Babae mo, babae ko, babae nating lahat.
Bebot, chicks, chikas, chiching, chikabambam at kung anu ano pang tawag sa mga babae na naiimbento ng mga taong manyakis at adik sa kanto. Para sa ibang lalaki, ang mga babae ay minamahal, inaalagaan, pinagsisilbihan, ginagalang, ginagawang prinsesa, hinahalikan sa paa at niroromansa ng walang katapusan. At sa iba naman, ang babae ay pampalipas oras, ginagamit, nilalaspag, inaanakan, pinaglilinis ng kubeta, pinaghuhugas ng pinggan, pinabibili ng meryenda sa kanto at iniiwanan lang.
Napakaraming babae sa mundo, sa loob ng isang minuto anim na batang babae ang isinisilang sa buong mundo. ibat iba ang itsura, laki, hugis, kulay, buhok, ugali, pananamit at ibat iba rin ang mga magiging trip sa buhay. Kaya kung bakla ka at sinusumpa mo ang mga babae dahil sa tingin mo ay kaagaw mo sila sa mga gwapo at machong papito, huwag ka nang umasa dahil hindi sila mauubos. Sa dalawangput siyam kong nabubuhay sa mundo, bat ibang klase ng babae ang nakasama at nakilala ko. Ito ang ilan sa kanila:
Merong mabait, suplada, nakakaloka, pilya, sexy, maganda pero pangit ang ugali, pangit pero mabait, maarte, malandi, pacute, pa fall, kuripot, galante, virgin, conservative, wife material, liberal, prangka, mapera, emosyonal, malabong kausap, selosa, mabaho ang hininga, malibog, maporma, drug adik, sobrang libog, mga mukhang lalaki, naliligo sa pabango, naliligo sa baha, mahilig magpa pedicure, mahilig magalaga ng pusa, nag-aalaga ng kuto, mahilig magpa spa, mahilig magpasundo sa kung saan saang lugar, mahilig mag babytalk (na sobrang nakakaasar), mahilig mangurot (na nakakapikon), mahilig mag english sa tuwing nakakainom (na nakakatawa), mahilig mag starbucks (hindi ko alam kung ano meron sa kape nila kung bakit gustong gusto ng kabataan), paimportante, mahilig kumain sa labas, mahilig manood ng sine kahit walang magandang palabas, mareklamo, mga babaeng merong syotang tibo, mga pasosyal, mahilig sa pekpek shorts, lasenggera, malaki ang pata, chain smoker, ginawin, mainitin ang ulo, tambay sa bahay, masarap magluto, hindi marunong mag saing, agresibo, mahilig magpa pasaload at marami pang iba. Sabi nga nila: So many girls, so little time.
Marami rin akong nakikita at nakasalamuhang babae na mukhang barya o sumasamba sa pera. Ayus! Pera na ang bagong Diyos para sa kanila. Madalas mong makikita ang mga babaeng ito sa mga lugar na pinupuntahan ng mga kabataan sa gabi para uminom, tumambay, sumayaw na parang mga kitikiti, magenjoy at magpakalasing. Mga babaeng hihingi muna ng xerox copy ng salary certificate mo bago sila magbigay ng cellphone number. Mga babaeng Ingles ng Ingles pero kung papakinggan mo talaga, mali mali naman ang grammar. Mga babaeng maaarte na magtatanong muna kung may kotse ka ba o kung anong klase ng kotse ang minamaneho mo bago sila sumama syo para mag palibre. Peksman! Alam at nadedetect nila kung hiniram mo lang sa tatay mo ang dala mong sasakyan. Ibang klase, sa totoo lang karamihan sa mga babaeng ito ay hindi naman talaga mayayaman, sila yung mga nagpipilit maging sosyal, mga social climber ika nga, hindi na mapigilan ang pagdami nila (siguro dahil sa hirap na rin ng buhay) mga nagpapanggap na mapera para makabingwit ng matabang isda na pakalat kalat sa kung saan saang bar sa Pilipinas na handang magtapon ng pera para sa kanila. Yung tipo ng babae na kapag mayaman ka at didiskarte sa kanila, wala pang tatlong oras maga i love you na sayo! Haha! Puta nakakatawa! Para sa akin napaka espesyal ng salitang yan, hindi dapat basta binibitawan kung hindi naman kayang pangatawanan.
Meron din namang mga babae na nakakatuwa at parang lahat na yata ng biyaya ng langit ay sinalo nung sila ay isinilang sa mundo. Yung tipong hindi mo maimagine na tumatae. Sila ang mga babaeng sobrang bait, sobrang mapagbigay, sobrang understanding, sobrang maalalahanin, merong mala porselanang kutis, merong maputi at makinis na kilikili (parang yung sa commercial ng rexona, walang guhit) may katawan na katulad ng kay Carmi Martin nung kabataan niya at hindi nasisilaw sa kinang ng salapi dahil meron silang kayamanan na kayang bumili ng 85 metric tons ng cocaine at bilhin ang kalahati ng Antartica para gawing bakasyunan sa tuwing tag-init. Meron din silang mukha na bawal tubuan ng tigyawat o ng kahit anong karne na pwedeng tumubo sa mukha katulad ng mga tumutubo sa mukha mo.
Sila ang mga babaeng hindi kayang abutin kahit ng pangarap mo, mga babaeng mailap at mahirap mahanap, mga endangered species, mga babaeng nakikita mo sa mga poster na nakalagay sa kwarto ng cool uncle mo, mga babaeng pang leading lady ng mga action star sa Pilipinas ang dating at mga babaeng pinag jajakulan mo lang bago matulog. Kung makaka tsamba ka ng ganitong klase ng babae sa buhay mo, kahit may syota kang iba, gahasain mo na! (joke lang).
Sa dami ng babae na nakilala ko, meron talagang mga tanong at bagay na mahirap maintindihan.Talaga bang masungit sila sa tuwing merong buwanang dalaw? (dahil hindi ko napapansin) Bakit palaging puno ng abubot ang mga dala nilang bag? Bakit may mga babaeng trip magpahaba ang buhok sa kilikili? Bakit matagal silang gumamit ng kubeta? Bakit tatlong taon silang magbihis sa tuwing may lakad o may date? Bakit mahilig silang magpaasa ng lalaki? Bakit pinagmamalaki nila ang kanilang tan lines? Bakit sila mahilig magpahid ng mga kung ano sa katawan? Bakit patagilid ang tingin nila sa tuwing kinukuhanan ng litrato? Bakit mahina ang aching nila? Bakit mahilig silang mag tsismisan? Bakit mahilig silang magpapayat? (kahit mukhang bungo na) At bakit parang meron silang sinumpaang tungkulin na maglagay ng pulbo sa mukha mayat maya at tumingin sa salamin, natatawa talaga ako tuwing naaalala ko ang dating kaopisina na maitim pa sa gabi, nag kukulay gray ang mukha nya sa tuwing nilalagyan niya ito ng pulbo.
Babae? Oo. kailangan natin sila, aminin man natin o hindi, isa sila sa mga kukumpleto sa isang parte ng pagkatao natin bilang mga machong lalaki. Masarap isipin na sa bilyon bilyong babae sa mundo, merong isa na importante at espesyal para sayo. Bukod sa nanay mo, meron kang tinatawag na asawa o nobya. Bilib ako sa mga magkakapareha na umaabot ng lima, sampu, dalampu, limangpung taon sa isang relasyon. Hanep! Ang galing! Mapalad ka kung natagpuan mo na ang babaeng makakasama mo sa pagtanda. Sa dami ng temptasyon at mga away na walang kabuluhan katulad ng Tangina! Bakit cornbeef na naman ang ulam?!?! Parang napakahirap tumagal ng ganun. Minsan ka lang mabubuhay sa mundo kaya para sa mga single na binata diyan at ready to mingle katulad ko, pumili ka ng isang babae na babagay, makakasundo at hiyang sayo.
PS: Hindi ako sexist at lalong hindi mapanghusga. Ito ay simpleng pananaw at opinyon ko lang sa nabanggit na pamagat. Pwede kang maging kritiko at sumalungat kung sa palagay mo ay merong mga naisulat na hindi maganda o kumurot sa isang parte ng body organ mo ok? Peace!
Welcome to FW!
Post ka pa...
You know what's worst than censorship?
It is self censorship...
"pinag j*J*kul*n mo lang bago matulog."
Pinagjajackolan ba ang nais mong sabihin?
Tama ka Dyeppri, medyo sexist at macho nga ang tema.
Pero basahin ko na rin muna bago ako magbigay ng critique.
hahahaha.. naaliw ako sa
hahahaha.. naaliw ako sa post mo ah!!!
"Boys can't live without girls..."
Oo medyo sexist nga!!
Bro kung babae ka pwede mong masabi ang mga bagay na ito, kaso lalaki ka eh. Medyo tyak hindi pantay ang magiging pagtingin mo. At medyo iba ang magiging dating.
Pero gusto ko yung paraan mo ng pagsulat, parang yung sa Radioactive sago project, parang yung kanta nilang "AYOKO NG BABOY"
Ipagpatuloy mo lang, try to make a balance writing.
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
Anong pinag-iba ng
"Bukod sa nanay mo, meron kang tinatawag na asawa o girlfriend."
Anong pinag-iba ng Nanay, girlfriend at asawa mo sa mga babaeng pinajajackolan mo at ikinahon mo sa stereotypes na ipinresenta mo sa essay?
Hmmm... PAre, equality ha. We are talking about womyn in general, respect tol.
Ang babae/womyn ay hindi better half o parte ng pagkalalake, sila ay separate na indibidwal na kailangang mag-grow as a human being regardless kung may lalake o wala.tulad din nating mga lalake, dapat maging malaya sila sa paglawak sa usaping sex, emotional at intellectual.
Kung sabagay, kung ang babe ay sex object o manggagamit o mahina ayon sa utak ng taong kulong sa stereotypes na ipinalamon ng lipunan, e ano ang lalake?
Malibog, Maangas, mahangin, bobo at repressed ang emotional side? Hindi ba nakikita ng isang machong tulad mo ang weaknesses ng isang lalake?
PAre, be more gender sensitive...PAgagalang naman sana lalo na sa mga abanteng kababaihan.
Aminado ako kantotero ako, pero alam kong kumakantot ako hindi lang para sa pagputok ng tamod ko at pangsariling sarap... Kumakantot ako para sa shared pleasure ng dalawang taong naghihindutan na nagsasalo sa sarap ng luto ng langit.
Wasak ang komento mo 'tol!
napahagalpak talaga ako sa sinabi mo. Lahat naman yata ng lalaki ay kantotero ngunit namimili lang talaga ng kakantutin.ahihihi.
"Hindi mo ako mahal....kailangan mo lang ako!!!" sabi ng girlalooo
"Mabuti alam mo! Kantot lang ang habol ko sa'yo..." sabi naman ni boylet
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
other side of j.luna
Aminado ako kantotero ako, pero alam kong kumakantot ako hindi lang para sa pagputok ng tamod ko at pangsariling sarap... Kumakantot ako para sa shared pleasure ng dalawang taong naghihindutan na nagsasalo sa sarap ng luto ng langit.
--bow down ako tol naiyak ako.
hahahaha.
tsk. tsk. sayang tol.
bawal ako gumimik tol eeh. graduating kasi. nanay ko napaka mapamahiin. baka mangyari daw saken yung nangyari dun sa mga graduating na nasunog sa ozone disco.
basta pag nakagraduate na talaga ko, gagawa pa ko ng placard na may "j.luna, wasak ka talaga. penge redhorse."
???
Bakit may mga babaeng trip magpahaba ang buhok sa kilikili?
--- Tutol ako dito. Walang babaeng may trip ng ganito. Kasama to sa lesson ng hygiene.
Intayin mo ang post ko tungkol sa mga lalake. hehehe
good afternoon!
Hahaha! May nakasabay ako
Hahaha! May nakasabay ako dati sa FX na babaeng mahaba ang buhok doon. :D
* * *
French women ...
They leave their blonde hair long in their armpits.
A little fun trivia from Pmel:
Way back in the 1920's, known as, "The Roaring Twenties", female fashions allowed some skin. Mainly legs and arms. So it's been suggested that this is when armpit shaving became necessary.
Records reveal that armpit shaving was further spurred by an ad campaign in the 1920's, run by the Wilkinson Sword Company, that underarm hair was not hygienic or feminine.
But back then, not every female was wearing the daring, although shapeless "sack", dresses that exposed so much skin.
And apparently, armpit shaving didn't really become fashionable until a major fashion magazine published a picture of a model with hairless armpits wearing an elegant, sleeveless, evening gown.
Today, armpit shaving is the norm for most females. And not just in western societies anymore. Females the world over are shaving their underarm hair regularly for aesthetic reasons. Even though armpit shaving has to be done even more often than leg shaving, because this hair grows almost twice as fast as leg hair.
To read more: http://www.hair-removal-shaver.com/armpit-shaving.html
nung nasa INDIA ako lahat
nung nasa INDIA ako lahat halos ng indian women na nakita ko dun mahaba ang buhok sa armpit. kultura ata nila yun e di lang mahaba nangangamoy pa kahit malayo ka sa kanila
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
Hi kuya...
Yung style nang pagsusulat mo naaalala ko si Bob Ong. =)
naalala ko tuloy 'yong mga
naalala ko tuloy 'yong mga comments ni rogelio sicat tungkol sa ganitong mga akda:
mapangahas! binabayo ang nakamulatang panitikan! nakagugulat!
Oo, masungit talaga kami
Oo, masungit talaga kami kapag may regla. Para mas lalo mong maintindihan, imaginin mo nagdudugo ang titi mo ng non-stop sa loob ng isang linggo. Isama mo diyan, pag tumawa ka ng sobrang lakas, magkakaron ka ng tinatawag nating "sudden gush" o biglang paglabas ng maraming regla - kadalasan ay kasama ng buo-buong gelatin-like na dugo. Pagkatapos, kung hindi ka baboy sa katawan katulad ko, kailangan mong magpalit ng napkin oras oras. Masakit ang likod mo, tiyan mo, at pakiramdam mo malagkit ka at mabigat.
Sa totoo lang di ko rin gets kung bat ginagawa ng babae ang tatlong oras mag bihis, ipagmalaki ang tan lines, magpahid ng kung ano ano sa katawan, itagilid ang mukha pag nagpipicture,at magpapayat hanggang maging invisible. Pero sa sarili kong pananaw, nagpapahaba lang ang buhok ko sa kilikili pag nakalimutan kong magshave.
ngayon ko lang nabasa ito...
sana naman huwag mong ikahon ang mga babae sa iisang katangian, ang lahat ng bagay ay may dahilan.
halimbawa, may mga babaeng sa tingin mo ay mukhang pera pero kung susuriin mo kung bakit, makikita mong napakahirap kasi ng kalagayan nila sa buhay at kelangang bawat sentimong matitipid o makukuha ng libre papatusin para may maipambuhay sa sarili o sa pamilya.
kung sa mga babaeng dinodiyos ang kagandahan o kaseksihan, mahal kasi ang science ng pagpapaganda at sa mga mayayaman lang available ang mga ito. Subukan mong pagpalitin ng katayuan ang mayaman at mahirap na babae, tingnan ko lang kung sino ang lalabas na maganda
siyempre, mayor na usapin din ang konsepto ng kagandahan. Ano ba ang laganap na persepsyon ng kagandahan? kadalasan hango sa ibang kultura, maputi, matangkad, makinis, matangos ang ilong, maliit ang baywang, malaki ang boobs etc. ang tanong, sino ba ang nagse-set ng mga pamantayang ito? e di iyung mga may kontrol sa media at print ads, siyempre kelangan ito ng mga kapitalista para mabili ang mga produkto nila na karamihan ay nagke-cater sa vanity ng tao, mapa-lalake man o babae.
sabi nga ng isang makata: Kung gusto mo akong makilala, huwag magpakahon sa panlabas kong katangian, kilalanin mo ako bilang taong tulad mo at kapantay mo ng karapatan. Hindi ko na maalala iyung exact words ng tula pero humigit kumulang ganito ang esensya.
hindi rin ako pemenista at hindi ko sinasabing sexist ka. Gusto ko lang ipaliwanag ang ilang usapin sa pagiging babae na maaaring hindi mo maarok kasi nga, hindi ka babae.
napadaan lang...














Salamat sa kwento mo.
Salamat sa kwento mo mtorres, pakiwari ko ay sexist ang dating nito. Saka ko na lang tatapusin ang pagbabasa nito kasi antok na antok na ako.
tnx
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."