Apak
Bago ako nakarating sa opisina, tatlong tao ang umpak sa akin.
Ang aga-aga, dugyot at nananakit na ang mga daliri ko sa paa.
This must not be a good sign.
Kahit na sabi ni Zenaida Seva na may magbibigay ng pera sa akin ngayong araw.
As usual marami nanamang trabaho. Sapaw-sapaw. Apak ng apak sa naunang requirement. Walang pasubaling dumarating. Di man lang makapagtanong kung nakakahinga pa ba ako.
Lunes na lunes ganito nanaman ako, nagrereklamo, nagsasawa na rin akong marinig ang sarili kong ganito, parang yapak ng mga nagdedeathmarch, siguro nagsawa rin sila sa paulit-ulit na sakit at kirot hanggang sa tinanong na nila sa kanilang sarili na baka sila ang may diperensiya, na baka normal lang magmarcha ng milya milya habang binubutas ng bakal ang tagiliran.
Lakas ng loob. Lakas ng loob ang kailangan ko para ang susunod kong yapak ay papalayo, patungo sa bagong buhay na hindi paikot-ikot, nakakapagod.
Magsusulat na ba akong muli? Kaya ko na ba? Mabubuhay na ba ako sa pagsusulat sa labas ng advertising? What if mapangarap lang ako at wala namang ni isang taong bibili ng isinulat ko. Pero habang buhay ko bang ikukulong ang mga salitang kumakawalag, habang pilit lumikiha ng mga salitang bebenta, mga salitang hindi pa man naisusulat ay bayad na. Ako, parang mga gawa ko, pang promo lang ba?
O may somethign else pa sa buhay ng isang commercial writer?
Ang aga-aga, hindi nanaman ako nagtatrabaho, may pitch pa ako dapat, may revisions sa layout, may quotation na dapat isend. Pero makati ang kamay ko, kailangan ikamot sa keyboard.
O siya, hanggang mamaya.

