Awit ng Batibot

jonsdmur's picture

Tanda nyo pa ba ang Batibot? Heto ang lyrics ng ilang kanta nila.

Kay sarap maging bata uli....

Batibot
Pagmulat ng mata
Langit nakatawa
Sa Batibot
Sa Batibot

Tayo nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang tuwa, ang saya

Doon sa Batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa Batibot
Maliksi, Masigla (2x)

Dali, sundan natin
Ang ngiti ng araw
Doon sa Batibot (2x)

Tayo nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang tuwa, ang saya

Doon sa Batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa Batibot
Maliksi, Masigla (2x)

 

Kandirit

Sabay-sabay tayong
Kumandikandirit
Kumandikandirit
Kumandikandirit 

 Bangkang Papel

Bangkang papel
Bangkang papel
Kay tulin ng
Bangkang papellllll 

Tinapang Bangus

Tinapang bangus, tinapang bangus
Masarap at masustansiya
Tinapang bangus, tinapang bangus
Masarap ang tinapang bangus
 

Ang Batis

Batis, batis, sariwang tubig
Batis, batis, sariwang tubig
Do-do-do-di-do-do-do-doooooo

Gulay

Pa-pa-pa-paborito ko (3x)
Ang gulay yay-yay-yay-yay
Bagong aning petchay
(Petchay! Pechay!)
At saka mustasa
(Mustasa! Mustasa!)
Dahon ng malunggay
(Malunggay! Malunggay!)
Pa-pa-pa-paborito ko (3x)
Ang gulay yay-yay-yay

Alin ang Naiba?

Alin? Alin?
Alin ang naiba?
Isipin kung alin ang naiba?
Isiping mabuti
Isipin kung alin
Isipin kung alin ang naiba?

Pag-gising sa Umaga

Pag-gising sa umaga
Kami'y naghihilamos
Tignan n'yo kung paano
Isa-dalawa-tatlo (2x)
Kami'y naghihilamos

Pag-gising sa umaga
Kami'y nagsi-sepilyo
Tignan n'yo kung paano
Isa-dalawa-tatlo (2x)
Kami'y nagsi-sepilyo.

Pag-gising sa umaga
Kami'y nagsusuklay
Tignan n'yo kung paano
Isa-dalawa-tatlo (2x)
Kami'y nagsusuklay.

Pag-gising sa umaga (2x)
Ugaliin, araw-araw (2x)
Maghilamos
Magsepilyo
Magsuklay!

Kung Hindi Pwede

Kung hindi pwede minsan, subukan
Kung ang kasunod ay di pa rin, ulitin

Ganyan lang, ganyan lang
Di dapat magmukmok
Harapin ang pagsubok, ngayon.

Lahat ay kayang gawin
Kung sisikapin
Kung wala pa ring mangyari
subukan lang kung pwede.

Ganyan lang, ganyan lang
di dapat iyakan
Harapin ang pagsubok
Kayang-kaya mo 'yan.


jonsdmur's picture

Naalala nyo pa ba ang

Naalala nyo pa ba ang Batibot?

Ang paborito ko diyan ang"Alin ang naiba?" hanggang ngayon kinakanta ko pa yan hiihhihihi. At saka yong "Paggising sa Umaga." Kinakanta ko kasi yan noong bata pa ako...

Jonsdmur

Pmel's picture

OMG!

 

 I used to sing this song ... but I got all the words wrong! xD

 

 

 "... my people are destroyed from lack of knowledge"- Hosea 4:6

jonsdmur's picture

Thanks Pmel! Ang gandang

Thanks Pmel!

Ang gandang kantahin ang awit ng Batibot!

Godbless!

Jons

dyeppri's picture

hi!

Ako din madalas ko pa ring kantahin ang batibot kapag naliligo ako sa banyo at nagku-kuwan.ahihi!!!Cool

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

jonsdmur's picture

Tanda ko bro nagkaroon  ng

Tanda ko bro nagkaroon  ng version yan... mga kinakanta ng mga naliligo sa banyo. Noong bata pa ako nagtataka ako kung bakit iniba nila ang lyrics.. kasi di ko gets... ngayon gets ko na... hihihihi

Jons

bubuyog64's picture

Batibot! Lagi ko itong

Batibot!

Lagi ko itong naririnig na kinakanta ng kuya ko. Kaso bata pa ako noon kaya kahit napapanood ko man parang hindi ko naiintindihan.

Naaliw ako kapag naririnig kong kinakanta yan ng kuya ko. 

jonsdmur's picture

New Member? Welcome! Salamat

New Member? Welcome!

Salamat rin sa iyong komento. Nakaka-aliw nga ang kanta... Sayang wala ng Batibot ngayon.

Jonsdmur

love's picture

batibot..

 

 

  Ang awit ng batibot na nagpaparamdam na masaya mabuhay sa mundo ng batibot kasama ang mga bata pati ang mga isip bata hehe..

 

Nice one jons.

Godbless 

jonsdmur's picture

Correct ka

Correct ka diyan!

Nagpaparamdam ito na masaya ang buhay. At inaawit na rin ito ng mga lola at loo hihihihihihi... maganda kasi

Jons

Pmel's picture

Isn't there a new popular song for kids now?

 Makulay, ang buhay, makulay ang buhay sa pinakasarap na gulay! (Did I get that right? My cousin has been singing it, parts of it stuck in my head!)

 

 

 

 "... my people are destroyed from lack of knowledge"- Hosea 4:6

love's picture

  Makulay (makulay) ang

 

Makulay (makulay)

ang buhay (ang buhay)

Makulay ang buhay sa sinabawang gulay!

 

Ganyan yta iyon Pmel pero hindi ko rin sure hehe..Oo popular yan agree ako sau.

Godbless.

 

jonsdmur's picture

New Kids Popular Song - tama ka

Maganda rin ang kantang ito:

Makulay ang buhay sa sinabawang gulay

 

Makulay ang buhay sa sinabawang gulay

Dati ang gulay ‘di ko tinitikman

Parati na lang iniiwasan

Pero ang gulay ay masarap pala

Kapag sinabawan mo siya

Makulay (makulay)

Ang buhay (ang buhay)

Makulay ang buhay

Sa sinabawang gulay

Sinabawang gulay, sarap talaga

Ang bawat higop ay puno ng saya

Sinabawang gulay, sarap namnamin

Lumalakas ako, lahat ay kayang gawin

Makulay (makulay)

Ang buhay (ang buhay)

Makulay ang buhay

Sa sinabawang gulay

Thanks Pmel for the time reading my post!

Jons

talulot's picture

jon, you made my day.

ang saya kantahin ang mga ganitong klaseng awiting pambata... nawawala na kasi.. sana ibalik nila ito..... binabalik nga nila ang mga paulit-ulit na cedie at sarah... at voles five (san ka pa jan) sana ito rin...

 

naalala mo pa rin ba ang ATBP?

maganda rin ang kantang "ABCD_EFG.. --ang alpabetong filipino, madaling bigkasin sabayan mo ako!"

 

sana nga...

salamat dito! frend! 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

ruth_mostrales's picture

Hello Jons! Hello Talulot!

 

Yay, grabe, parang gusto kong mag-regress!  hahahaha... Ang saya-saya!  Nun, naeenjoy ko yung mga kantahan, usually mga batikan sa teatro ang kumakanta dun kaya magaling talaga!

Miss ko na rin sila Kuya Bogie, Ate Sienna, si Ging-ging, Kiko Matsing, etc... hahahahaha.  Nung mga kapatid ko na, ATBP na, masaya rin.  Naalala ko yung sinasabi ni Talulot - at eto:

Lapis, la-la-la-lapis

La la la la la la la la la

Lampara, la-la-la-lampara

La la la la la la la la la

Lamesa, la-la-lamesa

La la la la la la la la la

 

Hihihi...

Okay din yung Sesame Street, pero iba talaga yung mga kuwentong pambata ng Adarna Books na binabasa sa Batibot. :)

 

Ruthie

jonsdmur's picture

Thanks Ruthie!Inisip ko na

Thanks Ruthie!

Inisip ko na kinakanta mo ang songs na yan.. minsan ko na rin kasing narinig ang golden voice mo... at gusto ko marinig muli....

Tama ka... okay din ang mga Sesame Street.... At tanda mo pa ba ang mga kwento ni Lola Basyang? Meron yan dati sa TV.. kasi pinapanood ko yan.... di ko lang alam kung naging familiar sa lahat ng pilipino....

God bless!

Jons

ruth_mostrales's picture

Helo Jons!  hahaha, ang

Helo Jons! 

hahaha, ang saya naman.  teka hayaan mo pag may time ako, kakantahin ko yung alin-alin!  haaha... isa ako sa mga naniniwalang ang mga payak na awitin at payak ang musika ang siyang nagtatagal at naaalala. 

maganda rin yung "hiraya manawari", hay naku, frustrated singer ata to, pati mga jingle sa tv nun kinakanta ko rin.  

yung lola basyang hindi ko yata masyado nasubaybayan yun, pero may pelikula kung hindi ako nagkakamali, at yun ata ang napanood ko.  :)  ang naaalala ko yung Ora Engkantada, yun ang napanood ko nung bata.

Ruthie

jonsdmur's picture

Sige abangan ko ang kanta mo...

Tanda ko rin ang Hiraya Manawari kaso di ko na gaano napapanood. Magaganda mga palabas dati.. sana ibalik na nila... nauso na kasi ngayon mga anime kaya yon na lang ang karamihang palabas para sa mga bata.

Di ko yata napanood ang Ora Engkantada... Okay ka fairy ko ang fantacy na napapanood ko noong bata hihihihi....

Jons

jonsdmur's picture

Thanks Talulot Sana nga

Thanks Talulot

Sana nga ilbas nilang muli... para naman mapanood ng mga kabataan ngayon....

Oo naaalala ko pa... yup maganda rin ang kantang yan....

Musta ka na? Sana okay ka na ngayon?

God bless!

Jons

talulot's picture

hello frend

 ito po. nakapagpahinga na. salamat kay mama.

sana nga ibalik nila sa t.v nuh ang batibot at atbp. :)

 

ingat.

 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

bittersweet's picture

those were the good old days...

cguro lhat ng bata na pinanganak nung 80's and early 90's maituturing na BATIBOT BABIES. di k yta pilipino kung di ka pamilyar sa batibot. ako un fave kong songs from batibot eh un kay irma daldal, ISKARGU. tapos bet ko din un song na may lyrics na, "sino ang pilipino, ikaw ba o ako?"

 pati un,

 "ako ay kapit-bahay, kapit-bahay niyo.

 laging handang tumulong sa inyo.

kilala niyo ako, kilala niyo ako.

ako ay kapit-bahay, kapit-bahay ninyo.

 

ang mga fave characters ko dito, sila sitsiritsit at alibangbang. pati sila ningning at ging-ging. tapos ang fave story ko, un kwento ng pamilya ismid.

if  remember right, mga taga-PETA ang talents nito. nku, cguro, isa ang batibot sa mga simple pleasures in life ko as i was growing up. nk2-miss tlga.

jonsdmur's picture

Salamat

Tama ka lahat alam ang Batibot. Naalala ko ang mga alaga kong kuting ang mga pangalan nila ay kiko at ningning....

Sana may umulit nito. Isa itong magandang palabas....

Godbless bro!

Jonsdmur

j luna's picture

Alagang alaga namin si puti

BAkang mataba, bakang maputi

Melanie Quilla's picture

wahaha

ngayon ko lang ito nabasa... hahaha... naalala ko tuloy nung batang paslit pa ako... hahaha... kinakanta namin iyan ng ate! tsaka may kalaro ako noon na palagi niyang nire-require na kantahin namin iyan habang naglalaro ng lutu-lutuan sa likod ng bahay namin...hahaha... sarap balikan ah...

kamusta na kaya iyong kalaro kong iyon?

at tungkol sa sinabawang gulay... tama lyrics mo ate love... may gay version din  iyan..

Ma-rainbow ang lifeness, ma-rainbow ang lifeness sa sinabawang julay! 

hehehe... 

ingatski,

melay 

RJ Santos's picture

Batibot din ba 'yung: Pen

Batibot din ba 'yung:

Pen pen di sarapen
Di kutsilyo, di almasen
Haw haw di carabao
Di (?) batuten
Sipit namimilipit
Ginto't pilak namumulaklak
Sa tabing dagat

Yung theme song na lang tsaka yung "Alin Ang Naiba?" ang nasa utak ko e. Yung kanta na tinype ko sa taas, di ko lam kung kasama sa Batibot.

Naaalala ko na lang ito:

Hiraya manawari
Hiraya manawari
Mga pangarap natin
Ating abutin
Ang kapangyarihang
Nasa puso natin
Hiraya manawari
Ating abutin

Hehehe... Kaso hindi naman yan Batibot.


* * *

Stories and Poetry by RJ Santos

talulot's picture

ang alam ko lang  at

ang alam ko lang  at opinyon ko rj, folk song yan.. kasama ang atin cu pong singsing or pwede din ihanay sa mga kantang larong pambata...

sana tama ako. kung di MAY TAMA ako mamya.. (pa-borrow muna hector--WAPAK)

labs ko ang hiraya manawari. pero mas gusto ko iyong isa-- iyong tinatalakay ang literatura at panitikang pinoy-- andun si mithi-- dianne at si carlo aquino eh. nakalimutan ko ang pamagat...

bandila ba un? (mukhang news naman ito)

may sense ba ako?

antok na ako siguro- di na ako magkakape ulit.

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

bittersweet's picture

hehe...

un penpen de sarapen, ibang show un although sa channel 9 din ine-air dati. cla coni angeles ang host nun, i think every saturday ang airing. ganda din un show na un.

mganda nga un hiraya manawari, ang ka-back to back nman nun eh un bayani, ang bida cla noli at ana. meron din dati un ke carlo aquino, pahina nman ang title. un song, parang ganito...

tuwing pahina'y binubuksan

nararating ko ang ulap

naririnig ko ang himig ng umaawit na batis

hinahagkan ako ng langit

mula sa kung saang lupain...

nk2tuwa tlga un mga songs ng children show before.

talulot's picture

salamat

ayan gusto ko rin ang bayani..

kaso kailangan pa nilang magresearch ng mabuti sa pagsasadula ng mga bagay ng ating kasaysayan.

ah.. naalala ko rin ang penpen de sarapen. pero parang iba naman ang concept nun.

salamat bittersweet

hehehe.. ayos din naman ang epol-apple  (hehehe thesis ko yan dati eh.) 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

pahina...

para po ky ms.talutot,

kung ako ay hindi nagkakamali (sana) ay Pahina ang ang title ng show nina carlo aquino.. maganda nga ung palabas na yun, maraming kang mapupulot na maganda.....

-----......------

talulot's picture

tama

 mukhang pahina nga....

thanks wil.

uhmm pero talulot po. 

salamat 

 

 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

jonsdmur's picture

Gusto ko rin ang Pahina

Gusto ko rin ang Pahina dati... Doon ko unang nakilala sina Carlko Aquino at Claire... ewan kung bakit hindi gaano nagtagal ang palabas... maganda naman...

Jons

hi

ok ahh.galing mo po gumawa wow alam mo po natawa me tlaga,censya na po if hindi me nakacomment dun sa mga ginwa m po kc nsa internet cafe me lang eh hehe hehe ingat na lang po lgi..

jonsdmur's picture

Hello Manilyn... Salamat sa

Hello Manilyn... Salamat sa pagbisita... Oks lang ah.. ingat ka lagi...

Jons