BAGUIO, HULING GABI (ni Allanjohn Andres)
-
Naninilaw sa panglaw ang bawat pahina
ng sandali kong paglagi dito. Ngayon,
nangangasim na bula sa bunganga
ang serbesang pumapasinaya
sa aking pamamaalam.
Mabigat sa pandinig ang usap-usapan
ng mga taong walang suot na mukha
at pangalan. Kinapa ko ang baong tula
sa bulsa, pati maalikabok na litratong
nakakuwadro sa manipis na alaala
nitong dala-dalang kamera: mahabang hilera
ng pulubing naglilimas ng limos at libag
sa nanlilimahid na bangketa; manhid
na mga bata, malayo na sa malay
ng inang Igorota; nilalangaw na kamay
ng putang nakasobre sa malamlam na cafe.
Nakikipag-unahan sa paghinog ng gabi
ang kakarag-karag na taksi. Lumalayas
ang mga magkasintahang lumiliyab
sa madudugong ilawan. Habang ako,
nakamasid lang, sumisidhi ang pangangatal
sa dilim ng malalalim na tawanan.
Ayan, salamat me nag comment
Ayan, salamat me nag comment ng iba. Ayokong mauna, mahalata nilang myembro ako ng fans club mo.
Hay, Baguio. Putang ***** Baguio.
AJA, padaan lang ulit
AJA, padaan lang ulit ha...
alunsina, mukhang galit na galit ka sa Baguio ah!? sabagay, kami man sa bikol eh galit na galit rin sa bagyo dahil laging sinira ang aming palayan...
"...mapadagos sa paglakaw dawa mapagal... maski madipisilan."
hindi naman masyado sir. nag
hindi naman masyado sir. nag d drama lang. pag ganitong madaling araw, napakadaling mag paka korni.
:D
idol.....
galing mo talagang gumawa ng mga ganitong akda.... alam mo kuya hanggang hanga ako sayo...
sulat pa po kayo ng marami............
ngat......
journeyman, alunsina, jealousy29
Salamat sa pagbabasa ng akdang ito habang nagpapaantok kayo haha.
Mahigit sampung taon na mula nang unang maisulat ang BAGUIO, HULING GABI, kung kaya't natulutan ito ng pagkakataong sumailalim sa maraming ulit na pagrerebisa. Ilang linya na rin ang nadagdag at nabawas sa proseso, pero sa kabila nito, conscious kong pinanatili ang subtlety at kabuuang pagkamatimpiin ng akda.
Journeyman - salamat sa mga puna. Kayo po ang isa sa mga unang nagbasa ng trabaho ko dito sa FW. Ingat kayo palagi sa mga sinisipon, gayundin sa mga katabi sa eroplano na kung magsipag-bahing ay todo-todo.
Alunsina - na-predate ng akdang ito ang mga gunitang iniuugnay mo sa Baguio. Kumbaga, iabsuwelto mo na ako sa mga pag-aalboroto mo. Elbi pa nga yata -- partikular ang Cabrera, sa likod ng palengke -- ang higit mong dapat sinisisi.
Jealousy29 - maligayang pagdating sa iyo. Teka, pagkakataon na naman para sa aking SHAMELESS SELF-PROMOTION (shameless drumroll): http://www.allanandres.blogspot.com/ . Diyan ako unang nagpapaskel ng mga trabaho. Sana makadalaw rin kayo sakaling may oras. Maliban sa FW, saan namin maaaring i-access ang mga sulatin mo?
Ah, wala naman akong
Ah, wala naman akong sinisisi. Lalo na, hindi ang Cabrera, sa likod ng palengke. Masarap lang mag imbento ng mga sakit at alagaan na parang mga anak.
Yung isa mong bagong hala, pamatay talaga. Paminsan minsan, talagang me mga likhang nakakapag panginig ng kalamnan at kumakausap sa kaluluwa. Mga tulang gumigising sa basic instinct ko. Isa iyon sa listahan ko. Kabilang na din yung almusal na nasa blog mo.
Karamihan sa mga tula mo, intelligent. Pero yung mga paborito ko, yung mga passionate at doomed.
Kelan ka ba mag pu publish?
Syempre pa...
Pagdating sa kalibugan, sabi nila, diyan talaga ako maaasahan.haha.
(Teka, parati akong nagkaka-aberya pagdating sa pagbabasag ng mga linya ng akda dito sa FW. Nakokompromiso madalas ang dulas ng bigkas, lalo 'pag ina-attempt kong basahin ito. Kung madiskubre mo ang remedyo, pakibahagi naman sa akin. TY)
ako rin member na ng fans
ako rin member na ng fans club
ehem... ehem...
Sige, dahil diyan ibabalik ko ang pabor: magsa-sign up na rin ako sa THE REVENGE BAND mo. Kaso okupado na pala lahat ng instrumento, kumpleto na hanggang manager at groupie...
Bunga ng mga ito, ako na lang ang majorette ninyo.
nako po!!!
MR. Allan John wala po akong alam sa pagsusulat wala po akong talent dyn.... hilig ko lang po talaga ang pagbabasa....
bibisita po ako minsan sa site na binigay nio para mabasa ang mga gawa nio pa....
ngat.......... 
;-)
Pahinutulutan niyo pong ilabas ko itong uli. Kalakip ang ilang rebisyon.
respect
dark chocolate coated na may blacker choco inside. ty po sir, ang ganda.
;-)
Maraming salamat sa pagbabasa. Isang makabuluhang Pasko po sa inyo.
Superb Structure
Maganda ang tema ng tula, pero mas particular ako sa structure. Maihahambing ko ang tula mo sa "My Last Duchess" ni Robert Browning. Pa-request din uli, kung pwede ka mag-loose translate ng "The Raven" ni Edgard Allan Poe.
;-)
Salamat sa pagbabasa, Sir.
Although to be honest,mangyari di po ako kasimbihasa ninyo pagdating sa paggamay ng istruktura ng tula. Samakatuwid, kung may umiral mang batayan at naihambing mo ang trabaho ko sa "My Last Duchess" ni Robert Browning, aminado akong di ito sinasadya at pawang tsamba lamang.
Magkagayon man, itatanong ko po sana kung anu-ano ang mga salik na nag-prompt para sa natura ninyong comparison (binasa ko kasi ang nasabing tula ni Browning at maliban sa pag-employ ng Enjambments, di ko po ma-locate ang parallelism, structure-wise and rhythm-wise, ng "Baguio, Huling Gabi" sa "My Last Duchess").
Looking forward po akong matuto mula sa mambabasa at kapwa ko taga-tangkilik ng berso. Maraming salamat in advance.
isa ito sa dahilan na susundan ko pa ang mga tula ni allanjohn
isa ito sa dahilan na susundan ko pa ang mga tula ni allanjohn andres...
luvit uli.
ito yung mga tula na rock
ito yung mga tula na rock talaga. dahil di mo agad mahanap ang mensahe. galing kuya Allan. parati mo na lang akong pinapahanga. :)
-Galatea
;-)
Salamat, Galatea. Akalain mo bang halos sing-edad mo na pala itong "Baguio, Huling Gabi". Samantala, ang kakambal nitong akda -- isa pang Baguio Poem na pinamagatan kong "Hamada" -- ay nai-post ko rin dito sa FW. Sana makalkal mo, in case may oras ka.
kakalkalin ko yan minsan
kakalkalin ko yan minsan kapag di busy sa work. o, may work na. dating bata bataang member ng fw oh. haha.
talaga kuya? sing-edad ko? nakakatuwa. may mga bagay na hindi nga tumatanda. :D
-Galatea











wow!
ang galing talaga.. ito yung isa mga gusto ko.. the message is very subtle that you can not even notice it...
"...mapadagos sa paglakaw dawa mapagal... maski madipisilan."