at inistorbo ng RASP ang aking pagtae...
Tumatae ako noong una kong marinig ang tugtog na “wag kang maingay may naglalaba” ng Radio active Sago project—ang kulit ng kantang ito, sabi ko pano ba naman nasa kasarapan ako ng pag iri ng sa bandang huli ng kantang ito may paulit-ulit na lyrics na nasa 5 minuto ata ang haba akala ko tuloy nasira and plaka…teka CD ito a, sira kaya ang player? Tama ba ako ng dinig? Bakit paulit ulit yung huling lyrics nito? Baka naman sobrang iri ko umabot sa tenga ko yung hangin na dapat sana sa pwet ko lalabas kaya kakaiba na pandinig ko sa likod ng pintuan ng banyo?
Wala, tapos ko maghugas at mag flush ng banyo (naks di ko nakalimutan mag flush ha!) takbo agad ako para tingnan kung bakit nagkaganun, yun pla istayl lang yun ng bandang ito. Galing talaga ng Radio Active Sago Project, sila lang ang tanging banda na naka istorbo ng pagtae ko kasi yung ibang banda natatae ako pag pinakinggan ko e pero sila baligtad, naisitorbo nila ang “otherwise my most sacred ritual in life.” At habang inaamoy ko pa ang kamay ko (para alamin kung nakapag hugas ba ako ng maigi) inulit ko ulit ang pagpapa tugtog mula sa umpisa.
Bigay sa akin ito ng aking Significant other ngayong bertdey ko (singhot…singhot) kasi kung ako lang kahit piratang CD di naman ako makakabili e, at isa pa di ata pinag interesang kopyahin ng mga pirata and CD ng Radioactive Sago, wala ata bibili e kahit ibenta nila ng palugi.
Ang tindi ng instrumental na “Bad Motherfucker” nakakaiyak! Totoo yan ha walang istir, napapahid ako mg luha naalala ko yung mga araw kung pano ko pinipisa yung tumubong pigsa malapit sa pwet ko, naiiyak ako dahil hindi sa sakit kundi sa katangahan ko, sukat ba namang mapagdiskitahan kong pisain yung pigsa ko e wala naman akong bulak na hawak? e naka dungaw na yung nana Pano ako bibili sa tindahan ng nakalabas yung pisngi ng pwet ko? Naiyak ako alala ko pa…
Bukod sa Up Dharma Down, itong si Lourd De Veyra at ang banda niya ay isa sa mga Orihinal na pinoy na kahit di naman talagang Orihinal ang tugtugan ay masasabi na ding Orihinal, kasi hindi sila peke—Tama ba? Pero in pernes ulit gusto ko ang music nila, hindi namumutiktik ang mga lyrics nila ng salitang “puso” o “sinta”, at iba pang nakakapagtaeng salitang kadalasan mong madidinig sa kantang pinoy. Ang isa pang kinagustuhan ko sa album na ito (Urban Gulaman) ay hindi mo ito pwedeng Makita sa mga videoke, Sus! Malaking bagay sa akin yun kasi hindi ko maririnig ang kanta nila na kinakanta ng bwisit naming kapitbahay na may “corrugated” na dila habang may full blast na volume.
Sana balang araw kunin ng Immodium and bandang ito bilang endorser nila magaling silang Loperamide e. Pero nag iisip din ako tapos pakinggan ito, di kaya si Lourd De Veyra e di talaga marunong kumanta? Katulad lang siya ng ibang mga rapper dyan na itinatago lang sa “genre” ng tugtugan nila at sa “style” ng music nila ang kakulangan niya sa pag lapat ng tono? Kasi di ko alam kung kanta nga ba ang kinakanta ni Lourd e, mukhang tula, pero di naman rap, mukhang kanta pero mukha namang tula—magulo! Naisip ko tuloy mabuti pa si Ely Buendia kahit pangit ang boses at boses lata ng sardinas kumakanta naman talaga, si Lourd di mo tuloy mapuri pag ininterview ka ni Lar Santiago sa showbiz happening pwede mo kaya sabihing “ang galing-galing niya kumanta…ay tumula pla…ay mag rap?
Galing talaga! Wag ko lang sanang maririnig sa katulong ng kapitbahay namin na kinakanta yung “Astro Cigarrette” okey na ako. Teka magsabon muna ako kamay.
ayos, hindi ako inantok.
ayos,
hindi ako inantok. Masaya ang pagkaka-narrate. Okay 'to.
Ang paborito kong banda eh parokya ni edgar. Ang ganda ng mga kanta nila. Astig. Kahit yung iba eh parang kantang kalye maganda pa rin.
Favorite ko dun yung "halaga", "Mang Jose", "your song", ano pa ba?... saka "This guy is inlove with you pare". Pinakapaborito ko sa lahat yung "ordertaker" lalo na kapag nasa fighting mood ako.
maganda din yung "Harana" kakakilig. saka okay din yung "okatokat".
Gusto ko din yung kamikazee. YUng "chicksilog" na kanta nila saka "martyr nievera".
Kapag foreign naman, simple plan. Lahat kasi ng mga kanta nila, may meaning saka nakaka-relate yung mga kabataan. Maganda yung tono at boses. Hindi lang basta naging kanta.
Saka new found Glory na banda. Ayos din yun. Yung nag-revive ng "My heart will go on" na rock. Madami silang na-revive na old songs eh. Pero pinaka gusto ko yung "iris" na version nila.
Saka secondhand serenade. Gusto ko yung "fall for you" and "it's not over". Punung-puno ng emosyon ang mga kanta.
nag-enjoy ako sa pagbabasa.
<(='.'=)>
sayang nga e...
sayang nga lang nawawala na ang album ko ng Radio Active Sago Project, malamang na misplaced ko lang matapos naming maglipat ng bahay, miss ko na sya pakinggan habang nasa banyo ako...
ayos din naman yung ibang bandang pinoy kaya nga lang bihira sa kanila ang lumabas sa kinasasadlakan nilang "genre" playing safe kumbaga--natatakot na baka di sila tanggapin ng mga fans nila kung sakaling mag iba sila ng landas ng buhay.
pero wag naman sana katulad ni Avril Lavigne na mula sa pagiging "rebel child" ay naging mala-Britney Spears na may pa cheerleader effect pa.
maganda ang mahiligan ang music kahit na anong porma at uri, nakakapag pataas ng moral at emosyon minsan nakakapag bigay konswelo sa gitna ng hirap ng buhay, pero minsan nakakaubos din ng baryang limang piso kakahulog sa videoke sa karinderya ng kapit bahay mo.
kayo ba? anong uri ng music ang buhay nyo?
rom
D:
You wrote this? Strange... how so strange... hmmm...
何だか馬鹿にされた感じがする。 私の優しさのせいだか何だか知らないけど。。。 傷つくな~ 酷いよ。。。 ひどすぎる。。。
T________T
Sabi ni Sir Samson na paki translate daw ang unang paragraph nito:
Tumatae ako noong una kong marinig ang tugtog na “wag kang maingay may naglalaba” ng Radio active Sago project—ang kulit ng kantang ito, sabi ko pano ba naman nasa kasarapan ako ng pag iri ng sa bandang huli ng kantang ito may paulit-ulit na lyrics na nasa 5 minuto ata ang haba akala ko tuloy nasira and plaka…teka CD ito a, sira kaya ang player? Tama ba ako ng dinig? Bakit paulit ulit yung huling lyrics nito? Baka naman sobrang iri ko umabot sa tenga ko yung hangin na dapat sana sa pwet ko lalabas kaya kakaiba na pandinig ko sa likod ng pintuan ng banyo?
Translate daw sa English. Binigay daw ito sa kanya ang comment sa story niya sa, "The Hungry Robbers." Kasi daw hindi niya alam kung ano ibig sabihin nito. Sababa ko na paste.
'Tumatae ako noong una kong marinig ang tugtog na “wag kang maingay may naglalaba” ng Radio active Sago project—ang kulit ng kantang ito, sabi ko pano ba naman nasa kasarapan ako ng pag iri ng sa bandang huli ng kantang ito may paulit-ulit na lyrics na nasa 5 minuto ata ang haba akala ko tuloy nasira and plaka…teka CD ito a, sira kaya ang player? Tama ba ako ng dinig? Bakit paulit ulit yung huling lyrics nito? Baka naman sobrang iri ko umabot sa tenga ko yung hangin na dapat sana sa pwet ko lalabas kaya kakaiba na pandinig ko sa likod ng pintuan ng banyo?'
Translation:
"I was defecating when I heard the lyrics, 'don't be noisy, someone's washing (the clothes).' by Radio Active Sago Project. It's an irritating song. Who wouldn't be irritated when it's so long, and the chorus repeats over and over for 5 minutes? It's so long I thought the radio is broken. Wait, it's a CD right? Maybe the player is broken? Am I hearing it right? Why is the last lyrics repeating over and over? Maybe it's because I'm constipating so bad, that the air that's supposed to come out from my ass, went through my ears, that's why I keep hearing it wrong."
------------------
Whoever gave you that comment, is down right rude. On behalf of that jackass, I'm very, very sorry. Please forgive him.
-Pmel
what's so strange?
Hi Pmel,
what's so strange? who is sir samson? who gave him this piece as a comment? what is hungry robbers? as far as i know i didn't do anything except posting this shit a long time ago, and revived because somebody commented on it. and why the translation?
maybe i'm hearing it wrong again but if that piece of shit above sounds strange to you well, the world is really strange, people are too. hearing RASP's music is strange enough you should try it too.
okay ang ska (di ako sure
okay ang ska (di ako sure kung mostly ska nga ang tugtugan nila), and yung radio active eh magaling talaga. naintriga naman ako sa track na pinapakinggan mo habang (ehem) busy ka.. haha!!!
nice entry. ^_^
PUT3SKA!
wala ata definitive label ang music ng RASP ska na rap na poetry na rock! pero magandang innovation sa evolution ng pinoy music. isa pang banda na nagustuhan ko yung kay Myra Ruaro the defunct Put3ska noong 90's kaso in an unfortunate turn of events nag disband sila di man lang ako naka bili ng album nila ngayon wala na ako mahanap.
Maraming magaling na banda noong simula ng dekada 90 kasi that time ang resurgence ng mga battle of the bands kaya naengganyo ang mga kabataan na magtayo ng banda kabilang na ang eraseheads, yano, tame the tikbalang, tsaka mga individuals like Binky Lampano, Jack Sikat at Karl Roy. Kabilang na din ang mga sinasabi nilang konyo (pero magaling din naman) na wolfgang at razorback.
naghahanap ako ngayon ng mga lumang album ng WUDS kaya kung sinoman dyan ang may koleksyon ng mga lumang album nila please! pakopya hehe...






Whahahah!!
Nakakatawa ang entry na ito, kahit dugyot ang pagkakalarawan nakakatawa pa rin!! Ayos ang ginamit na review sa mga kanta o banda nakakatawa talaga.
Ang music talaga ay napaka diverse- ewan ko ba masyado rin kasi akong nahilig sa music eh!! Pero all time favorite ko ang mga kanta ng eraserhead, classic na classic, yun tipong kahit lumipas ang mahabang panahon mananatili at mananatili pa rin sa mga tagapakinig. Sila ang beatles ng Pilipinas. Sad to say wala ako nung reunion concert nila, pero tyak ang gandang comeback yun. Best regards kay Ely sana gumaling na sya!
Alam nyo bang ang Ultra Electromagnetic top album ng eraserhead ay nakakuha ng Diamond Award when it comes to album sales. Sila ang pangalawang artist na nakuha nito (una si Jose Mari Chan). Galing!! Pero among sa mga kanta nila ang gusto ko ay PARE KO at TOYANG...
SPIKE