Bagong salta po

alunsina's picture
|

kamusta po kayo!

 

sana makilala, makabalitaktakan at mabasa ko kayong lahat.  Laughing

 

=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=

1. Ano ang pinakagusto nyong sangay ng literatura? (e.g. tula, maikling kwento, sanaysay...etc.)

Sa pinakagusto kong gawin, tula dahil, mabilis lang matapos. Kaya ang draft sa isang upuan.Tapos isang dekadang polishing. Sa pinakagusto kong basahin, mga tula at nobela.

2. Ang ang pinaka-ayaw nyo?

Di ako mapili sa written word. Kahit dyaryo sa CR binabasa ko. Kahit press release ng sabon. Maaring may kinatatamaran lang na basahin. Tulad ng  mga tulang sobrang haba at lalim na kakailanganin ko ng tatlong araw para limiin.

3. Nakapagbasa na ba kayo dito sa FW? Alin ang mga nagustuhan nyo?

Konti pa lang. Si AllanJohnAndres dati ko ng idol.

4. May nakasalamuha na ba kayo na FW Member? Sino-sino sila?

Wala pa. Maliban ng kay AllanJohnAndres na naging housemate ko nung kolehiyo. Pero di ko inaasahang andito pala sya.

5. ano ang motto nyo sa buhay? (Harharhar...slumbook!!!)

Ang Motto ko sa buhay ay Happiness! Yes. Katulad noong nasa commercial. Kung gusto mo gawin mo. Pakiramdaman mo ang puso mo at paunlarin kung ano mang nakapagpapasaya sa yo. Mahalin ang kapwa. Always give the benefit of the doubt. Magtiwalang lahat ng bagay ay mabuti. Magbigay lagi sa mga kotseng bumubusina sa likuran mo. Laging tanggapin ang isang tagay ng mga lasenggo sa kanto. Magbigay ng isandaan kung meron. etc.

 


Adlesirc's picture

hello

 

 

 

tuloy ka.  =)

alunsina's picture

Salamat. Nasa pinto na po

Salamat. Nasa pinto na po ang isang paa.

:P

CLOSET WRITER's picture

pasok lang...

maligayang pagdating :)

alunsina's picture

Magandang gabi closet

Magandang gabi closet writer.

Ako man ay isang closet writer din. Bumisita ako sa homepage mo. Nakakainggit ang listahan ng mga paborito mong akda at mga awtor.  Wala pa yata akong nababasa kahit isa sa kanila. Sabagay, halos wala naman talaga akong nababasa ngayon maliban sa ilang sanaysay na maikli lamang.

CLOSET WRITER's picture

:)

kakaflattered ka naman, binasa mo pa talaga mga detalye sa homepage ko.salamat :)

pinagmamalaki ko talaga yang mga collection ko. they are my life's treasure.sana makahiligan mo rin ang magbasa lagi ng books lalo na ung gawang pinoy.

aabangan ko mga post mo d2.

alunsina's picture

Ah, yung ex ko kase ang

Ah, yung ex ko kase ang mahilig magbasa ng Filipiniana. Naturalmente...hindi ako nagbabasa.At ng maghiwalay kami, puro political books ang naiwan sa kin.

Kaya ayan, mauunawaan mo siguro kung bakit hindi ako madalas magbasa.

Ang huli kong nabiling librong tagalog ay translation ng mga tula ni Pablo Neruda. Matagal na yon. At hindi ko na rin alam kung san napadpad.  

Malay mo, maimpluwenshahan ako ng FW na muling magsulat, magbasa at ehem, makibaka. Innocent

CLOSET WRITER's picture

:)

ok,haha...
sigurado ako, maiinspire ka d2 sa FW.

abangan kita lagi d2.

alunsina's picture

Ayan kita mo't nakiki FW na

Ayan kita mo't nakiki FW na rin ako. Me ininvite nga ako kahapon na Palanca Awardee.

Sabi ko, sign up ka naman sa FW.

Ano?

Sa Flipinowriter.com! Bingi! Palanca Awardee ka pa naman di mo alam ang FW. Tsk.

Ps.

Dami mong libro sa shelfari ah. Maari bang makibasa ng ilan? In the future, pag close na tayo ha! Kiss

CLOSET WRITER's picture

oo nga...

bilis mo maka adopt. ako one month muna bago ako nag FW FW, haha.

pang amateur lang ata ang FW kaya di alam ng mga big time writers.

bukas ang tahanan ko para ibahagi sa yo ang aking mga libro. asahan ko na maging close tayo asap :) (demanding?)

alunsina's picture

Nakupo, wag! O tukso layuan

Nakupo, wag! O tukso layuan mo ako. Warning lang po, pag napunta ko sa bahay nyo kung sakali nga't maging close tayo, ilayo mo ako sa mga libro mo. Baka bukod sa nahiram ko'y me nadekwat pa ako.

Me mga taong me sakit at mahilig mag shop lift. Ako, me sakit din. Mahilig akong mandekwat ng libro. Paborito ko yung mga librong halatang binasa na ng mahigit 10 beses. At lalo na yung me mga notes sa tagiliran.   Embarassed

CLOSET WRITER's picture

haha...

ayos ah, akala ko ako ung tukso. obvious ata pag ninenok mo libro ko kc tadtad sya from front to back page ng stamping with my signature at date of purchased. may sign pa ng author ung iba na nakapangalan sa akin syempre.

saka marami na pala akong ka-close.hahaha.joke.

alunsina's picture

Natakot. Ha ha ha.   BLOG.

Natakot. Ha ha ha.

 

CLOSET WRITER's picture

di naman...

na-tense lang ng konte.ayan, mukang close na tayo.haha

CLOSET WRITER's picture

pls visit my shelfari

pls visit my shelfari account if u want to see my virtual library. thanks :)

http://www.shelfari.com/darkclosetwriter

ilyana's picture

Welcome Alunsina

Pareho tayong bagong salta dito, Kaya welcome narin..

Marami kang mababasa dito, na minsan para kang ma pu put off sa contents ng iba..marami ring bangayan.

Kaya paghusayan nalang ang pagpuna...Lahat me kanya kanyang opinyon, kaya wag nalang seryosohin ang iba...

Hope to hear from your kwento one day...

♥♥-ILyaNah-♥♥

alunsina's picture

Gandang gabi ms. ilyana.

Gandang gabi ms. ilyana. Parang nagulat nga ako sa bangayan. Still magandang venue ito para matuto. Malay mo, maabot ko pa rin ang pangarap ng nanay ko na magka Palanca ako.

Foot in mouth

pagdayon camo

amos.. alunsina... ituring mong bahay mo ba to?

joke lang.

pasok ka...welcome ka dito.

http://soundclick.com/share?songid=7575636

http://soundclick.com/share?songid=7553142

"hinahang

alunsina's picture

Bakit naman hindi. Wala

Bakit naman hindi. Wala akong bahay subalit lahat ng bahay ay akin. Nyahahaha.Sealed

anakngfaraon's picture

 sana mag-enjoy ka dito at

 sana mag-enjoy ka dito at kung may  makita o mabasa ka man na nakakapanghina ng loob (dahil marami nang baguhan ang nakaranas nito) ay huwag mo na lang pansinin.  

welcome sa iyo! 

 

http://katya14.multiply.com/journal

 

alunsina's picture

Salamat miss. Dalawang

Salamat miss. Dalawang dekada na kong baguhan at awa ng dyos ay hindi pa nakakatikim ng "constructive criticism" dahil nga wala akong grupo. Tsaka pasundot sundot lang naman akong magsulat. Wala na sigurong mas sasakit pa sa sinabi ng kaibigan ko na ako ay isang "second rate, trying hard copycat". Inihahanda ko na ang loob ko.

Binasa ko rin ng konti ang blog mo. Konti pa lang dahil first day of school today at ihahatid ko ang anak ko sa school! Andami mo ng naisulat. Nakakainggit!

Ps. 

Baka naman pwedeng pakibulong ang  links ng mga bangayan na yan. At ng mabasa. Likas na tsismosa. He he.

Rom's picture

simulan na!

Pare, may hazing ang pagpasok dito. 2x4 na kahoy ang dadale sa iyo tsaka iipitin ng pliers ang mga daliri mo, paiinumin ka ng plema at tatakbo ka ng hubad sa campus---sali ka pa?

welcome! 

 

KarikaTuura

alunsina's picture

Naku natakot na nga yata

Naku natakot na nga yata ako. Di ako confrontational at ayoko ng violence! Surprised

CLOSET WRITER's picture

bakit ganon???

unfair naman ata kuya rom, bakit ako hindi nyo pinatakbo ng hubad non? baka pwede kong masabayan si alunsina?

Rom's picture

.

 e kasi kita ko mukhang kagagaling mo lang sa pulmonya e, pero sige pwede ka pa namang humabol sa oblation run ng FW pero ang ruta natin EDSA magallanes to Quezon Ave oks?

 

KarikaTuura

alunsina's picture

Ayan, hindi na siguro ako

Ayan, hindi na siguro ako mahihiya kung me kasama ako. Ako naman eh natural na exhibitionist. Mahiyain lang ng konte.

Pagtapos ng run natin, hindi naman siguro masama kung tayo ang humingi ng burger. 

Rom's picture

.

 

wehehe...ano kaya itsura nyo nang naka oblation run get-up tapos hingal na hingal kayong oorder ng burger?

 

 

KarikaTuura

CLOSET WRITER's picture

o nga no?

bakit di nga tau mag oblation run for a cause. nasa bucket list ko kc ung makasali sa ganon,haha.

daanan na rin natin ang monumento para sa mga fans ko d2.haha.

hi

pwede ba na ang ruta ng oblation natin ay sa dampalit malabon o sa reparo sa caloocan? hahahaha.

 

welcome welcome.

 

pag nagkarun ng oblation run, kanino ko kaya ibibigay ang rose ko?

dahil bago ka dito alinsuna, sayo na lang ang rose.

 

welcome.

alunsina's picture

Aba kung ganon eh dalawa na

Aba kung ganon eh dalawa na ang rose ko. (syempre me dala rin ako) Kelangan pa ng isa para wan-tu-tri, este, i love you.

Mas gusto ko nga yata sa Malabon. At least lubog sa tubig kung magkataong high tide.

Salamat sa welcome sir. (Sir naman siguro dahil jealous guy, ano?)

Ailem23's picture

welkam!

maligayang pagkaligaw sa site ng mga writers na palaging may hangin, toyo, suka at patis ang mga utak! hehehe. ngapala, ang bagong members dito, nagpapa-burdyer matapos siyang ma-hazing ni kuya rom... hehehe...

Ingatski,

melay 

****** 

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

alunsina's picture

Salamat Ms. Melanie. Nabasa

Salamat Ms. Melanie. Nabasa ko ang iyong thread hinggil sa nakawan.

On the other side of the road, me isa akong sinulat, actually trinanslate na tula ni ee. cummings at ginaya ko ang style ng isang malupit na poet na hinahangaan ko rin. Akalain mong inemail ako at tinatanong kung sya daw ba ang nagsulat ng pinost kong tula.Kase di nya matandaan at para talagang sya ang nagsulat. He he.

Which, I took as a compliment. 

Pero yung sa yo, garapalan na yun.  Kinder pa lang ako, sinabihan na ko ng titser ko na masama ang mangopya! Aabangan ko yang pure hearts mo. Smile

jonsdmur's picture

welcome

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

welcome sayo.... sana mag enjoy ka

jonsdmur

alunsina's picture

Salamat sir. Bagay na bagay

Salamat sir. Bagay na bagay sa yo ang pink. Innocent

 

noelablon's picture

welcome

Tinging-tingin ka lang diyan at makikita mo ang hinahanap mo. Totoong nakakalito dahil marami na ang naglabasang mga literature dito pero para di ka malito, ang tip ko check mo yung topmost menu, piliin mo doon LITERATURE or WORKS-IN-PROGRES. Kasi nahahalo sa mga blogs kapag pinili mo yung recent posts.

Again, welcome at hope you find your hearts desire.

 

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

alunsina's picture

Salamat sa tip sir. Gagawin

Salamat sa tip sir. Gagawin ko yan. Medyo nahihirapan nga akong mag browse.  Kase medyo iba ang set up sa mga nakasanayan kong blogs. 

Sofia's picture

Tuloy ka Alunsina! Marami

Tuloy ka Alunsina!

Marami kang matututunan sa FW...nung bago ako, winika sa akin ni G. Amos na ang FW ay parang SM "you've got it all"...at totoo yan...

Nakaka-adik ang FW...baka i-rehab ka rin..nyahahaha..

alunsina's picture

Salamat. Mapapansin nyo

Salamat. Mapapansin nyo siguro'y lagi akong online. Para makapagpakilala ng lubusan mabanggit ko na rin po na isa akong Moderator sa Sulit.com.ph sa pangalang cissmanila, admin din po ako ng ibat ibang bagong site tulad ng Mydivisoria.com (isang ads site), etong kasalukuyang siggy ko ngayon ay i p plug ko na rin, Upd8t.com po ay isang blog site) at smashingpinay.com na kasalukuyang hindi pa tapos.

Kaya, malamang pasulpot sulpot din ako dito talaga lagi. Malamang ma rehab na nga rin ako.  Smile

jealousy29's picture

hi

bago rin lang ako dito.....

welcome poh.....................

 

 

ngat.....Smile