At dahil mahal kita (Adlesirc)

Adlesirc's picture
| |

 

 

 

 

 

 

Hihintayin kita sa aking panaginip
Mahihimbing akong sa iyo'y nananabik
Pipikit akong ikaw pa rin ang nasa isip
Hahanapin kita sa aking panaginip

Kapag ikaw ay kapiling na
Walang sandaling sasayangin sinta
Bubuhayin natin ang mga mga ala-ala
At kung maari sanay hindi na magising pa

Sabay nating tatawirin ang bahaghari
Aakyatin mga ulap hanggang kumulimlim
Hawak-kamay na bibilangin ang mga bituin
Susungkitin natin ang buwan sa gabing taimtim

Babalik rin tayo sa ating tagpuan
Kung sa'n nagsimula ating pag-iibigan
Iuukit kong muli ang iyong pangalan
Sa puno na madalas nating sinasandalan

Kapag wala na tayong maisip gawin
Dadalhin naman kita sa ating hardin
Uupo ako sa tabi mo at sa langit ay titingin
Muling idadalangin na ako sana'y kunin Niya na rin.

 

 

 

 

 

 

 

***********

Adlesirc 09.03.2010


dollysbigbaby's picture

how bittersweet

Kapag ikaw ay kapiling na
Walang sandaling sasayangin sinta
Bubuhayin natin ang mga mga ala-ala
At kung maari sanay hindi na magising pa

uuuuuyyyyyyyy.... hehe, wala lang... umandar na naman ang kakulitan hihi

sa unang basa ay mala-love story ang tula mo. pero biglang sumagi sa isip ko ang mapait na kwento ng buhay mo.  may kinalaman kaya ito doon?

saya naman at sumulat ka uli. :D

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

Adlesirc's picture

may comment agad ah :)

ay, wala po itong kinalaman sa kwento ko nung nag EB tayo. nga pala, bakit nakabold yung sinta? hmmm

 

salamat sa pagbasa Jane :) have a good day ahead, take care.

 

 

 

 

adlesirctavas.blogspot.com

dollysbigbaby's picture

ahihi

SECRET!!!! Wink

 

nagpapanggap na abala,

jane

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

SSShh.. Secret lang natin

SSShh.. Secret lang natin toh

Sabay nating tatawirin ang bahaghari
Aakyatin mga ulap hanggang kumulimlim
Hawak-kamay na bibilangin ang mga bituin
Susungkitin natin ang buwan sa gabing taimtim

Babalik rin tayo sa ating tagpuan
Kung sa'n nagsimula ating pag-iibigan
Iuukit kong muli ang iyong pangalan
Sa puno na madalas nating sinasandalan

 

 

Ang Ganda naman.... Ganda talaga

Adlesirc's picture

Hi Cass

Salamat sa pagbasa :)

 

 

 

adlesirctavas.blogspot.com

Rom's picture

ang tragic naman nito...pero

ang tragic naman nito...pero maganda ang hagod na para kang dinadala at ipinaghehele sa panaginip para gisingin lang sa isang bangungot...

weh, galing! 

 

KarikaTuura

Adlesirc's picture

:)

hindi talaga tragic ang idea ko dito kuya, parang unrequited chorva lang kaso naging nung sinusulat ko na yung last stanza. hahha

 

 

thanks! 

adlesirctavas.blogspot.com

auau's picture

eto gusto kong part

Hihintayin kita sa aking panaginip
Mahihimbing akong sa iyo'y nananabik
Pipikit akong ikaw pa rin ang nasa isip

Hahanapin kita sa aking panaginip 

 

Muling idadalangin na ako sana'y kunin Niya na rin. 

--Ang lungkot! T___T 

 

"... dito lang ako
hanggang sa pagdaan mo."

http://tuwatula.blogspot.com/

Adlesirc's picture

salamat sa pagbasa

salamat sa pagbasa :)

 

 

 

adlesirctavas.blogspot.com

sinta isaac's picture

...anne

 

I love the ending. Kapag may chance, gusto ko sanang sagutin ang tula mong ito. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


Adlesirc's picture

Uy salamat sa pagdaan. Sana

Uy salamat sa pagdaan. Sana magka chance ka na, excited ako kung anong sagot sa tula na ito ang naiisip mo :)

 

 

Magandang gabi dilaw na rosas! 

 

adlesirctavas.blogspot.com

RJ Santos's picture

Aw... parang akong dinala sa

Aw... parang akong dinala sa langit at hinayaang mahulog pabalik sa lupa. :(

Adlesirc's picture

RJ!!!

ngayon lang kita ulit naramdaman. musta buhay buhay?

 

 

salamat sa pagdaan :)

 

 

 

adlesirctavas.blogspot.com

RJ Santos's picture

:D Patagong emo pa rin ako

:D Patagong emo pa rin ako haha!

sinta isaac's picture

...sagot sa tulang "at dahil mahal kita"

Dahil sa iyong pag-ibig

 

Irog, ngayong gabi ikaw sana'y humimbing

sa iyong panaginip ako'y iyong hanapin,

alam kong ika'y nananabik sa aking pagdating

sa loob ng iyong puso ako sana'y hintayin.

 

At sa sandaling tayong dalawa'y magkapiling

bagamat ito'y panaginip, iyo sanang damhin

ang nilumot na alaala ating muling buhayin

ngunit sa huli'y kailangan mo pa ding gumising.

 

Itatawid kita sa tulay ng mga ulap

patungo sa bahagharing ating pinapangarap

pilit nating papangalanan ang bawat bituin

at pagmamasdan kita sa ilalim ng buwan at dilim.

 

Ibabalik kita sa init ng aking mga bisig,

ang bisig kong kinakapitan mo ng mahigpit

Muli mong iuukit ang pag-ibig sa aking katawan,

dito sa loob ng ating mga puso ang ating tagpuan.

 

At sa sandali nang ating pananahimik,

ipakita mo sa akin ang mga rosas nang pag-ibig,

humimlay ka sa aking tabi at ang mata'y ipikit,

sa ganoong paraan lamang tayo maaaring magtalik...

 

dito sa sarili nating langit.

 

 

Sana'y maibigan mo ito, Anne. :)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


dollysbigbaby's picture

aaaaahhhhhhh....

naibigan ko sinta. salamat. ay kay anne pala ito... hihi. *wipe tear here*

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

RJ Santos's picture

Sinta, mahal kita, mahal na

Sinta, mahal kita, mahal na mahal. :D

Adlesirc's picture

:(

Nahiya naman ako Sinta, mas maganda pa yung gawa mo kesa sa tula ko. galing, galing! (clap! clap!) 

 

 

salamat salamat salamat! nagustuhan ko, pahiram ha, sama ko sa blog ko. 

 

 

sinta isaac's picture

...anne at jane

anne, hindi ko mabubuo 'yang tula na 'yan kung hindi dahil sa tula mo.

 

sige lang, isama mo lang sa blog mo, angkinin mo na para bang iyo. :)

 

 

Jane,

 

salamat salamat kapatid at nagustuhan mo. :)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


sinta isaac's picture

...Rj :)

 

Ikaw talaga...

:D

napipipi tuloy ako. 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


noelbarcelona's picture

Sakaling Hindi Tayo Magtagpo sa Ating mga Panaginip

Sakali mang hindi tayo magkatagpo

Sa ating mga panagimpan

Ay huwag malumbay ang iyong puso

Sapagkat pagdating ay nabalam lamang.

 

Huwag isiping ikaw'y nalimutan

Dahil hindi nakasipot sa ating tagpuan

Maaaring hindi pa kapanahunan

ng ating muling pagtitipanan.

 

At sakaling mapalitan, panaginip na matamis

ng isang bangungot na nakahihindik --

Sa iyong paggising ay huwag gumibik

Sapagkat mapapawi rin ng himalang halik.

 

Kaya nga sakaling hindi ako dumating

Sa panahong ang bituin ay mapanaginipin

Huwag malulumbay, huwag maninimdim

Sapagkat ang pagtatagpo'y sa puso natin... 

 

 

 

“Write in such a way as that you can be readily understood by both the young and the old, by men as well as women, even by children.” - The Great Uncle Ho (1890-1969)

 

Adlesirc's picture

wow

 

 maraming salamat po sa tulang ito sir/kuya noel. :) sama ko rin po ito sa blog ko ha? 

 

katulad ng sinabi ko kay Sinta, isang karangalan po ang sagutin ng mga kapwa ko makata ang tula ko.

 

adlesirctavas.blogspot.com

noelbarcelona's picture

sige po

Malaya po silang mailathala ang tulang ito. :)

 

“Write in such a way as that you can be readily understood by both the young and the old, by men as well as women, even by children.” - The Great Uncle Ho (1890-1969)

 

Adlesirc's picture

:)

 

 

 salamat po. magandang umaga!

 

adlesirctavas.blogspot.com

MORE!

I love your writing adlesirc!! I'm a fan.

Add mo ko sa blogroll mo: wwww.markotics.blogspot.com

Adlesirc's picture

   added! thanks for

 

 added! thanks for dropping by. still waiting for your short stories.

 

 

adlesirctavas.blogspot.com

noelbarcelona's picture

blog roll

Nailagay na rin kita sa kawing ko sa internet. sana ako rin. http://panitikanatbp.wordpress.com o para mas maikli: http://www.sigliwa2.tk

 

“Write in such a way as that you can be readily understood by both the young and the old, by men as well as women, even by children.” - The Great Uncle Ho (1890-1969)