ANU ANG MANGYAYARI SA PANGARAP NI DONATO?

Bente uno anyos na si Donato at nasa ika-apat na taon na siya sa kolehiyo.

Kagaya ng isang ibang styudante sa kolehiyo si Donato ay pangarap din niyang makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho. Para ito ay makamit kailangan niyang magkaroon ng mataas na grado at maipanalo ang taonang paligsahan ng mga mag-aaral sa ibat-ibang paaralan ang paliga o "basketball".

Alas dos ng madaling araw nagising sa masarap na pagkatulog si Donato noong may marinig siyang bangayan at di naglaon ay umalingaw-ngaw ang isang putok ng baril, di ito inalintana ni Donato at nagpatuloy sa pagtulog.

Kaumagahan bumangon sa higaan si Donato at nagulat nalang siya nang nakita niyang nasa ibang kama siya. Nagmadali siyang umuwi dahil kailangan niyan magpraktis ng basketball, pumasok sa sa kwarto at kinuha ang bola at muling lumabas patungo sa playground.

Tamang tama at wala pa gaanong tao na nagpapraktis, solong-solo niya ang pagpapraktis. Halos naka dalawang oras din siya sa pagshot at pag three points. Naisip niya tama na siguro ang praktis na iyon at nagdecide na siyang umuwi na at magpahinga na.

Pagdating niya sa bahay nakita niyang abala sa paglilinis at pag-aayos ng sala ang ama't ina nito kasama ang mga kapatid niya kung kayat deretso nalang siyang pumasok sa kwarto. Nagpahinga saglit si Donato hawak-hawak ang bola at biglang nagulat ang binata nang may marinig siyang nag-iiyakan sa bahay, dali-dali siyang lumabas at bigla siyang napaluha nang may makita siya kabaong sa sala kung saan kanina ay nililinis at inaayos ng kanyang pamilya. Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong, habang papalapit nakita niya ang kanyang bola na nasa ibabaw ito ng kabaong, napaisip si Donato kung bakit nasa ibabaw ng kabaong ang kanyang bola na kanina ay hawak-hawak palang niya. At muli lumit ito sa kabaong, nakita niya ang sarili niya sa kabaong at lalo pang lumabas ang mga luha nito.

Habang ito ay naluluha may dumating na pulis at kinausap ang ina, at sinasabing hindi pa nahuhuli ang nagpaputok ng baril kinagabihan.

PAANO ITO MALULUTAS?

PAANO NA ANG PANGARAP NI DONATO?


Make me more better in writting

Ito ay ang una kung kwento kung kayat sana sa mga magbabasa at nakabasa na ng kwento ko, maari po sana mag-iwan kayo ng komento para malaman kung anu-anu ang mga pagkukulang at pagkakamali sa aking naisulat....Salamat

http://www.filipinowriter.com/anu-ang-mangyayari-sa-pangarap-ni-donato

kwekwento's picture

ang una mong dapat gawin

ang una mong dapat gawin ay... um... palitan ang profile pic mo.

bakit? kasi takot ang mga readers kay tazmanian devil. Oo, maniwala ka.

 

tapos ayun, okay naman ang kuwento mo - simple nga lang. Pagtuunan mo lang ng pansin 'yung mga typo, spelling ng ibang tagalog words, at balarila.

Ang mapapayo ko sa'yo, kailangan mo magbasa ng maraming-maraming kuwento, para malaman mo ang pagkakaiba ng gawa ng iba sa gawa mo. Kung anong kinaganda nito, kung bakit maraming nagkakagusto. Mas mabuti kung mga tagalog ang babasahin mo kasi doon mo matututunan 'yung mga tamang spelling at terms, pati ang paggamit ng balarila. Sa pagbasa mo ng mga ito, lalawak ang imahinasyon mo, na at the same time ay natututo ka.

siyempre kailangan sulat ka rin nang sulat. Kapag may naisip ka, sulat mo kaagad. Magsulat ka hanggang sa maramdaman mong may kumpiyansa ka na sa sarili at may tiwala ka sa gawa mo. Pabasa mo ang gawa mo sa kahit sinong kakilala at hingin mo ang opinyon nila ukol dito.

 

gudlak! 

 

 

Sana'y nagtagpo ang mga utak natin... doon, sa may tulay na tawag ay pag-unawa.

 

Rom's picture

ang wan-tu-tri ng kwento

 try mong gamitin ito sa pagsusulat ng kwento:

1. Panimula

2. Kontradiksyon

3. Solusyon 

 

KarikaTuura

Salamat sa payo

Salamat sa payo niyo. Sa totoo lang wala talaga akong idea kung ano ang pagkakasunod-sunod ng pagkukwento.

Nagbabasa rin ako ako ng ibat-ibang kwento. Muli salamat sa payo niyo.

Rom's picture

 oks na magsimula ka sa pag

 oks na magsimula ka sa pag jot down kung anong laman ng isip mo. pero habang nire review mo ang gawa mo abutin mo ang 5 senses mo 1. hearing 2. seeing 3. feeling 4.taste 5. smell at isama na rin ang emotion. tanungin mo kung lahat ba ng senses na yan ay na satisfy habang binabasa mo ang kwento mo. kasi malamang ganun din ang itatanong ng mambabasa mo.

kung sakaling na satisfy ng kwento mo ang mga senses mo--kahit hindi lahat, malamang epektibo ito. nakapag pakaba ba ito sa iyo? nandiri ka ba sa kwento? naasar ka ba? na in love ka ba? nagalit ka ba? natuwa ka ba?

anumang reaksyon masarap man o masakit ay positibong reaksyon tungo sa paghubog ng epektibong kwento. sulat ng sulat, trial and error, pasasaan ba't masusumpungan mo din ang genre, estilo at lugar mo sa pagsusulat. 

 

"SHOW DON'T TELL" - isipin mo ito lagi habang nagsusulat 

gumawa ka ng panimula (opening) na para bang mag eending na at gumawa ka ng ending na para bang nagsisimula pa lang... 

 

KarikaTuura