Ayusin natin ang 'atin' minsan (para sa mga it's complicated at nalalabuan)

| |

Ayusin natin ang ‘atin’ minsan
Baka sakaling magkaintindihan
Makuha natin sa masinsing usapan
At lumitaw ang laman ng kalooban

Ayusin natin ang ‘atin’ minsan
Baka sakaling magkaintindihan
Maliwanagan ang iniisip na hinala
Maiwasan ang sabog na pakapakapa

Ayusin natin ang ‘atin’ minsan
Baka sakaling magkaintindihan
At kung papalarin magkapalagayan
Sa ‘minsang’ iyon, mag-isa ang daan.

 

7 Enero 2010
UP Los Baños

Wensley M. Reyes

Adlesirc's picture

.

gusto ko rin 'to =) simple pero malalim ang laman.

 

 

 

nice.

Salamat.

Ma'am Chriselda, salamat po sa pagbasa. Tugon ko po ito sa mga taong nababasa sa FB tungkol sa mga kumplekadong relasyon. Maaari naman pag-usapan pero mas nauuna ang kaba bago harapin ang nararamdaman. Salamat po. (^^,)