ATEISMO
Tawagin mo na akong hangal,
kung sabihin kong walang DIYOS.
Wag lang ang salitang DEMONYO-
ayon sayong kasulatan.
Walang DIYOS!
Walang DEMONYO!
Buhusan mo man ako ng mahiwagang tubig,
o itapat mo man sakin ang taong nasa krus.
Ang utak ko ay patuloy sa paglipad,
at hininga ko ay di mapapatid.
Ang huwad na akala mo'y katotohanan ay wala,
kundi pinagtagpi-tagping elementong gawa-
at tinahi ng mortal.
Ang gawaing kabutihan para sa kanya,
at para maligtas ang kaluluwa sa nag-aapoy na lawa-
ay kahangalan.
Ito'y isang pakitang tao.
Kung ito'y naaayon sayong pagkatao,
at di labag sayong puso.
Ito ay isang gawain ng tao.
Tawagin mo na akong hangal,
wag lang DEMONYO.
Kung ang paniniwala ko ay labag sayo.
para lang naman sakin eh
para lang naman sakin eh kumpleto ako bilang TAO...
and by the way salamat sa pagdaan....
palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...
http://bobosijuan.blogspot.com/
Patay na ang isyu ng atheism
Patay na ang isyu ng atheism at paniniwala sa diyos...Parehong passe na yan dahil post mod na... napaka 19th century naman...
Usapang practicality na at grand narratives/ meta narratives na.....
--------------------------------------------------------------- http://www.dagangkanal.blogspot.com changes lives!
Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro
di ba pwedeng
di ba pwedeng magpaiwan?
sabagay kelangan sumabay sa agos...
palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...
http://bobosijuan.blogspot.com/
...
sa mga katulad mo lang na naniniwala sa post mod passe ang usaping ito. sa ultimo, ang usaping ito ay kaugnay tunggalian ng idealismo at materyalismo, at ang tunggaliang ito ay patuloy pa at lalo pa ngang umiigting.
(MatangPobre: Masdan ang mundo sa mata ng isang Anakpawis)
MPMK
MPMK pa kasi e.
Pag nagiba na ang konsepto ng relihiyon at ideyalismo, wala na ring konsepto ng atheism.
---------------------------------------------------------------
Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro
...
na nagpapatunay na patuloy pa nga ang tunggalian. kung hindi, sana wala na tayong konsepto ng diyos at ateismo.
(MatangPobre: Masdan ang mundo sa mata ng isang Anakpawis)
tama...hindi namatay kundi
tama...hindi namatay kundi nawawala na sa isipan ng kasalukuyang henersyon...
palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...
http://bobosijuan.blogspot.com/
hmm.
namatay na lahat ng nagtutunggalian sa Diyos, pabor man sa Kanya o hindi, subalit ang usapin tungkol sa Diyos ay nariyan pa rin.
isang ideya lamang mga kapatid.
ano sa tingin niyo?
"Never trust a person that can think for itself if you can't see where it keeps its brain..."
galatea artemis hopkirk
hindi namatay kundi nabura
hindi namatay kundi nabura sa isipan ng henerasyong tinatahak ko...
palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...
http://bobosijuan.blogspot.com/
sapagkat hinayaang mabura.
sapagkat hinayaang mabura.
kapatid, tanong lang. binyagang Katoliko ka ba, o hindi?
hanggang sa muli. =)
"Never trust a person that can think for itself if you can't see where it keeps its brain..."
galatea artemis hopkirk
bininyagan ako... isa
bininyagan ako...
isa akong katoliko...
pero nag-iba ang pananaw ko dito di naglaon.
ang dami kasing "branch" nito sa pinas.
mga relihiyong donasyon lang ang habol. Naalala ko nung highschool ako at ang teacher namin eh born again, panay recruit.
kaya eto, atheist... walang pakialam sa sinasabi ng iba sakin...
ang buong akala nila ay napakasamanang tao ko na dahil sa yun ang paniniwala ko.
palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...
http://bobosijuan.blogspot.com/
ah. naintindihan kita.
ah. naintindihan kita. pero iba naman ang Katolisismo sa Protestantismo. walang "branch" ang Katolisismo, sa Pilipinas man o sa ibang bansa.
subukan mong i-research ang tungkol sa Neo Catechumenal Way. hindi sa nire-recruit kita ha. dahil hindi naman nagre-recruit ang mga tunay na Katoliko. hindi iyan organisasyon, isang paghuhubog. at iyong mga tinuturo nila ang dapat na alam ng mga Katoliko--pagmamahal sa makasalanan at pagtanggap sa sariling kasalanan, pati na rin kababaang loob.
inuulit ko, hindi kita nire-recruit. iginagalang ko pa rin ang iyong pananaw. marami rin naman akong kaibigang atheist, mabubuti silang tao at kaibigan.
mabuhay ka.
"Never trust a person that can think for itself if you can't see where it keeps its brain..."
galatea artemis hopkirk
kumusta bobosijuan?parang
kumusta bobosijuan?
parang galit na galit ka sa iyong tula. nasaan at sino ba ang kalaban? hehehe
tungkol naman sa iyong tula, ito ay mapusok at may ipinapahiwatig na palaisipan. intresado ako sa mga tula na may ganitong tema. pilosopikal kasi at teolohikal ang dating.
ngunit sa aking pagninilay, ito ay kulang...kulang sa dating, kabuluhan at imahinasyon. at kung magiging tapat ako sa iyo, ay sasabihin kong, paumanhin ha, ang iyong tula ay hindi kapanipaniwala.
sinabi mo lang kasi na walang diyos at walang demonyo. kahit sino ay maaaring magsabi ng ganito.
kung magkagayun nga, eh ano ngayon? walang kang katibayan man lang na inilahad.
para mas maunawaan mo ang sinasabi ko, subukan mong basahin at suriin ang tula na "pagan" ni guillermo castillo na naisulat noon pang 1934. maaari mo itong maging tuntungan kung gagawa pa ng tula na may tema tungkol sa ateismo.
pero kung gagawa ka ulit ng ganito, sana ay ayusin mo, may mga makata na kasing nakita na ang diyos. basahin mo ang isa sa comma poem ni jose garcia villa noong 1949 na may pamagat na "i,it,was,that,saw" nakita niyang sumasayaw ang diyos habang partidang nakapikit ang mata.
pero mas malupet ang guro ng nanay ko na si bienvenido n. santos sa kanyang tula na "the gods we worship live next door" na isinulat niya noong 1947 - gods kamo ha plural...at akalain mong naging kapitbahay pa n'ya. nakita pa niya ito -- brown daw ang kulay, bumabahing pa't nilalagnat...namamatay din pero may mga diyos na bagong panganak din at mabilis lumaki.
kung hindi mo mahanap ang mga tula na sinasabi ko sabihin mo lang. maaari ko itong basahin para sa iyo.
noong napunta ako sa hacienda luisita nakita ko mismo kung saan nakatira ang mga diyos sa tarlac. at ang laki pa kamo ng tahanan nila...langit talaga ang pamumuhay. sa pakikipag-usap ko sa mga magsasaka roon ay napaniwala ako na mayroon ngang impyerno. at ito, baka hindi ka maniwala, hayskul pa lang ako noon ay nakarating na ako sa langit...alam ko at naaalala ko pa ang bawat detalye kung ano ang pakiramdam kapag nasa langit. iba talaga. mabablangko ang utak mo.
abaw! sa ganang ganito eh saan na pupulutin ang iyong argumento na walang diyos at walang demonyo?
hayaan na muna kita sa usapin tungkol sa diyos...pero kaya kong patunayan sa iyo (kaht saan at kahit anong oras) na totoong may demonyo at impyerno hahahaha
mabuhay po kayo!
- hindi ako sa dante...ako si amos 
----------------
“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world.
Indeed it is the only thing that ever has.”
bwahahaha!
hi amos. ewan. basta malaki ang pananalig ko sa Diyos. kahit non hindi rin ako naniniwala na may isang Sya na nag-eexist talaga.
ngayon, ang sarap ng may Diyos sobra. walang pretensyon, parang na-fill yung mga bagay na kulang-kulang sa'yo.
si God naman, He's more than sa "mahiwagang tubig o imahe ng krus", puro simbulo lang yan--and i dont even beleive in that. kasi He's bigger than that.
at kahit "sapilitan" na sinasama ko ng nanay ko sa Catholic Church, hindi ako magiging malakas. e sa Catholic parang scripted, choreograph--tayo, upo.. parang walang ganang magworship yung mga tao. then you'll see them outside doing things na mas masahol pa sa hayop.
kasi it's not about the religion, its about your relationship with Him that matters..
walang nag-invite sa'kin ng sapilitan sa born again church na pinupuntahan ko ngayon. kasi pinapatay ko sa mga argumento ko yung mga nag-iinvite sa'kin. binabara ko sila. sabi ko sa isip-isip ko non, wag na wag nyong mapanghihimasukan yung paniniwala ko, papatayin kita sa mga reasons ko.
pero im tired of being like that. kasi iisa lang ako.. ako lang nagpapaandar ng utak ko. then i said, Dante, stop.. hindi na sya healthy. kaaway ko even yung kapatid ko. yung mga kaibigan ko, mga katulad kong mapang-api din ng kapwa, mga hayok.. parang, asan yung pag-unlad? i dont wana be like that for the rest of my life: mayabang, pasikat, pa-cool, nagmamatalino..puro projection, puro pangangalaga ng reputasyon, puro pagpapaganda ng kung pano ka dapat maikta ng iba. walang sense e...
hindi ako personal sa sumulat na si bobosijuan, ginagalang ko sya ng buong buo kahit iba yung paniniwala nya sakin. e yon sya e, that's what he's thinkin. e tao lang naman tayo pare-pareho, at bilang tao, karapatan nyang maging malaya sa pag-iisip.
tska wala akong right na mang-condemn, kasi hindi ako Diyos. hindi ako perpektong nilalang.
yung sa binabanggit mo naman, oo, napakadaming diyos dyan. diyos-diyosan! mga taong makapangyarihan. at ako mismo, nag-uumeksena kong maging diyos when im writing. kasi you create your characters. ikaw ang nagde-decide sa kwento nila, sa buhay nila.. at maluka-luka ko pagkayari when my characteres end up miserable.. kasi puro dilim laman dati ng utak ko. kaya yung mga characters ko kundi mga nagsaksak ng gunting, iniwan, naiwan, nagbaril.. i mean, look.. at kahit may tao sa paligid mo sasabihin, ay ang ganda ng sinulat mo, ang galing presentation, ako will end up na hindi pa rin masaya. pero yung totoong God, ginawa Nya lang ako, lahat ng mga lungkot na yon, nwala. napalitan ng joy. yung hindi nawawala, yung hindi nababago..
lahat ng bagay nawawala. kahit sikat ka pa. kahit palanca awardee ka. kahit presidente ka.. darating yung panahon na ikaw na lang mag-isa. iimpact lahat sa'yo, you'll see na kahit anong ginawa mo, hindi ka pa rin naging kumpleto.
good thing, kahit sobrang tatalino ng profs ko sa Psych, may konsepto pa rin sila ng Diyos.
hindi ako napakagaling na tao, kasi napakadami ko ding weaknesses kaya, lagi akong nakakagawa ng pagkakamali pero hindi mo mwawala sa tao yon.
pero when you're with Him, iba e, ang sarap sarap sobra. payapa yung loob mo, walang sagabal sa utak mo. andaming nagmamahal sa'yo. i mean, wala akong rason para magmalinis, dahil hindi ako malinis, imoral ako, gago, taratado, pero love ako ni God. at lahat tayo. :)
kanya-kanya naman ng calling yan e. e yung mga kriminal nga nababago Nya, yung mga boldstar, yung mga drug addict. i mean, lahat. kasi hindi Sya namimili. lahat tanggap Nya, lahat mahal Nya.
ngayon kung hindi ako pinaniniwalaan ng ibang tao, y not?, karapatan nila yon, kasi tao lang din ako, at tao lang din sya, pero here is God, sa Kanya ko naniniwala.
amos, ingat. :)
hi eksena... tila may
hi eksena...
tila may kung anong kidlat ang tumama sa katauhan ko habang binabasa ko ang iyong komento...
pagkasilang na pagkasilang ko pa lamang ay napapalibutan na ako ng mga taong kristiyano... muslim...
and dahil sa kristiyano mga magulang ko... mga tito... tita... pinsan...
eh naging isang kristiyano ako..
bininyagan ako, nakapagbasa ng bibliya, binasa ko na nga din yung likha ni rick warren (d purpose....)
namuhay ako ng payapa nung time na yun...
pero naging curious ako, di ko alam kung bkit...
kung di lang tayo nasakop ng kastila eh lalaganap kaya dito ang kristiyanismo, marahil oo...
gusto ko malaya ang aking pagkatao...
yun ang gusto ko... hangal na kung hangal...
walang relihiyon...
salamat sa iyong pag share eksena....
palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...
http://bobosijuan.blogspot.com/
kaibigan. hindi naman
kaibigan. hindi naman lahat ng Katoliko ay ganoon. mahirap tingnan sa pangkalahatang perspektibo ang mga ganito. masyadong malawak ang sakop ng Katoliko para sabihin mong ganoon. sabi mo nga, it's not about religion.
at dahil nga sabi mo din, hindi siya namimili. sa pinakaaba at pinakamakasalanang sitwasyon, doon ka Niya mahal na mahal.
pero yan naman ay paniniwala mo.
"Never trust a person that can think for itself if you can't see where it keeps its brain..."
galatea artemis hopkirk
...
kakatwa lang, sinasabi mong wala namang ibinigay na ebidensya juan, pero ikaw, nagbanggit ka lang rin naman ng mga pangalan at akda pero wala rin namang sinabing patunay. hindi ko lang makuha ang punto mo. isang tula ito at hindi naman kailangang magpresenta ng mga ebidensya para suportahan ang kanyang ideya. kung ganoon ang layunin, dei sana sanaysay na lang ang ginawa.
naiintindihan ko naman ang pinapatungkulan mo sa mga diyos at demonyo, pero magkaiba kayo ng antas sa pagrarason kaya hindi kayo magkakaintindihan. sa tingin ko, ang pinatutungkulan niyang diyos/demonyo dito ay ang teoretikal na konsepto na kinikilala ng marami, halimbawa bilang diyos na tagapaglikha. samantalang sa iyo, ang tinutukoy mo ay ang praktikal na konsepto ng diyos/demonyo na ikinakabit mo sa mga tunay na tao dito sa mundo.
eniwei, pinapatunayan lang rin ng pananaw mo na wala nga diyos kundi idealistang pananaw lang ng tao, na maaari pa ngang iugnay sa iba't ibang bagay. kaya mayroon iba't ibang diyos ang tao, batay sa kanyang paniniwala at hindi talaga iisang tunay na bagay na mapapatunayan at mapagkakaisahan ng sangkatauhan.
opinyon lang.
(MatangPobre: Masdan ang mundo sa mata ng isang Anakpawis)
kumusta diwa, malabo yata
kumusta diwa, malabo yata ang pagkakalatag ko.
sinasabi ko lang na ang akda kahit papaano ay dapat na kapanipaniwala. kaya nagbanggit ako ng mga makatang una nang tumalakay ng temang ito sa panulaan. kumbaga, ito ay hindi na bago. kaya kung may gagawa pa ulit ng tulang ganito, kailangan ay may bago itong lasa na inihahain sa mambabasa. ang mga makatang binanggit ko at ang kanilang tula ay maaaring tuntungan upang malaman kung paano lilikha ng bago at malinamnam na tula.
ideyal man o praktikal, ang totoo ay mayroon tayong kailangang harapin na mga diyos at demonyo. mas mayorya pa rin kasi ang naniniwala sa ganito. kaya't kung panulaan na makabuluhan ang pag uusapan ay maaari rin na sakyan ang temang ganito upang matalakay ang mga diyos at demonyo sa ating paligid. pagmumungkahi lang naman ang akin hehehe
kung papatulan ko naman ang usapin tungkol sa may diyos ba talaga o wala. aba eh mukhang mahaba habang inuman iyan. hindi kasi ito usapin para sa mga pinoy. usapin at katanungan ito ng mga taga-kanluran na siyang sinusundan naman ng pamimilosopiya natin. kaya kung nais talakayin ang usaping ito, mas makapanghahamon na makipagtalakayan sa mga taga kanluran. ang ganitong talakayan ay subok na hindi bebenta sa atin...sapagkat sa atin, ang usapin at katanungan ay "paaano mo ba 'nararanasan' ang iyong diyos?"
pumunta ka sa kanayunan o kahit d'yan lang sa mga kapitbhay mo, subukan mong itanong ang katanungang nabanggit ko, sigurado may makikinig sa iyo...
subok ko na iyan kapatid, hindi iyan teorya...kaya malakas ang loob ko na ibahagi sa inyo.
- amos 
----------------
“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world.
Indeed it is the only thing that ever has.”
...
hindi ako sang-ayon na pangkanluran lang ang usaping ito. parang sinabi mo na rin na hindi kayang masundan ng mga pinoy ang usaping ito. kung ihahalimbawa mo ang mga tao sa kanayunan, e talagang marami nga doon ang mahigpit pa ang yakap sa paniniwala sa diyos, pero hindi ibig sabihin na hahayaan na lang silang ganoon, at sasabihin nang hindi para sa kanila ang usaping ito. ang usapin ng wastong karunungan, sa pangkalahatan ay para sa lahat, para magamit sa pang-araw-araw na buhay. kabilang din dito ang mga pinoy. katulad lang ng ginagawa natin ngayon. at tungkol sa may-akda, iyong nga ang punto ko, hindi naman kailangang otoridad na ang may-akda ng tulang ito para tumalakay sa temang ito. maganda ang kumuha ng ideya mula sa mga nauna na, pero pwede rin namang tumahak sa anumang landas nang mag-isa at nagsasarili para maranasan mismo. at hindi mababawasan ang merito ng akda dahil lang dito.
(MatangPobre: Masdan ang mundo sa mata ng isang Anakpawis)
maraming salamat sa
maraming salamat sa pag-babasa at pagbigay ng iyong oras para ito ay mapag-aralan...
ang tulang ito ay di na kinakailangang pagandahin, o maglatag ng ebidensya...
dahil ito ang aking paniniwala at wala akong mahanap na mga salitang magbibigay kagandahan sa ganitong tema...
hayaan mo at babasahin ko ang mga suhestiyon mong mga tula.,..
salamat sa pagpuna kaibigan....
palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...
http://bobosijuan.blogspot.com/
ang pinakamakapangyarihang statement sa universe -
- kanya-kanyang trip lang 'yan.
Simple kataga 'yan pero hindi magkukulang sa kahulugan. Nyahaha...
"Bago mo husgahan ang iyong kapwa, kumain muna tayo."
oo nga naman.... palutangin
oo nga naman....
palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...
http://bobosijuan.blogspot.com/
ice breaker
I've no intention to touch the subtleties of poetry here, just the above poem's subject.
You say that you don't believe in (or at least accept the existence of the concept of) GOD because you haven't seen or empirically experienced (or whatever) HIM (granting that God, if he exists, is a HE). In other words, you haven't proven HIS existence. But having failed to prove HIS existence is not the same as succeeding to prove HIS nonexistence. Basic logic.
There are so many things yet to be known..The records of our science, for instance, is only a speck of the vast universe..
Anyway, this is addressed not to the poet but to the poem's persona:-)
-from a Filipino agnostic








hi!
i really pray na maging kumpleto ka bilang tao :)