Bagong Bulok Na Systema sa NBI……Ang Baluktot na Daan…
Para po sa lahat Gusto ko lang po ipaabot kung sino man sa inyo ang kukuha ng NBI na isa sa requirements sa pag-aaplay. Ihahambing ko lang kung ano ang systema Noon At Ngayun sa Pagkuha ng NBI Clearance…
NOON……..
1. It was 2001 nung una ako kumuha ng NBI clearance na ang office pa eh sa Main office pedro Gil Taft. Napakadali ako nakakuha nung time nayun.. nasa maayos na processo , kapag first time ka kukuha dun ka pipila sa baguhan na pila, pag renew nman dun ka sa renewal line….hindi yata ako umabot ng 2 oras para makakuha ng NBI clearance.
2. kapag may Ka Hit Name ka 3 to 5 days bago marelease ang NBI clearance mo.
Ibig sabihin ng Hit name may kapangalan ka na parehong pareho.. halimbawa
pangalan mo eh JUANA C. DELA CRUZ, ganun din ang ka HIT NAME mo…
3. Nung time nayun kaya madali ang processo dahil pag pasok mo palang meron na ibibigay sayong form para fill up mo hindi mo na kailangan mag hintay ng ilang oras para sa form lang.
4. Nung time nayun Hindi ganun kadami ang mga staff na nag assist sa mga applicants, hndi pa rin computerized, like finger printing manually yung ink finger print .
5. Pangalawang kuha ko it was 2009 sa carriedo quiapo na ang NBI office wala na sa Main office, Ganun din kadali ang pag kuha lalo nat renewal ako..ilang minutes lang sobrang dami din ng kumukuha pero mabilis ang daloy at processo…
6. Pangatlong Kuha ko it was 2010 kasi kailangan ng bagong NBI clearance, from quiapo carriedo nalipat naman sa Victory Mall late na ako nag punta dun let say 11am na then I was planning na after NBI papasyalan ko yung Best friend ko na nakatira malapit lang sa monumento. Dahil sa bilis ng processo natapos ko agad yun .. kahit na may ka HIT NAME ako 3 to 5 days lang ang proceso bago mo makuha…
Ito na 2011 ang TUWID NA DAAN NA………
- Yesterday from bulacan maaga ako umalis around 5:30am kasi I rerenew ko ang NBI ko sabi ko maaga me aalis para maaga din ako matatapos kasi mag sisimba din ako sa quiapo. Umalis ako I had 1 cup of coffee lang, umaasa na maaga me matatapos , maaga makakapag simba ng quiapo , at maaga makakauwi.
- Dumating ako sa NBI office around 8:15am. Dun ako nag punta sa NBI pedro Gil, pero nasa UN na daw ang Entrance office dun sa abandoned Ermita Police Station na ang BAGONG KUHANAN NG NBI CLEARANCE.
-
1. Pag pasok ko meron 3 lalake nag aasist sa May Main entrance..tingin tingin ng bag at check chek..Nagulantang ako kasi napakadaming taong nag hihintay sa aga na iyun nasa libo na yata ang taong yun, pumila ako sa huling huli nayun
2. naisip ko aba ang aga aga pa ganito na kadami ang tao. Okey…. Wait wait nakaupo kami sa parang isang pugon napakainit. Ang masakit nito sa dinami dami namin Form palang ang hinihintay namin sa mga oras na iyun.. panay tingin ko sa relo from 8:15 , 11am na kami napapasok para sa form na fill up namin.
3. Sa first floor palang kami ang processo.. Fill up Form…….Data Check…..Payment…..Encoding……Biometric photo Printing…..Releasing….
4. Alas 11:30 na nakaupo at may pagkahaba haba pa ng pila para sa Data Check palang…gutom na ako umalis ako ng bulacan na isang baso lang na coffee ang ininum ko, so medyo sumasakit sakit na ulo ko sa gutom.. ok lang iniisip ko lang na matatapos na siguro ito…Nagulat ako bakit nag stop ay 12pm na pala syempre lunch break na nila….sa data checking merong 5 na nag aasist, tapos 3 sa entrance.
5. 1pm start na ulit data checking after nun proceed kami sa loob para sa payment, tapos proceed to second floor para sa encoding.. syempre walang katapusang pila dahil WALA NA DAW RENEWAL.. BAGO AT LUMA THE SAME PROCESS. LEFT AND RIGHT BABAE AT LALAKE MAG KAHIWALAY.
6. marami nag aasist sa encoding problema sabi ay naku nag hahang na naman ang computer sege lipat kayo sa kabila imbes mapabilis napabagal na naman.. Nasa Biometric na ako sa wakas 2:30pm, aba shock ako sosyalan na ang photo printing hindi na madudumihan kamay ko..masakit pa nito sa dami dami ng mga nakapila makikita mo sila mga nag kakape at nag kukwentuhan yung mga mag aasist sa biometric photo printing…ayos ito ako na susunod aba umalis ang babae, at kumuha ng kape nag isip ako aga nman break time nito 2;30pm palang. After ng photoprinting proceed na sa Printing releasing na
1. Kabado ako expected na babalik ako kasi nga may ka HIT NAME ako , BUT I WAS SURPRISED NA 10 DAYS NA ANG PROCESSO.. it doesn’t make sense na 10 days ang release ng RENEWAL nalang at pang 4x ko na kuha ito…kumuha ako yesterday Sept. 16 and release daw eh Sept. 28…Nadismaya ako sobra sa hinaba haba ng hinintay ko , kay haba haba din pala ng hihintayin ko bago ma release ang NBI ko.. ANO TAWAG DUN PAHIRAP SA MAHIRAP, DAHIL KUNG MAYAMAN KA SURELY HINDI KA PIPILA NANG GANUN KAHABA DIBA? Yun ba pwede mong sabihing TUWID NA DAAN.. SA TINGIN NINYO NASA MAAYOS BA SILANG SYSTEMA NGAYUN?
Share ko lang po sa lahat yan para kung sino man ang kukuha ng NBI clearance may IDEA na kayo kahit renewal pa kayo dadaan parin kayo sa butas ng karayom.. mag baon kayo kasi sure magugutom kayo..hindi ko eneexpect na ganun kahirap na ngayun kumuha ng NBI clearance form palang pipilahan mo na nang ilang oras at sa dinami dami ng nag aasist ANG BABAGAL NILA…. Nakakainis lang kasi kitang kita mo na mabagal ang processo na ginagawa nila.. kasi pag fill up palang sa form kailangan mo pa mag hintay ng ilang oras para sa form lang.. nakaka miss yung dating proceso kasi kapag may old NBI ka ang dali lang hindi ka mag hihintay ng siyam siyam at hindi ka magugutuman. Aba first time nangyari sakin na kumuha ako ng NBI Clearance na nagutom ako at pumila ng sobrang pagkahaba haba..


