Baka si Betty Boop?
Baka si Betty Boop?
Isang umagang punong puno ng pangarap at pagmamahal. Last day na ng klase. Dumating na ang prof ko. Si Maam Tionko. Halos lahat ng kaklase ko sinusumpa siya. Hindi rin namen alam kung bakit ang haba ng buhay niya. Baka may sa demonyo o ano. Lagi niya kasi kameng pinapagalitan. Kapag maingay kame, galit. Kapag tahimik kame, galit. Kapag nasa gitna lang, nasa gitna rin ang galit niya. Siguro kung pwede niya kame pagbawalang huminga ay gagawin niya. Pero sandali, iba ang eksena ngayon. May dala siyang supot. Ano kaya ang laman non? Makulay e. Jolens? Kissess na nanganganak? O baka nahanap na niya ang kayamanang inaasam asam ng pangulo na matatagpuan lamang sa dulo ng rainbow?
Tsokolate lang pala. Pinagpasa-pasahan ng aking mga kaklase ang nasabing instrumento ng panguuto. Kunwari ay tuwang tuwa. Pero tingin ko, kakainin lang namen ito kapag sinabi niyang may incentive ang paglunok sa tsokolateng naglalaman ng lason mula sa palakang Bukidnon.
Ang klasrum namen. Minsan malamig, tipong nagkukumpol-kumpol kame sa gitna ng room para makagawa ng temporary incubator. Advantage: It promotes teamwork and camaraderie. Minsan mainit. Para kang nasa sauna. Tipong pwede mong katasan yung katabi at inumin ito para mapawi ang uhaw sa lalamunan mo. Advantage: You’ll get to know him/her more (In tagalog, malalaman mo kung may putok ba yung crush mo).
Siguro nakakaapekto rin ang iba’t ibang klase ng tao sa temperatura ng kwarto na ito. Merong mga taong baliw. At merong mga taong mas baliw. Walang matino. Pero lahat matalino. Lahat ay nagtataglay ng Jimminy Cricket na siya lang ang nakakakita at nakakarinig. Merong mga taong takot mapanis ang laway, ayaw pagpahingahin ang bunganga at akala mo mamamatay kapag hindi nakapagsalita. Meron din namang mga tao na kung hindi nakazipper ay nakaistapler ang bibig. Pinagbawalan siguro ng may kapangyarihan na magsalita ukol sa magaganap na laban ni Pacquiao at Dela Hoya( parang laban ni Son Goku at ni Nubita). Merong mga nature lover na hindi sinasayang ang mga papel na pinaghirapan at pinagpawisan ng mga illegal logger. Meron din namang mga future pulis na kapag hindi mo binigyan ng papel e siya pa ang galit at pagbabantaan ka pang isusumbong ka sa awtoridad sa dahilan na wala siyang papel at ayaw mo siyang bigyan. Sira ulo. Meron ding mga batang nagrarasyon ng tubig samen araw araw gamit ang mga walang kamatayang “tumbler”. At meron ding mga katulad ko. Mga batang nagbayad ng tuition fee para magdaydream, mamboso, at magmahal sa apat na sulok ng kwartong ito. Isang taong punong-puno ng pangarap at pagmamahal.
maraming salamat
maraming salamat ho!
paghuhusayan ko pa po. at isasabuhay sa mga susunod kong likha ang mga ibinahagi ninyo sa akin. :)
c Betty Boop po. hindi ko din po alam. haha. sabog po utak ko e. kamukha nia lang siguro kasi ung titser ko. hanggang ngayon po, hindi ko rin alam kung bakit siya bumait :)
may tanong ako...
di mo pala alam kung bakit sya bumait e di lalong hindi namin alam. maganda siguro kung sinaliksik mo ang natitira mong idea kung bakit nagkagayon at yun ang ibinahagi mo. kahit man lang speculation sana, kasi ikaw ang writer e.
"hoy, teka may itatanong ako...."
....
....
....
nag-antay ka di ba? kung ano yung itatanong na yun, tapos tahimik na walang salita, walang tanong, wala na.
kakainis di ba? hanggang pagtulog sa gabi iniisip mo pa rin kung ano kasunod nung "sana" ay tanong ko.
kung di buo ang kwento mo, wag na ikwento.
To Burisman and Sir Noel
Burisman - pangatlong article mo na itong nabasa ko. napansin ko laging walang kinalaman ang title sa nilalaman. or baka nalagpasan lang ng mata ko???? dito ako pinaka naaliw. madali syang basahin at natawa talaga ako. matagal tagal na rin akong hindi napapatawa ng mga posts dito sa fw e. Continue writing.
Sir Noel, ako din magte-thank you sa advice na binigay mo kay burisman, natuto din ako. sana lagi ka makakapag comment sa mga gawa namin para may dagdag kaalaman kami lagi. weee... mabuhay ka kuya!
yun lamang po, magandang gabi.
gaguhan lang
Alam mo, kaibigan, mas magiging maganda ang "panggagago" mo kung gawin mong satiriko (satire) ang mga akda mo. Magkomento ka tungkol sa lipunan, etc. Alam kong medyo mahaba-habang proseso ito sa panig mo, pero siguro naman ay nababasa mo si Bob Ong at si Pol Medina Jr.? Bakit di mo subukan ang gayong estilo? Nagpapayo lang. Maaring di pakinggan o tupdin. Mabuhay tayong lahat!
“Write in such a way as that you can be readily understood by both the young and the old, by men as well as women, even by children.” - The Great Uncle Ho (1890-1969)
susubukan ko po. nasa
susubukan ko po. nasa azeeversendecastro.blogspot.com po mga gawa ko. ung iba nkapos din po dito sa fw. salamat po ulit :)
sir noel. maraming salamat po. :)
sir noel, bago lang ho ako dito sa filipino writer kung inyong mapapansin. pero mga dalawang taon na rin ho akong sumusulat, yun nga lng ay tanging sarili ko lang din ang nakakabasa ng aking mga gawa. 2008 ho noong nagsimula akong magpanggap na manunulat (hahaha) at ang "Baka si Betty Boop" ang pangalawang bunga ng aking pagpapanggap. Pagdating ho ng kalagitnaan ng taon ng 2009 ay nahinto ang bisyong ito dahil sa dami ng ginagawa sa eskwelahan.
Ngunit noong isang araw ay may nagtulak ulit sa akin na mag-aksaya ng tinta sa isang blankong papel. Kaya muli ho akong nagbabalik. At kasabay ko nga rin po nalaman na mayroon palang Filipinowriter.com
Nais ko lamang ho kayong imbitahan na basahin ang mga obra kong pinamagatang:
"Ang MAHAL naman, nakakairita (Baka gawa sa Bigas?)" (2008)
"Isang tanong, walang sagot (Who wants to be a millionaire?)" (2009)
"Tao lang ang pangulo, nasasaktan din". (2008)
"Ako na ang bahala sa nana ng tigyawat mo, Boy Hudas" (2008)
"Hayden Kho vs. Gloria Macapagal Arroyo" (2009)
at ang pinakabago kong
"Paano ka mabubuhay kung hindi ka hihinga?" (2010)
Ito ho ang ilan sa mga nagawa ko na maituturing kong mas maganda kaysa sa "Baka si Betty Boop". Nais ko lamang ho makakita ng mga komento ng isang tulad ninyong bihasa sa mga sulat kong ito. Salamat ho ulit. :)
Mga Sir!
Eto po ang pinakalatest kong nagawa. Sinulat ko to noong isang buwan pa. Baka po may mga maikokomento kayo dito para lalo kong mapaghusayan ang pagsusulat. Maraming maraming salamat po!! Hehe. Eto poOoOowWwzZz yung link.
http://filipinowriter.com/ang-manok-mas-madaling-mahuli-kapag-itlog-pa-lang
MARAMING SALAMAT MGA BRAD! MABUHAY ANG PILIPINONG MANUNULAT!
Mga Sir!
Eto po ang pinakalatest kong nagawa. Sinulat ko to noong isang buwan pa. Baka po may mga maikokomento kayo dito para lalo kong mapaghusayan ang pagsusulat. Maraming maraming salamat po!! Hehe. Eto poOoOowWwzZz yung link.
http://filipinowriter.com/ang-manok-mas-madaling-mahuli-kapag-itlog-pa-lang
MARAMING SALAMAT MGA BRAD! MABUHAY ANG PILIPINONG MANUNULAT!







maganda...
Maganda ang iyong matatawag na short biographical sketch kaya lamang, medyo buhaghag ang pagkakaayos ng mga talata. Maaari mo pang mapakinis ito sa pamamagitan ng pagbubulaybulay o meditation sa bawat salita na iyong isusulat.
Kongkretong puna: nagsimula ka sa titser mo tapos ay bigla kang tumalon sa tsokolate na inaamala mong me lason ng palakang Bukidnon at nagtapos ka sa pangarap ng bawat bata sa loob ng klase (o kumukuha ng subject) na iyon.
Sabi nga ni E.B. White, dapat ang bawat manunulat ay matutong magsuri o magrepaso ng kanilang gawa para makita ang posibleng mga butas sa kanilang mga gawa.
Ano na ang nangyari kay titser? Bakit siya biglang bumait samantalang bugnutin siya? Iyan ang tanong na sinimulan mo kanina pero hindi mo nabigyan ng sagot.
Parang thesis din 'yan. Kapag nagbigay tayo ng katanungan, dapat magkaroon siya ng sagot - maging positibo man o negatibo o manganak man siya ng isang libong tanong na maaari rin namang sagutin ng libo pang mga sagot.
Ang transisyon kasi ang mahalaga para maging mabisa ang isang kuwento o sanaysay.
Pero, masasabi kong maganda ang istilo mong may pagkapersonal ang dating. Hindi siya mahirap basahin bagkus, nakahahatak ng damdamin ng mambabasa na magbigay ng reaksiyon sa binasa niya. Ipagpatuloy mo ito. Mabuhay ka!
P.S. At saka nga pala, ano ang kinalaman ni Betty Boop doon sa akda? Laking cartoons ako eh at si Betty Boop ay nasa higit 70 anyos na siguro. :)
“Write in such a way as that you can be readily understood by both the young and the old, by men as well as women, even by children.” - The Great Uncle Ho (1890-1969)