Artikulo: Sekswal na Pang-aabuso sa mga Kababaihan

dyeppri's picture
| |

Artikulo: Sekswal na Pang-aabuso sa Kababaihan 

Taong 1992 nang makilala ko si Rea  na isang estudyante sa Quezon National High School sa Lucena City na noon ay  16 taon gulang pa lamang at nasa ikatlong taon sa sekondarya. Masasabi kong mabait, maganda ngunit may pagka-liberal ang pag-uugali niya. Sabihin ba naman niya sa akin na mabagal daw ako at handa naman siyang sumama sa akin ng gabing manood kami ng sine. Iyon daw ang dahilan kaya ayaw na niya sa akin.

Lumipas ang dalawang taon na hindi na kami nagkita ni Rea dahil sa Maynila na ako naglagi upang ipagpatuloy ko ang Kolehiyo. Nabalitaan ko na lamang na nabuntis si Rea ngunit hindi alam kung sino ang ama. Naikwento niya sa akin ang totoong nangyari. OO ngat at marami nang lalaki ang nakatikim sa kanyang pagkababae pero hindi sapat sigurong dahilan iyon para babuyin siya. Nakipag-inuman daw siya sa apat na kabarkada niya at dalawa silang babae noon. Nahilo siya at nawalan ng malay. Nagising na lamang siya na wala ng saplot ang katawan at dalawang lalaking nakahubad ang katabi niya. Hindi niya alam kung anong nangyari basta masakit ang buo niyang katawan.

Sinamahan siya ng Ina nito at nagsampa sila ng kaso sa Korte ng Lucena. Hindi naman nagtagal ang kaso dahil isa sa gumawa nang kahalayang iyon ay anak ng Mayor. Pinagkasunduan nalamang nila na papakasalan siya at ng mapigil ang kahihiyan nila.

Isa lamang si Rea sa libo-libong babae na naaabuso sa bawat minutong dumadaan. Ayon nga sa istatistika ng Philippine National Statistical Coordination Board  (PNSCB) ng taong 2002 ay may 7 kababaihan ang napagsasamantalahan sa bawat araw. Ayon din sa pag-aaral ng  PNSCB ay mayroong 3,913 na panggagahasa ang naisampa sa korte noong Enero hanggang Septyembre nang taong 2003 lamang. Tinukoy din sa istatistikang ginawa na sa bilang na 478 na isinampa sa Korte ay apatnapung prsyento (40%) nito ay nangyari sa sariling pamamahay, dalawangpot-siyam na porsyento (29%) ay nangyari sa malayong lugar at bakanteng lote, dalawampung porsyento (20%) ay kakilala ng biktima o ng mga magulang nito ang salarin, labing-limang porsyento (15%) ay sariling ama o ang tumatayong ama at walong porsyento (8%) naman ay kaibigan. Sinabi naman ng Women’s Legal Bureau noong 1995 na ang pinakabatang biktima ay 8 buwang sanggol at ang pinakamatanda naman ay 67.

Maliit na bilang pa rin kung tutuusin ang istatistikang lumalabas sa kadahilanang marami sa mga biktima ang nagsasawalang kibo na lamang.  Ayon sa Asian Women’s Resource Exchange (AWORC) isang internet based service ay may datos silang lumalabas na bilang na 794 na panghahalay ang naganap sa unang apat na buwan lamang ng taong 1997. Sa unang semester ng taong 1999 pa lamang ay may report silang 2,393 sa mga bata ang nakaranas ng aktwal na kahalayan, muntik ng panggagahasa, panghihipo o acts of lasciviousness at prostitusyon.

Sa Taong 2006 ay may datos na nakalap ang PNP na 685 bilang ng panghahalay at ilan pa rito ay nangyari sa presinto o pangangalaga mismo ng kapulisan. Mga kababaihang nahuli sa maliliit na kaso tulad ng pagnanakaw, panloloko,  prostitusyon o mga kababaihang may mababang antas ng kalagayan sa buhay.

Sa batas ng Pilipinas ang sinumang nasa posisyon ng pamahalaan, mga nagpapatupad ng batas tulad ng kapulisan at militar na mapatunayang nagkasala sa panggagahasa sa kababaihan ay mapapatawan ng pinakamabigat na parusa o kamatayan. Noong taong 1996 ay isang pulis sa Panggasinan ang napatawan ng parusang kamatayan sa panghahalay sa isang 14 na taong gulang na biktima at pinagbayad pa ng 100,000 pesos na pangsuporta sa naging bunga ng ginawa niya. Matatandaan din na noong taong 2000 ay pinatawan sa panahon ni  Pangulong Estrada ang isang pulis ng Valenzuela ng parusang kamatayan dahil sa panggagahasa sa 28 taong gulang na ginang at kasalukuyang buntis pa noon.

Noong Septyembre 2000 ay nabalita din ang ginawang pambababoy ng tatlong pulis ng Western Police District sa Malate, Manila. Sinampahan ng kaso ang tatlong pulis sa salang sapilitang ipasubo ng mga ito ang kanilang ari sa isang ginang na may edad 24,  hindi lang iyon at nilimas pa ang pera nito ng sapilitang ipakuha lahat ng perang nasa bangko nito. Kahit na nakasampa ang kaso ay patuloy pa ring nasapwesto ang mga pulis at nalipat na nga lamang ng ibang lugar sa kasalukuyan.

Hindi rin nakakaligtas sa kamay ng mga militar ang mga kababaihan sa panghahalay. Isa dito ay si Hilda Narsco na dating naninilbihan sa isang simbahan sa bayan ng Davao noong taong 1983, nakasama siya sa isinagawang pagsasaliksik sa isang liblib na lugar at napagbintangang kaanib ng makakaliwang grupo. Dinala siya sa kampo ng mga sundalo at duon nangyari ang panghahalay sa kanya ng ilang mga sundalo. Ilang taon din niyang ipinaglaban na mabigyan siya ng katarungan sa sinapit sa kamay ng mga militar ngunit nananatili pa rin itong isang pangarap hanggang sa kasalukuyan.Minsan na rin siyang lumapit at humingi ng tulong kay Senator juan Ponce Enrile at nasabi lang nito na “isa lang ito at kaisa-isang pangyayari sa militar sa pilipinas”. Ito rin ang naging dahilan upang itayo ni Hilda Narsco ang Women’s Crisis Center na matatagpuan sa Manila at tumutulong ngayon sa mga biktima ng karahasan at pagsasamantala sa kababaihan. Ito ang kauna-unahang orginasasyon sa Pilipinas na may ganitong layunin. 

Hulyo, taong 1999 ay nakatanggap ng isang reklamo ang Amnesty Internasyunal tungkol sa isang 18 taong gulang na babae na may kakulangan sa pag-iisip. Hinuli ang nasabing babae sa kasalanang bagansya (anti vagrancy law) dahil pakalat-kalat sa lugar na nasasakupan ng paliparang Ninoy Airport. Hindi siya sa presinto dinala at sa isang liblib na lugar at duon pinagpasapasahan ng mga pulis na humuli sa kanya. Nabalitang nasuspindi sa trabaho ang mga pulis at nakasuhan ng administratibo ngunit hindi ito umabot sa korte sa hindi malamang dahilan.

Ayon sa Bukal, isang non-govermental na organisasyon ay mataas din ang bilang ng mga pagsasamantala sa kababaihan sa mababang antas na pamumuhay ng mga ito, kasama dito ang mga babaeng may mababang pinag-aralan, mga may mababang sahod, mga nasa prostitusyon. Noong taong 1999 ay nagkaroon sila ng pagsasaliksik sa kahabaan ng Quezon Ave at Cubao ukol sa mga babaeng nasa prostitusyon ang kinabubuhay. Lumabas sa pag-aaral na sa 16 na na-interbyu ay 11 ang nakaranas ng pagsasamantala sa pagkababae nila sa kamay ng mga pulis. Lumabas dito na nahuhuli ang mga babae at ang katawan nila ang nagiging kabayaran sa paglaya nila. Dahil din sa pag-aaral na ito ilang mga volunteers ng Bukal ang nakaranas din sa panggigipit sa kamay ng mga pulis sa Lungsod ng Quezon. Apat sa kanila ang kinulong ng mga pulis na nakasibilyan at wala namang papeles sa pag-aresto. Nakialam nga lamang ang National Commision on Filipino Women sa usapin upang mapalaya sila. 

Ilan lamang ito sa hindi malamang bilang sa pang-aabuso sa mga kababaihan. Maging bukas parati ang mga mata at mapagmatyag dahil hindi natin masasabi na baka sa susunod ay tayo na ang maging biktima o isa sa mahal natin sa buhay. Huwag naman sana.

 >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> 

Article 266-A. Rape: When And How Committed. - Rape is committed:

1) By a man who shall have carnal knowledge of a woman under any of the following circumstances: a) Through force, threat, or intimidation; b) When the offended party is deprived of reason or otherwise unconscious; c) By means of fraudulent machination or grave abuse of authority; and d) When the offended party is under twelve (12) years of age or is demented, even though none of the circumstances mentioned above be present.  

2) By any person who, under any of the circumstances mentioned in paragraph 1 hereof, shall commit an act of sexual assault by inserting his penis into another person's mouth or anal orifice, or any instrument or object, into the genital or anal orifice of another person.

 >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>  

 ''Vagrants'' are defined as the following, under Article 202 of the Revised Penal Code:

1. Any person having no apparent means of subsistence, who has the physical ability to work and who neglects to apply himself or herself to some lawful calling;
-Any person found loitering about public or semi-public buildings or places or tramping or wandering about the country or the streets without visible means of support;
=Any idle or dissolute person who lodges in houses of ill fame; ruffians or pimps and those who habitually associate with prostitutes;
-Any person who, not being included in the provisions of other articles of this Code, shall be found loitering in any inhabited or uninhabited place belonging to another without any lawful or justifiable purpose;
-Prostitutes.
=For the purposes of this article, women who, for money or profit, habitually indulge in sexual intercourse or lascivious conduct, are deemed to be prostitutes.

salamat.....

dyppri

Lahat ng datus dito ay aktwal na nangyari ngunit payak lamang ang pagsasalarawan upang itago ang katauhan ng mga naapi.

Isinaalang-alang ng may-akda ng artikulo ang kanilang dignidad at kahihiyan. Salamat.Cool 

dyeppri


jonsdmur's picture

Buti pa si Pareng dyep at

Buti pa si Pareng dyep at nanahimik at nakakagawa ng magandang kwento... uy.. kasama ka ba sa alitan nila? heheheeh

dapat nating irespeto ang mga kababaihan at huwag natin silang gawing kasangkapan... dapat natin silang mahalin....at alagaan....