At lumubog ang araw sa kanto ng Tramo (isang maikling kwento)

Rom's picture
| |
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 11: 55 ng gabi.

Maingay ang tila hindi marunong matulog na Lungsod ng Pasay. Paroo’t parito pa rin ang mga taong kanina pa walang sawa sa paglalakad at paghahanap ng kung anu-anong wala naman doon. Nagkalat ang tambak na basura sa bawat gilid ng kalye, habang nagpipiyesta naman ang mga asong nakatagpo ng nakalkal nila sa pakikipaghabulan sa nakiagaw na mga langaw, daga at pusa.

Ganito ang nakasusulasok na lungsod na ito, mapag-ampon sa dumi at latak ng lipunan, kumakalinga sa mga ligaw na kaluluwa sa dilim ng gabi. Walang pinagkaiba ang araw at gabi dito, maliban sa dilim at liwanag. Ang mga pader ng establisimientong niluma na ng patung-patong na larawan ng mga mukha ng pulitiko. Ang tanda ng ilampung taong pagnenegosyo ng mga tsinong dito na rin nanirahan. Mga pamilyang may mga aliping probinsyano na kitang-kita sa pagmumukha ang kakulangan sa pagkain at sweldo ang naglipana sa pang-araw at panggabing komersyo.

Sa araw ay tambakan ang mga kalsada nito ng di-makausad na bulok na mga sasakyan na bahagya mo na lamang maaninag dahil sa kapal ng usok at alikabok.  Ang nakabibinging businahan at murahan ng mga drayber at pulis. Ang agawan ng cellphone at bag, Ang tutukan ng balisong at lokohan sa timbangan, Ang lantarang tulakan at kalakaran ng shabu, at ang malawakang tayaan sa hweteng. Ang bugbugan ng mga lumpen. Ang mga pulubi at pusakal, lahat sama-sama.

Ang gabing ito rin ang paraiso ng mga bugaw, Puta at bakla, Ito ang oras ng pamamayagpag nila--hanap-buhay. Nanay na kara-karay ang anim na taong gulang na anak at inihahanap ng parokyano, bakla na nagdamit babae at nagtatago sa dilim, mga batang nagtitinda ng yosi at sampagita—sabay alok ng “sir, gusto mo ng babae? Mura lang...” “Hi, Pogi, ‘lika pang-kape lang...”

Gabi hanggang madaling araw rin ang orbit ng mga mas puta pa sa mga puta—ang mga pulis. Sila lang ang may sasakyan na pwedeng tumakbo ng dahan-dahan upang sipatin ang bawat kanto ng kalye. Ganitong oras din sila pwedeng pumarada lamang sa tabi habang may lalapit na runner upang maghulog ng balumbon ng pera sa nakabukas na bintana ng mobil nila. Kahit ang mga lamayan sa patay na may sugal ay di nakakaligtas sa kanila. Ganitong oras din sila umiiskor ng bato at nangungursunada ng mahuhulidap nila. Unipormadong magnanakaw.

 

 

 

12:32 ng tanghaling tapat.

Walang direksyon ang lakad niya, ni walang pumapansin sa kanya, maliban na lamang kung napalapit na siya sa isang nilalang na mapapagsino lang siya dahil sa baho at dumi niya. Kalkal...kalkal...basura, kanal, dura, sipon, tae. Maswerte pa ang aso marunong umamoy ng basurang may pagkain, kaya minsan nauunahan siya. Mailap ang mata niya, minsan may sinisipat sa kalayuan, minsan naman yuyukod sa pagdaan ng sasakyan sa harapan. Sa kainitan ng araw sa tapat ng detachment at sa kabilang kalye lamang ng Taft Avenue, malapit sa Aglipayan Church ang tambayan niya. Habang ang lahat ay abala, siya naman ay bubulong-bulong lamang na mag-isa, ngingiti habang naghihinguto.

“kuya, pengeng piso lang, sige na...”

“kuya pang-kain lang..akin na lang yang siopao mo...”

“Tang-ina umalis ka nga dyan! Sipain kita e”.

“Manang ano ba ito? Tang-ina kumakain ako e...”

“hoy! Kayong mga hindot kayo, umalis nga kayo dyan!”

“malas kayo sa negosyo ko e! Asan bang mga magulang nyo?”

“putang-ina nyo! Andamot  nyo!”

sabay karipas ng takbo ang tatlong gusgusing magkakapatid. Hindi pala nakakapagtaka kung bakit ang mga batang pulubi ay may malalaking kamiseta. Hindi siguro dahil wala silang maisuot na iba, kundi para maitago ang mga kamay nilang may hawak na solvent habang sinisinghot ito. Mas masarap ito kaysa sa pagkain, mas mura din ito kaysa ulam at kanin. Dito hindi lang gutom ang nawawala at nalilimot maging ang panggugulpi ng nanay at pangagahasa ni tatay nalilimutan din. Tumawid sila ng kalye sa harap ng simbahan ng Aglipay upang usyosohin ang taong-grasang kanina pa nagmamasid lang na may mga matang gutom at puyat.

“mare, bakit ba dito pa tumambay yan? Abay malas sa negosyo yan e.”

Aba, ewan ko dun ko madalas Makita sa kanto ng Tramo yan e bakit nandito?”

“wala tuloy kumakain sa  gotohan ko...”

“paalisin mo kasi!”

“gaga, e kung magwala yan? Mamaya manakit yan e...”

 

 

5:26 ng hapon.

 Uwian na ng mga nagtatrabaho sa pabrika, sa opisina at sa eskwela. Unti-unti nang nabubuhay ang mga ilaw ng mga bahay-aliw. Ang mga puta, sariwa na ang mga kolorete sa mukha. Maaga magbukas ang ilang bahay-aliw sa Pasay lalo pa’t magpapasko—para makarami ng parokyano siguro. At dahil sabay din ito sa pag uwi ng mga empleyado, madalas daan muna dito ang mga bagong sweldo para makapag banlaw muna ng ilang bote at makahimas sa suso.

Nagmamadali din si Chief, may convention ang NAPOLCOM sa Philippine Plaza hotel. Trapik, di umuubra ang busina at wang-wang niya, pati ang pagmumura ng mga bodyguard niya sa kotseng pula na kinalululanan nila. Kinakailangan pang maglabas ng baril sa bintana ng mga amuyong niya para mapansin ng ilang driver upang katakutan at bigyan sila ng daan.

Kanto ng Tramo at Libertad St. Isang likong kanan na lang at palabas na ng Harisson natrapik pa...hinto...antay...init...ingay.

... 

Tatlong umaalingawngaw na putok ng baril ang pumailanlang, mula sa harapan ng kotseng pula. Apat mula sa tagiliran sa kanan, dalawa sa likuran. Sumaliw sa usok ng sasakyan ang usok ng pulbura. Bahagyang nalunod ang putok sa ingay ng paligid. Huminto ang marami, takbuhan ang mga vendor ng yosi, nadapa ang batang nag-uusyoso—nagulantang ang lahat.

Ang kaninang nagmamadaling maglakad na taong-grasa ay may tangan-tangang supot. Kakaiba ang kilos niya, mahahaba ang hakbang sa maiilap na mata, halos tatlong minuto lamang narating sa nagmamadaling lakad-takbo ang Taft Avenue hanggang kanto ng Tramo.

Nagkalat ang utak sa basag na windshield. Hawak pa sa kamay ang binunot na 9mm, ni hindi man lang naiputok. Bukas ang pintuan sa gawi ng driver. Lungayngay ito duguan walang buhay habang nakanganga pa ang bibig. Sa likuran naman ang Chief. Namatay sa kanyang natural na posisyon—parang natutulog lang sa pagkakaupo, habang tigmak ng dugo ang nakayukayok niyang sintido at umaagos, pumapatak ang malapot na dugong may kasama pang utak sa malaki niyang tiyan.

Nagulat ang lahat, hindi dahil sa patayan—sanay na ang mga taga Pasay dito, kundi sa eksenang nagsasalita ang taong-grasa sa harapan ng mga usyusero’t usyusera. Mistulang pari sa gusgusing abito ang kanilang nasasaksihan.

“Si Police Chief Medardo Castillo ay may utang na dugo sa sambayanan, at ang inyong nasaksihan ay ang kanyang pagbabayad-utang sa kanyang mga kasalanan, kasama ang kanyang mga galamay. Pinaka tampok dito ay ang pagdukot, pangagahasa at pagpatay sa ilang obrerong nagwewelga sa Republic Cooking Oil. Mangyari lamang po na bumalik kayo sa inyong mga ginagawa  at hayaang maihain ang tuluyan ang hustisyang-bayan.”

Namangha ang lahat, di sila sanay na may Taong-grasang nagsasalita ng matatas at may mala-rebolusyunaryong kaisipan, habang  tangan ang baril sa kanang kamay nito. Ang dalawa nitong kasama ay  abalang namumudmod ng polyetong naglalaman ng pagkundena sa nasabing opisyal.

“Mabuhay ang Bagong Hukbong bayan! Mabuhay ang ABB!”

Parang kidlat sa bilis sa kasagsagan ng bagyong naglaho ang tatlong kaluluwa, sa naiwang bakas na duguan at amoy pulbura, sa mataong sulok ng Tramo at Libertad, sa maingay at maalinsangang lungsod, sa kalyeng tigmak ng maitim-pulang dugo, sa mga basyo ng bala at basag na bungo.

Dito sa Tramo lumubog ang araw ng dapit-hapong iyon.

 

END 

 

 

 

 

Rom

para kay neneng, na nagbihis taong-grasa upang maikahon lamang ang isang "object" at malapatan ng karampatang parusa.


Sangkalupaan's picture

wow pare

wow pare astig!!!!

ang galing, wala 'ko masabi. para akong nagbabasa ng katha ni perez.

Galing mo.

Rom's picture

thanks!

 

 salamat bro sa appreciation. andami kong natutunan sa site na ito kababasa sa gawa ng iba. ngayon ang kailangan na lang ilabas ang mga natatagong karanasan sa pamamagitan ng pagbabahagi at pagsusulat

salamat muli! 

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

dyeppri's picture

nakikibasa lang po!

Magaling ang pagkakaareglo kuya Rom nito-- laki na talaga ng ikinaunlad mo sa pagsusulat. Kaya nga kapag nakita ko na gawa mo ito hinding-hindi ko maaaring hindi basahin.tnx. keep on posting.Cool (PS> laking pasay ka ba kuya? Batang kartimar kasi ako sa pasay eh, 'yan ng tambayan ko noong hindi pa uso ang malls na gaya ng Asia Mall at Trainoma. tnx)

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

Rom's picture

uy dyepp!

 

salamat dyepp isa ka sa mga impluwensya ko e. isa ka sa mga magaling maghabi ng prosa sa site na ito na kinapupulutan at ninanakawan ko ng konti hehe...welcome back pala.

isang malaking bagay din ang  honest criticism na ginawa mo sa unang nobela ko na hanggang ngayon ay di pa tapos.

salamat! 

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

dyeppri's picture

kuya...

Kuya sa nilalaman at paglalarawan ay swak na talaga ito ngunit may nakikita pa akong hindi angkop na pag-uugnay ng mga salita (para sa akin po)...halimbawa ay  

"Nagkalat ang tambak ng basura sa bawat tabi ng kalye, habang nagpipiyesta naman ang mga asong nakatagpo ng makakalkal nila sa pakikipaghabulan sa nakikiagaw na mga langaw, daga at pusa. "

na ganito "ata" dapat:

Nagkalat ang tambak na basura sa bawat tabi ng kalye, habang nagpipiyesta naman ang mga asong nakatagpo ng nakalkal nila sa pakikipaghabulan sa nakiagaw na mga langaw, daga at pusa.

yung iba next time na lang kasi nasa work pa po ako.nakikinakaw lang ako ng oras dito.sisiyasatin ko ulit at pag-iisipan ito.tnx

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

Rom's picture

salamat dyepp

 

yan ang gusto ko sa iyo e mapanuri ka hindi lang sa content kahit sa structure at grammar din. salamat at aayusin ko pa.

kanina umaga ko lang lahat ginawa ito e hehe, although matagal ng nakabitin sa utak ko ang istoryang yan kanina lang lumapat sa keyboard ang dulo ng dliri ko para tipahin ang kwentong yan.

salamat! 

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

Rom's picture

oo naman

 

  sa Pasay ako ipinanganak at tinubuan ng tahid. sa cartimar din ako naglalagi sa karinderya ni aling Poleng dun kami madalas kumain ng fried rice na naglalata sa toyo at vetsin. dun din kami lagi mapa rambol sa mga punkista hanggang dernham park.

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

j luna's picture

Oks.

Napakita ng maayos ang necessity at najustify ang armed struggle. Maganda ang pagkakagamit ng Social Realism.No holds barred, straight to the point at hindi na kailangan ng mga dibuho.Angkop din ang wikang ginamit.

Panalo. Wasak.

Naalala ko tuloy yung kinukuwento sakin ni kuya Bob ng The Wuds, tungkol sa isang kilala niya na nasa UG. Minsan daw Transvestite, minsan estudyante at madalas daw taong grasa.

Rom's picture

  salamat bro! base kay

 

salamat bro!

base kay neneng yan isang kasama na nagtanggal pa ng pustiso magmukhang taong grasa lang, yung dalawang kasama niya nagtitinda ng fishball at sweepstakes (yup may sweepstakes pa noon) makalapit lang kay Col. C at nang maikahon. kaya lang sila ang namatay sa engkwentro, hindi nila napatay si Col. C. malaking pagkakamali kasi ang nangyari.

salamat muli! 

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

kislapalitaptap's picture

may nabasa akong...

rom , andaming papuri ah...oo, papuri lang muna yung binasa ko. kopyahin ko muna tapos sa bahay ko na lang basahin. teka, bakit may nadaanan akong ABB, BHB at NAPOLCOM? Mukang wala na talagang taguan ng pagkatao! Yan ang manunulat! May pinapanigan! at di ka nagkamali sa pagpili kung saaan ka papanig. May Tapang ka rin at higit sa lahat: Hindi takot sa mga military Intellegence. Hahahaha!

sabi nga: To write not for the People is NOTHING!

 

Kislap Alitaptap

Rom's picture

  e ano pa ba ang

 

e ano pa ba ang ikinakatakot ko? ako nga nagsusulat lang samantalang yung ibang kasama diyan humaharap sa bala. yung iba kong kasama tinortyur na pina rape pa sa german sheperd, tapos ako magsusulat lang matatakot pa?

naalala ko lang bigla si kasamang B. Matapos ang panonood naming ng play na sinulat niya ang BASE MILITAR - PATALSIKIN  sa St. Scholastic's College biglang may pumaradang owner type jeep sa gate nagpaputok at sumigaw pa ng "ISAFP ito, walang makikialam!" sabay hila kay B. naiwan kaming nakatulala. ayun di na nakita si B.

salamat sa pagbabasa! at salamat nga pala bok sa kritisismo mo malaking tulong yun sa gawa ko.

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

kislapalitaptap's picture

Rom, sino ba si B?

Bok, sino ba si B? baka naman kilala ko siya. hehehe! oo nga, dapat tayong mga manunulat ay walang kinakatakutan. dahil tayong mga manunulat ay may malaking pananagutan sa sambayanan na nagbigay sa atin ng mga kataga. kaya nararapat lamang na ibalik natin ito sa kanila...para sa kanilang kagalingan.  

ngapala, dun sa likha mo tungkol sa operation ng ABB, tingin ko mas maganda kung dun sa Orbit ay palitan mo ito ng salitang... Ruta o di kaya padron

orbit kasi diba yun yung ruta o padron ng mundo sa pag-ikot nito sa araw. nakuha ko ba? tagal na akong walang pagsusulit sa agham eh. 

walang anuman...sino pa nga ba ang magtutulungan kundi tayo lang naman. tayong mga manunulat na nagigising sa madaling araw.

 

Kislap Alitaptap

Rom's picture

orbit

 

si B? wag na natin ilantad dito hehe, manunulat siya dati e, pati ang asawa niya kaya wag na natin sabihin dito para mapangalagaan din naman ang mga naiwan niya.

Orbit kasi ang ginagamit na term ng mga lumpen pag nakikita nilang gumagala-gala na naman ang mga pulis-pasay at naghahanap ng dilihensya, kaya yun na din ang ginamit ko. "umoorbit na naman si kapitan!" 

nga pala naging biktima din ako ng orbit sa pasay, kasalukuyang nag oorbit ang mga pulis ng palabas ako ng eskinita namin. di ko alam may nakaabang na pala sa kanto, hinatak ako bigla siniyasat nila ang mahabang buhok ko-- baka may shabu daw akong itinatago. sabi ko "e bakit di ninyo i-search yung mga babae? mahaba din naman ang mga buhok nila a?" naasaar at nainsulto, buti pinakawalan ako.

salamat bok sa pagbasa 

 

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

j luna's picture

Tama...

Yan ang maganda sa paggamit ng epektibo ng social realism.

HAlimbawa, magbasa ka ng gawa ni Ma'am Matute at nung mga oldskool at ikumpara sa linggwahe ng mga manunulat tulad ni Jun Cruz Reyez at Edgardo Reyes.

Di ba kung makaluma o kaya ay pormal na tagalog ang iyong gagamitin, nawawala ang character at ang makakatutuhanang pag-portray sa katha.

Siguro sa mga props mas magandang gamitin imbis na panginoong may lupa ay gamitin na lang ang mga suwapang na mayaman na may ari ng lupa. Di ba?See the difference? ano ang mas maiintindihan ng lumpen at ng mga masa?

Parang ano lang yan e: Nagpatakbo ako ng item sa tropa. Sulit, may panggamit na may pambenta pa..

Kung lumpen at masa ang pinoportray, dapat alam gamitn ng manunulat ang wika nila.

Pagnagbasa ka ng oldskool na fiction, pati ang mga pinutang babae ay patalumpati magsalita. Nasan ang social realism dun?

Astig...Parang lenggwahe ng Trainspotting.

Rom's picture

onga

 

mas makatotohanan kasi ang gawa kung lenggwaheng naaayon sa panahon ang gamit. yun ngang paggamit ng "inay" at "itay" sa pelikulang pilipino napaka obsolete na e. wala pa ako na encounter na bata o pamilya na ang tawagan hanggang ngayon ay "inay" at "itay" karaniwan tatay o nanay na o mama at papa o daddy at mommy. 

karaniwan din ang laging may kasamang mura kung mag-usap ang mga taga kalye. "tangna mo 'pre galing mo a!" "gagong to, hindot ka!" biruan pa lang yan. kumpara sa Put________mo! bakit mo pa isusulat kung self-cencorship rin lang ang gagawin mo?

kung nais nating maintindihan sa ginagawa natin dapat magsulat tayo ng malapit sa puso ng target audience natin--ang masa. 

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

spike_west's picture

Ayos to ah!!

Talagang nanalaytay sa iyo ang dugo ng isang aktibista,at taong mulat sa mga nakakadiring sakit ng lipunan. Paglalarawan ng mga pang-araw araw na nangyayari sa buhay nating mga Pilipino.

Marami na rin akong nabasang mga ganyang uri ng akda, at masasabi ko na talagang may malalim kang hinaghuhugutan ng kwento mo. Hindi lamang ito pagkukuwento ng mga problema ng lipunan kundi pati na rin ang ugat at sanhi ng mga problemang ito.

Hindi ko alam kung totoong nangyari ang huling bahagi ng kwento pero alam kong nasaksihan mo ang mga bagay na ito kaya malaki ang posebilidad na totoo ito.

Basta Bro, Astig ito!!

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

spike,

 

 salamat spike sa appreciation. base nga siya sa tunay na pangyayari pero kailangang ibahin ang pangalan ng mga berdugo dahil alam mo na. marami pang ganitong uri ng kwento sa umiikot sa mundo ng mga tibak. kahit ang pagkamatay ni Major Pring at ni Rey De La cruz yung manager ng mga boldstar noon. minsan ikukwento ko dito.

salamat muli! 

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

j luna's picture

Let us Pray

Lord, Higher Powers, Hare Krishna, Jah Irie Rastafari, Jesus, Buddha...

Nawa'y mamatay na si Jovito Palparan.

Amen

Rom's picture

!!!

 

  amen!

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

meanmissy's picture

sabi ko sa iyo e...

i told you so...gawang pang compilation na itong gawa mo..hindi bias ang sinabi ko ah...totoo yun Wink

 

am proud of you now and always!

 

 

for business opportunities, please visit

http://tinymall.blogspot.com/ 

http://www.technoconvergingzone.com/

 

Rom's picture

sige na nga

 

 hehe..oo na sige di ka bias

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

Adlesirc's picture

astig!

true to life. wow. galing.

 

good day kuya!=)

Rom's picture

Hi Anne

 

 salamat sa appreciation at pagbabasa

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

spike_west's picture

Sabi na nga ba true to life

Alam mo sa isang manunulat, mas madaling nakukuha ng mamabasa ang gusto nyang ipahiwatig kung sakaling totoong nangyari ito sa kanyang buhay.

Naniniwala ako na kung tungkol sa buhay mo ang isinulat mo hindi ka magkakamali. Rom, nakuha ko ang emosyon mo noong mga panahon na yun, alam ko rin ang sentimyento mo ngayon. Kaya siguro maganda ang pagkakasulat kasi may bahagi ito ng buhay mo.

Siguro medyo nawala lang yung emosyon ko nung nakita ko yung picture, kasi kamukha ni Lou Veloso, hahahah!! 

Ingat uli, patuloy kapang magsulat ng mga wasak at astig na sulatin. Ako matagal na muna akong nagpapahinga ng mga sulating pultikal, kaya puro kalokohan muna ang inaatupag ko. Hayaan mo nabuhay nyo uli ang aking dugong aktibista. SUGOD

Bro ano ba ang theme para sa Compilation natin?(teka kasama nga ba ako talaga dyan??hehehe)

Ingat

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

ikaw pa!

 

 

si Lou veloso talaga yan galing sa play na TAONG GRASA directed and written by Anton Juan. kung mabasa mo yung pagkakasulat ng play maganda din bro.

 

syempre naman ikaw pa mawawala sa compilation? e di parang sinigang yun na walang asim hehe syenpre kasama ka at lahat sana kasama kung maaari.

 

 

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

spike_west's picture

Nice gumaganun ka!!

Ahh, kaya pala, eh kasi ang naiiwan kasing imahe ni Lou Veloso sa akin eh komedyante kaya naman natawa tuloy ako. Pero alam kong seryoso syang aktor.

Nice kasama pala ako sa sinigang na niluluto nyo. Excited na excited talaga ako sa book compilation natin. At bibili ako marami para siguradong may benta.

Ang huli kong napanood na stage play eh yung buhay ni Gregorio del Pilar, project kasi namin yun sa Filipino kaya ako nakapanood ng ganyan. Meron akong indie film na gustong panoorin ngayon ito yung "BOSES" BAKAL BOYS" saka "IMBURNAL" (yun nga ba title nun), "yung may kwento, mostly kasi ngayon medyo PINK MOVIES na eh.

Medyo napanood ko lately yung KARNAL ni Lino Brocka, GRABE ang galing!! Pati yung CAIN at ABEL, medyo action at pulitikal din.

Ingat bro

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

j luna's picture

Wasak!

Ngayon ko lang napansin na magkamukha si Lou Veloso at Charles Manson sa album cover niya. Hahahaha. Oo nga no. Hahaha. Wasak pare.

Order ka ng DVD ni Kidlat Tahimik, nagbebenta kami sa store. Salamat sa .MOV

spike_west's picture

Eh di ba

 Eh di ba si Charles Manson eh yung Avatar ni ROM, teka magkamukha ba sila?uhmmm, oo nga ano!hahahahha

Hayaan mo paguwi ko daan ako sa store nyo sigurado yun!! 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

si Kidlat

 

uy bro interesado ako dyan sa DVD ni Kidlat Tahimik magkano ba? dati nakakahiram ako ng mga short film sa Mowelfund mga gawa pa nila Robert Quebral, fruto Corre at Roxlee. kasama ko dati sila sa Animagination. galing nun a koleksyon na yan.

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

j luna's picture

Sorry, wala sa akin ang price list.

Pasensiya na po.

Paki-email na lang si Dan.

Yung mga stuff namin from .MOV ay:

Perfumed Nightmare etc. ni Kidlat Tahimik.

Tsaka yung graphic novel ni Roxlee, Cesar Asar in The Planet of The Noses.

Mayron din kaming album ni Lav Diaz.

Salamat.

RJ Santos's picture

Kuya Rom, nagandahan po ako

Kuya Rom, nagandahan po ako sa kwentong ito, pero hindi ako sang-ayon sa "vigilanteism". Marahil siguro kasi "bata" pa ako. Sa 'kin, masgusto ko pa rin na matupad ang rule of law kahit na 'yung ilan sa mga nasa "itaas" ay binabali ito. 'Tsaka konti lang pong mga pagpansin:

Maingay ang tila hindi marunong matulog na Lunsod ng Pasay... Ganito ang naksusulasok na lunsod na ito... - Lungsod

Ganito ang naksusulasok na lunsod na ito... - Nakasusulasok

Ang mga pader ng establisyimentong niluma... - Establisimyentong

Di ba artista yang nasa picture? :D Di ko matandaan yung pangalan eh...

RJ :D


* * *

Stories and Poetry by RJ Santos

Rom's picture

Hi RJ

 

salamat RJ sa pagbabasa. Isa lang ang kwentong yan sa pagsasalarawan ng tunay na mukha ng buhay. ayaw man natin o gusto nagaganap talaga. ang role talaga ng manunulat ay maghayag may sumang-ayon man o hindi ang mahalaga magpahayag.

salamat sa  pag korek hehe, dapat talaga may editor ang manunulat. salamat.

oo nga si Lou Veloso yan gumanap siya noon sa papel na Taong Grasa sa isang dula na sinulat at dinirehe ni Anton Juan. nanalo ng Palanca award ang dula na iyon.

salamat sa pagbasa. 

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

j luna's picture

Si Lou Veloso.

'Di lang artista kundi magaling na artista ng teatro at pelikula.

noelablon's picture

Inspiring po ang inyong istorya!

Ako po ay bago lang dito. At natutuwa ako dahil marami palang freelance writers sa atin kahit papaano. Dahil sa writing ay di basta-basta kikita ang isang tao maliban na lang kung siya ay talagang sumikat na.

Maka-ilang istorya na rin ang nabasa ko since sumali ako. Actually mga 20 minutes pa lang ako dito.

Ang dahilan kung bakit nandito ako ay meron din akong aspirations na maging isang manunulat. Meron na akong mga nasulat pero hindi ko ito matapos pagkat sa dami ng ideas ay humahaba ang kwento.

Ang tanging nalilito lang ako sa sarili ko ay kung saang wika ko isusulat ang mga kwentong naisip ko. May nagawa na ako sa wikang ingles at gayun din sa tagalog.

Sa wikang tagalog, ang mahirap ay hindi ko magawang maganda ang dating ng kwento kung di ako gagamit ng mga malalalim na tagalog gaya ng mga nagamit mo sa sulat mong ito. Sa English naman ay hindi naman ako mahusay lalo sa grammars.

So far ang napipisil kong kwento ay mga fantasy stories. Sa tingin ko ay patuloy pa akong mai-inspire sa mga darating mo pang mga kathang-isip. Ipagpatuloy ang magandang nasimulan. Laughing

Rom's picture

Hi Noel

 

 una, welcome sa site na ito sana mahanap mo ang gusto mo dito.

salamat din sa pagbasa sa gawa ko. nasa yugto ka ng pagsisimula kaya dapat talagang pumili ng epektibong medium na paglalagyan mo ng mga idea mo--at yan ang wikang gagamitin mo. mas mabuti kung sa wikang karaniwang ginagamit ng masa ang pipiliin mo (payo ko lamang ito) kasi mas malapit ito sa puso mo at madali ang pagpapahayag mo dito ng damdamin. madali ka rin makakapagbahagi ng iniisip, less ang hindrance.

sa pagdaan ng panahon pwede ka nang pumili o kaya naman magdagdag ng wika na komportable sa iyo kasabay ng pag-unlad ng idea at style.

salamat at maligayang pagususulat. 

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

love's picture

hi kuya rom!

 

 

ang husay nyo talaga sa pag-lalahad ng kwento , talagang gumagana ang imahinasyon ko sabay sa aksyon at daloy ng kwento, para akong nanood sa sinehan hihi...

hay..kelan kaya ako makakagawa ng ganito? naku, marami pa yata akong kakaining bigas haha! ang dami talagang kahanga-hanga sa site na'to.galing!

Godbless po. 

Rom's picture

HI Jha

 

salamat sa pagbasa. nag-aaral pa rin ako magsulat di naman ganun kagandahan ito marami pa nga kulang at mali sa grammar. nakikitulad rin lang ako sa gawa ng mga magagaling dito tulad nila J.Luna, Sinta, Dyeppri at Noel Barcelona at iba pang magagaling.

praktis praktis lang.

salamat ulit! 

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

noelablon's picture

Actually!

Actually, ng mabasa ko ito hindi siya parang sinehan sa akin. Pang-pocketbook siya. Hindi ko pa nasubukang magbasa ng mga tagalog na pocketbooks maliban sa mga Valentine Romance noong natira ako sa Tatay ko sa tabing-Alabang. Wala kasing TV or radio kaya yung mga pocketbooks ng mga pinsan ko ang pinagpasasaan ko haha! Pero sa mga ganung klaseng pocketbook ay walang masyadong detalye di gaya ng ginawa mo Sir Rom.

Para akong nagbasa ng pocketbook ni Tom Clancy pero tagalog. Si Tom Clancy kasi ay magaling mag-detalye ng paligid na para bang nandun ka talaga sa lugar. Minsan pati mga small details ng mannerism ng isang character ay nababanggit pa niya to make it really realistic. Sabagay ganun din pala si Stephen King kasi to make people scared ay kailangan nilang malaman ang details ng environment.

Samakatwid, pwede ka ng gumawa ng sarili mong libro Sir Rom, hehe! Kasi ako ang mga sulat ko noon ay pang-komiks lang hehe! And eversince noong mabasa ko ang first pocketbook ko (Stephen King's - The Hypnotist - I was 1st yr. high school that time) ay bumilib ako sa husay niya pagdating sa pagbigay ng details sa paligid. And I really like the way they do it.

Mahaba na pala hehe! Sige to summarize everything. I am really inspired at talagang humanga ako sa maikling kwento mo Sir Rom. Tingnan ko rin yung mga nabanggit mong writers baka may mapulot ako mahahalagang bagay.

Rom's picture

Hi Noel

salamat sa pagbabasa. wag na lang sir rom, kuya na lang oks na.

gusto ko talaga ma achieve yung madulang pagsasalarawan ng kahit na kaunting detalye, pero ayoko ring magmukhang maligoy at nonsense na--yun bang naglalarawan ng bulate e kung ano ano pang ka ek-ekan ang sinasabi.
since bago ka rito pwede mo basahin yung naunang gawa ko puntahan mo dito http://www.filipinowriter.com/isang-gabi-ng-aking-paghihiganti

salamat muli.

 

 

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

Ailem23's picture

napakagandang kwento

kuya Rom, astig po talaga itong kwento nyo...wala na akong masabi... alam ng lahat ng isa kayo sa talagang iniidolo sa site na ito...(isa na po ako sa umiidolo sa inyo!)

nag-e-enjoy po talaga akong basahin ang mga sinulat nyo dahil natututo rin ako sa inyo... maraming salamat po...

Ingats po palagi,

melay 

 

Rom's picture

Hi Melay

 

nanliliit naman ako dun melay kayo nga ang dapat idolohin kasi kayo ni eloi ang madami nang nagawang kwento at magaganda pa. e nagkataon lang na naikwento ko ito base sa mga naranasan ko at nagkataon lang na nasa tamang lugar ako nang panahon na yun.

 

salamat sa appreciation

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

Ailem23's picture

ngek, kuya rom naman

mas malawak kaya ang skills nyo kaysa sa amin.... basta po idol ko kayo! thanks po.

ingatski,

melay 

Isa pang gasgas na

 

Isa pang gasgas.

Wala namang masama kung muling aakda ng isang kuwento mula sa dati nang panginorin.

Wala naman na kasing bagong tema.

At maaaring ipakilala ang isang kuwentong may lumang tema sa pamamagitan ng paglalahad niyon sa isang sariwang pamamaraan.

Ganyan ang gawain ng mga dalubhasang manunulat.

Pero kung tulad din lamang naman ng mga nauna na, wala nang saysay ang mga ganyang pagtatangka.

At matagal nang naglaho ang mga Hukbalahap. Sumuko na sila kay Pang. Quirino noon pang 1954.

Ang ABB sa ngayon:

Ey-bey-bi na.

Itik, sa Tagalog.

Pato, sa Espanyol.

 

Rom's picture

magkabilang dulo ng mundo

  Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin-top:0in; mso-para-margin-right:0in; mso-para-margin-bottom:10.0pt; mso-para-margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-theme-font:minor-fareast; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin;}

wala naman pong sinasabi sa unahan ng istoryang ito na ito ay bago, malutong at kumikinang. oo lahat ng istorya sa mundong ito ay gasgas na dahil ang tao ay sintanda ng kanyang istorya. kaya't ang istorya noong panahon pa ni kristo ay patuloy pa ring ikinukwento hanggang ngayon. maging ang kwento noong panahon ni moses ay gasgas na at makailang libong ulit na ring ikinukwento.

kahit ang mga futuristic na kwento pampelikula man o pang libro ay gasgas na rin. ano bang kwento ang hindi gasgas? tungkol sa pag-ibig? digmaan? bibliya? bata? matanda? lahat po yan gasgas na. di naman po tayo dito nagpapaligsahan kung anong kwento ang bago at hindi pa nababasa. nandito po tayo para magbahagi ng kwento sa kakayahan nating magsulat. kung hindi nyo po kayang magbasa ng kwentong gasgas, okey lang po iyon, opinyon nyo yan, sabagay ikaw lamang ang nagsabi nyan.

at  napaghahalata po ang kahungkagan ng isip nyo sa pampulitikang kaalaman. iba po ang HUKBALAHAP noong panahon ni Quirino na pinamumunuan ni Jose taruc at Jesus Lava sa Bagong Hukbong Bayan, kaya nga BAGO e. mangyari lamang po na magbasa muna kayo ng kasaysayan bago po ninyo pakawalan ang kumento ninyong hungkag. kung may kaalaman po sana kayo sa history nila disin-sana'y hindi ninyo nasabi yan.

Pato man o itik ang ABB sa paningin mo nag-exist sila sa ayaw at sa gusto mo at may mga kwento sa likod nila at sa mga taong nasa paligid nila. at dahil dito naikukuwento pa rin ng mga taong naapektuhan ng kanilang pagsulpot o pagkawala. Hindi ko hinaharangan ang opinyon mo sa kwento ko, malaya kang ipahayag ito gaya ng kalayaan kong sagutin ang punto mo

magkaiba po tayo ng pinagmulang uri, anak ka ng pulis samantalang ako nama'y saksi sa kasamaan ng mga pulis kaya't malamang sa hindi magkaiba ang pagtingin natin sa mundo lalo na sa pampulitikang pananaw at sa pagsusulong ng rebolusyon. hindi kita kinukumbinsi sa pananaw ko at sa karanasan ko at hindi rin naman ako nagsusulat para sa kaligayahan mo.

kung may kumento ka sa panliteraturang aspeto ng gawa ko yun ang aasahan ko pero kung pampulitikang nilalaman, paumanhin pero pareho tayong nasa kabilang dulo ng pananaw kaya't masasabing may kanya-kanya tayong BIAS sa ating saloobin, at malamang hindi talaga tayo magkakasundo doon.

Salamat sa pagbasa

 

  wala naman pong sinasabi

 

wala naman pong sinasabi sa unahan ng istoryang ito na ito ay bago, malutong at kumikinang. oo lahat ng istorya sa mundong ito ay gasgas na dahil ang tao ay sintanda ng kanyang istorya. kaya't ang istorya noong panahon pa ni kristo ay patuloy pa ring ikinukwento hanggang ngayon. maging ang kwento noong panahon ni moses ay gasgas na at makailang libong ulit na ring ikinukwento.

 

Kaya nga, sinabi ko:

Isa pang gasgas.

Wala namang masama kung muling aakda ng isang kuwento mula sa dati nang panginorin.

Wala naman na kasing bagong tema.

At maaaring ipakilala ang isang kuwentong may lumang tema sa pamamagitan ng paglalahad niyon sa isang sariwang pamamaraan.

Ganyan ang gawain ng mga dalubhasang manunulat.

Pero kung tulad din lamang naman ng mga nauna na, wala nang saysay ang mga ganyang pagtatangka.

 

 

Ang gusto kong palabasin sa ganoon, maaaring ilahad ang isang luma sa pamamagitan ng sariwang pamamaraan. Hindi iyong paulit-ulit na lang na pamamaraan dahil nakasusuya na ang gayon.

 

 

 

at  napaghahalata po ang kahungkagan ng isip nyo sa pampulitikang kaalaman. iba po ang HUKBALAHAP noong panahon ni Quirino na pinamumunuan ni Jose taruc at Jesus Lava sa Bagong Hukbong Bayan, kaya nga BAGO e. mangyari lamang po na magbasa muna kayo ng kasaysayan bago po ninyo pakawalan ang kumento ninyong hungkag. kung may kaalaman po sana kayo sa history nila disin-sana'y hindi ninyo nasabi yan.

 

Kaya nga, sinabi ko na:

At matagal nang naglaho ang mga Hukbalahap. Sumuko na sila kay Pang. Quirino noon pang 1954.

Ang ABB sa ngayon:

Ey-bey-bi na.

Itik, sa Tagalog.

Pato, sa Espanyol.

 

 

Matagal na ngang naglaho, e.

Iba na ang mga Huk sa ABB ngayon.

 

 

Rom's picture

sige nga hinahamon kita

 

 alam na natin na lahat ng kwento ngayon ay gasgas at palsak dahil sa ang kwento ng tao at buhay ay paulit-ulit lang. ang punto ko alin sa kwento ko ang mali at sa tingin mo ay di dapat?

oo sige palasak na ito. ngayon, hinahamon kita na magpakita ng kwento na gugulat sa aming lahat dito. isang kwento na bago, di pa natutunghayan, kakaiba, at magsasabing "tama ka nga"

hinahamon kita na maglabas ng kwento mo. tingnan natin ang reaksyon ng mga tao dito. kung okey ang kwento mo babawiin ko ang sinabi kong tanga at gago ka pero kung hindi muli't muli ipagdidiinan kong tanga at gago ka nga.

 

aantayin ko ang kwento mo ha. wag ka mawawalan ng bayag anak ka pa naman ng pulis

 

sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/

  Wala na ngang bagong

 

Wala na ngang bagong tema.

Ang punto ko, iyong kuwentong may lumang tema na inilalahad nang parang sariwa, iyon bang kahapon pa kumulog, pero ngayon mo lang narinig ang kulog.

Gets mo?

Tunghayan mo ang "Kandong" ni Reynaldo Duque. 1980 pa isinulat iyan, pero sariwang-sariwa pa rin hanggang ngayon.

Maging ang "Impeng Negro" (1963) ni Rogelio Sicat, "A Clean, Well-Lighted Place" (1941) ni Ernest Hmingway, "Kuwento ni Mabuti" (1950) ni Genoveva Edrosa Matute, at iba pa.

Luma na ang mga tema ng mga iyan, subalit napagtagumpayan ng mga dalubhasang manunulat na ilahad sa mga sariwang pamamaraan.

 

 

tanga at gago ka nga:

Ang sa ano ... kuwan ... kasi ... 

 

 

aantayin ko ang kwento mo ha. wag ka mawawalan ng bayag:

Ang hilig mo sa balls. All right, you are the one who has the biggest balls in the Archipelago.

 

j luna's picture

Hoy!!!

"A Clean Well Lighted place", I love it...

Pare, please wag mong dungisan ang pangalan ni Rogelio Sicat at ni Ma'am GEM (mentor ko si Ma'am).

Man, you do not deserve to mention their names!

Pero wasak ka talaga, Jon.. Pa-kiss nga. Sige na.

 Okay, wasak, whatever

 

Okay, wasak, whatever you mean, but I never implode like some ignoramuses of history trying to be brilliant in it.

 

j luna's picture

Binabawi ko na.

Wasak is a compliment e.

Di ka pala wasak.