Babae: Ito ang iyong Pangalan
Babae: Ito ang iyong Pangalan
Ni Kislap Alitaptap
03 Marso 2009
Ang sabi ng aklat at ng lipunan:
Ikaw ay hinugot sa kanyang tadyang.
Kaya ganun na lang, kung ika’y kanilang,
Pagtatadyakan, alipinin, angkinin,
At ituring na ari-arian.
At nang kanila ng pagsawaan
Ang pagyurak sa iyong katauhan,
Iniwan ka sa kawalan at patuloy
Na pinagkaitan, ng iyong karapatan,
katauhan, at pangalan.
Babae, ito ang iyong pangalan:
Gaya ng pangalang Tandang Sora,
Lorena Barrios at Gabriela Silang.
Gaya ng pangalang Hazel Joyce Panganiban
At Rachelle Mae Palang.
Babae, Oo, ito ang iyong pangalan,
Ito ang iyong larangan.
At higit anupaman…
Hindi ka hinugot sa tadyang,
Ng kung sino man.
Dahil, ikaw ay babae…
May karapatan, may katauhan at may pangalan.
Babae, isanib mo ang iyong pangalan:
Sa mga makina ng pagawaan,
Sa mga barung-barong ng kalunsuran,
Sa mga alitaptap ng kanayunan.
Babae, isanib mo ang iyong pangalan,
Sa isang larangan, na magpapalaya
Sa iba pang pangalan,
At sa iyong pangalan.
Babae, ito ang iyong pangalan.
Nasa pakikibaka, ang iyong larangan. #
March 8: International Women's Day Rally
Let us join the Women's Day rally this year to further the struggle for women's emancipation and to celebrate with GABRIELA on our 25th anniversary.
Oras:
Lokasyon:
taralets!
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
Salamat sa information.
Salamat sa information. Gusto ko sana sumama. Sana maging matagumpay ang pagdaraos ng rally na ito.
Nga pala,.. napakaganda ng iyong tula. Wala akong masabi. Ginising muli ang aking dugong feminista.
Salamat kislapalitaptap
: )
Babae, Oo, ito ang iyong pangalan:
Ikaw ang tubig, na iniinom
Ng malawak na kaparangan,
Ikaw ang hangin, na pinagpupugayan,
Ng hilaga, timog, kanluran at silangan,
Ikaw ang init, na bumubuhay sa sangkalupaan,
Ikaw ang tambuli, na nagbabandila ng kapayapaan,
Ikaw ang tula, na binibigkas ng kalawakan,
Ikaw ang bisig, ng nakikibakang sambayanan,
parang medyo exagerated lang ang part na ito.
oi...
...inaasahan ko ang mga kababaihan na unang magkomento dito...
siguro kaya sila hindi nagkomento dahil...nasobrahan ba...
baka nagkamali lang din din ako ng pag-unawa sa sinabi ni tserman Mao...
Women hold up half the sky.
try kong balikan mamayang gabi yung tula.
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
tama ang sabi ni Mao, kaya
tama ang sabi ni Mao, kaya lang sa pagkakasulat mo, parang buong langit na ang pasan nila.
Para sa romantiko, magugustuhan nila ang bahaging ito, pero kilala mo naman ako. hindi naman tayo ganoon, di ba?
aha...
suggestion lang...
bakit hindi ka humugot mula sa aktwal na karanasan mismo, mula sa mga halimbawa sa kasaysayan ng mga babaeng tinutukoy mong nagsanib ng kanilang pangalan.
ah...
pwede...
parang si Lorena Barrios, Parang si Mika, Parang si Gypsie, parang sila...
sige, balikan ko mamayang gabi, at subukang maipost bukas o sa lunes na.
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
wag mong kalimutan ang
wag mong kalimutan ang paborito ko ha, si Tandang Sora.
ah sige...
....magmungkahi ka pa ng iba pang pangalan ng kababaihan na isinanib ang kanilang pangalan sa, natatanging larangan.
may kakilala ka bang mga babae ng tsina na pwede kong ipasok?
may naiisip n kasi akong linya eh.
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
wala rin akong kilala. pwede
wala rin akong kilala. pwede siguro iyong asawa ni mao, iyong pangalawa. pero hindi ako pamilyar sa kanya, alam ko lang isa siya sa Gang of 4
ah sige...
...kung wala din akong maisip...
kahit yung mga kakilala ko na lang din ang ilagay ko... lorena, tandang sora, gypsie, mika atbp. pero mas maige sana kung mas maraming pangalan...
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
ok na iyon. iconic naman na
ok na iyon. iconic naman na ang mga napili mo. pwede na nilang katawanin ang halos lahat ng kababaihan.
ah sige...
...tatadtarin ko ang bahaging ito mamayang gabi.
sige, hanggang sa muli!
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
hmmmm... maganda
hmmmm...
maganda kislap..
salamat at bukas ang iyong isipan sa mga karapatang pang-kababaihan...
cheers!
aireen
...ate aireen...
...gaya rin naming mga lalaki, kabilang kayo sa hanay na pinagsasamantalahan ng kasalukuyang sistemang panlipunan, ang inyong pakikibaka ay hindi hiwalay sa aming pakikibaka.
pero sa totoo lang, mas masaklap ang sitwasyon ng kababaihan sa ngayon, kumpara sa kalgayan ng kalalakihan.
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
sang-ayon ako sa iyo
sang-ayon ako sa iyo kislap..
Sana'y dumami ang isang tulad mo..
naibigan ko ang pagbabago sa tula mo.. mas mahusay!
tagni!
cheers!
aireen
...
...yaan mo ate aireen.
salamat sa iyong suporta, sa mga akda na may temang ganito.
hanggang sa muli!
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
...
At higit anupaman…
Hindi ka hinugot sa tadyang,
Ng kung sino man.
Dahil, ikaw ay babae…
May karapatan, may katauhan at may pangalan.
Perfect!
nakaka touch sa parte naming mga babae ang iyong tula.
kaming mga babae ay parang tsaa, hindi mo malalaman kung ga'no kami katapang hanggat hindi mo kami inilalagay sa mainit na tubig.
...
A sorta fairytale with you...
oi...
...salamat!
bagamat may bahaging kahinaan pa rin ang tula na ito.
tulad nung nakita ni Diwa.
balikan ko ito mamayang gabi...at subukang ipost yung bago sa linggo.
tagni, sinta!
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
Parang ang sarap bigkasin....
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Kung ito ang babasahin ko sa harap ng maraming tao siguro mababasa ko ito ng maganda...
Nagustuhan ko lang....
jons
...
...magandang gabi jondsmur!
salamat sa pagbasa!
may bahagi na akong binago sa ngayon.
tsek mo ulit kung magugustuhan mo pa.
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
GALING
SARAP GAWING SABAYANG PAGBIGKAS.
galing kuya.
sige...
...pag nagtagpo tayo sa isang poetry reading... bigkasin natin ng sabay ha.
may binago akong bahagi sa tula, tsek mo lang ulit.
naging romantiko ksi yung dating ng unang gawa eh.
hanggang sa muli!
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
mas ok na. pwede nang
mas ok na. pwede nang bigkasin sa marso 8
hahaha!
...ginawa ko yang bahaging yan habang naglalakad ako kanina.
dadagdagan ko pa nga sana ang mga pangalan, kaso wala na akong kakilala eh, hindi ko rin alam ang tunay na pangalan nung iba kong kakilala.
makapaghanap nga ng pwedeng benyu, sabik na din ako na basahin ito sa harap ng mga kababaihan.
salamat sa paabot na pagsusuri kanina. di ko nakita yun eh.
tagni!
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
ok lang basta ikaw. alam
ok lang basta ikaw. alam kong isa ka sa mga magagaling magsulat dito, lalo na't makabuluhan ang marami sa mga akda mo. kaya gusto ko lang ring makatulong sa mas mahusay na pagpapalaganap ng mapagpalayang kaisipan dito.
oi...
...sala-salamat.
pero hindi nman ako magaling magsulat.
nag-aaral pa lang.
hanggang sa muli!
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
mas gumanda lalo....
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
ang galing mo talaga... sana maging makata rin ako.....
jonsd
...
jonds,
lahat naman tayo ay mga makata, kailangan nga lang na isulat.
isulat mo...sulat lang.
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
ikaw naman, ayaw mo pang
ikaw naman, ayaw mo pang aminin. totoo naman. isa ka sa mga pinakamagaling tumula dito, hindi lang dahil sa magagandang salita kundi lalo pa sa nilalaman.
...
...ito si Diwa, ankulit!
di ako mahusay tumula noh. :-)
tagni!
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
happy international women's
happy international women's day!!!!
salamat sa pagpapahalaga sa mga kababaihan!!!
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
...
Abante Babae, Palaban, Militante!
sa paglaho ng uri!
...
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
yeah...
astig. hehe. aliw tlga ako sa mga kaisipang mapagpalaya. meron pa rin palang mga lalakeng may pakialam sa damdamin ng mga kababaihan. galing!
-gie ann
...
gie ann,
opo naman, hindi naman po lahat ng kalalakihan eh, nakakahon na ang pag-iisip sa kung ano ang nais ng simbahan at ng lipunan.
maligayang pandaigdigang araw ng kababaihan!
hanggang sa muli!
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
Sunday, 08 March
Sunday, 08 March 2009
Rebelyn: rebel leader's daughter dead at 20
Carolyn O. Arguillas / MindaNews
Friday, 06 March 2009 17:27
DAVAO CITY (MindaNews/06 March) – She would have celebrated her 21st birthday on March 20 but teacher Rebelyn Maasin Pitao now lies inside a white casket at the Palermo chapel, Cosmopolitan Funeral Homes here, her long-sleeved white lace blouse and yellow skirt hiding the torture marks and stab wounds from an ice pick, but not enough to hide markings on her left wrist.
The “evil, vicious men from the military intelligence group,” her mother Evangeline says, “abducted, tortured, raped and stabbed to death” Ivy, Rebelyn’s nickname.
“Two stab wounds here, above the breast, one of which hit the lung; two under the breast, one of which hit the liver, another one here… five stab wounds from an ice pick.. markings from a three-centimeter rope around her neck… eyes blindfolded using a packing tape, apparently hit by a blunt object,” Evangeline says in Cebuano, describing how “grabe ka-brutal” (very brutal) the “evil, vicious men from the military intelligence group” were to her daughter.
“Gilamigas na mam gud daw na sya,” her body was infested with ants when found, her elder sister Rio, a nurse, explains to friends asking what happened to Rebelyn’s left wrist.
Image
Evangeline Maasin Pitao, Rebelyn's mother. MindaNews photo courtesy of Rene B. Lumawag, Pixels & Cutlines
Evangeline says her daughter violated no law, harmed no one and was “prayerful.” She taught elementary students – Grade 2 and Grade 6 -- as a substitute teacher at the St. Peter’s College in Toril and her mother says she was due to be a regular teacher, soon.
Her only “crime,” if at all that is a crime, is having been a daughter of Leoncio Pitao alias Parago, an elusive commander of the New People’s Army (NPA) who has put to shame many a promising military official in the last two decades.
Evangeline blames her daughter’s abduction Wednesday night and her having been found dead the next day on the “evil, vicious, military intelligence group, 100 per cent.”
In response to Evangeline’s accusation, Major Randolph Cabangbang, spokesperson of the Eastern Mindanao Command told MindaNews, “we are cooperating with the Philippine National Police in their investigation. We are also having our own investigation.”
The National Democratic Front of the Philippines in a statement signed by NDFP peace panel chair Luis Jalandoni held President Gloria Macapagal-Arroyo and Executive Secretary Eduardo Ermita “responsible for this dastardly violation of Rebelyn Pitao's right to life.”
“It is likewise a blatant violation of the Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law,” he said, adding that Arroyo’s and Ermita’s “frustrated satanic desire to defeat the New People's Army and in particular kill or capture NPA Commander Parago, nom de guerre of Leoncio Pitao, has led them to commit grave violations of international humanitarian law and the CARHRIHL. In June of last year, the brother of Commander Parago, Danilo, was abducted and killed in Tagum City.”
Image
Grandma weeps. MindaNews photo courtesy of Rene B. Lumawag/Pixels & Cutlines
Rio says she, Rebelyn and their brothers -- Ryan, the eldest; Reynante, after Ivy and the youngest, Redford -- have had to live with military surveillance since their father was arrested in the late 1990s. But between the girls, it was Rebelyn who had a routine of home to school, school to home. Evangeline says Rebelyn would leave the house at 6:30 in the morning and be home by 6:30 p.m. or by 7. Rio’s eight-hour shift schedule at a government hospital downtown was erratic it made surveillance by anyone, problematic.
Rebelyn’s routine or pattern was easy to follow. From school, she would go to the tricycle terminal along the highway for the six-peso ride home to Bago Galera. That was the same routine she followed on Wednesday night.
Evangeline narrates that based on the account of motorcycle driver Danny Pelicano, Rebelyn, boarded his tricycle first. Over the years, drivers and passengers on this route have become familiar with each other.
Pelicano said a man who was not a regular passenger, entered and sat in front of Rebelyn. Another man entered and sat beside the driver. A female passenger also boarded the vehicle. They were still waiting for one more passenger when one of the men said he’d pay for the vacant seat.
Some 300 meters from the highway, along a dark, deserted portion of the road, somebody from a parked white van flagged the tricycle and together with the two male passengers who rode with them from the highway, forcibly dragged Rebelyn into the van, Pelicano reported.
The female passenger managed to run. Pelicano said he was warned he would be killed if he ran. As he was running, he said, he heard Rebelyn scream for help.
Pelicano reported the abduction to the nearest police station before informing Rebelyn’s family.
Rebelyn was found dumped late Thursday afternoon in an irrigation canal somewhere in San Isidro, Upper Tuganay, Carmen, Davao del Norte and was brought to the Villa Funeral parlor in Panabo City.
Rio recalls her mother received a text message from a reporter about a corpse at the funeral parlor. Evangeline says that when the body was described, she immediately knew it was her daughter. They rushed to the funeral parlor in Panabo City, some 30 kilometers away and saw her in the morgue late Thursday night. The body was brought to Davao City.
An autopsy has been conducted but as of 2 p.m. Thursday, the result had not been made available. A cartographic sketch of one of the male passengers has been released, based on the tricycle driver’s description.
“If they are angry because they can’t get my husband, they should go up the mountains and look for my husband there.”
Evangeline says her husband has communicated with her by mobile phone and his first question was if it was Rebelyn at the Villa Funeral Parlor.
Before she lost a daughter, she had almost lost her eldest son to “evil, vicious men of the military intelligence group.”
“Natulak pabukid” (Pushed to go up the mountains) was how Evangeline describes what happened to Ryan, a graduate of automotive school and a “habal-habal” (commercial) motorcycle driver.
Harassed by suspected military intelligence agents about two years ago, Ryan felt it was safer up in the mountains with his father. He has since joined the revolutionary movement that his father had long embrace, his mother acknowledges.
“Way magrebelde kung walay magdaug-daug,” (There will be no rebels if there are no tyrants), Evangeline said, adding if killing of innocent civilians goes on, “dili maundang ang rebolusyon,”(there will be no end to revolution). (Carolyn O. Arguillas/MindaNews)









...
...sa March 08 pa yung Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan, kaya sa March 08, ko pa sana ito ipopost dito. Kaso, baka hindi na ko magkaroon pa ng pagkakataon na ipost ito sa darating na linggo. kaya, eto na.
unang subok sa pangalang Kislap Alitaptap na bumuo ng tula bilang ambag sa pagpapalaya ng hanay ng kababaihan.
Mabuhay ang hanay ng kababaihan!
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
www.upalphasigma.org