aral................
Sa pagmamasid ko sa ating paligid marami akong natutunan,Una nung nagsimba ako, may nakita akong matandang babae na kakaiba ang itsura,puno sya ng bukol sa kanyang katawan,ketong kung ating tawagin,Sa isip isip ko, humahanga ako sa kanya kung paanong hindi sya nawawalan ng pag asa at pananalig sa diyos sa kabila ng panlilibak at panhahamak na kanyang dinaranas sa lipunang ito.Mabuhay tayo sa realidad,ang ating lipunan ay punong puno ng mga mapanghusgang mga mata,dulot na rin siguro ng ating kultura.Sa aking namumuong mga luha, naisip ko at napakaswerte ko,at ipinanganak akong walang kapansanan. Dapat nating tularan ang matandang babae, na kahit ano pa ang ibigay satin ng diyos ay dapat tayong magpasalamat sa kanya. Huwag mawawalan ng pag asa sa bawat pagsubok na ating dinaranas.
Sa paglalakad ko naman, may nakita akong mga bata, mga batang naglalaro, ang ngiti sa kanilang inosenting mga mata,Naiisip ko tuloy ang aking kamusmusan, kung saan tuwang tuwa ako kapag naglalaro, wala kang inisip na problema, kahit may sakit ako nun basta makapaglaro ako nakakalimutan ko na.Ang saya na nararamdaman ko sa tuwing nananalo ako sa mga laro tulad ng teks, holen , at ang panghihinayang na nararamdaman ko sa tuwing matatalo, sa mga baryang kinupit ko pa pag inutusan ako, mga baon na tinipid ko..Iba rin ang pakiramdam pag may mga nakakakaway ka,lalo na pag feeling mo dinaya ka. Ako, isang modelo ng palaaway na bata. Halos lahat yata ng mga kalaro ko ay nakaaway ko na.Resulta siguro yun ng isang batang maagang naulila sa ina.Mahirap mabuhay ng wala kang nanay, kahit na may mga nag aalaga sayo, Iba talaga pag yung tunay mong ina.Sa tuwing napapagalitan ako at napapalo naiisip ko ang aking ina, na sana kung buhay pa sya hindi mangyayari yung mga bagay na yun.Sa mga bagay at laruan na gusto mong bilhin, wala kang masabihan, yung hiya na nararamdaman mo na hindi mo mararamdaman pag nanay mo ang hihingan mo.namanhid na rin siguro ang aking katawan sa bawat hampas,palo at kurot na aking naranasan.Mabilis naming mawala yung sakit eh, iiyak mo lang, matulog ka,pag gising mo wala na.Pero ang emosyonal na sakit na naramdaman mo ay dala dala mo na hanggang sa pagtanda mo.Sa paglalaro ko nakakalimutan ang lahat.Para tong gamot na nakakawala ng ano mang sakit na nararamdaman ko.Masarap bumalik sa pagkabata dahil doon mo malalaman kung saan ka naging masaya.Kung ano talaga ang gusto mo sa buhay,ang mga pangarap na nooy parang napakadaling abutin.Yung totoo ang nararamdaman mo, walang pagkukunyari, wala kang inisip na lipunang huhusga sayo sa bawat pagkakamali na magagawa mo.



Ang sarap maging bata
Masarap maging bata, sapagkat ang bawat sugat na nakukuha mo ay madaling maghilom at gamutin, subalit ang sugat na nakukuha mo ngayon ay hindi kayang gamutin ng kahit anong gamot at matagal maghilom.
Masarap maging bata, sapagkat sa paglalaro lamang ay masayang masaya na sila, pero ngayon, nasa iyo na ang lahat di ka pa rin masaya at kuntento.
Masarap maging bata sapagkat simple lang ang kanilang pangarap sa buhay, pero ngayon ang mga simpleng bagay ay ginagawa pa nating kumplikado.
Sana magawa nating gayahin ang pag-uugali ng isang bata, kung minsan mas marami pa tayong natutunan sa mga bata kaysa sa kagaya nating mga nasa tamang gulang at husto ang pag-iisip.
Ingat at God Bless
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
http://akingkwarto.blogspo