ayoko na. ayoko nang magmahal.
ayoko na . ayoko nang magmahal.
ngatal kong nasambit sa hangin habang humahangos papalayo sa'yo. pilit kong kinandado ang lagusan ng aking mga luha nguni't lalo itong nagpumiglas na dumanak sa nag-aapoy kong mga pisngi. hindi ko akalaing mararating natin ang ganitong pagkakataon kung saa'y kimi kong tatawirin ang unti-unting nasusunog na tulay na nag-uugnay sa atin. malalim na ang gabi subalit nagliliwanag ang kalangitan sa mga eksenang nagdaan; mga tikom na halakhak at impit na paghibik habang sa alaala'y sinusungkit natin ang lunggati.
ayoko na. ayoko nang magmahal.
bakit may kung anong sumisitsit sa damdaming pakawalan na kita. tuluyang isaboy sa kawalan ang pag-ibig na nadarama... sindihang parang kwitis at itudla sa buwan habang binubura ng iyong mga kasinungalingan ang nilatak ng kataksilang dapat ay ipinagkibitbalikat ko na lamang. bakit? bakit ako nagtatanong at bakit ayaw ko namang marinig ang anumang sagot? bakit?
ayoko na. ayoko nang magmahal.
kung hindi kahapon ano't ngayon pa? haya't tuloy pa rin ang aking pag-uusisa... ayoko na nga ba ... ngayon o kailan man? o ayoko na nga bang umibig sa iyo? nguni't sadyang marupok ang puso kong hinubog ng iyong halik... bingi at manhid ang damdaming inaaruga ng iyong mga haplos at mariing mga yakap magdamag... ayoko na nga bang talaga?
ayoko. ayokong tigilan ka!
mahusay nga!
mahusay nga! haaayyy...
cheers!
aireen
wow...
wow, ang galing...
un lang, ayos ang style, napaka-vivid, ika nga. yung paggamit sa nasusunog na tulay upang ilarawan ang naglalagablab na damdamin na dulot ng paghihiwalay, hmm, pinahanga mo ako. :)
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
touched.
touched as in nahipo nyong tatlo ang aking puso... salamat sinta, aireen at ruth sa inyong pakikiisa sa aking naibugsong damdamin dito.
sadya ngang nakapanghihinayang ang isang relasyong nalatakan ng kasinunganlingan, ngunit kung sadyang taos at totoo ang iyong naramdamang pagmamahal, babalik rin ito sa tamang panahon... actually.
Ouchh...
Tinamaan po ako...
Bakit nga po a ganun? Lalo na kapag matagal na pinagsamahan nyo ang hirap makipag-hiwalay. Parang you have invested on the relationship already... Part of you is telling you to move on...Pero you can't... Just because of that thing called LOVE...
uuy...emo...
araguy...
ganun talaga. sabi nga 'love moves in mysterious ways'; kung tumagal kayo ng mahabang panahon, malamang may 'laman' naman talaga ang relasyon nyo; pero kung naaapakan ang iyong pagkatao, ginugulpi ka, tinatarantado, pinagtataksilan... tapos ayaw mo pa ring kumawala nasa sa iyo na yan... love never goes but sometimes we have to compromise! nagmamahal, charot saint.
kanpyus
damn if you do, damned if you don't ... so do if you don't but don't do it!
kanpyus po ako. kung sino ang ayaw ko, siya ang kasama ko... 'yong mahal ko andyan sa pilipins... parang ayaw ko na dito. sana kung mayaman lang ang dodong ko, siya sana pinakasalan ko. longkot ako dito.
huwag naman...
never dapat kasangkot ang datung sa usapang pag-ibig pero mukhang sa praktikal na mundo ay hindi na angkop ang 'kahit saging, basta loving'... mahalin mo na lang kung sino ang kasama mo at higit sa lahat mahalin mo ang iyong sarili... itabi mo na sa baul ng kalimot si dodong mo... tsumitsika lang, mel chongke.
terminologies...
hate is not the opposite of love. apathy is.
? kay frida
sinabi 'yan ni maritoni fernandez kahapon sa pula sa puti ng eat bulaga, subukan mong gumawa ng sarili mong salita, hindi iyong inuulit mo lang ang s iba.
coincidental
i merely repeated something that is UNIVERSAL. if you don't get the drift then just face the wall. touche. the phrase has been handed down from generation to generation and anyone can qoute in context. nobody owns copyright to it. i haven't subscribed yet to any filipino channel here in agana; might just have been a coincidental effect since its valentine season. now do you get the drift? i don't claim ownership to such qoute, these float in the air just like 'love is blind', 'love means never having to say ...' etc... now do you get the drift? i don't think that even maritoni fernandez (whoever she is) can claim ownership. some people can really be gullible and still be proud of it, that's the spirit.
.
eat bulaga? maritoni fernandez? arthykulit ur sooo funny! wahahaha!
sana sinabi mo man lang "hey, i read that quote somewhere in the book of..." pero eat bulaga? wehehe! wala ka bang work? and you can afford to watch eat bulaga in the afternoon? what about wowowee?
you have an amazing choice for TV programs wehehe...
itaktak mo, itaktak mo...
coney reyes
huling panood ko ng eatbulaga nandun pa si coney reyes... at baby pa si aiza seguerra... antagal na n'on!
anyway... havavalentinesupreme ya' all!
paul,
type ko to...
"malalim na ang gabi subalit nagliliwanag ang kalangitan sa mga eksenang nagdaan"
sa gabi mashadong maliwanag, nakakasilaw, akala mo totoo, panaginip lang pala
wag kang pipikit...
hUh????
hi, luca. as usual naluca mo na naman ako!
sa pagpasyal ko ay napansin kong pamilyar ang title ng isang entry sa discussion box... totally, hindi ko naisip na ako pala ang may gawa nun! naloka ako nang binasa ko at hindi ko talaga matandaang ganun ang tipo ng obrang lumabas. napaiyak ako kasi ang setting ng 'damdaming' napapaloob ay humigit kumulang mga 25 years ago! ang subject of desire ko noon ay matanda na ngayon! pero may communication pa kami at once in a blue ay nagkikita para mag-asaran.
tnx at parang bigla akong nabuhay sa iyong pagpansin!
vintage na pala to mother,
vintage na pala to mother, pero winner pa rin.
parang 70's purple Chloe chiffon gown.
ang ganda naman pala ng ending, may mga effect ng blue moon blue moon na patatarush.
wag kang pipikit...










pag ibig na ayaw lumipas...
tagos sa buto ang mga katagang humagupit at nakayang latayan ng pait kahit pa ang pusong inaspalto na ng kay raming pamamaalam.
'parang kwitis at itudla sa buwan habang binubura ng iyong mga kasinungalingan ang nilatak ng kataksilang dapat ay ipinagkibitbalikat ko na lamang.'
ito ang hinangaan kong parte ng iyong akda. kaagapay ang sakit at pag aalinlangan, damang dama ko ang panghihinayang sa isang napakagandang pag ibig na nauwi lamang sa kasinungalingan.
noong unang beses akong nagmahal at nung bigla s'yang nawala, lumipas ang apat na taon bago ko nalaman na ang lahat ng patungkol sa aming relasyon ay binuo lamang ng kanyang mapaglarong imahinasyon. isa lang palang malaking laro ang lahat para sa kanya.
Hinahangaan ko ang iyong husay sa paghaplos sa isang bahagi ng aking pusong tumanggi ng bumalik sa dating alaala.
Mahusay.