Babae, huhugutin nga ba kitang muli sa aking tadyang?

sinta isaac's picture

 

ga'no ka nga ba kahalaga sa aking buhay?

ikaw nga ba ang pag aalayan ko ng aking kamatayan o ang dahilan ng aking muling paghinga sa bawat sandaling ilalagi ko dito sa mundo na ang tanging yakap sa gabing malamig ay ang sakit ng iyong paglayo?

tuluyan ko na nga bang llagutin ang taling nagbibigkis sa iyo mula sa akin at hayaan ang aking kaluluwang matangay sa laot ng pag iisa at pagdaramdam?

Lumayo ka sa akin dahil ayon sa iyo'y hindi kita kayang ibigin sa paraang nais mo. minsan, ang bawat palatak mo'y rumirindi sa aking tainga, ang mga iyak mo'y sumusugat sa aking damdamin, ang sakit ng iyong mga salita'y ikinatitigil ng aking dugo sa pagdaloy... minsa'y masyado kang nagiging maingay, minsa'y bigla kang magiging malambing pagkatapos ng mahabang pagsusungit... minsan nama'y hindi na kita kayang patigilin sa pagsasalita na tutuldukan mo ng napakahabang katahimikan. tuwing tinatanong ko sa iyo kung ano ang nais mo'y "wala" ang iyong tugon, ngunit bigla ko na lamang maririnig ang iyong reklamong hindi ako marunong manuyo at hindi ko kayang basahin ang nasa isip mo...

napakahirap mong intindihin. ang maliit na pagtatalo'y lumalawig sa napakahabang argumento na wawakasan natin sa iyong paglayo, pagbagsak ng pinto, at hindi pagpapakita ng isang linggo.

hindi ko naging gawain ang pagsasabi ng salitang mahal kita, kaya't ito'y laging laman ng iyong mga hinanakit. kailan ko nga ba maaaring sabihin na sawa na ako sa iyong mga pagdududa? sa iyong walang hanggang pagseselos? sa iyong pusong nilalamon ng pag aalinlangan at agam agam? kailan?

bakit ba sa tuwing tayo'y nagtatalo, pinaparamdam mo sa akin na ikaw lamang ang may karapatang magalit at sumigaw dahil sa ating dalawa, ako ang salat sa pang unawa?

ngunit hindi kita kayang kalimutan o hayaang tuluyang lumayo sa akin, dahil wala ng tutulad sa malumanay mong mga ngiti, sa mahiyain mong mga tingin, sa mabining haplos ng malambot mong kamay, sa mainit mong yakap, sa napakatamis mong ngiti, sa iyong pagmamahal na hindi kayang arukin ninuman...

babae...

Huhugutin nga ba kitang muli sa aking tadyang...

o itatanim sa aking puso magpakailanman?

 


aireen's picture

haaayyy.. ang ganda naman

haaayyy.. ang ganda naman sinta!

bout sa question mo.. itatamin n lang sa aking puso ang sagot ko.. :p

mas sweet yun d ba? :D

 

cheers!

aireen

 

sinta isaac's picture

Oo tama ka.

Oo, mas sweet 'yon, itanim ang taong mahal mo sa iyong puso. (ang drama ko, toink)

Thanks aireen.

pasagot din sa tanong mo....

itatanim ka sa aking puso at aalagaan magpakailanman upang maging matatag ang pagkapit, bagyo man ay dumaan.  Nang di na muling mahugot sa aking tadyang at makasama hanggang wakas.

hehehehe

 

sinta isaac's picture

:)

Nakakatuwa naman ang comment mo. sana lahat ng tao ay katulad nating mapagmahal.

Charing. :)

hahaha

hopeless romantic lang hehe

mapagmahal naman ang mga tao.. iba-iba lang ng paraan.. ;)

 

magmahal lang tayo ng magmahal! :D

 

 

 

Rhea Stone's picture

ang hirap talagang ispelengin...

ni Eba...

 

Sabi nga ni Nietzsche:Women are considered deep - why? Because one can never discover any bottom to them. Women are not even shallow.

(*sigh*) Ano ba kasi ang gusto ng Eba dyan sa blog mo? 

sinta isaac's picture

dahil si eba dito ay isang espesyal na babae

 

isinulat ko ito noong isang araw habang nakikipag argumento ako sa isang babaeng mahalaga sa aking puso sa telepono.

Marami s'yang gustong sabihin ngunit hindi naman niya maisatinig, marami s'yang gustong maramdaman ko ngunit hindi n'ya magawang ipadama...

ang gusto n'ya, pumasok ako sa utak n'ya at himayin ang lahat ng emosyong nagkukubli doon.

 

salamat.

RJ Santos's picture

Sinta, wag ka na ulit

Sinta, wag ka na ulit mawawala please? :) Na miss ko talaga ang iyong pagkamakata.

* * *

http://rjsantos.authorshaunt.com

sinta isaac's picture

Salamat RJ

Ikaw talaga kahit kailan, lagi mo na lang ako pinapangiti.

Salamat kapatid sa iyong pananabik,

ako ma'y gayon din.

Adlesirc's picture

=(

sa buong araw na 'to, ngayon ko lang naramdaman na may puso pala ako. naantig kasi ako e.

 

 

mahirap ispelengin ang mga babae, trust me. I know.

sinta isaac's picture

Oo nga...

 

Oo nga... kasi minsan, hindi ko din kayang ispelengin ang topak ko.

 

Araw araw kong nadarama ang puso kong tumitibok, ngunit bakit ang pintig niya'y kinukulangan ng pagsuyo?

 

magandang araw sa iyo adle.

hmmmmm

this was a nice piece of art.

i like it!

... every part has its own meaning...

sinta isaac's picture

thanks

salamat sa iyong pagbabasa...

 

:)

sinta isaac's picture

nga pala

ito ay hinango ko, hindi sa tele drama ni marian at dingdong,

kundi sa isang comment sa akin noong nagdaang buwan.

... ikaw ang babaeng paulit ulit kong huhugutin sa aking tadyang...

RJ Santos's picture

Ni Sangkalupaan? Ba't kaya

Ni Sangkalupaan? Ba't kaya pati siya parang di ko na rin nakikita...

* * *

http://rjsantos.authorshaunt.com

Sangkalupaan's picture

jejejeje

 

musta mga people? nakakatawa, last january 10 pako nag email kay noid regarding sa validation ng acnt ko, I was thinking bakit di ako na o authenticate ang acnt ko, then after a few weeks, kass told me na baka daw mali ang email add na pinag sendan ko, and shes right. jejejeje.

hindi ko naman xa namiss, mag ka friendster naman kami and nababasa ko pa din ang mga stories n'ya sa writers net.

hi rj.

RJ Santos's picture

Hi din Sangkalupaan! Inggit

Hi din Sangkalupaan! Inggit ako. Personal friends kayo. :D

* * *

http://rjsantos.authorshaunt.com

Sangkalupaan's picture

ui..

nag send ako ng message sa fs mo, basahin mo, sigurado matatawa ka.

dapat nga ba ako ma touch at inihango mo 'to sa comment ko syo? you could lose some weight sige ka, ikakasal na ate mo sa april, 'di ka makakapag gown. jajajajaja.

Uhmwah!

bading ako syo.

sinta isaac's picture

odatnarat ka talaga

kaya nga eh, 'di umeepekto sa 'kin ang banana diet :)

dapat lang na matouch ka, kundi... sige ka, noli noli na naman tayo. :)

'di pa 'ko nag bubukas ng fs, alam mo naman kung ga'no ako katamad mag friendster.

sa uulitin gen. ingat.

jonsdmur's picture

Itatanim sa aking puso!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

nice post!

jonsdmur

sinta isaac's picture

thanks!

thanks jon...

gusto ko ang paraan ng pag gamit mo ng kulay pula sa iyong kwento.

artistiko.