.

Naniniwala ako sa orasyon at alam kong marami rin ang gumagamit nito lalo na sa mga baryo...

Noong collage ako sinamahan ko ang frend kong babae dahil gusto niyang kumuha ng anting-anting para mabihag niya ang lalaking mahal niya.... epektibo naman ang iba... kaso mas maganda pa rin kung natural ang pagmamahal at totoo..

Salamat sa kwento...  kala ko life story mo yan...

jonsdmur

 

dyeppri's picture

yeheyy!

Balik na sa ayos ang laptop ko. Makakabisita na muli ako sa site na ito. Okiy na ang friendster ko at madami na muli akong frenndz duon pati sina melay at eloy.Madaya si Pareng spike at nagtatago sa likod ng...kalurkey siya!

Mabuti naman at nagustuhan mo ang obra ko! Simple lang pero medyo bastos sabi ni Dj Alvaro.Namimiss ko talaga ang pagsusulat kay ate xerex (hi! aydol) ahihi!---.kathang isip lang ito Jonds at depende kung magwewet ka sa pagtulog mo mamayang gabi...bwahahaha! bye.ingatzclasayow! 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

jonsdmur's picture

hahahaha hindi naman... may

hahahaha hindi naman... may pic naman doon si pareng spike ha heheheeheh... di ba nagkita na kayo sa dubai? di nyo pa nakwekwnto ang masayang inuman nyo... o baka naman masayang rambulan ehheeheheh

Kaw pala ung nakita kong author sa dear xerex dati... hihihihihi

Ingats hihihi... mukhang kaw ang nag dredream dyan ha... uy.. tagal mo na palang di nakasama si misis hihihihi tapos madaling araw mo pa ito sinulat hahahahaha

Ingats

Jonsdmur

dyeppri's picture

Bumibili ka rin?

Bumibili ka rin pala jonds ng abante dati.ahihihi.(siguro pati barako,tiktik at  bulgar ano? yak ka yakkkk so yakiii ka pala...ahaha! --->ako din eh.ahihi)

Wala si Pareng spike--busy siguro.Pauwi na ako pinas sa Nov. bakasyon to death to grabe to the max.Sarap umuwi after so many years here.Yahooo!Cool

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

jonsdmur's picture

uo nga eh.. pero nagbago na

uo nga eh.. pero nagbago na ako hihihihihi

lapit na pala u umuwi... dapat makipag kita ka sa amin.. sabi ni pareng spike makikipag kita sa amin next year at siya daw ang taya.... dapat higitan mo yan... pa-bonggahan ng taya hihihihihi

At alam kong hindi kami mapapahiya sayo at kami ay mabubusog

...Kainan na ihihhihihi

Jonsdmur

dyeppri's picture

walang problema tropapitz

walang problema tropapitz kasi okiy pala sayo dogfud(sabi ni Love.ahihi). Kapag may time ako ha at 'di ako makapag promis kasi kelangan muna naming magbonding ng bebe ko po.

(pasingit jondz ha:eloi-->pakikatay mo na po!Okrayin mo maige ang obra ko ha!ahihihi...salamatzkidLaughingnakalathala din ito sa frienster natin pero mas-updated po dito.u) 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

jonsdmur's picture

naku! mahaba-habang bonding

naku! mahaba-habang bonding yan hihihihih

baka need mo shoe size ko? PM ko na lang... wag kang mahiya tatangapin ko naman eh....

gards pala kay misis... saka sa iyong munting anghel....

Jonsdmur

eloisa marie hernandez's picture

Kuya, binabasa ko pa kaya

Kuya, binabasa ko pa kaya hindi pa ako makapag-comment. hehe.

Sandali na lang..

 

<(='.'=)>

eloi

spike_west's picture

AHA AKO PALA PINAG_UUSAPAN NYO DITO

Whahaha!! INabot na naman ako ng katamaran!! Ayaw kong magsusulat ngayon kasi nauubos ang oras ko kakanood ng Youtube saka ng mga palabas sa channel 2 at 7 sa net. Eh uuwi ka na pala pareng Dyepp sa Nov, abot ng xmas, huwow sarap naman nun, ako next year pa. (hehehe!!)

Di ko pa nababasa ang storya mo dyep kaya di ako magcocomment dun. TEka jonsmur, sa SAUDI po ako hindi sa Dubai, kaso baka magpunta ako dun. Teka pareng dyepp, mano bang ilibre mo ang mga katotoo natin dito sa Filipinowriter, ang yaman yaman mo eh, libre ka naman!! Nice

Jons, kamusta na ang panliligaw este pakikipagkaibigan.....

Naku ingt na lang sa inyo.

Spike

aireen's picture

ayoS! nakakaexcite ang

ayoS! nakakaexcite ang kwento mo.... Laughing

Isa itong kababalaghan... nyahahahahaha.....

 

dyeppri's picture

salamatz po...

salamat at naibigan mo ito aireen...ahihihi at kababalaghan talaga ha.Cool 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

talulot's picture

anong tanamits? kuya

anong tanamits? kuya dyeppri? 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

dyeppri's picture

sori

sori po.bad words eh at pina-cute ko na lang n a ang ibig sabihin ay "cute-ina po".sori ulit (bad.-bad me talaga.)....ty  

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

eloisa marie hernandez's picture

Kuya dyep, whoo, nabasa ko

Kuya dyep, whoo, nabasa ko rin. may ginagawa ako sa kanina kaya medyo nagtagal yung komento ko.

Ang napansin ko lang, yung tungkol sa pagiging aswang ni Azie. Di ba manananggal siya? Pero hindi ko siya nakitang nahati ang katawan. hehe. (opinyon ko lang) mas okay siguro kung na-describe 'yong unti-unting unang pagta-transform niya.

 

Ano pa ba? Uhmm, 'yun bang sumpa eh ung pananaginip ng aswang at kung anu-ano pang supernatural creatures?

 

Saka may nakita din akong mga tachnical.. hehe. "yung paglalagay ng period sa huling sentence saka 'yung consistency ng nito at niya. Peace lang kuya! Laughing

 

All in all maayos ang pagkakahayag ng storya. maganda din ang pagkakagamit ng ilang salita. hehe.

 

-ako naniniwalang may anting-anting. saka love spell. Kaya lang kahit na malaman ko kung paano, hindi ko gagawin 'yon kasi parang niloko ko na rin ang sarili ko. saka pa'no kung may expiration date pala yun? e 'di kawawa naman ako. saka malay ko ba kung may adverse effect yung anting-anting at gayuma. kaya masmaganda pa rin ang purong lab.

 

<(='.'=)>

eloi

 

 

dyeppri's picture

oo nga ano?

siguro masmagkakaroon ng konting kilabot kung dadahandahanin ko ang pagbabagong anyo niya.Mukhang napabilis nga. Aayusin ko na lang ulit. (tama ka sa tanong mo na sinagot mo na rin.iyon ang sumpa ang panaginip na masama na ipinapasa sa iba....)Salamat po Ms Eloisa Marie. Ahihihi. 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

kuligma's picture

ayus ah   taga lucena din

ayus ah

 

taga lucena din ako e...

masaya yung kwento kahit kababalaghan, parang naging chain letter, kasi sa pagkakaintindi ko yung italic na paragraph yung orasyon di ba? then nishare mosamen yung kwento, hehe

dyeppri's picture

salamat...

salamat kabayan....

saktong-sakto ang analogo mo po sa kwento.tnx Cool

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

Melanie Quilla's picture

ay naku ngayon ko lang ito nabasa

Tulad ng dati, napapasaya talaga ako ng mga sinulat mo kuya dyep... aba,, malungkot ako ngayon pero napatawa ako ng kwento mo...

wehehe...pauwi ka na pala... matutuwa anak mo niyan.... 

ingatski kuya...gabi na lang ako nakakapaglagalag dito... la internet sa office... hehehe...

ingatski palagi...miss ko na comments nyo sa mga gawa ko... 

dyeppri's picture

hello po...

masyado ka kasing nagpapayaman Melay kaya wala ka ng time sa amin.ahihi!...Wala pa rin me time tumapos bumasa ng nobela. Haba kasi gawa mo.Wala ka ba short-short story?newey ingatski din pow!Cooltenks.  

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."