Anyo ng Gabi
Submitted by Dap-ay Sapata on November 17, 2008 - 2:31pm.
Tula
Normal 0 false false false st1\:*{behavior:url(#ieooui) }
Anyo ng Gabi
ni Dap-ay Sapata
06 July 2003
Malalim na ang gabi
Lumulukob ang hamog sa nakatayong bundok
Mga awit ng insekto, ritmo ng mga sanga
Dagundong ng ilog, bulungan ng mga lamok
Hubad na nakalantad maaliwalas na kalangitan
Nakasabit na mga tala, liwanag ng paligid
Minsan ay ipinagdadamot ng malambot na ulap
Sa mga naglalakbay na pulang mandirigma
Gaano man katagal lumisan ang gabi
Pagod at hirap man sa atin ay umatake
Hindi magiging balakid kadiliman ng gabi
Upang ating lakbayin sangandaang landas
Tungo sa hangganan ng maaliwalas na bukas.#


