Bahala ka na sa Pamagat

kukakk's picture

Asal bumaluktot
Wangis kukulubot
Suliranin masalimout
Sa kanta at tugtugan
Ang ibig ay kwentuhan
Sa maghapon inuman
Panay kalokohan
libangan ang maiinip
mundo nagsisikip
hanap ay kamesa
nasan ka kosa
andyan lang sila
wala na ring iba
pwede kahit sino
sama-sama sa bato
nagtataka sa asal
balisa walang aral
kaso ay hahayaan
mag-iiyak iyakan
lahat pupuntahan
lahat aasahan
sino man uutangan
di na babayaran
kaya malala ka na
sa libangan adik na
sa libingan malapit na
damay damay ka pa
tuloy sa paglagok
pati mata umuusok
baliktad ang bituka
haling na sikmura
di na maisip-isip
hilig lumalakip
sa patalim daw kumapit
ngipin nagngangalit
humanap ng aliw
hunghang na at baliw
yabang ang pulatan
bida sa kalokohan
bihasa sa kagaguhan
lulong sa kamunduhan
wala na ang baraha
walapati ang pera
pero dahil sugapa
kaluluwa itataya...
malisyang katawan
nahayok sa laman
sagad sa lalamunan
sakit sa kalamnan
tapos na ang isa
sige sige pa
maga sinapupunan
ayaw tantanan
dinugo na konsensya
tuloy ang molestya
tuloy ang ligaya
sinaid ang kaselanan
manhid sa kasalanan.
di naman sa iyo
kinukuha mo
nahiram mo lang
wala na balikan
pera ng madla
di nila matikman
nakawan harapan
bulgar na sabwatan
uhaw na kawatan
sa pera kawatan.